The Accidental Crossdresser: The Accident Continues

The Accidental Crossdresser: THE ACCIDENT CONTINUES By: Rogue Mercado Email: roguemercado@gmail.com ***...


The Accidental Crossdresser:

THE ACCIDENT CONTINUES




By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com




*****

Nagising ako ng umagang iyon. Tiningnan ko ang sinag ng araw na nagmumula sa labas. Hinawi ko ang kurtina.




Ang ganda ng araw.




Pero mas maganda ako.




Char.




Pero seryoso, saan na nga ba ako dinala ng aking kwento? Minsan dahil sa napakalaking sakripisyong ginawa ko sa pagpapalit katauhan para imbestigahan ang pamilyang hindi ko naman kaano-ano, hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito pagkatapos matuklasan ang misteryo na bumabalot sa pagkamatay ni Victor Saavedra.




Pero syempre sa imaheng mayroon ako bilang Alexis Saavedra at sa ganda ko, alam ko namang kaya ko. Sa ngalan ng mga sangre ng Encantadia at ni Ate Vi at sa napipintong remake ng Darna. Ako, si Alexander bilang si Alexis Saavedra ay magwawagi sa world war na itey.




Kinuha ko ang files na nasa drawer ko at tiningnan ang mga impormasyong naroon. Kailangan kong isa-isahin ang mga taong huling nakausap ni Victor Saavedra bago siya mamatay. Ganito ba talaga kapag ang namamatay ang mayayaman kailangang pagtuunan ng pansin?




Siguro.




Napadako ang tingin ko sa teddy bear at sa isang bandehadong fried chicken na nasa ibabaw ng mesa sa loob ng kwarto.



Grabe naman sila.



Mukha na ba akong bird flu at ang dami naman ng manok na iyon.




May nakalagay na card sa bandang gilid nito. Agad ko itong binasa.





Alexis,


Nagluto ng fried chicken ang kuya. Pasensya ka ah yan lang nakayanan ko. Hayaan mo kahit namang kumain ka ng limpak limpak na manok. You’re still beautiful in my eyes. And I hope that’s enough.




Ang kuya mong gwapo,
Lester



So ayun na nga pwede namang wag munang madaliin ang pagsolve kaso. Kayo naman masyado kayong nagmamadali eh.



Haaay. Ang hirap talaga maging maganda.



Afford rin sana ng ganda ko ang forever.




Charot!!!

You Might Also Like

8 Violent Reactions!

  1. A4rRay qO3 BhEe! Kabitin muuuch! Mooooore. Hahaha. I miss alex and his oh-so hot kuyaaaa. Hahaha.

    ~Kean

    ReplyDelete
  2. Sobrang ikli. Nakakabitin at nakakamiss tong storyang ito. Update napo author.

    ReplyDelete
  3. @Kean: You never fail to make me smile. LOL.

    @Anon: Thank you sa pagbisita. Keep on coming and hopefully I can go ahead and update.

    Salamat Guys!

    ReplyDelete
  4. Alexis as bubbly as always :)) Im excited for the comeback sir... just take it easy... i know the wait is worth the while

    ReplyDelete
  5. Astig pa rin talaga mga stories mo. :)

    ReplyDelete
  6. hi...author,...asan na po ang chapter 16?? my ending pa po ba tong story mo??? i rlly lyk dis story po....love it...

    ReplyDelete
  7. Bigla akong napabisita dito. Sobrang nakakamiss basahin. Bitin Idol. :)

    ReplyDelete

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images