5:23 PM
Way Back Into Love Book 2: Chapter 3
5:23 PMAuthor's Note: Ayun, masayang masaya ako sa mga comment na natatanggap ko. Though, karamihan eh hindi ko masyadong kilala d...
Author's Note: Ayun, masayang masaya ako sa mga comment na natatanggap ko. Though, karamihan eh hindi ko masyadong kilala dahil sa hindi ko rin alam ni binabasa niyo pala ang WBIL ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong ito:
Papa JC
JM Perez
Jazzuah
Marc Abellera
Auldric Blaine
Ang mga taong kagaya ninyo ang isa sa mga support system ko sa pagsusulat. Maraming Salamat po!
Email: roguemercado@gmail.com
Email: roguemercado@gmail.com
********
North East State University: Campus Ground
It was a bright sunny morning.
Kakatuntong lang uli ni AJ sa loob
ng North East State University ng umagang iyon. Kadalasan niyang naririnig na
Mondays are like short horros stories. Kung iisipin naman kasi eh mula sa
weekends na bakasyon ng estudyante ay ang naghihintay na limang araw na klase
na siyang sukatan para magkaroon ka ng diploma.
He slowly flipped his hair na
medyo nakaharang na sa kanyang eyeglasses. Mukhang kailangan na niyang
magpagupit. He tried to observe the whole campus. It was the usual. Maraming
mga estudyante ang nagkalat. Lahat ay busy. Maaring sa mga orgs nito, sa mga
lessons o sa kung ano ang juicy gossips na meron ang Lampara Daily.
NorthEast State University is a
living showbiz ground. Lahat nagpapatalbugan. Lahat nagsasapawan. Be it sports,
performing arts at kahit sa simpleng academics. Lahat ay ayaw magpatalo. Dahil
na rin siguro sa reputasyon na meron ang kanilang unibersidad. It is one of the
most outstanding universities in the Philippines kaya naman ay hindi rin
masisisi ang mga estudyantedng naririto kung bakit ganun sila ka-competetive.
Being in this school is like their
ticket to a brighter future. Ilang showbiz royalties na ba ang graduate sa
kanila. Ilang renowned journalists, writers, scientists at iba pang career ang
tatak NESU. Some people brand their schools as pretentious maka-masa school.
State university na elitista ika nga ng karamihan. Mura ang tuition, mataas ang
standards at maraming kontrobersiya na nagpapasa-pasa sa bibig ng mga taong
naririto.
Bata pa lamang siya ay gusto na
niyang maging isang NorthEasternian dahil na rin sa mga kwentong naririnig
niya. Noong bata pa siya at may mga taong bumibisita sa kanilang bahay ay agad
niyang naririnig ang mga kwento tungkol sa North East State University. Ang
kanyang ama na si Jose Carlos Malvar ay dito rin grumaduate. Kaya hindi na rin
siya nagtaka kung bakit naging isa na ito sa panauhing pandangal ng mga
nakaraang batches ng grumaduate sa North East State University.
And now the dream finally came
true. Kasalukuyan siyang second year student ng AB Journalism sa NESU. And so
far okay naman ang kanyang academics. Dagdag pa ang pagpasa niya sa examination
ng pamosong dyaryo ng NESU, ang Lampara Daily.
Naglakad na siya papuntang Lampara
Daily Headquarters para sa meeting na ipinatawag ng kanilang Editor in Chief na
si Alejo Austria. Natatandaan niya na noong sabado eh bigla na lang umalis
itong si Alejo at pumunta ng campus para magmeeting ng dis oras ng gabi.
Nahinto naman siya sa paglalakad.
Bigla kasi niyang narinig ang isang pamilyar na boses.
“AJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJ.”
tawag sa kanyang ng isang boses na alam na alam na niya kung kanino nanggaling.
“Syempre alam ko na kung sino ka.
Haha. Tawag mo pa lang na may mahabang ‘J’ eh alam ko na kung sino.” natatawang
sambit niya ng makalapit na ang babaeng kanyang tinutukoy.
Her name is Jasmine Rivera.
Kababata niya rin. Iyon lamang sa ngayong pagkakataon eh medyo hindi sila
nagpapangabot dahil na rin sa kakulangan ng oras at busy silang dalawa sa
kani-kanilang responsibilidad. Gaya ni Alejo ay kaclose niya rin itong si
Jasmine. Iyon nga lang ay medyo naputol ang communication nila nang lumipat ito
ng eskwelahan sa Maynila noong highschool pa lamang sila. Nagulat na lamang
siya noong enrollment na nakita niya itong nakikipila din. Conservatory of
Music ang kinukuha nito.
“Sis, kamusta?” natatawa niyang
tanong ng makitang hingal na hingal ito na tumakbo palapit sa kanya.
“Hay naku kapatid. Eto alam mo na
diba. Sa pagiging alagad ko ng sining eh hindi na ko gumaganda. Tingnan mo oh.”
sagot ni Jasmine sa kanya sabay pakunwaring nagpupunas ng mukha.
Hindi naman talaga totoo na hindi
ito maganda. Kung titingnan niya si Jasmine eh para lang siyang isang underdog
na artista. Kung iisipin ay may perpekto itong hubog ng katawan at maamong
mukha. Babaeng babae naman sana itong tingnan yun ng lang ay dahil sa
nakaharang na buhok nito sa mukha at kung siya ay may makasaysayang eyeglasses
itong babaeng ito na itinuturing na niyang kapatid rin ay laging nakasumbrero.
Simple lang din ito manamit hindi
gaya ng mga nakikita niyang babae sa loob ng campus na kaya na sigurong daigin
si McDonald’s dahil sa kanilang mga kolorete sa mukha. Well, he’s not against
it pero medyo he’s a pro-natural beauty. At si Jasmine na yata ang perpektong
babae na magrerepresent sa mga babaeng hindi maporma pero may dating.
Kung tutuusin eh Jasmine would be
the perfect girl for him. Kung hindi nga lang sana…
He immediately dismissed the idea.
Narinig niya itong nagsalita.
“Kapatid, balita ko nakapasa ka
daw sa Lampara Daily ah? Congrats kapatid, mah men. Sabi ko sa iyo last year
diba dapat sana noong nagentrance exam ka pa lang eh talaga nagtake ka ng exam
hinintay mo pa kasi kami ni Alejo na pilitin ka eh. Eh may talent ka naman
kapatid. Oh diba? Tingnan mo ngayon Correspondent ka na. Kung sana noon ka pa
nag apply diyan sa Lampara Daily eh di sana nasa Editorial Board ka na ngayon.
Kaw kasi” medyo iiling-iling na wika ni Jasmine
“Eh kasiiii. Alam mo na yun Sis.”
paglalambing niya dito.
“Yan na naman yang ‘Eh kasiii’mo
ah. Maya maya niyan maisulat mo yan. Oo na alam ko na. Ipinaglihi ka sa library
kaya hindi ka man lang tubuan ng kapal ng mukha diyan. Tingnan mo ko, oh diba
kailangan ko pang magmukhang tomboy para lang makasali sa NASUDI. Ayan eh di
ako lang ang nakatuxedo sa kanila pag nagpeperform ang mga babae diba? Haha.”
natatawang sagot ni Jasmine sa kanya sabay pagbaliktad ng sumbrero na umaastang
bad boy. Well, Jasmine amidst her beauty is always being mistaken for a
lesbian. Ngunit hindi naman nila napaguusapan ang sekswalidad nito at ayaw niya
ring i-open baka pag siya naman ang tinanong ay hindi rin siya makasagot.
“Kamusta naman pala ang NASUDI
Sis?” tanong niya kay Jasmine.
“Ayun, okay naman. Alam mo na
mayayabang rin ang mga tao dun. Sila kasi ang reigning club diba. Sumali naman
ako dun hindi dahil para maging sikat. Kunwari daw alagad ako ng
sining.”natatawang pagkukwento nito.
“Alam nating dalawa na maganda
boses mo eh. Kaya aggressive ka lang dapat men. Hehe.” pagche-cheer niya dito.
“Nakuuuu ikaw talaga kapatid
nambola ka pa. Ayan mali sa iyo eh. Ibang tao nagagawa mong palakasin ang loob
eh kung tutuusin dapat ireserve mo ang pagcheer mo sa sarili mo.”
“Oo na po kapatid. Hayaan mo,
lulunok ako ng sobrang daming libro para kumapal ako. Haha”
“Sinabi mo pa. O siya sige.
Pupunta ka ba ng Quarters niyo?” tanong ni Jasmine sa kanya.
“Oo. Kailangan kong kunin yung
unang assignment ko sis. Mukhang medyo strikto yata sila.”
“Naku, wag kang magalala hindi ka
naman pababayaan ni Alejo. Alam mo naman yun, kung ako kapatid mo yun naman
tatay. Hindi ko nga alam baka may anak na iyan kung makapagprotekta nga sa iyo
yang taong yan parang galing ka sa sinapupunan niya. Alam mo iyon. Pero Im thankful
dahil the moment na pinabayaan ka niya. Uurong adam’s apple niya pag ako
nangaway sa kanya. Haha”
“Hahahaha. Baliw ka talaga sis.
Alam ko naman iyon. Kailan na ba huling labas natin? Minsan nga bonding din
tayong tatlo.” sambit niya kay Jasmine at saka siya ngumiti ng matamis.
“Kating kati na rin ako kapatid na
uminom at magvideoke. Pagod na ako sa sobrang reharsal eh. Buti pa nga yung mga
kapatid nating namamalimos eh kahit walang tamang vibrato may pera sila. Eh
tayo allowance lang naman at konting bawas sa tuition eh halos mamatay na tayo
kakaperform. Well, North East State University nga raw naman ba.”
“Hayaan mo sis. Baka naman
mahanapan natin ng pagkakataon.”
“Sana. Mahirap din. Lalo na
ngayon. Isa ka na sa mga tatakbo at may hawak na recorder sa loob ng campus.
Journalist ka na mah men.” tuwang tuwa si Jasmine at niyakap siya nito. Gumanti
naman siya.
“Salamat sis. Pag nakuha ko yung
kakarampot na allowance kamo ako na bahala sa treat ko sa inyo.”
“Yun ang gusto ko sa iyo kapatid.
Ipinaglihi ka rin talaga sa mga pilantropo. O siya sige na at baka malate ka pa
sa Lampara Quarters. Pagalitan ka pa ni Alejo. Sumbong mo sa’kin ah. Kukutusan
ko iyon.”
“Haha. Okay sis. See you around.”
matamis niyang pagpapa-alam
Nang matapos ang paalaman at
kaunting paguusap ay agad siyang nagtungo sa kinahihimlayan ng Lampara Daily
Headquarters.
“Ano kaya ang assignment niya? Tungkol ba sa enrollment? Tungkol ba sa
pagtaas ng tuition nila ngayong taon? Tungkol ba sa mga atleta na nanalo sa
nakaraang palarong pambansa?” naitanong niya sa sarili.
Kung ano man iyon ay handa na
siyang makibaka sa mundo ng mga estudyante ng NorthEast State University.



