Ang Pinakamagandang Kwento

Ang Pinakamagandang Kwento Foreword :  Actually, this was only done in an hour. So presumably, rough draft pa siya but since ...


Ang Pinakamagandang Kwento








Foreword:  Actually, this was only done in an hour. So presumably, rough draft pa siya but since one of my admired writer who happens to read this and exclaimed that this story has a “good kick” so I decided to hit post saka isa pa hindi ko talaga alam at tinopak akong gumawa ng short story. So yun, enjoy my first short story entry on this vlog. :)




*****




“Hoy Gising na diyan!!!”


Hindi niya na kailangang sumigaw dahil kagabi pa gising na gising ang diwa ko. Kagabi pa ko nagmumukmok at sinisingil ang sarili kong luha dahil sa aking katangahan. Kung alam ko lang sanang ganito ang kahihinatnan ng lahat ay hindi na ko sumugal.


“Oh anong nangyari sa mata mo?”


“Wala.”


Ayaw kong magsalita. Ayaw kong makakita ng tao. Siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag nasa kalagayan ka na nung mga artistang nakikita mo sa pelikula. Ganito talaga siguro ang pakiramdam kapag nasaktan ka. Minsan ang corny dahil masyado ng gasgas yung ibang kwento sa mga teleserye, pero sa totoo lang ganun na ganun ang drama natin sa totoong buhay. Hindi lang natin minsan maamin dahil sa dalawang dahilan: Una, hindi pa nangyayari satin. Pangalawa, nangyari na at masyadong masakt para balikan.


Nagtungo ako sa banyo para matingnan sa sarili ko kung ano nga ba nangyari. Bahagya rin akong nagulat... Magang maga nga na parang pinagtulungan akong bugbugin ng limang tao. Pero masakit pa rin. Hindi yung magang-maga kong mga mata. Kundi yung nasa kaliwang dibdib ko.


Sunod akong pumunta sa mesa kung saan nakahain ang pagkain, pero hindi yata maiibsan ng pagkain na to ang nararamdaman ko. Ayaw kong kumilos. Gusto ko lang nakahiga lang ako.


“Wag kang iiyak iiyak diyan Keeno ah... pag ako nairita sa iyo.. ako mismo maglalagay ng pasa diyan sa mata mo”


Heto na naman tayo.

Pero dapat naisip ko na makakarinig talaga ako ng salita dito sa ate ko. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nagkakaganito. Kung sana nakinig ako sa mga paalala niya. Kung sana hindi ako nagtiwala agad. Kung sana may bait ako sa sarili ko.


“Bilisan mo na diyan.. diba may sasalihan ka pang contest sa school niyo”


“Hindi ako pupunta”


“Anong sabi mo?”


“Hindi ako pupunta ate.. ayoko... sa totoo lang ayaw kong kumilos... ayokong kumain.. ayaw kong lumabas.. ayaw kong kausapin mo ko.... ayaw kong mabuhay!!!!”


Hindi ko namalayan na sumisigaw na ako sa mesa. Napansin kong nakatulala lang si ate habang pinagmamasdan niya akong umiiyak sa harapan niya. Ngayon lang nangyari to. Dahil na rin sa katigasan ng ulo ko.


Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi ko to inaasahan. Buong akala ko eh makakatikim ako ng litanya mula sa kanya.


“Shhhhhshhhh.. tahan na... lilipas din yan. Hay puppy love nga naman..”


“Ang tanga tanga ko ate.. akala ko kasi parehas kami ng nararamdaman”


“Hindi yan ang magpapatumba sa iyo ah? Nandito ako.. nandito ang ate... darating ang araw na darating din yung lalaking mamahalin ka at tutumbasan ang pagmamahal mo”


Iyak na lang ako ng iyak habang nakayakap ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ako ganun. Hanggang sa namalayan kong napilit ako ng ate ko na pumunta sa paaralan para ituloy ang pagsali ko sa patimpalak ng masining na pagkukwento. Maraming mga tao. Maraming mga nagaabang. Maraming kalahok at marami ring nanonood.


Nakasuot ako ng kulay puti. Parang isang lalaking takas sa mental. Bigyan pa siguro ako ng ilang araw ay talagang pwede na kong bumagsak dun. Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko ang bilis ng mga pangyayari.


Ngayon nakatayo na ako sa harap ng maraming tao. Nagaabang sa kung ano ang mamumutawi sa aking bibig. Patay nakalimutan ko ang piyesa. Wala akong nagawa kundi banggitin ang tumatakbo sa aking isip.


“Naranasan mo na ba yung magmahal ng walang kasiguruhan? Yung tipong sigurado ka sa nararamdamn mo pero hindi ka sigurado sa nararamdaman niya? Yun bang ang tanging pinanghahawakan mo lang ay yaong mga salitang alam mong nagpatibok sa puso mo, gumising sa natutulog mong diwa at nagbigay kulay sa buhay mo.”


Nakilala ko siya sa facebook. Arman ang pangalan niya. Gaya ko isa siyang bisexual. Ang bait-bait niya. Nagsimula lang sa isang simpleng chat hanggang sa araw-araw naguusap na kami. Sa mga oras na iyon sobrang saya ko, kasi may nakakausap akong taong mas matanda sa akin.


“Naranasan mo na bang magmahal ng isang taong sobrang layo? Na sa sobrang layo niya halos mahirapan kang mag-isip araw-araw kung ano na ba ang nangyayari sa kaniya, kung may nananakit ba sa kaniya, kung hindi ba siya nahihirapan dun o nagpapakalango siya sa alak habang may kasama siyang iba.”


Medyo malayo-layo tinitirahan niya. Pero ayos lang dahil ang facebook ang nagsisilbing tulay para paglapitin kami.


“Naranasan mo na bang ibigay ang lahat sa isang taong alam mong kailanman ay hindi magiging sa iyo habang buhay, yun bang ang alam mo lang eh mula sa araw na nagkakilala kayo ay sa kaniya na lang umiikot ang buhay mo? Wala ka ng itinira sa sarili mo kahit respeto, kahit indikasyon na isa ka pa ring tao nagaapuhap din ng pagmamahal mula sa taong mahal niya.”


Dumating yung araw na hindi na nakukumpleto araw ko pag di ko siya kausap sa facebook. Lahat ng ginagawa ko basta online siya ititigil ko maka-chat ko lang siya. Nagrereklamo na nga yung ate ko na napapabayaan ko na daw ang pagaaral ko kaka-facebook.


“Naranasan mo na bang umiyak na lang sa isang sulok at di mo namamalayan na unit-unti na palang tumutulo yung mga luha mo hindi dahil sa inis kundi sa sobrang pagka-MISS mo sa taong iyon? Iyong tipong kung nasa harapan mo lang siya gusto mo siyang yakapin ng sobrang higpit, sobrang higpit na sana hindi na siya mawala sa tabi mo. Na sana ganun na lang kayo habambuhay magkalapat ang katawan at nagmamahalan.”


Hanggang sa di na ako nakatiis. Hiningi ko na ang number niya at regular na kaming nagtetext. Hindi ako nakuntento sa ganun. Sumunod na yung pagtawag. Nararamdaman ko na umaapaw ang puso ko sa kaligayahan tuwing naririnig ko boses niya.


“Ako kasi naranasan ko na....”


Isang araw habang nakadikit sa tainga ko ang telepono, bigla kong natanong kung OK lang ba na magkita kami, sa isang lugar na kami lang. Sa isang lugar kung saan aaminin ko sa kanya na masaya ako nakilala ko siya. Na masaya ako na lagi ko siyang nakaka-chat sa facebook. Na masaya ako na sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Na mahal na mahal ko siya.


“Ganun pala yung pakiramdam parang walang kasiguruhan ang LAHAT, parang hindi mo alam kung gigising ka isang araw na mahal ka pa rin niya, kung itatrato ka pa rin niya kagaya ng dati matapos ka niyang paniwalain sa mga kasinungalingang nagpatibok sa puso mo.”


Nasa isang restaurant ako.. Im patiently waiting habang hindi pa siya dumarating. Kabadong kabado ako. Hindi ko alam ie-expect. Hindi ko alam kung paano siya magre-react pag sinabi ko sa kanyang mahal ko na siya dahil alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pero sa loob ko, umaasa ako na he will feel the same.


“Ganun pala yung pakiramdam na hindi ka naaawa sa sarili mo kahit sobrang pagod na ang puso mong umasa, sobrang pagod na magmahal, sobrang pagod ng magisip sa isang tao sobrang layo ng distansiya sayo.”


Nang dumating siya.. just what I expected.. Gwapong gwapo pa rin. Ang saya niyang kausap, may sense kumbaga. Naikwento ko sa kanya na may sasalihan akong patimpalak, isang masining na pagkukuwento. Tinanong ko siya kung sa tingin niya mananalo ako Ang sabi niya, kaya ko daw iyon dahil inspired daw ako. Tinanong ko naman siya paano niya nalaman na inspired ako, sabi niya, halata naman daw pag naguusap kami sabay kindat sakin.


“Ganun pala yung pakiramdam na maghintay ng ISANG TEXT sa isang araw at biglang manamlay kung hindi siya magtext man lang. Yung parang isumpa mo na ang daigdig sa sobrang galit dahil iyon lang yung kaligayahang ayaw yatang ibigay sa iyo ng kapalaran.”


Niyaya niya ko sa isang pribadong lugar. Yung kaming dalawa lang. Doon ko inamin sa kanya na mahal ko siya. Hindi siya nagsalita. Hinalikan niya lang ako. At ng gabing iyon.. naging isa ang katawan namin. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo.


“Ganun pala yung pakiramdam na mainis ka sa sarili mo dahil HINDI NIYA SINASAGOT MGA TAWAG MO, yung parang iniiwasan ka niya pero hindi mo kayang mainis o magalit dahil nga sa mahal mo siya at ikaw lang yung tangang umiibig ng husto.”


Nagising ako ng umagang iyon ng wala na siya sa tabi ko. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Tinext dko rin siya pero wala siyang reply. Hanggang sa may nakita akong note sa side table... Sabi niya, dont misunderstood everything... its just casual sex.


“Ganun pala yung pakiramdam na humiga na lang sa kama mo tapos magisip ng magisip kung ano ng gagawin mo, anong gagawin mo ngayong wala na siyang pakialam sayo, ngayong nalaman mong isa ka lang palang basura na kaya niyang itapon kung saan-saan, ngayong nalantad na ang katotohanang ikaw lang pala yung nagmahal, ikaw lang yung nagsakripisyo, ikaw yung biktima ng panlilinlang.”


Umuwi ako sa bahay na hindi alam ang gagawin. God knows ilang beses akong nag-attempt na tawagn ka pero nakapatay na ang linya mo. Hinintay ko pang sumakit ang daliri ko para sumuko akong magtext sa iyo.


“Ganun pala yung pakiramdam na halikan mo yung larawan niya, iyakan mo iyong larawan niya dahil kahit sinaksak ka na niya ng paulit-ulit alam mo sa sarili mo ang katotohanang ang dugong umaagos sa bawat sugat na ginawa niya ay siya pa rin ang magpapahilom”


“Hindi ako tanga... hindi ako baliw... hindi ako nawalan ng ulirat...nagmahal lang ako”


Dumagundong ang palakpakan sa loob ng bulwagan. May mga taong tumayo. Nakita ko sa mga mata nila ang butil ng luha.  Hindi ko alam kung nagkwento ba ako o naglabas lang ng hinanakit.


Lumipas ang ilang saglit. Naroon na kami uli ng mga kalahok, huhusgahan kung sino nga ba ang naging matagumpay sa patimpalak. Tinawag nila ang pangalan ko bilang nagwagi.


“May we call on Mr. Arman Paredes, one of the judge to award the cash prize to our winner”


Nakita ko uli siya sa ikalawang pagkakataon. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang premyo. Kinamayan niya ako at narinig ko siyang nagsalita.


“Ang galing mo congratulations.”


“Bakit?”


“Tinanong mo rin sa akin kung paano ka mananalo sa contest na to, minsan kailangan mong sirain ang huling tsansa mo sa kaligayahan para makapagsalaysay ng pinakamagandang kuwento”


Nagkislapan ang mga kamera. Nang matapos ito ay lumakad ka palayo. Nakuha ko ang premyong inaasam ko pero hindi ang taong mahal ko.






Tapos.

You Might Also Like

13 Violent Reactions!

  1. I didnt get the last part, so Arman did the whole thing purposely?

    ReplyDelete
  2. indeed! maganda ang pagkakawento dahil sa ito"y base sa personal mong exprience. bravo ROGUE. CONGRATZ!

    ReplyDelete
  3. @Anonymous: hindi ko rin po magets eh. Kung sinadya niya ba yun kasi kailangan o kailangan nya lang tlga magpalusot. Sorry :(

    @Robert: true to life tlga?? Diba pwedeng imbento ko lang? Bwahahahah

    ReplyDelete
  4. true to life o imbento maganda pa din..more please :))

    ReplyDelete
  5. Coming from me the story was good but the story telling was inconsistent... It is just like a friend who is a bilingual (Makata/Normal/Conyotic) something like that... be natural... when writing a story like this... try to imagine that you are speaking to us... be yourself and speak the way you're comfy... :-)

    I like this story!

    ReplyDelete
  6. @Anonymous: Thanks!!! ill keep that in mind :)

    ReplyDelete
  7. And this is the part when I felt that you have already let go...

    ReplyDelete
  8. 👍 I like it thanks for sharing to us. 😊

    ReplyDelete
  9. Bitin! Pero ang sakit nung line na " hindi ako tanga, hindi ako baliw at hindi ako nawalan ng ulirat. Nagmahal lang ako."

    ReplyDelete

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images