5:21 PM
The Accidental Crossdresser: The Accident Continues
5:21 PMThe Accidental Crossdresser: THE ACCIDENT CONTINUES By: Rogue Mercado Email: roguemercado@gmail.com ***...
The Accidental Crossdresser:
THE ACCIDENT CONTINUES
By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com
*****
Nagising ako ng umagang iyon.
Tiningnan ko ang sinag ng araw na nagmumula sa labas. Hinawi ko ang kurtina.
Ang ganda ng araw.
Pero mas maganda ako.
Char.
Pero seryoso, saan na nga ba ako
dinala ng aking kwento? Minsan dahil sa napakalaking sakripisyong ginawa ko sa
pagpapalit katauhan para imbestigahan ang pamilyang hindi ko naman kaano-ano,
hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito pagkatapos matuklasan
ang misteryo na bumabalot sa pagkamatay ni Victor Saavedra.
Pero syempre sa imaheng mayroon
ako bilang Alexis Saavedra at sa ganda ko, alam ko namang kaya ko. Sa ngalan ng
mga sangre ng Encantadia at ni Ate Vi at sa napipintong remake ng Darna. Ako,
si Alexander bilang si Alexis Saavedra ay magwawagi sa world war na itey.
Kinuha ko ang files na nasa
drawer ko at tiningnan ang mga impormasyong naroon. Kailangan kong isa-isahin
ang mga taong huling nakausap ni Victor Saavedra bago siya mamatay. Ganito ba
talaga kapag ang namamatay ang mayayaman kailangang pagtuunan ng pansin?
Siguro.
Napadako ang tingin ko sa teddy
bear at sa isang bandehadong fried chicken na nasa ibabaw ng mesa sa loob ng
kwarto.
Grabe naman sila.
Mukha na ba akong bird flu at ang
dami naman ng manok na iyon.
May nakalagay na card sa bandang
gilid nito. Agad ko itong binasa.
Alexis,
Nagluto ng fried chicken ang
kuya. Pasensya ka ah yan lang nakayanan ko. Hayaan mo kahit namang kumain ka ng
limpak limpak na manok. You’re still beautiful in my eyes. And I hope that’s
enough.
Ang kuya mong gwapo,
Lester
So ayun na nga pwede namang wag
munang madaliin ang pagsolve kaso. Kayo naman masyado kayong nagmamadali eh.
Haaay. Ang hirap talaga maging
maganda.
Afford rin sana ng ganda ko ang
forever.
Charot!!!















