Way Back Into Love Book 2
Way Back Into Love Book 2: Chapter 1
5:54 PM
Author's Note: Here is the Chapter 1. So far your response, are overwhelming. Maraming Salamat!
Email: roguemercado@gmail.com
********
Lampara Daily
Quarters
Mga bandang alas siyete nang siya
ay dumating sa quarters ng Lampara Daily, the famous official publiation of
NorthEast State University. Kamakailan lang ay nanalo sila bilang over-all
champion sa ginanap na National Press Conference na ginanap sa Lungsod ng
Maynila.
It was a dream come true.
Naglalakad siya sa may hallway ay
tinitingnan niya ang mga announcement boards at kung anu-ano pang mga nakalagay
dito. Mga pinaghalo halong mga announcements, clips, photos at iba pang mga
susunod na pagdiriwang na dapat i-cover ng pamosong dyaryo sa kanilang
unibersidad.
Nagpasya siyang dumaan muna sa
comfort room na nasa bandang gilid ng naturang building. Agad siyang nagtungo
sa pinakamalapit na cubicle para umihi. Hindi niya maiwasang kabahan sa
importanteng araw na ito. Pagkapasok niya ay isinara niya ang pinto.
Hindi pa man niya nailalabas ang
tawag ng kalikasan ay may narinig siyang mga yabag. Mukhang hindi lang siya
magiisa sa comfort room na iyon. Sinubok niyang magconcentrate sa pagihi.
Kanina pa naman niya tinitikis ito mula sa kanilang bahay.
Ngunit sa pagsubok niyang
magconcentrate na lamang eh nabulabog naman siya sa malalakas na boses ng mga
ito. Hindi alintana kung mayroong tao o wala sa comfor room.
“Bro, here we go again.” dinig
niya sa isang boses ng lalaki sa loob ng CR.
“Ano pa nga ba. Oath taking na
naman.” sagot naman ng isang lalaki.
Wala siyang nagawa kundi hintayin
na matapos ang dalawang lalaki at ang makinig sa paguusap nila habang tinatry
niya pa rin na umihi sa loob.
“Umakyat ba ranggo mo?” tanong uli
ng lalaking unang nagsalita.
“Hindi nga eh. Pucha. Bro, third
year na ako. Third year bro. Tangina Correspondent pa rin ako. May Senior lang
na inilagay, senior correspondent. Syemay.” diskumpyadong sagot ng lalaki sa
tanong.
“Eh tingnan mo naman ako, second
year eh level one correspondent pa lang. Buti ka nga may senior eh.” dagdag din
naman ng isa.
“Puli-pulitika din yan. Loko.
Kahit naman kasinggaling mo Editor-In-Chief ng Inquirer eh wala pa rin.”
“Sinabi mo pa. Eh pano naman kasi
karamihan ng nasa Board ngayon eh mga Seniors din na ayaw magpaubaya. Eh
tangina. Buti nga kamo puro apat na taon lang courses nila. Eh pano na lang
kung Engineering. Limang taon pa sa pwesto ang mga gago.” matalas uli ng isa.
“Ewan ko ba. Sarap ipabugbog lalo
na yung Editor In Chief. Akala mo naman kagalingan.”
“Tara na. At sensitive sa oras yung
mga iyon. Kala mo naman may sweldo tayong milyon sa lecheng correspondent na
yan.”
Sa wakas ay narinig niya ang mga
yabag ng mga ito palabas. Para naman siyang maliit na bata na nagmadali na sa
pagihi. Kanina pa siya nagdadasal at natawag na niya yata lahat ng mga santo
para lang matapos na mga ito sa pagihi sa urinal. Hindi man niya gusto ang
napagusapan ng mga lalaki kanina ay wala naman siyang magagawa para sumabat.
Lumabas siya ng cubicle at nakita
niyang wala namang tao ang comfort room. Tumingin siya sa salamin na nasa harap
niya. Lumapit siya sa sink at naghugas
ng kamay.
When was the last time that he
combed his hair?
Nakita niyang medyo nagulo ang
buhok niya. He was wearing a white plain shirt, denim jeans, usual rubber shoes
at isang pulseras na may nakalagay na “Lampara”.
Kumuha siya ng tubig sa sink at
binasa-basa ng kaunti ang buhok. It was a bit messy dahil nagmamadali na siyang
lumabas ng bahay kanina. His bangs are still intact. Nakalaylay lamang ito mula
kanan pakaliwa. It was as black as night.
Nang makuntento sa pag-ayos ng
buhok ay kinuha niya ang eye glasses na nakapatong sa matangos niyang ilong. He
tried to wipe the lenses gamit ang dulong bahagi ng kanyang T-shirt. Hindi niya
maiwasan na maningkit ang mata lalo na at
wala siyang eye glasses. Bata pa lamang kasi ay suot suot na niya ito.
Nang maibalik niya ang kanyang eye
glasses ay ngumiti siya ng matamis sa kanyang repleksyon.
Hindi naman talaga naging
importante ang hitsura niya para sa kanya. Ang importante lamang eh mapasaya
niya yung ga taong nasa paligid niya.
At pagkatapos ay agad siyang
nagsalita.
“Adrian Jasper Malvar. This is a
big day!!!! Journalist ka na men! Journalist! Haha. Kaya mo yan. Kahit ano pa
yan. Kayang kaya mo yan AJ. Go! Go lang tayo. Kaya mo yan mah men!”
pagche-cheer niya sa sarili.
Nang papa-alis naman siya ng banyo
ay napunta ang tingin niya sa pintuan.
May tatlong lalaking tumatawa na
kanina pa yata naroon.
Kumaripas siya ng takbo.
********
North East Repertory Building
Diamond “Dimes” Dmitriv is in the
conference room para sa emergency meeting na pinatawag ni Selene Dmitriv. And
yeah, they are siblings. Matanda lang ito ng isang taon ngunit parehas silang
senior ng naturang organisasying pang teatro. He tried to run his fingers
through his hair. Mga dalawampung minuto na siyang naghihintay dito kasama ang
kapatid niya at iba pang officers ng Repertory.
Lumipad ang isip niya sa mga
naka-ambang gagawin ngayong school year. Well, it was pretty easy for him. He
is confident na mame-maintain niya ang kanyang status sa kanilang unibersidad.
After all, ticket niya ang teatro para maging isang renowned artist sa bansa.
How did he start growing? Nuong
first year siya ay agad siyang nagaudition para sa teatro at nabigyan siya ng
mga cameo roles. It was his stepping stone. Nang siya ay tumuntong ng Second
Year ay naging ganap siyang icon ng NorthEast State Repertory dahil sa pagganap
niya bilang isang baklang estudyante ng isang Catholic school. The play was
entitled “Bare”
Wala pa rin ang kanilang
hinihintay.
He took his mirror from his bag at
agad na tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Nakaugalian niya ng
ayusin ang buhok gamit ang kanyang kamay. Tiningnan niyang maigi kung meron
mali sa kanyang mukha mula kanan hanggang kaliwa. He made sure that his fair
skin is intact. He made sure na ang kanyang brushed up na buhok ay nakatayo pa
rin. He made sure na ang kanyang maninipis na labi ay makinang pa rin.
And whe he’s satisfied ay tiningnan
niya ang kanyang berdeng mata.
He is half Filipino and half
Greek.
“What the f*ck?” agaw atensyon ng
kanyang kapatid.
“I know right.” maarteng tugong ng
isa pang babaeng org mate nila.
“Hindi ko na lang alam ah. I could
have gone shopping or something. O kaya I could have scheduled our Auditions
for this year. Bakit wala pa siya????” naiirita na at malapit ng umabot sa
hangganan na dabog ni Selene habang hinihintay ang ngayon ay pinakaimportanteng
tao sa kanilang org. Ang bagong Director.
“Well, maybe he was caught in a
traffic jam or something” pag-aalo ni Dmitriv sa kanyang nakakatandang kapatid.
“Traffic my ass. He should be
professional. I am the President of this theatrical group and no one dares to
be late with Selene Dmitriv.” tirada nito na hindi lang patungkol sa kanya
kundi sa buong org mates nila. She has been power tripping nang ito ang maging
Presidente ng kanilang organisasyon noong sila ay Second year. Well, she has
every right. Siya ang naging pinakabatang President sa kasaysayan ng teatro.
“Speaking of the Auditions. Kelan
pala tayo magpapa-audition Selene?” paglilihis tanong ng isa pa niyang org
mate.
“I am not yet into Auditions.
Ayokong sayanging ang oras ko sa isang libong estudyante na hindi pa mabigkas
ang script ng maayos, I mean c’mon. I know that you all agree that I am the
best here. I mean I was the Best Actress for three consecutive years. Hindi
tayo matalo ng Tanghalang HIlagang Bokya dahil sa akin. So it takes one to know
one kung magaling umarte ang isang tao.” pagmamalaki ni Selene.
“Anyway, Dmitriv. Did you try to
prepare your piece for the Acquiantance party? You know that you have to get a
good impression lalo na sa mga uto-utong freshman na yan. I mean of course you
will. But an extra charm would do?” dagdag tanong ni Selene sa kapatid.
“I am still trying to see what
would be a good piece. I mean yung papatok sa Freshies at maayos kung
mairepresent ang buong org.” sagot ni Dmitriv sa kanya.
“Why not try the songs from this Era?
I mean John Legend sort of thinggy. I’m sure magsisitilian ang mga baduy na
freshman pag narinig nilang kantahin mo yun. Just make sure that you do the
right vibrato.”
“Copy.” tanging naisagot niya.
Wala naman siyang npwedeng
sabihing iba dito. She has been a control freak ever since. Hindi lang sa buhay
niya kundi sa kung ano ang dapat gawin sa teatro.
“Where the f*ck is the new shitty…..”
hindi naituloy na sasabihin ni Selene nang biglang iniluwa ng pinto ang isang
lalaki na nasa edad trenta na.
He was wearing a simple black polo
at white slack pants. May dala dala itong maliit na maleta at nakasalamin na
ang halatang malabo na mata nito. Pagkalapag ng maleta nito ay agad itong
nagsalita.
“Oh. I never knew that the welcome
message for new Directors starts with a shit. So yeah. Good morning shitty actors
and actresses of this shitty organization. I hope you have a shitty day as
mine.”
Gulat ang lahat sa baritono nitong
boses at sa paunang mensahe nito sa kanila. Nakita ni Dmitriv na inayos ng
lahat kabilang siya ang pagupo nila. Nagretiro na kasi ang dating Director nila
kaya nag-appoint ang North East State University ng bagong director. It turns
out na newly hired din pala ito.
Nilingon niya ang kanyang kapatid
na babae at ito man ay bahagyang natulala sa sinabi ng Director. Hindi pa man
niya nakikitang nakakarecover na si Selene sa good morning message ng bago
nilang Director ay alam niyang hindi magpapatalo ito. Being a brother with her
is both a right and an obligation. He knows his sister from head to toe.
“No response? Okay.” maikling
pahayag ng Director sa katahimikang namagitan sa kanilang lahat.
“Well, yeah. You’re late Mister
whoever you are. We’ve been waiting for an hour now. Can you at least show your
sense of time? That is sooooooo unbecoming of a Director. Professionalism 101”
mataray na sagot ni Selene sa Director.
“Can I have the 2013 report?”
biglang tanong ng Director kay Selene.
“Excuse me?” balik tanong nito sa
kanya.
“One word is enough for a wise
man. CAN. I. HAVE. THE. 2013. REPORT????” pagiisa isa ng Director.
“What are you talking about?”
naguguluhang tanong ni Selene.
“The report. All the activities.
All of the accomplishments of the organization. All of the important to minute
details of what have you done last year. Where is it?”
“Its. Uhm. Its. Its still being
encoded. I mean. The facts are being gathered.” nauutal na sagot ni Selene sa
Director.
Sa paguusap na iyon. Nanatiling
tahimik ang mga miyembro ng North East Repertory. The Direcor clearly hit the
homerun.
“Haha. You gonna be fucking
kidding me. Encoded? So where is your sense of responsibility? Professionalism
101 right?” bwelta nito kay Selene.
Parang pipi na yumuko ito. It was
the first time.
“Alright. So this goes for
everyone. For a shitty introduction. My
name is Zero Avira. My name may sound too techy but I am into the field of
Performing Arts.I graduated from The University of British Columbia and studied
Theatre Arts. One of my greatest achievements is to be part of the award
winning Miss Saigon theatre play. As everyone might have known, I am newly
hired. And yes, I am your newest Director. So congrats to your upcoming most
terrible days in college. To set the right expectations, I am not here to make
your lives easier. And yes, from now on call me Professor Avira.” lumingon ang
Director kay Selene na nakatungo pa rin.
“I am not here to boost any of
your already fat egos. You haven’t been to Tony Awards yet. So don’t blow to my
face that I’m unprofessional if clearly, you cannot handle your responsibilities
well.” tuloy-tuloy na paglitanya nito sa kanila.
“NewsFlash. By the way. For the
upcmong play. EVERYONE has to audition. I will be the sole person to create it.
If the officials of this org will not go to auditions for the stage play then
each of the officials will be part of the backstage team. Adjourned.”
pagtatapos ni Director Avira at nagtuloy tuloy na ito sa labas ng pinto.
It was a momentous nightmare for
all of them especially sa kanilang magkapatid. Selene just cannot accept the
fact na kailangan rin nilang magauditon when in fact laging nakareserve sa
kanila ni Dimes ang lead roles.
They never auditioned for a role.
********
Lampara Daily
Quarters
“In the name of universal
understanding that depicts freedom, and in the name of God that depicts power.
I, Adrian Jasper Malvar, Correspondent I, hereby pledge that: We will truly and
consciously manifest to uphold the good name of our school at all times. We
will strive for excellence in journalism through perseverence, boundless energy
and relentless commitmment. We will maintain our strong character and moral
values that stand on the pillar of respect, mutual understanding and love. We
will never let our emotions to creep into harshness, hostility, animosity and
prejudice. We espouse the laws of this country without fail.”
“Congratulations! Here Mr.
Editor-In-Chief I present to you, the newest journalists of Lampara Daily.”
sigaw ng Assosciate Editor na si LeAnn Valdez.
Nagpalakpakan naman ang mga taong
nasa loob ng conference room. It was the oathtaking of 2014 Lampara Daily
officers. Kasabay ng palakpakan ay medyo pinipigil ni Adrian Jasper ang kanyang
luha. Isang taon niyang pinangarap ito ngayon ay opisyal na siyang manunulat ng
kanilang publikasyon.
Isa isang lumapit ang mga nasa
Editorial Board, ang top officers ng Lampara Daily at kinamayan sila pati na
rin ang mga Advisers nito. Magiliw naman na tinanggap niya ang mga kamay ng mga
ito.
“Congrats. Congrats.”
“Maraming Salamat po!” nakangiting
tugon niya sa mga ito.
Ang pinakahuling nakikipag kamay
ay ang Editor-In-Chief ng publication. Syempre pamilyar na pamilyar siya sa
mukha nito. He has this semi-tone body. Naka plain black shirt lang ito. May
katangusan ang ilong. Matatalim na jaw line na parang isang modelo at
nagungusap na mata na parang isang latino. Ewan ba niya. Ugali niya na yata ang
maging attentive sa mga detalye. Paano kasi ay isa ito sa mga strength niya
bilang isang manunulat.
Sa wakas ay tumapat na siya sa
Editor-In-Chief. Gwapong gwapo talaga ito at minsan nga ay bibiruin niya ito na
hindi ito bagay maging isang Editor-In-Chief. Dapat yung mga tipo ng ganitong
tao ay nasa runway. Inilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya.
“My name is Alejo Austria. I am
the Editor In Chief. Congratulations, our newest correspondent.” nakangiting
bati nito sa kanya. Sa pagngiti nito ay lalo pang tumingkad mukha nito sa mga
mapuputing ngipin.
“Haha. Alam ko. I am glad to be
part of the team Sir.” nakangiti niya rin bati dito at pagtanggap ng kamay
nito.
Nagulat naman siya ng bigla yumuko
ang ulo nito at pumunta sa kanyang tenga. Gaya ng inaasahan ay bumulong ito sa
kanya habang hawak pa rin ang kamay niya.
“Wag ng Sir. Naman to oh. Moks na
lang.” bulong ni Alejo sa kanya.
“Baliw ka talaga Moks. Oath taking
ito diba?” natatawa niya ring bulong dito
Nagtatawanan naman sila habang
nagbubulungan. Hindi nila napansin na nakatingin na ang ibang tao sa kanila. Nang
bumitiw si Alejo ay nakita niya ang nagtatanong na mga mata nito. Bumitiw siya
sa pagkaka-kamayan nila ni Adrian at agad na hinarap ang buong staff.
“So again, Congratulations to you
newest officers. Welcome to Lampara Daily!” malakas na bati ni Alejo sa
kanilang lahat at sinundan ito ng malakas na palakpakan.
Tuwang tuwa na nakipalakpak din si
Adrian sa kanilang lahat. Nakatingin pa rin siya kay Alejo. Nakita naman niyang
pasimple siyang kinindatan nito at saka pabulong uli na nagsalita.
“Congrats Moks” nababasa ni Adrian
mula sa bibig nito.
Ngumiti lang siya.
Hindi lang ito ang Editor In Chief
niya. Alejo is his supermoks.
To Be Continued
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D