The Accidental Crossdresser
The Accidental Crossdresser (Chapter 15)
8:10 AM
The Accidental Crossdresser
Chapter 15
Yung pagkakasabi ko nun parang may halong galit na hindi ko alam. Bigla kasi namin napagusapan ang tungkol sa pagboboyfriend.
Itutuloy...
By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com
Blog: www.roguemercado.blogspot.com
Author's Note: Ito lang talaga ang kaya kong update sa ngayon. This chapter should have been longer kaya lang di talaga kaya. :( Bawi na lang ako sa susunod.
Author's Note: Ito lang talaga ang kaya kong update sa ngayon. This chapter should have been longer kaya lang di talaga kaya. :( Bawi na lang ako sa susunod.
*****
Ang awkward ng sitwasyon.
Kanina sobrang excited akong makasama ang aking kapatid. Ngayon namang magkasama kami wala akong masabi sa kanya kundi pagpapaumanhin sa mga nagawa ko.
Paano naman kasi, sa tuwing tinitingnan ko ang maamo niyang mukha, nagui-guilty ako sa mga kabulastugang ginawa ko. Sa tuwing nakikita ko ang mga matang iyon, na walang hinangad kundi pagtanggap at pangunawa sa kung ano siya, mas lalo ko pang napapatunayan na gago talaga ako at hindi ko man lang agad nakita iyon dahil kapatid ko siya.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya mula pa kanina. Mula nung makita ko siyang lumabas mula sa pinto. Narinig kong kinakausap niya ang sarili niya at napangiti ako na nagre-rehearse ang bunso ko kung papano ang sasabihin niya pag makita niya ako. Syempre, ibig sabihin lang nun, hindi lang ako ang kabado sa date na iyon. Hehe.
Napangiti ako sa isiping iyon at binigla ko na lang siya nang kumatok ako. Kaso ako naman yata ang nakarma sa ginawa kong iyon. Oo, matagal ko ng nakikita si Alexis sa bahay na pakalat kalat noon even before he started to be a she. Pero ng lumabas siya sa pinto, ewan ko, ang weird talaga... parang lumakas ang kabog ng dibdib ko tsong!. Siguro kaba lang iyon, kaba lang..
“Im serious. Walang pwedeng manakit sa iyo hanggat humihinga ako. You understand?” wika ko sa kanya and I mean it.
Yung pagkakasabi ko nun parang may halong galit na hindi ko alam. Bigla kasi namin napagusapan ang tungkol sa pagboboyfriend.
Ok ba sa akin magkaboyfriend ang kapatid ko?
Sa totoo lang, hindi ko masagot. Pero ang alam ko lang, kung sino man ang gagong mangahas sa kapatid ko, he should be worth it.
Tumunog ang cellphone ni Alexis..
“Hindi mo ba sasagutin iyan?” tanong ko kay Alexis ng makita ang pagaatubili niya na sagutin ang tawag.
Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa. “Ah oo.. Ah kuya pakihawak lang po to” sagot niya sa akin.
Kinuha ko naman ang pagkain niya at pinagmasdan siyang lumayo sa kinalalagyan namin.
Bakit kailangan niya pang lumayo? May itinatago ba siya? Tama kaya hinala ko na may boyfriend na tong kapatid ko? Eh ganun ang gawain ng mga tao kapag may tinatagong tawag diba?
Hindi ko napigilang mainis.
Ipinukol ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ng calamares at tokneneng.
“Teka, hindi ko na alam kung alin dito ang stick ko” wika ko sa aking sarili ng mapagtantong naihalo ko na ang kinakain ni Alexis kanina sa kinakain ko.
Hindi ko napigilang mapangiti ng maisip na ang hawak ko ngayon ay Calamares at Tokneneng na nabili lang namin sa tabi tabi. Hindi naman talaga ako nandidiri sa mga ganitong pagkain. Lumaki ako na halos nasubukan ko na siguro lahat sa spirito ng pakikibarkada at isa sa mga nakatuwaan namin dati ay kumain ng street foods. Hindi naman ganun kalaking bagay ang estado namin sa buhay. Sa akin naman kasi, kaya kong makisama sa kahit sinong tao at hindi ko sila hinuhusgahan base sa perang kinikita nila. Yun ang hindi alam ng ibang tao tungkol sa gwapong gwapong si Lester Saavedra. Hehe.
Pero sino bang magaakala na itong kapatid ko na bunso ko na ….. ayaw ko na ituloy. Eh mahilig pala sa street foods. Ito kasing si Alexis dati maarte to eh, yung tipong babaeng makikita mo lagi sa TV na nakapostura, sopistikada at ayaw kumain ng balut at nagmi-mix yung English at Tagalog na salita para kumpletos rekados.
Kumagat uli ako nung isang calamares at tumitig sa kinaroroonan niya.
Aaminin ko pinabilib niya ako. Hindi pala siya gaya ng ibang bakla na masyadong nagaalala na baka matunaw make up nila sa araw. I dont have a thing about them its just that I prefer it if kung ang mga kagaya ni Alexis ay hindi lang puro make up ang nasa isip.
Kumagat uli ako ng isang calamares.
Sandali.
Bago ko pa man masabi sa sarili ko ang isang tanong na bigla kong naisip. Lumapit na si Alexis sa kinatatayuan ko, hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya.
“Ku..kuya.. Ok na.” wika niya sa paraang tipong kukunin niya na yung inabot niyang pagkain sa akin kanina.
Imbes na ibigay sa kanya ang pagkain ay nagaalalang nagtanong ako sa kanya.
“Alexis... diba allergic ka sa seafood? Bakit ka kumain ng calamares?”
*****
“Hu... huh?” nauutal kong sagot sa kanya.
“Masama to sa iyo? Diba allergic ka sa seafood?” ang mukha ngayon ni Kuya Lester ay napalita na ng pagaalala.
Akala ko kung ano na. Go... hugutin na ang best actress. Iwagayway ang bandera ng Famas.
“Hahaha.. Kuya talaga...” natatawa kong sagot. I just hope na parang totoong natatawa ako kahit sa totoo niyan kumakabog ang dibdib ko sa kaba.
“Anong kuya talaga” kunot noo niyang tanong.
“Kuya... minsan lang naman to. Saka minsan lang tayo magbonding kaya I thought para kakaiba eh di dito tayo sa may tabi ng kalsada diba? Hahaha”
So anong role iyan teh?
Tanga-tangahan role.
Bumuntong hininga muna siya at saka biglang pinaghiwalay ang tokneneng at calamares. Binigay niya sa akin yung tokneneng at sa kanya yung calamares.
“Bunso.. pag bawal.....bawal ah? Basta naman kasama kita magiging masaya ako, no need to punish yourself para mapasaya ako. Pero buti naman naisipan mong dito kumain. Eto, tokneneng na lang muna kainin mo”
That was close. Bakit kasi sa dinami dami ng allergy eh kailangan sea foods pa. Kung ano pa iyong paborito kong pagkain iyon pa yung kinaayawan ng balat ni Alexis. Nakakainis!
On a lighter note, ang galing ng bubbly effect ko kanina ah. Proud siguro si Mother Teresa sa akin. Char.
Pero teh! si mysterious boyfie? Cynthia????????
Sino nga ba siya. Hanggang ngayon ay nagpapaulit ulit na parang sirang plaka ang boses nung tumawag kanina sa akin.
“Thank God you answered, babe Im worried about you. If only I could be with you right now. Ang bilis ng pangyayari. I never knew na buhay ka. And my babe is back. I just want you to know that I still love you”
Tanging si Bridget lang at si Gelo ang nakaka-alam ng number ko bukod syempre sa mga tao na nasa bahay. Gusto kong isipin na Prank Caller lang ang nakausap ko kanina pero ang misteryosong boses niya ay hindi ko na maialis sa utak ko.
Naputol ang iniisip ko ng may napansin akong pigura ng tao na naglakad sa harapan ko. Huli na ng umiwas ako sa balak niyang gawin.
“Naks sexy ah.. kala mo totoo. Hahahaha” wika ng baritonong boses na kalimitan mo lang maririnig sa kanto.
Ang tinutukoy kong lalaki ay biglang ipinahid ang kamay niya sa hita ko kaya naman ang uling mula sa kanyang kamay ay nalipat sa kin. Nang tingnan ko ang taong gumawa nito ay tuloy-tuloy lang ito sa tinderong nagtitinda ng calamares.
“Boy isang stick nga ng calamares tapos dalawang stick ng tokneneg” wika nito sa nagtitinda na waring walang pakialam kung nagpahid siya ng dumi sa akin, na akala mo normal lang ang ginawa niya.
Teh kaloka! Anong akala niya sa iyo sanitizer? Potah tusukin na ng barbeque stick yan!
“Manong ano sa akala niyo ginawa niyo sa kapatid ko?” galit na wika ni Kuya Lester sa lalaki kanina. Hindi ko napansin na nakatingin na rin pala siya sa lalaking nambastos sa akin na ngayon ay parang baboy na nilalapa ang nabiling calamares at tokneneng.
Oo parang baboy talaga hitsura niya. Yung parang ang fes eh pwede mong ilagay sa lamesa tuwing new year.
Wrong teh. Pag yan ang ginawa niyong noche buena sa hapag, mahohospital kayo. Look teh! Bocha kung bocha ng fes ni Koya.
“Apay Balong? Agkabsat kay kadi? Kunak man nu lalaki naka! Hahaha” (Bakit? Magkapatid pala kayo? Akala ko kasi lalaki ka niya Hahaha) sagot ng lalaki kanina sa katutubong salita.
“Eh gago ka pala!” sigaw ni Kuya Lester sa lalaki at saka itinapon ang hawak na stick ng mga calamares sa pagmumukha nung lalaki.
Pati ako ay nagulat sa ginawa niya. Pero mas nakakagulat ng bigwasan niya ito ng suntok sa pagmumukha. Agad na natumba ang lalaki at marahil na rin ay nagulat ito sa pagsugod na ginawa ni Kuya Lester kanina. Maya-maya pa ay lumapit ulit si Kuya Lester sa nakatumbang lalaki at agad itong pinuwersang tumayo. Medyo hilo pa yung lalaki pero sinikmuraan niya naman ito ng ganap na makatayo.
Go Koya Lester!!! Turuan ng leksyon yang baboy na yan!
Agad namang nagtipon tipon ang ibang mga taong dumadaan sa kaguluhang nangyayari. Ngunit imbes na tumulong ay para pang mga gago itong nagche-cheer sa dalawang lalaki na nagsusuntukan.
Mukhang bumaliktad naman yata ang eksena. Nakita ko na lang na gumulong si Kuya Lester ng matamaan siya ng suntok ng lalaki kanina.
OMG!!! Ang makinis na mukha ni Papa Lester. Baka may food and mouth disease si Kuya, Teh bili ka na ng bakuna madali!!
“Kuya Lester!!!” sigaw ko sa kanya ng medyo hindi siya makatayo marahil sa pagkakasuntok ng lalaki kanina. Nakita kong dahan-dahan namang lumalapit itong ang matabang lalaki kanina, marahil ay susuntukin na naman nito si kuya Lester.
I need to make a decision as fast as I could. At bago pa man ako magdalawang isip kung dapat ko bang gawin ito ay humarang na ko sa kanina pang nakahiga na si kuya Lester. Nakita kong pumutok ang labi nito at hawak-hawak ang sikmura.
“Hoy bakla, kami ng kapatid mo yung naglalaban.. Tabi diyan at baka ikaw pa yung bugbugin ko. Ang yabang ng Kuya mo ,bakla rin yata yan eh”
“Ah ganun ba? Kuya tingin ka lang sakin ng konti lang tapos tuloy niyo na suntukan niyo, Ok ba iyon?” masayang tugon ko sa kanya.
“Huh?” maang na tanong sa akin ng matabang lalaki na parang hindi naiintindihan kung ano ang gagawin ko.
Nang makita kong nakatingin na nga siya sa akin ay saka ko inilabas ang itinatago ko sa aking likod na chili spray at agad kong itinatapat to mata niya.
“AhhhhhhhhhhhAHhhhhhhhh!!!!!!!!!!” impit na sigaw ng lalaki kanina.
Habang namimilipit ito sa sigaw ay tinulungan ko namang tumayo si Kuya Lester.
“Alexis wag ka ng makialam dito ako na ang gaganti para sa iyo. Baka mapano ka pa” wika nito sa akin nang lubusan na itong makatayo.
“Kuya, sandali ah. Pakihawak lang to” wika ko sa kanya sabay abot ng chili spray na itinatago ko kanina.
Naguguluhan naman na kinuha niya ulit ito. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tais dahil sa kabila ng pinsala niya ay gwapo pa rin talaga si Kuya Lester......Char.
Hinarap ko uli ang gagong sigaw ng sigaw dahil sa naspray kong sili sa mga mata niya. I positioned myself, sa paraang makikipagkarate. I turned clockwise at pinalipad ko ang paa kong suot ang heels sa pagmumukha nung lalaki.
“Para yan sa pagpahid mo ng grasa sa hita ko!”
Napaupo naman ang lalaki sa lakas ng sipa ko sa kanya. Hindi ako nakuntento at sinipa ko uli siya sa mukha ng bonggang bongga.
“At yan! Para yan sa pagsuntok mo sa gwapong mukha ng kapatid ko!”
“Tama na! Tama na!” sigaw ng lalaki na sapo-sapo na ang duguang mukha sa lakas ng dalawang sipa ko.
Madumi man ang sando niya ay hinila ko ito para mapatayo siya. Kaloka, para kong binubuhat si Jollibee na nagtatarabaho sa talyer.
At ng makatayo siya ay tinuhod ko ang alaga niyang sa tingin ko ay hindi niya na nakikita dahil sa laki ng tiyan niya.
“At iyan! para sa ipinagmamalaki mong pagkalalaki na hindi mo kayang panindigan”
“Awwwwwww, Awwww tama na tama na...suko na ko...”
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Feeling ko nanalo ako sa Miss Universe tapos yung isang candidate parang sumo wrestler ang size, kaloke teh!
True kaloka nga! Lumabas si Alexander teh, hindi Alexis ang peg mo kanina, perness. Yung hita mo siguro marami ng varicose veins sa lakas ng sipa mo kanina. Char!
“Reminder lang Kuya ah? Hindi lahat ng bakla, pagpaparlor lang ang kayang gawin. Yung iba kayang mag-karate” wika ko sabay walk out sa fighting scene.. char.
Dumiretso na ako sa nakaparadang sasakyan, hindi ko na nayaya si Kuya Lester na alam kong kanina pa tulala sa mga nasaksihan niya. Patay na naman ako, ayaw ko naman kasing siya lang ang makipaglaban kanina. Pero ngayon, pano ko na naman ipapaliwanag ang pakikipaglaban kanina? Dahil ang totoong Alexis ay hindi marunong makipaglaban. Masyado itong babae at malamya kumilos.
Kinakabahan man ay hinintay ko na lang siyang pumasok sa kotse habang nagiisip ako ng paliwanag sa ginawa ko kanina. Ilang saglit pa ay nakita ko siyang pumasok sa sasakyan. Bitbit pa rin nito ang chili spray na ipinahawak ko sa kanya kanina. Buti naman at naisipan ko itong isama sa aking kikay pouch.
“Ayos ka lang ba?”
“Ayos ka lang ba?”
Sabay naming tanong ng mapansin naming parehas kaming tahimik sa nangyari. Tiningnan ko siya ngunit nakatingin lang siya ng diretso sa manibela. Pinagiisipan siguro kung papa-andarin ito para maka-alis na kami sa lugar na iyon.
Pinaharurot niya ang sasakyan at mabilis kaming naka-alis dun. Nabigla man ay naiintindihan ko kung bakit ganon ang inaakto niya. Nanatili na lang akong nakatingin sa daan at tahimik na nagaabang sa sasabihin niya.
“Ayos lang ako bunso.. pero sana hinayaan mo na lang na si Kuya mo ang bumugbog dun sa gagong iyon.”
“Ano ka ba kuya, keri lang iyon, eh syempre knowsung ko naman na napuruhan ka na kanina kaya inilabas ko na yung mga fighting skills keme ko”
Gaga! hindi ka ba nagiisip, kung maka fighting skills ka naman.
Oo nga pala. Bakit ba iyon ang nasabi ko. Ang tanga-tanga ko. Dapat pala iniwasan ko pagusapan to.
“Oo nga pala saan mo nakuha iyon? Saka pano ka natutong magkarate? I know that what you did is some kind of a basic fighting skill” tanong niya sa akin habang nagmamaneho pa rin. This time, medyo mahinahon na ang pagpapatakbo niya.
“Kasi kuya ano...ahm ano”
“Ano?” tanong niya muli sa akin at ipinarada niya pa talaga ang sa sasakyan sa tabi ng daan para makapagusap kami ng maayos.
“Ako kasi...” syet ano na ba tong pinagsasasabi ko.
Lusutan mo yan teh.
“May hindi ka ba sinasabi sa akin bunso?” duda niyang tanong na nakaharap sa akin.
“Ako kasi Darna..”
Ano???? Hahahahaha.
“Hahahaha... ay naku ang kapatid ko talaga. Oo na po ikaw na si Darna... Pero sa lakas ng sipa mo kanina, para kang si superman” natatawa nitong tugon sa akin.
Buti na lang bumenta yung joke ko. Perness..
Dati ka bang clown teh?
“Sige, let me make it up to you. I know some place we can go para makapagrelax ng konti.” wika niya sabay kindat sa akin.
Lihim naman akong nagdasal. Thank you Lord at ibinigay niyo ang Captain Barbell ng buhay ko.
Char.
*****
Maharlika Cemetery, Laoag City
It was one of those afternoons.
Bumaba ako sa itim na kotse na sinakyan ko para makarating dito. Liblib ang lugar na ito at sa ganitong mga araw lamang ako nakakabisita sa kanyang puntod.
I brought some red roses. Kung meron sanang itim na rosas ay yun ang dadalhin ko para ialay sa kanya.
Ilang lakad pa ay natunton ko ang kanyang kinahihimlayan. Sa aking paglalakad patungo rito ay tanging tunog ng itim na stilettos ko lamang ang naririnig ko sa gitna ng pagaspas ng hangin at sa gitna ng luntiang damo na nakapaligid sa sementeryo.
Sa wakas ay nasa tapat na ako ng kanyang lapida na nakadikit sa lupa. Nagmistula itong pinto patungo sa kung nasaan man siya. Gamit ang aking mga kamay ay bahagya ko inalis ang dumi rito. Muli, binasa ko ang nakasulat rito.
At peace with God
Victor Saavedra
January 1 1970- January 1 2012
“Look at how numbers played dear..” wika ko sa kanyang puntod at saka patuloy akong nagsalita. “Kung kailan ka pinanganak, doon ka rin namatay” mapakla kong paliwanag sa kanya.
Oh those moments, yung isinasayaw niya ako and he will say that he love me.
But those moments are over.
Inilapag ko ang bulaklak at saka nagsalitang muli sa kanya na para bang naririnig niya ako.
“Hindi sana mangyayari to Victor, hindi sana. Wag kang magalala, hindi malalalaman ng mga anak mo na pinatay kita. Walang makaka-alam. Wala” and then I smiled dahil lumipas ang taon ng walang nakaka-alam ng aking sikreto.
Ilang sandali pa ay tinatahak ko ang daan pabalik sa kotseng itim. Hindi ako dapat nagtatagal sa ganitong lugar.
Nang makapasok sa kotse ay binuksan ko ang built in stereo at mula rito ay pumailanlang ang tugtog.
“Kamukha mo si Paraluman......nung tayo ay bata pa...”
Nahagip ng mata ko ang envelope na inilapag ko sa driver’s seat. Binuksan ko iyon para tingnan muli ang laman nito. Isa pa lang larawan. Pinagmasdan ko itong muli.
“You reminded me of Victor...dont worry youll be next. Magkakasama na uli kayo ng ama mo”
Itutuloy...
18 Violent Reactions!
Pa comment lang po .. grabe sobrang tagal kong naghitay sa chapter na to .. ang ganda kasi ng flow ng story at nakaka suspense din.. sana po may update agad.. tnx po ur great author .. godbless po and more power po :))
ReplyDeleteWaahh sa wakas meron na thankz author hehe! Readmode
ReplyDeleteRevelations...revelations...sulit naman ang paghihintay e :)) buti nakalusot ung darna niya hahaha
ReplyDeleteBeen waiting and now that its finally here, i found myself wanting for more..
ReplyDeleteSana ma update agad.
Nako nako! Si koyang lester na! Hala! Nakakabokot nmanchi. Haiii!
ReplyDelete@Anita- subukan mo lang galawin si papa lester at mauuna ka sa skanyang mkikipagkita kay victor. hahahaha
Whoa! REVELATIONS? That was A+aaaamazing darhling! Hahahaha. Keep them coming. :D
Hindi si anita yun..ibang tao yun..sana may kasunod agad
ReplyDeleteSullivan eduardo
Sana po mapublish nman yun comment ko dito..sana ma approved nyo sir rogue..lagi po ako ng check ng blog nyo for update..
ReplyDeleteI like the flow of the story..detective at comedy pinagsabi..lalo n yun character ni alexis..
Salamat po..
Sullivan Eduardo of pampanga
thank you author...just when i thought this is my worst week..hindi pa pala..salamt sa update..you made my day po tlaga...sana masundan agad..thank you po..and more powers to you
ReplyDeletethanks rogue for the update dmedyo ang tagal nga bago nasundan pero worth the wait naman.
ReplyDeleteI really enjoy reading your stories I hope maging frequent ung update para naman hindi nakakabitin nangyayari kasi sa tagal ng update nakakalimutan ko na ung plot so I need to read muna ulit ung past 2 chapters bago ko umpisahan basahin ung update (parang refresher ba).
Have great day rogue and thaks again.
go kenken! go kenken!
ReplyDeleteexciting ung fight scene haha
kaso uu nga uber ikli x.x bawi next part ah? :D
go crush! go crush!
hahaha
@happieJUMP again ...UPDATE na po please hihihi XD
ReplyDeleteDaily ako check ng update for chap 15..im happy na merun na..i agree..mganda ang flow ng kwento..highly entertaining at suspenseful pero hindi pretentious..good job ka author!
ReplyDeletesino nman kaya yun? gusto pang patayin yung gwapong nasa larawan..
ReplyDeletesino naman kaya yun? may balak pang patayin yung gwapong nasa larawan..shet
ReplyDeleteso i guess this is goodbye
ReplyDeletethe blog seems to have died.
My experience here has been very beautiful and your stories were just as much .. thank you for sharing your talent and may the odds be ever in your favor..may you reach your dream
Sir Rogue,
ReplyDeleteI know you will not bite me hehehe. Ive been waiting for the update of this story. Do we have any idea or turn around time for the next update?
Sorry kung excited much. Sayang kasi baka makalimutan na yung flow ng kwento.
Medyo matagal na po kasing walang update.
Kayat ko ituloy nga basaen jay katuloy na.
KUDOS TO YOU AND THE WRITER!!!
Sir Rogue,
ReplyDeleteI know you will not bite me hehehe. Ive been waiting for the update of this story. Do we have any idea or turn around time for the next update?
Sorry kung excited much. Sayang kasi baka makalimutan na yung flow ng kwento.
Medyo matagal na po kasing walang update.
Kayat ko ituloy nga basaen jay katuloy na.
KUDOS TO YOU AND THE WRITER!!!
Sir Rogue,
ReplyDeleteI know you will not bite me hehehe. Ive been waiting for the update of this story. Do we have any idea or turn around time for the next update?
Sorry kung excited much. Sayang kasi baka makalimutan na yung flow ng kwento.
Medyo matagal na po kasing walang update.
Kayat ko ituloy nga basaen jay katuloy na.
KUDOS TO YOU AND THE WRITER!!!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D