The Accidental Crossdresser
The Accidental Crossdresser (Chapter 13)
10:55 AM
The Accidental Crossdresser
Chapter 13
By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com
*****
“Hello Bridget?” bungad ko agad sa cellphone habang minamaneho ko ang kotse.
Kakagaling ko lang sa bahay ng Precious Paraluman Sarmiento na iyon na akala ko eh magbibigay sa linaw o daan man lamang para sa ikakatagumpay ng misyon. Ngunit wala akong nakuha kundi puro katanungan. Naaalala ko pa ang huling sinabi ni Precious sa akin bago ko lisanin ang kanyang bahay.
“Maam, hindi ko po alam kung naniniwala po kayo sa akin.. Pero, kung meron man pong nagtatangka ng masama kay Sir Victor iyon ay marahil isa sa mga malapit sa kanya”
“Malapit sa kanya” I silently told myself. Syempre... ang unang taong malapit sa kanya ay ang pamilya niya. Anita her wife.. 2 children, Lester and Alexis and sige ok isama na rin si Manang Fe na para yatang walang kamuwang muwang sa nagaganap. The family branches of Saavedras were not even Ilocos bound. Ang iba sa mga ito ay nasa ibang bansa na o nasa kalakhang Maynila.
“So pano mo naman nasabi na isa sa malapit sa kanya ang pumatay sa Papa ko? Kaming pamilya niya ang unang pinakamalapit sa kanya” tanong ko sa nakakatakot na paraan. Gusto kong pigain itong si Paraluman na ito. Yun nga lang bakas sa mga mata nito ang pagiging totoo. Hindi ito takot magsiwalat ng nakita niya ng araw na iyon o magbigay ng sarili niyang opinyon sa nangyari.
“Maam.. alam ko po iyon pero ng mga araw na lumipas bago nangyari ang insidenteng iyon. Hindi ko po sinasadyang marinig na may kausap siyang tao mula sa kanyang cellphone.. Ang narinig ko ay mahal na mahal niya raw ito ngunit kailangan na nilang tapusin ang lahat”
“You better get your story straight Precious..” pagbabanta ko.
“Ni sa hinagap po ay hindi ko ninais maging kabit at wasakin ang pamilya ninyo. Isa lang po akong assistant at naging napakabait ni Sir victor sa akin.. Masamang masama lang ang loob ko na hanggang ngayon na kahit wala na siya ay patuloy pa rin ang panghuhusga sa akin ng tao sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa.” malungkot na tugon nito. Nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata na pilit nitong pinipigil.
Ayokong makaramdam ng awa ngunit iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
“Yes Black Scorpion.. any updates?” pormal na tanong nito sakin.
“I came to see this Precious girl.. Naalala mo? Yung pinapa-research ko sa iyo na personal assistant ni Victor Saavedra.”
“What?” gulat na gulat na tanong nito sa akin.
“Oh bat para naman yatang nagulat ka?” tanong ko na medyo naweirduhan sa reaksyon niya.
“Hindi ka ba nagiisip? Mainit pa ang mata ng tao sa iyo, lumabas ka na agad? Saka do you think may mabuting maidudulot itong si Precious sa misyon mo. Ipapaalala ko lang sa iyo ah.. ang target subject natin dito ay si Anita Saavedra. Black Scorpion.. the mission is simple.. Get a clear evidence that Anita killed Victor and then snap! Tapos agad ang misyon.” mahabang sermon nito sa akin. Parang nagsisi pa ata ako na tinawagan ko ang Dominos ko.
“Alam ko naman yun. Kaya lang, Im really puzzled with all of the clues Im getting. Malay mo, with this investigation that Im doing right now, dito ko makukuha ang ebidensyang hinahanap natin.”
“What clues?” tila naiintrigang tanong sa akin ni Bridget.
“Tungkol kay Paraluman...” wika ko sa kanya.
“Paraluman? Is that the same Precious girl that you mentioned?” tanong ni Bridget sa akin.
“No. Well.. OK. Ganito kasi iyon. Sa bahay ng mga Saavedra, I found this mysterious box. Ang nakasulat doon eh ‘Hindi ko alam kung paano mo ko nakalimutan’ and then there was a printed name under Paraluman. Subsequently, I also read the same name sa isang painting ng mukha ni Victor Saavedra. Kaya nung mapagdugtong ko ang mga bagay na iyon... I let you find any possible person attached to Victor Saavedra. Lumabas ang pangalan ni Precious Paraluman Sarmiento. So with those clues... I figured a case of infidelity. Hindi kaya pinatay ni Anita Saavedra si Victor Saavedra dahil may kabit ito? At ang kabit ay si Precious Paraluman Sarmiento? So ayun, I did a little research. Napaghinalaan nga pala ang assistant ni Victor Saavedra na isang kabit. She was even treated as a prime suspect because of a note found in Victor Saavedra pants”
“At anong note naman daw”
“According to Precious, it was a note of some lyrics from a song and a name again under Paraluman. And you know what’s funny.. nang araw na maabutan ni Precious ang malamig na bangkay ni Victor Saavedra, there was a song being played.. Huling El Bimbo raw.”
“What? Nakakaloka ah. So si Precious and naabutan ng mga pulis ng araw na iyon at napagbintangang gumawa ng krimen? At hindi pa nakuntento ang killer ah? Talagang naglagay siya ng mga clues na magdidiin sa kawawang babae? So ibig mo bang sabihin, ang Paraluman na ito ay si Anita Saavedra?” usyoso ni Bridget sa akin.
Biglang nagsitayuan ang balahibo sa aking katawan. Ewan ko ba. May kung anong nerbyos o takot ang nararamdaman ko. Parang gusto kong isipin na hindi si Anita Saavedra ang Paraluman na ito. Pero yun ang paniniwala ng kliyente... ni Master Black... ni Bridget at dapat ganun rin ang paniwalaan ko.
“Si.. siguro.. Malamang..” pagsangayon ko na lamang sa kanya.
“I have an idea. I will use some of our connections sa kapulisan. Ipapahalungkat ko sa kanila ang mga nakalap nilang impormasyon sa kaso ng pagpatay kay Victor Saavedra.”
“That would be good.. Meanwhile itutuloy ko muna ang paghahanap ng iba pang ebidensyang makapagtuturo sa kasalanan ni Anita Saavedra”
“Good. Sige Ill let you know. And nga pala.. just be careful. Hindi biro yata ang pinasok mo. Do some precautions sa pagiimbestiga mo”
“Ano ka ba... Im Black Scorpion. I’ll nail this mission in no time” paninigurado ko sa kanya though deep inside medyo nagpapanic ako sa mga pwede kong matuklasan.
“I know but you are dealing with a secret of an elite family. Hindi lang basta basta murder ito. Ang masaklap niyan, hindi mo alam na alam na rin pala ng pumatay sa kanya ang ginagawa mo. Its a secret game.. kailangan mong unahan si Anita Saavedra na mabuko ang sikreto niya dahil kapag nalaman nila na hindi ikaw si Alexis Saavedra, just imagine.. mabubunyag sa lahat ang palabas na ginawa natin.” Bridget warned me
“Got that” maikli kong sagot at saka ko narinig ang pagbaba niya sa kabilang linya.
Nakaka-stress drilon talaga. Alam ko naman ang epekto kapag hindi ko napagtagumpayan ang misyon na ito. Just imagine, mae-expose sa lahat na isa akong impostor.
Magtinda ka na lang ng taho teh. Char.
Pero si Paraluman ba talaga at si Anita Saavedra ay iisa? O si Paraluamn ay ibang taong makakasagot sa krimeng ito?
*****
“Luke? Bro?”
“O bro napatawag ka. Musta na pala? I hope its OK na hindi ako nakadalo dun sa party nung kapatid mo. Alam mo naman busy-busy..”
“Luke I need your help”
“Huh? Para san?”
“Ah kasi...” hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Parang nahihiya akong ewan. Tsk!
“Pero bago nga pala yan bro... I heard of the brawl that you made last nigt. Bro naman, alam kong muhing muhi ka diyan sa kapatid mo.. Pero what you did was too much. Kapatid mo pa rin yan. Saka, if you are asking my help para pasakitan na naman ang kapatid mo, I tell you wala kang makukuhang tulong sa akin.”
“That’s the thing.. Alam kong isang malaking kasalanan yung ginawa ko so I wanted to make up with my brother.. ahhh.. sister. So yun.. kaya kita tinawagan”
“Bro, just say your sincerest sorry. Pasasaan ba at mapapatawad ka rin ng kapatid mo saka mabait si Alexis bro, I hope makita mo iyon sa kanya”
Natigilan ako sa sinabi ni Luke. Those days, na pag tinitingnan ko kasi si Alexis, puro pagkamuhi at inggit ang nararamdaman ko. Why is it that she’s the apple of the eye of the family despite the fact that she’s gay? Laging yun ang katanungan sa isip ko. Pero ni minsan hindi ko tiningnan si Alexis bilang isang tao bago bilang isang taong may pusong babae. Hindi ko tiningnan muna kung anong pagkatao ang meron siya at hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng inggit ko sa kanya. This time Im doing it right.
“Yun na nga eh. Ayaw pasuyo, ipinagluto ko na’t lahat ayaw pa rin akong patawarin.”
“Ganun ba? Mukhang mahaba-habang suyuan yata yan.. Sabagay kasalanan mo naman talaga kasi.”
“Hey? Kaya nga kita tinawagan diba. I need some help.”
“Haha. Ito lang maipapayo ko sa iyo bro ah... Iyang si Alexis.. parang babae na rin yan. Kaya you should look at your sibling as a lady. At ang mga babae kapag galit kailangan sinusuyo. Sus, ganun rin ang hirap na inaabot ko sa girl friend ko no. Late lang ako sa date namin, ayun hindi na ko kinakausap. Kaya kailangan kong suyuin ng bulaklak o chocolates o kahit anong pwede kong gawin o maibigay sa kanya para lang maipakita ko na Im sorry at hinding hindi na mauulit uli iyon”
“Looking at Alexis pare.. parang hindi naman ata madadala ng bulaklak at chocolates yun. Eh ang dami nga naming chocolates dito at saka kung effort lang naman ah? I cooked fried chicken at binigyan ko siya ng teddy bear na may nakalagay na ‘sorry’. Tangina wala pa ring epekto”
“Whoah!!! Bro may sinat ka ba? Haha. Si Lester Saavedra? Magluluto at magbibigay ng teddy bear? Hanep ah? Parang nanliligaw lang”
Hindi ko alam kung saan nagmula ngunit buti na lamang at sa cellphone kami naguusap ni Luke. Baka bigla akong kantyawan nun pag makita niyang namumula ako. Tangina parang teenager lang! Saka kapatid ko naman ang pinaguusapan kaya dapat hindi ako nagre-react ng ganito.
“Ulol, puro ka kalokohan. Namomroblema na nga tao. So what do you suggest?”
“Gusto mo talaga ng suggestion?” paninigurado ni Luke.
“Oo nga. Tangina naman. Paulit ulit lang eh”
“Ok.. ok.. calm down bro. Kahit naman anong gawin mo basta galing puso ah? Tatagos rin kay Alexis. Pero kung gusto mo talaga ng suggestion ko.. Ang dapat mong gawin eh haranahin siya”
Kung meron lang akong kinakain ng mga oras na iyon ay tiyak na naisuka ko o nabulunan na naman ako. Ako? Manghaharana? WTF?!?
“Sige mang-asar ka pa.” seryoso kong banta sa kanya.
“Tingnan mo to. Humihingi ng advice tapos parang mambubugbog. Bro, sinimulan mo na nga magmukhang cheesy eh di lubusbusin mo na. Hahaha. Pero sa totoo lang ang corny nung teddy bear ah. Wahahahahaha”
“Eh hindi naman ako marunong kumanta saka alam mo namang hindi ako sanany mangsuyo ng babae. Kindatan ko lang ang babae sa bar ayos na” may himig pagmamalaki kong sabi sa kanya.
“Kaya nga.. Dahil sa nakagawa ka ng kasalanan, you should make some extraordinary effort para ipadama sa kanya na you are very sorry. Kung basta basta mo lang kasing sasabihin iyon na walang kasamang effort eh hindi talaga sila maniniwala.”
“Ang kaso nga, kamikazee fan ako. Eh hindi naman ako mahilig sa love songs.. Alam mo namang Id rather listen to metal than mellow”
“Hahaha. Anong kakantahin mo para sa kanya, Chicksilog? Ulol. Hahaha”
“Gago ka ba? Eh di hindi na ako pinansin nun. Kung noon na inaaway ko siya siguro maganda yang idea yan”
“Bro, ang daming love songs ang pwede mong kantahin para sa kapatid mo”
“Bakit love songs?” tanong ko na medyo naging hindi komportable sa mungkahi ni Luke. Nandun na naman kasi yung mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
“Eh kaya nga harana diba? Alangan namang chiksilog kantahin mo. Baka hindi na kayo magbati for life”
“Sige na nga bahala na.. Any moment parating na yun.. Lumabas ata saglit. Nabwisit sa akin. Hahaha”
“O sige goodluck bro”
“Sige bro. Basketball tayo whenever you’re free” pagpapaalam ko.
*****
It was a very tiring day. Ilang oras lang naman ang itinagal ng balikang biyahe Laoag papuntang Batac at Batac papuntang Laoag. Hindi naman ako gaanong nagtagal sa bahay ng Precious na iyon ngunit nakakapagod pa rin at nakakalurkey lang talaga ang mga revelations of the century. Kanina ng papalapit na ako sa bahay ay tumawag si Anita Saavedra at sinabing may aasikasuhin lang daw siya. Hindi ko na tinanong kung sino ang maiiwan sa bahay at baka mabwisit lang ako sa isasagot niya. At bilang masunuring anak kuno ay dapat daw na hindi ako maglala-labas muna ng bahay.
Nang makapasok ako ng mansyon ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Nagpasya muna akong tumungo sa kusina upang kumuha ng maiinom. Habang papalakad papasok ay ipinagpapasa-Diyos ko na sana ay wala roon si Lester. Ayoko pa talaga siyang makita, maybe mga 2 hours lang. Char.
Ay galit galitan? I knew it hindi mo siya matiis.
I decided to go upstairs. Gusto ko munang matulog at bawiin ang aking lakas. Parang nabigla ko rin kasi ang katawan ko kaninang lumabas ako at magdrive papuntang Batac. Medyo nahihilo na nga rin ako na maduduwal na hindi ko maintindihan.
OMG Nagbunga ang kapangahasan sa bar. Hahaha. Diarrhea talaga yan teh.
Ilang hakbang pa at nakita kong nakabukas ang pintuan ng aking kwarto. Sa pagkaka-alam ko eh naikandado ko naman ito kanina bago ako umalis. Kaya namang dali-dali akong pumasok.
Nang bumukas ang pinto ay nakita kong muli ang Fried Chicken at ang Teddy Bear kanina
At naroon din sa loob ng kuwarto ko ang nagbigay ng mga ito. Ganun pa rin naman ang suot niya, nakasando..nakashorts na pambahay. Wala nga lang yung apron na nakatapal sa tawan kanina ngunit may nakasuot na gitara sa balikat nito. At Ok sige na nga... naroon pa rin yung gwapo niyang mukha.
Hahaha. Walang poninindigan ang bakla.
“So anong pakulo to Lester? Pakilabas na iyang mga props mo at wala akong panahon sa kalokohang to” pagtataray ko. Naroon pa rin ako sa bukana ng pintuan.
Hindi naman ito sumagot. Seryoso lang itong nakatitig sa akin na siya ko namang ikinaka-conscious. Ang lalim ng titig nito na parang may gusto siyang sabihin sa pamamagitan ng mga titig na iyon.
Nakita kong kinalabit nito ang strings ng gitara. Ilang sandali pa ay tumutugtog siya ng intro ng pamilyar na kanta. Sinundan ito ng pagbuka ng kanyang bibig at pagsabay sa himig na nagmumula sa gitara.
Teka ano to? Kakanta si Lester?
“Tila ibon kung lumipad... Sumabay sa hangin.. ako’y napatingin sa dalagang nababalot.. ng hiwaga..” paninimula niya.
“Mapapansin kaya sa dami ng 'yong ginagawa? Kung kaagaw ko ang lahat may pag-asa bang makilala ka?”
Isa itong kanta ng Kamikazee kung hindi ako nagkakamali. Pero bakit niya to ginagawa.. nanghaharana ba siya? Nanatili naman akong napako sa kinatatayuan ko habang nakikinig sa kanyang kumanta. Hindi naman maganda boses niya.. sakto lang. Lalaking laki, parang nakikipag jamming lang sa mga kainuman.
Pero hindi ako kinikilig.
Spell Charo Santos Concio.. Ay ayan na pala.
Bago nito kinanta ang chorus ay ngumiti muna ito ng pagkatamis tamis at saka kumantang muli..
“Awit na nananawagan...Baka sakaling napakikinggan..Pag-ibig na palaisipan...Sa kanta na lang idaraan..Nag-aabang sa langit..Sa mga ulap sumisilip...Sa likod ng mga tala kahit'sulyap lang DARNA”
Ok kinikilig na ako.
Wahahaha bumigay ka rin.
Pero nanghaharana ba siya o nangaasar. Darna daw eh.
Keri lang teh.. Ano ka ba, bet mo bang si Valentina ang ihambing sa iyo? Char!
Unti-unti itong lumapit sa akin si Lester matapos nitong ibinaba ang gitara habang dala-dala ang teddy bear kanina. Samantalang wala pa ring lumalabas na salita sa aking bibig. Wala pa naman kasing gumawa sa akin nito noon.
“Alam mo Alexis, bunso.. Hindi sanay ang Kuya mo na kumakantang parang engot. Pero para sa iyo handa akong magmukhang engot at maglakas loob na kumanta kahit sintunado.. patawarin mo lang ang kagaguhang nagawa ko. Sorry na.. Please...” wika niya sabay abot ng teddy bear sa akin.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.... (nawalan ng boses ang subconscious mind)
Kinuha ko ang teddy bear. Hindi na ako nagisip ng matagal kung papatawarin ko ba siya o hindi. Basta ang sinasabi lang ng puso ko, nararapat lang na bigyan ko siya ng tsansang magbago.
“So ibig sabihin ba niyan pinapatawad mo na ang Kuya?” nakangiti nitong tanong sa akin. God bakit ganyan siya kagwapo pag ngumingiti?
Ahem may boses na uli ako. Hahahaha. OMG... teh.. Go patawarin na ang may sala. Bigyan ng pardon.. Bigyan ng parol! Char.
“Pasalamat ka mahilig ako sa teddy bear” nangingiting wika ko sabay tungo sa fried chicken na inihain niya. Kumuha ako ng isang piraso at kinain ito.
“Eh sa lalaking nagigitara at kumakanta hindi ka mahilig?” natatawa nitong tanong muli sa akin.
“Hay naku Kuya... pagod lang yan. Sige na po at magpapahinga na ako” sagot ko na lang sa kawalan ng isasagot sa tanong na iyon. Kung alam niya lang, hindi lang ako mahilig.. bet na bet. Hahaha.
Kim Chiu ikaw ba yan? Assumera ka kaagad teh!
“Sige bunso.. para makapagpahinga ka at maaga pa tayo bukas?”
“Huh? Bukas? Bakit? Wala naman akong lakad bukas..”
“Naipagpaalam ko na kay Mommy. Lalabas tayo bukas. Date tayo” tuloy tuloy at nakangiting sambit nito.
“Hu...huh? Da..Date? La..labas? Wala akong natatandaang sinabi ko kay Mommy na ganyan” nagkanda utal-utal na tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya.
“Oo.. bakit ayaw mo ba akong kasama?” tanong nito sa akin na tila nadismaya sa reaksyon ko.
“Hi.. hindi naman sa ganun kasi...” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng ito na ang magsalita.
“Ok great! Sige at magpahinga ka na bunso.. Bukas ah?” wika nito at saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
Naiwan naman akong nakatunganga. Did he just say DATE?
Itutuloy...
8 Violent Reactions!
Wooohh... A date?! I sensed an exciting next chapter... :)
ReplyDelete_xtian of ksa
Ay naku kuya Rogue, don't worry we're willing to wait for your weekly updates! Haha ako rin after reading WBTL 1, I think I just can't get enough of it, though I was really curious about project popular...so I decided to shift my votes to WBITL 2 instead...I even voted twice or thrice for the last 5 days of the poll haha.Kudos! :D
ReplyDeleteWhaaaaa! And I am so bitin na bitin! Hahaha. Excited na akis sa next chapter. Great, tuloy na ba paglilipat mo sa town nmin?
ReplyDeleteayieeeee... bati na sila :))
ReplyDeletemej kinilig ako sa effort ni Koya kay Bunso :))
as for the murder case... parang mas convinced ako pa ako ngayon na hindi si Anita Saavedra yung killer kasi she seems to be a loving and caring mom na hindi kayang manakit ng iba, all that she really wanted is for her family to be together.
Well, its to early to tell because anything can happen, right? :)) so lets just see what surprise you have in for us :D
kyyaaaa.... mej exited na ako for the next chapter... sa date ng magkapatid... I can sense that there will some sort of realization or an awakening on Lester's part... :))
kelangan ng matinding kape para s nxt chapter.
ReplyDeleteo di kaya'y tagay nlang sir rogue?hehe.
@Xtian of KSA: thanks for being thoughtful and buddy on FB :)
ReplyDelete@LoveDoctor: Wahahaha. Yan ang technique. LOL. Sana nga masimulan ko na yung WBIL Book 2. SOoooooon
@Kean: Trew. Pero wala pang definite date. See yah!
@Archerangel: Kahit ako nae-excite rin kung ano ang mangyayari. Hehehe.
@Anonymous: Nakainuman na ba kita? Parang... -_-
naku dayaan may ballot switching nangyari kea nanalo ang WBIL2 ahahahaha joke lang po. Buti naman nagkaroon nabigyan nang hustisya yung pagnanakaw sa story niyo, bad karma is around for those evil doers. Then comment about the story i'm still waiting how will you make a homophobic and insecure brother to fall in love with his brother/sister. It's a challenge really to still make it as real as possible haist excited talaga ako but please do take your time doing the story no pressure po kase mahirap gumawa nang story lalo na sa katulad mong writer na talaga pinag iisipan ang plot nang story para di lang maging ordinaryong story ang ma.ishare ninyo sa amin. Aside from you creative imagination nag reresearch ka pa sa mga bagay bagay just to give us new knowledge and experience through you literary works, and i get all this for FREE ahahaha. God Bless to you Mr Author and thanks for sharing your gift to us.
ReplyDeleteNice hehehehe parang mas lumabo yung chance ni Alexis to find the culprit and I know more twists and turns awaits him. Hirap lang nito if he fall in love ky Lester which is not that far to happen di ba? It's not that but to wait rogue as long as the wait is worth it hehehe. I don't mind kung matagal ang update the fact that your trying your best to continue writing is enough. Plus the excitement, inspiration, and lessons we get from your stories. Kaya I tell you IT'S WORTH THE WAIT.....
ReplyDeleteThank rogue have a great day and keep on writing.
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D