5th Candidate
The 5th Candidate (Full Story)
5:15 AM
The 5th Candidate
By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com
Author's Note: This story is fast paced po, dahil na rin siguro sa kakulantgan ng oras ko noong ginagawa ko ito. Anyways, naisipan kong ipost ang kwentong ito ng makabawi naman kahit papano sa pending na kwento ko (The Accidental Crossdresser). Uunahan ko na kayo, tapos po ang kwentong ito at kaiba sa mga nauna kong mga naisulat na nahahati sa bawat kabanata. Salamat po sa pagbabasa at pasensya na po kung kinakain lang talaga ng pagtatrabaho ang oras ko. :(
“Hi! You must be Ramon?” tanong sa kanya ng isang boses mula sa kanyang likuran.
He was ditching some dirt on his desk. Siguro yung umalis na teacher at gumamit ng desk naiyon eh isang malaking burara. Wala rin siyang aasahang maglilinis noon since he applied in a state university sa kabikulan.
Nilingon niya ang boses mula sa likuran. May ilang segundo rin niyang pinagpasyahan kung sasagutin niya ba ito o hindi. Ngunit saaraw-araw na pamumuhay, ang baguhan ay siyang dapat makisama. Ngunit kung siya ang papipiliin, mas gusto niyang pumunta sa lugar na iyon para magtrabaho lang. May malaki siyang takot na lahat ng taong papahalagahan niya ay...
“Ui! Natulala ka na?”
Naputol ng tuluyan ang kanyang malalim na pagiisip ng magsalita itong muli. Hindi pa nga bumubuka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito kanina ay nagsalita na naman ito.
Kaharap niya ang isang lalaking sa hula niya ay nasa mid 20’s, kaedad niya marahil. May pagkakulot ang buhok at ang dalawang mala-anghel na mga mata nito ay waring nangungusap sa sinumang matitigan. Sinuyod ng kanyang mata ang bagay na nakasuot sa leeg nito. Binasa niya ang pangalang nakasulat.
He was ditching some dirt on his desk. Siguro yung umalis na teacher at gumamit ng desk naiyon eh isang malaking burara. Wala rin siyang aasahang maglilinis noon since he applied in a state university sa kabikulan.
Nilingon niya ang boses mula sa likuran. May ilang segundo rin niyang pinagpasyahan kung sasagutin niya ba ito o hindi. Ngunit saaraw-araw na pamumuhay, ang baguhan ay siyang dapat makisama. Ngunit kung siya ang papipiliin, mas gusto niyang pumunta sa lugar na iyon para magtrabaho lang. May malaki siyang takot na lahat ng taong papahalagahan niya ay...
“Ui! Natulala ka na?”
Naputol ng tuluyan ang kanyang malalim na pagiisip ng magsalita itong muli. Hindi pa nga bumubuka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito kanina ay nagsalita na naman ito.
Kaharap niya ang isang lalaking sa hula niya ay nasa mid 20’s, kaedad niya marahil. May pagkakulot ang buhok at ang dalawang mala-anghel na mga mata nito ay waring nangungusap sa sinumang matitigan. Sinuyod ng kanyang mata ang bagay na nakasuot sa leeg nito. Binasa niya ang pangalang nakasulat.
Harold Callope
“Ahm..ah..Oo.. Ramon pare” medyo nauutal niyang sagot.
He wasnt really sure kung ‘pare’ ba ang nararapat na salitang ginamit niya. If institutions like this require for a more formal address kaysa sa salitang nakasanayan niyang gamitin sa labas at itawag sa bawat estrangherong lalaking makakasalamuha.
“And you must be Mr. Callope?” sunod na tanong niya para pambawi sa pagiging impormal niya sa kaharap.
“Harold na lang din pre..Di naman na tayo iba dito..Ano pala subject mo?” balik tanong sa kanya ng kaharap. Sa di maipaliwanag na dahilan ay may ipinapaalala ang taong kaharap niya ngayon pero mas pinili niyang ipagsawalang bahala ito at pagtuunan ang ikalawang tanong nito sa kanya.
“Actually substitute pa lang ang first class ko ngayong umaga... Mamaya pa ata ibibigay ng Department head yung official classes ko but Im gonna teach World Literature bale wala pa kasing nahahanap na isa pang teacher that is Literature major. Kakaresign lang din daw nung isang teacher”
“I see. Oo we lost two teachers na parehong literature ang major. Welcome to DLLC pare and im glad na nakahanap kami kaagad ng kapalit nung dalawang nagresign. Actually yung isa was a retiree.” tatango-tangong wika ni Harold sa kanyang paliwanag. Nakita naman niyang gumala ang mata nito sa kanyang mukha waring kinakalkal ang damdaming pilit niyang ikinukubli sa kanilang paghaharap. Nang siguro ay mapagod ito ay dumako ang mga mata nitosa desk na kanina niya pa pinagtitiyagaang pagpagan. Nailagay na rin niya ang kaunting gamit.
“Kapatid mo?” tila di nauubusang tanong ni Harold sa kanya. Hindi pa niya napansin na nakalapit na pala ito sa desk niya at naka-alis na sa sariling mesa nito. Huli na para pigilan ito sa animo’y pagiimbestiga sa kanyang kagamitan.
Ganito lang siguro pagbago. wika niya sa sarili.
“Ahm..ah Oo kapatid ko..bunso” pag kumpirma niya sa tanong nito. Hinihiling niya na sana ay naikubli niya ang pag-garalgal ng kanyang boses dulot ng malakas na pagkabog ng dibdib.
Sa dinami dami pa naman kasi ng larawan na madadala niya ay ito pa pala ang nadampot niya. Akala niya ay larawan ng buong pamilya niya ang kanyang nadala. Iyong pang larawan na iyon
“Gwapo ah..mana sa kuya niya.”
Tipid na ngiti lang ang isinagot niya sa kaharap. Nakatitig pa rin ito sa larawan na hawak na para bang kilala ang taong nasa loob ng picture frame.
Tiningnan niya ang relo na nakasabit sa dingding ng opisina. It was already 9. Naalala niya bigla na 9:15 pala ang klase niya ngayong umaga. Sandaling ininspeksyon niya ang mga gamit sa loob ng bag at pagkatapos ay tiningnan niya ang kaharap na hindi pa rin natinag sa pagkakatitig sa larawang hawak-hawak. Tinantiya niya kung magpapa-alam ba siya rito o aalis na lamang siya para habulin ang unang klase.
Pinili niyang magpaalam.
“Ah.. Harold..pre..Bale punta lang akong klase ko ngayon”
“Ganun ba? Anong room ang klase mo?”
Saglit niyang inalala ang silid-aralan ng una niyang klase. Nang hindi ito mahagilap sa kanyang isip ay hinagilap niya ang kanyang cellphone para tingnan ang schedule na nakalagay sa loob.
“Ah 101 pre...” sagot niya ng mabasa ang schedule sa cellphone.
“Shoot... 102 naman yung klase ko rin,, actually medyo huli na ko kasi 9:00 yun klase ko.. Sabay na tayo? If you dont mind?”
“Oo ba... sige tara” pagsang ayon niya.
Nauna na siyang lumabas ng departamento at hinintay niya ito sa labas. Nang iluwa naman ito palabas ng pinto ay nakita niyang may dala itong laptop bag at dalawang bote ng mineral water sa kamay.
“Tara” yaya nito sa kanya.
Mga ilang metro lang ang layo ng mga silid aralan na pagtuturuan nila. Kaya naman ilang saglit lang ay narating na nila ang kani kanilang kuwarto. Magkatabi lamang ang room 101 at 102. Mula sa labas ng silid ay nakita niya ang mga estudyante. Yung iba ay kanina pa siguro naghihintay. Yung iba naman ay may sari-sarili atang mundo.
“So pre... goodluck” biglang sambit sa kanya ni Harold ng matapat sila sa harap ng mga silid aralan.
“Salamat.” sagot niya.
“Teka” habol na sigaw sa kanya ni Harold bago pa man siya makapasok sa loob.
Lumingon siya at nakita niyang iniabot ng isang kamay nito ang isang bote ng mineral water na bitbit nito kanina.
“Take this pre... baka mabigla ka sa 1st day of teaching mo at matuyuan ka ng lalamunan. Nasa baba pa ng building ang cafeteria”
Nagdadalawang isip man ay kinuha niya ang mineral water.
“Thanks” tipid niya pa ring sagot. Tumango lamang naman ito bilang pagtugon rin sa kanyang pasasalamat.
Agad siyang pumasok sa loob ng kuwarto. May mangilan ngilan na bumati ng ‘good morning’ ang iba naman ay nakasimangot dahil akala siguro ay walang guro na magkaklase sa kanila ngayon. Kung meron mang balita na agad kakalat sa isang klase iyon ay pag walang pasok dahil holiday o walang gurong magtuturo. Malas lang nila, na hire siya agad.
Gayunpaman ay binati niya ang mga ito ng ‘good morning’ kahit na pang biyernes santo ang mga reaksyon nito sa kanyang pagpasok. Nang makarating sa harapan ay sinuyod niya ang lahat ng estudyantend nasa loob. Kung hindi siya nagkakamali ay mayroong apatnapung magaaral ang nasa silid. Lahat ng mga mata nito ay sa kanya na nakatingin.
Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang isang makapal na libro na pang literatura at ang mga classcards na nai-surrender sa kanya.
“Hi guys... probably most of you dont know me and we are on the same shoes. Because Im also new here and this is my 1st day of teaching here in BUCAL. So im glad that I have you as my first class.” nakangiti niyang panimula sa klase.
Walang sumagot.
Walang reaksyon.
Sinikap niya pa ring maging masayahin at ganado sa pagsasalita sa harapan. Kumpirmadong hindi masaya ang mga estudyanteng iyon na makita siya.
“So you can call me Sir Ramon or Sir R. And as I was saying you guys are my first class but its not yet confirmed if Im gonna stay or teach you through out this semester since the DLLC department is still in search for another literary teacher. But anyways, I hope we could nail together this first class.”
Nakita niyang lumiwanag ang mukha ng iba. Siguro ay dahil na rin sa nabanggit niya na hindi pa sigurado na siya ang magtuturo sa mga ito. Ugaling estudyante nga naman talaga
“So first stop... gusto ko lang kayong makilala muna before we go and proceed sa discussion natin.. Your full name will do. Lets start here” wika niya sabay turo sa estudyanteng nasa pinakasulok ng kuwarto.
Naging maiksi lang ang pagpapakilala ng mga ito. May mga apelyidong tumatak sa kanya, may iba naman na hindi. Sa pamamaraan ng mga ito na magpakilala ay nakilatis nya agad ang iba ibang personalidad ng mga ito. Doon niya rin napagtanto na ang kursong kinukuha ng mga ito ay AB English at karamihan ay nasa ikalawang taon na. Mayroon ding dalawang estudyante na galing sa ibang kolehiyo at irregular student. Kung tutuusin, minor subject lang naman ang Literature II.
“Ok.. so thats everybody and Im glad to know you all. Though it might be hard for me to recognize and even memorize your name but Im really happy to know you guys.. So may naiwan na story sa inyo and I would discuss this particular myth..” wika niya sabay buklat sa aklat at ang namarkahang pahina nito.
Nakita niyang nagkukumahog ang ilan sa paglabas ng mga syllabi na na-xerox. Kung hindi siya nagkakamali ay xerox ito ng pahinang kanyang minarkahan sa kanyang aklat.
“I also assume that everybody has already read this story. I see that we are stuck in Greek Mythology... particularly in the story of Prometheus and Epimetheus. So can someone at least share their insights about the story?”
Katulad kanina ay walang nangahas na magtaas ng kamay. Ang iba nga ay iniiwasan siyang tingnan. Marahil ay takot ang mga ito na matawag at magsalita tungkol sa kwento.
“Cmon guys... dont tell me walang nakabasa nito sa inyo.” dismayado niyang sagot sa katahimikan at pagiwas ng mga ito sa sinasabi niya.
“Sir excuse me po...” agaw atensyon sa kanya ng isang boses. Lumingon siya sa pinanggalingan nito at nakita niya ang isang babae na nagtataas ng kamay.
“Yes?” nabuhayan niyang sagot rito at sinenyasan niyang tumayo. At least someone already read the story.
“Sir.. actually po kakabigay lamang samin ng syllabus kanina nung kaklase namin. We are also expecting na wala po kasi si Maam Ramirez dahil nabalitaan namin na nagresign na siya...”paliwanang ng babae at naupo na ito sa silya nito
“Oo nga sir...”sabay-sabay na pagsangyon ng iba.
Hindi niya alam kung maniniwala siya sa mga ito. Parang choir ito kung sumagot ng sabay-sabay at parang nagmemorize ng script upang walang siyang lusot at dahilan na magalit. Sandali siyang natahimik at nag-agam-agam kung siya ba ang magkikwento o ipapabasa na lamang niya ang kwento sa mga estudyante. Ngunit kung ganun man ang gagawin niya ay tiyak lamang na masasayang ang oras nila kakabasa. Mas gusto niyang ipaliwanag na lamang ang aral at ideolohiya ng kwento.
“Sir magkwento ka na lang kaya tungkol sa iyo o sa buhay mo.Diba literature pa rin iyon?” biglang sigaw ng isa pang babae sa loob ng kwarto.
Sinundan naman ito ng tawanan sa loob at pagsang ayon ng iba sa opinyon ng kamagaral.
Hindi naman niya ito masisisi. Ang literatura ay hindi para sa lahat. Hindi lahat ng estudyante lalo na sa contemporary era ay magsasayang ng panahon para pagaralan ang mga isinulat ni Homer o ni Shakespeare. Baka mas gustuhin pa ng mga ito na manood ng ASAP o Mara Clara
Saka mayroon din namang mga guro na bago magsimula ang klase ay isasalaysay ang mala-MMK na buhay ng mga ito. Noong siya ang estudyante ay aliw na aliw siya sa mga gurong ito. Hindi sa kadahilanang gusto niya ang kwento ng mga ito.. kundi dahil pag matapos ang mga kwento nila ay tapos na rin ang klase.
“Sige pagbibigyan ko kayo” pagsang ayon niya sa mga ito at isinara niya ang libro na kanina ay kanyang binuklat. Nagulat ang iba sa di inaasahan niyang pagsang ayon ngunit may kung anong pwersa sa loob niya na gustong gustong magkwento.
Kumuha siya ng isang bakanteng silya at nilagay sa unahan. Umupo siya at nagsimulang lumabas ang mga salita sa kanyang bibig.
“Hon feeling ko hindi ko talaga kaya...” nanghihinang wika niya kay Jason. Nasa apartment silang dalawa at kakatapos lang ng screening niya para sa Ginoo ng Magayon, ang taunan at prestihiyosong beauty pageant ng mga kalalakihan sa kabikulan. Dito nagtatagisan ng kakisigan ang mga Adonis sa lupain ng Bicolandia, ang huling rehiyon ng Luzon.
“Sus.. ikaw naman.. sabi mo nga diba wala pa yung resulta nung screening saka ikaw pa... yakang yaka yata yan ng hon ko.. Para ano pa at ikaw ang naging heartrob ng College of Education. Geoff Galura.. Ginoo ng Magayon 2005. Naks. Bagay na bagay ah!” sagot sa kanya ni Jason sabay hila sa kanya at yakap.
He felt the warmth of his body. Kung meron man sigurong pinanghuhugutan niya ng lakas sa mga panahong ito yun ay walang iba kundi si Jason. Sobrang pasasalamat niya dahil ibinigay ito ng Diyos sa kanya.
Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa pisngi.
“Wag mo ng masyadong isipin yan. Sigurado ako... lahat ng mga yan.. Taob sa hon ko. Makikita mo ko pag coronation night niyo at ako ang unang unang sisigaw ng ‘boyfriend ko po yan’ ‘mahal na mahal ko iyan’” wika nito ng may himig ng pagmamalaki.
“Talaga... kaya mo yun?” tanong niya rito. Hindi niya napigilang hindi mapangiti sa sinabi nito sa kanya.
“Oo naman basta ba papayag ka eh...” biglang seryoso na tugon nito sa kanyang tanong. May himig pangongonsensya ito.
“Hon alam mo naman diba? Lalo na ngayon sasali ako sa Ginoo ng Magayon. Magiging mainit ako sa mata ng tao.. Saka mas OK na tayo lang nakaka-alam diba? Ok naman tayo diba?” wika ko sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinalik halikan ito.
“Oo naman po hon... Ok lang. Saka hindi naman tayo nagmamadali. After college, baka siguro ok na hon. Tapos na rin ang pageant after graduation” nakangiting wika ni Jason sa kanya. kinuha ng dalawang palad nito ang kanyang magkabilang mukha at ginawaran siya ng isang halik sa labi. Kapwa sila nakangiti ng matapos iyon.
Kapwa naman sila nagitla ng biglang magbukas ang pinto ng kanilang kuwarto. Nahimasmasan lang sila sa pagkagulat ng makita na ito ang room mate nila na si Ram, halatang kakagaling lang nito mula sa klase.
“Sorry... kala ko pa naman kasi wala pa ang secret lovers ng Felmar’s Dormitory. Hahaha” nanunuksong sagot nito ng marahil ay mapansin ang pagkabigla nilang dalawa. Huling huli kasi sa akto ang yakapan nila ni Jason.
Si Ram ay ang pinakamatalik niyang kaibigan. Sabay silang lumaki at nagaral. Kaya alam na nila ang hilatsa ng isat isa. Hindi rin lingid dito ang sekswalidad niya at ikinukubli nilang relasyon ni Jason.
“Kahit kailan talaga eh hindi mo alam ang salitang katok. Saka tumigil ka nga baka may nakakarinig sa iyo” singhal ko kay Ram sa pangaalaska nito sa amin. Natatawa na lamang si Jason habang nakayakap pa rin ito sa kanya.
“Ay ganun? Sorry naman po your highness at naaalala ko rin kasi bigla na kuwarto ko rin to. Ayan o may isa pang kama.” patuloy pa ring pangaalaska nito sa kanya.
“Kayong dalawang magbestfriend talaga para kayong si Tom and Jerry...” natatawang singit ni Jason sa aming dalawa.
“Basta ba ako si Tom siya si Jerry effect lang..Hahaha”
“Ewan ko sa iyo. Mas mukha kapang palaka kaysa pusa” naiinis niya pa ring tugon.
“Tingnan mo tong jowa mo Jason. May dalaw ka teh? Kaloka.”
“Hahaha. Sige at lalabas muna ako at magtitimpla ng kape.. hon gusto mo ng coffee?” tanong ni Jason sa akin.
Tumango naman siya.
“Ikaw Ram gusto mo?”
“Sure..” nakangiting sagot ni Ram.
“O siya sige at ituloy niyo na ang balagtasan niyo” natatawang wika ni Jason sa kanilang dalawa at tuluyan na nitong nilisan ang kuwarto.
Nang makalabas si Jason ay bigla namang nagsalitang muli si Ram.
“Alam mo yang jowa mo.. pakasalan mo na yan. Naku! yung mga katulad ni Jason eh hindi yan napupulot sa tabi tabi. Best, special delievery ng langit yan parang Pili Nuts na binalatan gamit ang well manicured na mga kamay”
“Loko-loko. Alam mo naman ang sitwasyon diba? Ni hindi pa nga alam ng ibang taong nakapaligid sa amin na may relasyon kami. Ang alam lang nila eh mag best friend kami yun lang. Saka ganun rin naman siya, ang alam ng ibang tao, straight siya”
“Eh bakit pa kasi hindi niyo ipaalam. Ganun lang kasimple yun. Una panindigan niyo kung ano kayo. Pangalawa, panindigan niyo ang pagmamahalan niyo. Eh diba nasabi mo noon na handa na si Jason na sabihin sa lahat kung ano siya at kung ano kayo? O biruin mo? ikaw na lang yata hinihintay niya eh”
“Sa tingin mo ganun kadali yun? Sasali pa ko sa Ginoo ng magayon. At ang nanay, alam mo namang may sakit iyon. Baka pag nalaman nun eh bigla iyong atakehin sa puso. maselan pa naman lagay nun”
“Maselan nga best. Halata. Sa sobrang selan niya eh alam kong pinipilit ka lang niya na sumali diyan sa pageant na iyan. Ipasa ba naman sa iyo ang frustration sa pagiging beauty queen? Eh kung alam lang niya na ang unico hijo niya na si Geoff Galura eh isang naturally borned beauty queen din eh di sana less effort na ang expectation ng nanay mo diba?”
Naikwento niya minsan kay Ram ang kwento ng buhay ng kanyang nanay. Actually gasgas na ang kwentong iyon. Simula pa siguro noong magkaisip siya ay bukambibig na ng nanay niya ang pagsali nito noon sa ibat ibang patimpalak ng kagandahan. Mula sa contest sa mga mutya ng barangay hanggang sa Miss Bicolandia. Ngunit nabigo itong masungkit ang korona ng pinakamagandang hayop sa balat ng kabikulan.
“Wag ka nga nanay ko pa rin iyon. Saka hindi lang naman korona ang habol ko syempre ang laki rin ng premyo. Pwede kong magamit iyon para maipatingin si nanay sa duktor. Ilang taon na rin ang lumipas ng huling maipatingin si nanay sa duktor”
Umismid naman si Ram na waring hindi kumbinsido sa sinabi niya at saka muling nagsalita.
“Pinapa-alala ko lang sa iyo ah. Yang jowa mo. Si Jason Legaspi yan. Sikat na sikat sa campus. Baka naman kakatago niyo ng relasyon niyo eh may umagaw diyan. Kung ako sa iyo eh ibunyag niyo na kung anong meron kayo. Aba, yang jowa mo pantasya ng karamihan yan. May kaklase nga ako na naglalaway diyan eh. Habang maaga pa dapat ang produkto lagyan na ng label, tatakan na iyan ng All Rights Reserved. Sige ka, baka may iba pang kumuha diyan. Syempre wala kang habol sa copyright.”
“Best.. Seniors na kami diba? Kailan naging kami? 1st year pa lang. So halos apat na taon na kaming ganito. So far wala namang problema. Anong gusto mo? Magpalit kami ng relationship status sa friendster? Minsan mas madaling masira ang relasyon kapag marami ang nakakaalam. Tiwala ako kay Jason, alam kong hindi siya tulad ng iba”
“Ok fine.. kayo na nga ang mga pamintang nakakabahing...Maiba ako, narinig ko na jumoin ka daw sa screening ng Ginoo ng Magayon. Kumusta naman daw?”
“Ayos lang din. Pero kinakabahan ako.. Iniisip ko na baka hindi ako makapasa. Nakita ko iyong iba, at base sa tindig nila.. alam kong ramp model ang iba sa kanila. Ewan ko lang. Saka, 1st time ko tong sumali sa ganito ka engrandeng pageant. Eh yung last ata na pagsali ko eh noong elementary pa ko sa barangay lang namin.”
“Wag ka ngang nega diyan. Alam naman nating pareho na kahit berde ang dugo mo eh nagmumukha ka talagang maton pag wala ka sa makamundong kuwartong to. Umayos ka nga. For sure best... sure win ka na diyan. Saka kung makapasok ka diyan, BU ang ire-represent mo diba? Hindi lugar dito sa bikol kundi ang unibersidad natin.Kaya gora. I believe in you best”
“Sana nga best...”pagtatapos niya sa usapan nilang magkaibigan.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising at naghanda para gumayak papunta sa kanyang unibersidad. Natanggap niya ang text ng kanyang handler at sinabi nito na nakapasa siya sa screening ng Ginoo ng Magayaon. Hindi niya na lang muna ibinalita kay Jason dahil natutulog pa ito ng umalis siya. At saka gusto niya munang kumpirmahin ang balita. Baka naman kasi parte pa ito ng panaginip niya kagabi na nanalo daw siya sa Ginoo ng Magayon, mabuti na yung nakakasiguro.
Nang makarating siya sa school cafe ay nakita niyang nakaupo na si Glenn, ang kanyang handler . Nagkakilala sila nito last year sa isang school event at isa ito sa mga nagtulak sa kanya na subukang sumali sa Ginoo ng Magayon dahil may ‘K’ naman daw siya.
Sa totoo lang ay pangarap naman din talaga niya ang makasali sa pageant na ito. He loves attention at ang mga bagay nakukuha rito. Gusto niya ring makita ang sarili niya na tinitilian at pinapalakpakan sa entablado ng mga tao. Higit sa lahat, kung halimbawa man ay manalo siya, gusto niyang ialay ang kanyang pagkapanalo sa kanyang nanay. Malaki ang utang na loob niya sa kanyang ina na magisang itinaguyod siya matapos mamatay ang tatay niya noong limang taong gulang pa lamang siya. Mula noon ay hindi na nag-asawa ang kanyang nanay at siya na nagiisang anak na lamang ang pinagtuunan ng pansin.
“Kanina ka pa diyan Kuya Glenn?” bungad niya matapos maupo sa harap nito.
“Keri lang din. Mga wala pang 5 minutes.” malanding sagot nito sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na bading si Glenn. Napagalaman niya rin na marami na itong hinawakan na nananalo sa Ginoo ng Magayon.
“So totoo po bang pasok ako sa screening ng Ginoo?” excited kong tanong sa kanya.
“Truelaloo at walang halong eklavoo.. Planggana.. Pasok na pasok ka sa banga.. So for that.. inaasahan ko na magiging seryoso ka sa preparasyon natin para sa pageant na ito. Alam mo naman na hindi lang ito basta basta na pageant. 300,000 ang premyo at kung sino man ang manalo ay ang ipapadalang representative ng Bicol Region sa Mr. Philippines.”
“Sa tingin niyo po kaya ko po ba?”
Heto na naman siya. Hindi niya maiwasan na minsan panghinaan ng loob. Lalo na pag darating ang punto na maiisip niya kung gaano kalaki at kakumplikado ang patimpalak na sasalihan niya.
“Sa tingin ko kaya mo naman.. pero ikaw tatanungin kita.. Kaya mo ba?”
“Kakayanin po” maikli niyang sagot.
“Yun naman pla eh... So mamayang hapon.. pumunta ka sa bahay. Alam mo naman yung address ng bahay ko diba? Tommorow meron kayong photo shoot sa Naga. Bale yun rin ang paghahandaan natin mamaya. You need to know the basics. Kung pano magproject... rumampa.. and the like.”
“Sige po Kuya...bale po after class eh diretso na lang po ako sa inyo”
“Good. Sige na at pupunta pa ko and we have an appointment with the GNM organizers. Ill update you kung ano ang napagusapan”
“Ah Ok po... maraming salamat po Kuya”
“Dont thank me yet... hindi ka pa nananalo. You need to bag that crown OK?”
“Opo” maikli ngunit determinado niyang sagot.
Nang makaalis ito ay sakto naman na nagring ang kanyang cellphone. Rumehistro sa screen ang numero ni Jason.
“Hon? Asan ka? Nagising ako wala ka na sa tabi ko? Nagaalala lang po ako baka kung napano ka na..” bungad agad ni Jason sa kanya.
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Kahit kailan kasi hindi pumapalya si Jason na iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga rito.
“Sorry hon... nagmamadali lang po eh. Saka, hindi na po kita ginising, ang sarap kaya ng tulog mo. Lakas nga ng hilik mo eh” biro niya rito.
“Alam mo namang OK lang sakin kahit gisingin mo ko kahit anong oras basta ba alam ko pupuntahan mo o kaya para maihatid kita”
“Wag ka ng magalit hon... sorry na po.. Dito lang naman po ako sa school. Kinita ko si Kuya Glenn hon para sa balita kung nakapasok ba ako sa screening ng Ginoo”
“Oh? anong sabi?” tanong bigla ni Jason sa kanya. Natunugan niya rin ang excitement sa boses nito.
“Nakapasok ang hon mo” nakangiting balita niya kay Jason.
“Yun oh!!! sabi ko na sa iyo eh... Alam kong yakang yaka mo yan. Kawalan na nila kung hindi ka nila kukunin. Ang gwapo kaya ng hon ko. Kaya nga nainlove ako sa iyo eh”
“Wag na masyadong mambola! labas na sa ilong yang mga sinasabi mo”
“Hehe.. So wait.. nasa school ka pa ba?”
“Ah opo.. dito sa cafeteria. Nagbreakfast na rin ako dito”
“Teka hintayin mo ko diyan... papunta na rin ako sa school”
“Sige po kaw bahala”
“I love you hon”
“I love you too hon ko”
“Oh yun lang? pano yung kiss ko?” biglang tanong ni Jason sa kanya.
“Mmmmmmwah!.. o ayan ah”
“Hay sarap tlga... sige hon.. abangan mo ko sa labas ng gate.. dala ko motor.. I love you hon... mwah! mwah!”
“Sige sige hon... ingat sa pagmaneho”
Matapos niyang kaninin ang inorder na pagkain ay pumunta na siya sa gate para abangan si Jason. Hindi naman ganun katagal ang ginugol niya sa paghihintay at ilang saglit pa ay nakita niya ng paparating ito at naaninag niya agad ang kulay ng motor nito.
Nag tumapat sa kanya ay ibinato nito ang extra pang helmet na dala rin nito. Nabigla man ay nasalo pa rin niya ito.
“Sakay na!” yaya sa kanya ni Jason matapos na maibato sa kanya ang helmet.
“Huh? Wala kang klase?” nagaalangan niyang tanong
“Alas otso pa lang naman eh saka ten pa yung klase ko. Ikaw wala ba?”
“Mamayang hapon pa yung class ko”
“Ok great.. tara!”
Pinaunlakan niya ang paanyaya nito at sumakay sa motor. Nang makapuwesto ng maayos ay inilagay niya ang dalawang kamay sa likod at kumapit sa bakal na una niyang nahawakan.
“Oh ano yan?” biglang tanong ni Jason sa kanya ng makasakay na siya sa motor.
“Anong ano yan?” tanong niya.
“Bakit diyan ka nakahawak sa likod?”
“Eh baka maout balance ako.” depensa niya
“Eh pwede ka naman pong yumakap sakin para hindi ka ma-out balance”
“Loko-loko.. eh pano kung may makakita sa atin.”
“Naka helmet naman tayo kaya yakap na. Sus, nahiya ka pa”
“Wag ka ng makulit Jason.. nagiingat lang ako”
Hindi na ito nagsalita. Ngunit nabigla siya nang ito na mismo ang kumuha ng mga kamay niya at iyakap sa kanyang baywang.
“Pag tinanggal mo pa yan. Lagot ka sakin. hmft.”
Iiling-iling na lang siyang nagpaubaya. Ngunit alam niyang sa kaloob looban niya may nararamdaman siyang walang pagsidlan na ligaya habang nakayakap siya sa taong mahal niya. Tumingin tingin naman siya sa paligid kung may nagmamasid na tao. Buti na nga lang talaga at naka helmet sila at walang masyadong tao sa labas.
Binagtas nila ang mahaba-habang daan. Sa totoo lang eh hindi niya na napansin kung ano ang mga nadaanan nila. Hanggang sa mapansin niya na wala ng mga building ang nadadaanan nila. Nang tumigl ang motor ay nakita niyang pumarada sila sa isang malaking puno na nasa gilid ng daan. Sapat ang laki nito upang mabigyan sila ng lilim laban sa mataas na sikat ng araw. Sa kabila naman ng daan ay isang malawak na bukirin. Tanging ang pagaspas lamang ng hangin ang kanilang naririnig.
“Oh bakit nandito tayo?” tanong niya ng tuluyang makababa at maginat ng kaunti.
“Kasi dito tahimik... hindi natin kailangang magtago.. walang huhusga sa atin.. malaya tayong gawin kung ano ang gusto natin”
Natahimik naman siya sa sinabi nito. Pero sa totoo lang, tama naman ito. Nangangarap rin siya ng isang buhay kung saan hindi sila huhusgahan ng tao. Yung malaya nilang hahawakan ang kamay ng isa’t isa sa kahit saang lugar at kahit sino pa ang nakakakita. Ngunit sadyang kumplikado ang mga bagay-bagay
“Pasensya ka na hon ah... kung hindi pa ko handa. Masyado lang kasing kumplikado ang mga bagay. Pasensya na kung saka lang kita natatawag na hon kung tayo lang dalawa. Saka ko lang pwedeng sabihin na ‘i love you’ pag walang ibang nakakarinig.”
“Ok lang hon... alam mo namang malakas ka sakin eh. Makakapaghintay naman ako. For a while.. kumain na muna tayo dahil alam kong konti na naman ang kinain mo sa cafeteria”
Hindi siya nakasagot at tiningnan na lamang niya ito na may kinuha sa compartment ng kaniyang motor. Nakakakita siya ng dalawang maliit na tupperware at isang tela. Ibinigay muna nito sa kanya ang bitbit na tupperware at saka inilatag ang tela sa damong tinatapakan nila.
“Seriously? Picnic sa tabi ng kalsada? Ayos to ah.” natatawa niyang wika habang pinagmamasdan itong ilatag ang tela.
“Eh ito lang ang naisip kong celebration natin sa pagkakapasok mo sa Ginoo. Kaya pagpasensyahan na lang po. Inatake ng ka-baduyan tong hon mo”
Nang maayos na nito ang tela ay umupo na silang dalawa at kinuha na nito mula sa kanyang mga kamay ang tupperware. Ito na rin mismo ang nagbukas ng mga iyon. Tumambad sa kaniya ang mga tokneneng na bagong luto at sa isa naman ay sauce na alam niyang tinimpla pa mismo ni Jason.
“Wow... tagal ko ng hindi nakakatikim nito ah” hindi niya napigilang hindi mapangiti.
“Alam ko.. kaya nga nagluto ako para makakain tayo uli. Naaalala mo pa?” makahulugang tanong ni Jason sa kanya.
Nakuha niya agad ang ibig sabihin nito. “Oo naman.. sinong hindi makaka-alala? Eh dahil dito sa pagkain na to kung bakit nakilala ko ang pinakamatakaw sa tokneneng”
“Ah ganun? Eh ikaw kaya tong nakikipag-agawan sa akin sa last na tokneneng na niluluto nung nagtitinda ng fishball sa campus”
“Eh paano naman po kasi.. kanina ka pa kain ng kain noong oras na iyon. Eh may iba rin namang gustong kumain ng tokneneng”
“Haha tapos... nung isa na lang yung natira sabay pa nating natusok ng barbecue stick yung nagiisang tokneneng na yun.. Siguro sinadya mo yun no para magpapansin sa kin.. Sabi ko na nga ba Geoff Galura.. matagal ka ng patay na patay sa akin eh”
“Wag ka nga.. eh ikaw naman tong nagpaubaya ng nagiisang tokneneng. Knowing kung gaano ka kahambog. Aminin mo na kasi noon ka pa mag pagnanasa sakin Jason Legaspi!”
Tawanan.
Minsan hindi rin nila maispelling ang isat isa lalo na sa kababawan ng kanilang kaligayahan. Kapwa sila hindi lumaki ni Jason sa isang marangyang pamilya. Sa pagkakalam niya eh isang magsasaka ang ama ni Jason at ang nanay naman nito ay taga gawa ng special pili nuts na delicacy ng Bicol. Kapwa sila iskolar ng bayan. Kaya sa ganitong pagkakataon kung saan kahit tokneneng lang ang kinakain nila basta silang dalawa ang magkasama eh ayos lang.
“Teka bakit may matigas” wika niya ng may makagat na kung ano sa kinakain niyang tokneneng.
Hindi naman ito sumagot at tiningnan lang siya habang kinakapa niya sa bibig ang nakagat niyang matigas na bagay.
“Tingnan mo oh.. may..” natigilan siya sa pagsasalita ng makakuha siya ng singsing sa loob ng tokneneng. Nang tingnan niya si Jason ay seryoso lang itong nakatitig sa kanya.
“A...ano toh?” nauutal niyang tanong.
“Promise ring. Gusto ko lang mangako sa iyo na... kahit anong mangyari.. hindi ako bibitaw. Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo..sa bawat laban mo. Kasi mahal na mahal kita. At nung oras na ipinaubaya ko yung huling tokneneng na iyon para makilala kita ay ang desisyon na hinding hindi ko pinagsisisihan”
Hindi siya makapagsalita. Nakita na lamang niya na tumutulo ang luha ni Jason habang nagsasalita ito. Kinuha rin nito ang singsing sa kanya at kinuha ang kanyang kanang kamay at isinuot sa kanyang palasingsingan.
“Wag ka ngang umiyak diyan hindi bagay sa iyo.” natatawa niyang tugon rito matapos nitong isuot ang singsing sa kanya. Gamit ang kanyang mga kamay ay pinahid niya ang mga butil ng luha sa pisngi nito.
“Ikaw rin naman eh. Naiiyak ka na sa sobrang kilig” natatawa na ring sagot sa kanya ni Jason at ito naman ang nagpahid ng luha sa kanyang pisngi.
“Hindi ka man lang nagsabi.. Di sana bumili rin ako ng singsing.”
“Hayaan mo na. Pero kung gusto mo talagang makabawi, may pwede tayong gawin...” wika nito at saka siya kinindatan.
“Ah so ganito pala to. May pa-promise promise ring ka pa eh may hidden agenda ka naman pala. Proven na talaga. May hidden desire ka nga sakin”
Lumipat si Jason mula sa kinauupuan nito at lumapit sa pwesto niya. Pumunta ito sa likod niya at niyakap siya. Humiga naman siya sa katawan nito.
“So mamaya?” natatawang tanong ni Jason sa kanya.
“Hindi pwede... hahaha. Pupunta ako kila Kuya Glenn pagkatapos naman diretso kila nanay hon. Dun na rin ako matutulog. Syempre gusto ko rin ipa-alam sa kanya ang magandang balita”
“Haaayyy. Sige na nga.. Pero itext mo ko kung uuwi ka na sa boarding house ah?”
“Oo naman,. Walang problema.”
Hapong-hapo siya ng araw na iyon. Matapos na pumunta siya sa bahay ng kanyang handler para bigyan siya ng briefing sa mga mangyayari at maaring mangyari sa pageant ay dumiretso agad siya sa bahay nila. Nasa Polangui, Albay pa ang kanilang bahay at isang oras din ang biyahe nito mula sa tinutuluyan niya. Nang makarating sa kanilang bahay ay masayang-masaya siyang sinalubong ng kanyang nanay.
“Oh anak ko.. kumusta naman? Hindi na ko mapakalipagkabasa ng text mo. Ano iyang magandang ibabalita mo sa Nanay”
“Nay nakapasok po ako sa Ginoo...” masayang balita niya.
“Ginoo ng magayon ba kamo?”
“Opo!”
Niyakap siya ng kanyang nanay at naramdaman niya na lamang na nabasa ang kanyang balikat.
“Nay umiiyak po ba kayo?”
“Eh syempre naman.. masaya lang ang nanay. Pano naman kasi, unti unti ng natutupad ang mga pangarap ko para sa iyo. Alam ko naman na yung pagkatalo ko noon nung kabataan pa ng nanay mo eh talaga namang may dahilan..At alam kong hindi mo ako bibiguin at ikaw ang magtutuloy ng pangarap na naiwan ko”
“Ay ang nanay talaga masyadong madrama... payakap pa nga po ako”
At nagyakapan uli silang magina na para bang matagal na nawalay sa isat isa. Masaya siyang napapasaya niya ang kanyang nanay sa pagsunod sa kagustuhan nito.
“Ay naku halika na at ipinagluto kita ng paborito mo.. Syempre kailangan special ang kakainin ng susunod na Ginoo ng Magayon. Iisipin ko na rin kung saan ako magpapa victory party pag nagkataon”
“Nay naman... kailangan pa ba yun?” natatawa niyang tanong.
“Oo naman no... Gusto ko ipagsigawan diyan sa mga kapitbahay natin na nangmamaliit sa atin na may anak akong gwapo na at magiging sikat pa. Malay mo pagkatapos ng Ginoo eh may kumuha sa iyo at gawin kang artista”
Ginugol nila ang gabing iyon ng kwentuhan at halakhakan. Sa pagbuo ng kanilang mga pangarap- ang mga pangarap ng nanay niya para sa kanila at ang pangarap niya para sa kanyang nagiisang nanay.
Sinalubong sila ng matinding sikat ng araw kinabukasan sa Ibalon Resort sa Naga. Doon gaganapin ang pictorial ng mga kalahok sa Ginoo ng Magayon. Nang makarating sila ng handler niya kasama ang nakuha nitong make up artist eh may iba ng nakasuot ng bikini brief at naghahanda na sa pictorial.
“O sige maghubad ka na” wika sa kanya ni Glenn ng makarating sila sa loob ng isang kuwarto. Ito ang nagsilbing dressing room ng iba ring mga kalahok. Nakita niya ring nakahubad ang iba sa mga ito at parang walang pakialam sa mundo.
“Di...dito po?” nagaalangang tanong niya.
“Oo dito? May problema ba?” parang naiiritang tanong sa kanya ni Glenn.
“Eh kasi po...” hindi niya na naituloy ang sasabihin ng ito na muli ang magsalita.
“Aba Geoff kailangan mo ng masanay... hindi concert to na may kaniya kaniya kayong dressing room. Geoff hindi ka artista ok? Isa ka lang sa mga nangangarap manalo. Ngayon pa lang ganyan ka na. Eh pano pag hindi ka manalo. San ka pupulutin ng kaartehan mo?”
Napalakas yata ang panenermon sa kanya ni Glenn at napalingon ang ibang mga kandidato na nagbibihis rin. Ang iba sa mga ito ay nagpatay malisya na lamang. Ang iba naman ngingiti ngiti na parang nakakainsulto. ang iba ay nakikisimpatiya. Hindi naman niya masisisi si Glenn. Medyo late na nga silang dumating sa set at kailangan nilang magkumahog para makahabol. Kailangan niyang intindihin na kapakanan lang nito ang iniisip niya.
Mabilisan niyang hinubad ang lahat ng kanyang saplot. Inilabas naman ng babaeng make up artist ang isang yellow na bikini brief.
“Wala na bang ititigas iyan?” biglang tanong sa kanya ni Glenn.
“P...po?”nauutal niyang tanong ngunit alam niya sa sarili niyang narinig niya ang tanong ni Glenn.
“Hijo kailangan magmukhang malaki ang kargada mo sa picture.”
“Wala na po eh.”nahihiya niyang tugon.
“Sige... pakilabas naman yung tissue Mabel” utos ni Glenn sa make up artist.
Si Glenn na mismo ang nagbalot ng tissue sa kanyang pagkalalaki. Nagpaubaya na lamg siya kahit hindi niya alam kung nahihiya siya o anong eksakto nyang nararamdaman sa paghawak nito sa pagkalalaki niya.
Ang mga sumunod na oras ay mismong pictorial ng lahat ng kandidato. Ito rin ang pinaka unang pagkakataon na nagkita kita ang mga nakapasok sa screening. Sa limampung nagpamalas noong screening process eh labing isa silang napili upang paglabanan ang titulo bilang Ginoo ng Magayon ’05.
Matapos niya sigurong magpakuha ng larawan ay lumapit sa kanya ang isa sa mga kalahok. Kasalukuyan siyang nakaupo sa malaking bato malapit sa kanilang set.
“Musta tol? tapos ka na ba magpakuha?”
“Ah oo kakatapos lang” alangan niyang sagot.
“Dennis Pavia tol... bale ako yung ika-eleven na candidate” pagpapakilala ng estrangherong lalaki sa kanya sabay lahad ng kamay nito.
Tinanggap naman niya ito at siya rin ay nagpakilala. “Geoff Galura.. candidate five”
“Hirap din ng ganito no?” tanong sa kanya ng katabi. Hindi niya rin matukoy kung ano ang mahirap. Ang magsuot ba ng bikini brief o magbilad sa araw.
Tumango na lamang siya sa kawalan ng salita.
“Alam mo na ba yung kwento?” tanong sa kanya muli ni Dennis. Doon niya natantiya na may pagka kulit rin ito.
“Anong kwento” balik tanong niya. Ipinagdarasal niya na sana ay napeke niya ang kawalan niya ng interes sa iba pang sasabihin nito.
“Yung tungkol sa kandidatong nagpakamatay daw noon kasi natalo rito sa Ginoo”
Aaminin niya biglang napukaw ang interes niya sa sinabi ng lalaking ito.
“Bakit naman daw nagpakamatay?”
“Ewan... siguro hindi natanggap ang pagkatalo”
Hindi siya nakasagot. Pagkatapos ay tumayo na ito at nagpaalam sa kanya. Nang umalis ito ay nilapitan naman siya ni Glenn at kinausap siya.
“Geoff nakita ko mga kuha mo. Bakit ganun? Diba tinuruan na kita kagabi kung paano ka aakto sa harap ng kamera? tingnan mo yun oh... yun” naiinis na sambit ni Glenn sa kaniya habang tinuturo ang isa sa mga kalahok na nagpo-pose sa harap ng kamera.
“Tingnan mo... maangas sa harap ng kamera. Yung tipong pagpapantasyahan mo talaga pag nakita mo.. Eh nung nakita ko yung sa iyo para ka yatang nagpopose sa class picture. Ano ba naman yan Geoff? Ipapadala yan sa mga judges... para piliin ang Mr. photogenic. Kailangan doon pa lang mayroon ka ng impact at magset ng magandang impression”
“Pasensya na po Kuya Glenn. Pagbubutihan ko na lang po sa susunod”
“Aba dapat! kasi kayang kaya kitang bitiwan pag ganyan ka ng ganyan. Mamayang gabi you need to go to Showdown Bar. Organizers told us na may piling pupunta roon para ipromote ang Ginoo ng Magayon. You need to go there para naman magkaroon ng kaunting exposures kahit papano. At saka..... may pupunta rin doon na kailangan mong makilala. Doon ko na sa bahay magpalipas ng oras at may paguusapan pa tayo tungkol sa pageant”
“Pero po kasi Kuya Glenn...” pagdadahilan niya na hindi niya maituloy. Nangako kasi siya kay Jason na lalabas sila pagkatapos ng pictorial.
“Wala ng pero pero Geoff. Kung ano man iyang gagawin mong iba ipagpaliban mo na o better yet wag mo ng gawin. Ginagawa ko ang parte ko bilang handler mo, gawin mo naman sana iyong parte mo”
Napayuko na lang siya upang huwag ng humaba ang diskusiyon nila.
Nakakabinging tugtog ang maririning mula pa lang sa labas ng Showdown Bar. Isa ito sa pinakasikat na gimikan sa Bicol. Pasado alas diyes na sila nakapunta rito. Kahit papano ay natawagan niya na rin si Jason na hindi sila matutuloy ngayong gabi. Naintindihan naman nito ang dahilan niya.
Nang pumasok sila sa loob ay nakita niya ang iba pang kasamahan niya na nakaupo sa isang VIP seat sa unahan. Umupo na rin siya roon kasama si Glenn. Nadatnan nila ang ang lima pang mga kasamahan niya na nakaupo na rin kasama ang kani kanilang manager. Nagpaalam muna siya kay Glenn na pupuntang banyo para umihi. Hindi kasi siya kumportable sa atmosphere ng paligid.
Nang makapasok sa banyo ay agad niya iniraos ang tawag ng kalikasan at pagkatapos ay pumunta sa salamin para ayusin ang sarili. Naging conscious na rin siya sa hitsura habang nabababad siya sa kumpetisyon. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang isa ssa mga kasamahan niya, si Dennis.
“Ui, tol kanina ka pa diyan?”
“Ah hindi naman... kasama ka rin pala..” bati rin niya dito
“Syempre naman tol.. Simula na ng bakbakan to no.Ayoko namang mabokya. Halika dito bilis” yaya nito sa kanya na pumunta sa may pintuan ng banyo.
Atubili siyang pumunta sa kinaroroonan nito. Nang tingnan niya ito ay may sinisilip ito sa loob ng bar na para bang nagiingat na huwag mahuli. Nang makalapit siya ay may itinuro itong isang matabang lalaki na nakadamit pang-amerikana. Sa tantiya niya ay nasa limangpung taong gulang na ito. Halata ang katandaan nito sa kakaunting buhok na nasa anit nito.
“Nakikita mo ba yan? Yan ang dahilan kung bakit ako nandito. Yan si Mr. Salvador. Isa sa mga judges ng Ginoo”
Hindi siya tanga para hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig nito ngunit mas pinili niyang magtanong sa kasamahan.
“Anong ibig mong sabihin dahil sa kanya?”
“Sus hindi na uso ang inosente sa kalakaran dito uy!. Syempre isang putok lang ang katapat niyan. Nangako raw iyan sa handler ko na may sure spot ako sa top 3 basta ba pagbigyan ko kahit isang gabi.”
“At pumayag ka naman?”
“Oo naman tol. At least diba walang kahirap hirap alam kong may maiuuwi ako sa big event. At pag swertehin malay mo ako pa yung manalo. Sa panahon ngayon, may mapupulot ka bang 300,000? Wala. Kahit pa nga yung third prize na 100,000 eh kikitain pa ng isang ordinaryong empleyado ng isang taon. Samantalang yung mananalo nun, rumampa lang ng konti, pachupa lang ng isang gabi sa takam na takam na hurado, ayos na.”
“Eh diba pandaraya yun?”
“Mukha ngang wala ka pa talagang alam tol. Alam mo sa mga ganitong paligsahan, hindi nagsisimula ang laban sa rampa at question and answer portion. Ang totoong laban sa back stage nagaganap. Ano ba ang kaya mong gawin para manalo? Ano ang kaya mong ibigay para mapunta sa iyo yung titulong Ginoo ng Magayon. Ano ang kaya mong itaya para sa pera at kasikatan? Kung gusto mo talaga to,lahat gagawin mo. Saka, hindi ka naman magsusumbong diba?”
Hindi siya nakasagot sa mahabang litanya nito dahil naalala niya ang sinabi ni Glenn kanina bago sila pumunta rito.
“At saka..... may pupunta rin doon na kailangan mong makilala”
“Sige tol at iihi muna ako” pagpapa-alam nito sa kanya at saka pumasok sa isang cubicle.
Bumalik naman siya sa harapan ng salamin at tiningnan ang sariling repleksyon. Para kasing nagpaulit ulit ang mga sinabi ni Dennis sa kanya.
Nabigla naman siya ng bumukas uli ang pintoi ng banyo. Sa oras na ito ay ang manager niya naman ang iniluwa ng pinto.
“Ano na Geoff? Tinatawag na kayo sa stage?” pigil hiningang sambit ni Glenn sa kaniya. Halatang tumakbo itopapuntang CR.
Nagdalawang isip siya kung kakatukin niya ba ang si Dennis na nasa loob pa rin ng cubicle. Ngunit ipinapasya niyang magmadali ng lumabas at pumanhik sa entablado.
Simple lang naman ang ginawa nila. Nagpakilala isa isa at sumagot ng ilang katanungan. Naroon ang tanong kung may girlfriend na daw ba sila o wala pa. Matapos ng tanungan ay pinaghubad sila ng T-shirt at nagsihiyawan ang mga tao. At syempre nagtapos ang gabing iyon sa pagimbita nila sa mga tao na manood ng Ginoo ng Magayon coronation night sa Albay Astrodome.
Nang matapos ang maikling programa na iyon ay hinila na siya ng tuluyan ni Glenn at dinala sa labas. Kanina pa raw naghihintay yung kailangan niyang katagpuin. Hanggang ngayon ay puno pa rin ng kursiyudad ang kanyang isip sa tinutukoy nito.
Nang makarating sila sa parking lot ay nakakita siya ng nakaparadang itim na kotse. Nang tumapat sila sa labas ng bintana ng kotse ay nagulat siya ng makilala ang taong nasa loob.
Si Mr. Salvador
“Gusto ka raw makausap nitong si Mr. Salvador... isa siya sa mga judge natin sa Ginoo. Magpapakabait ka diyan ah?” wika ni Glenn sa kanya ngunit hindi siya makahagilap ni isang salita.
“Sigurado ka ba dito sa alaga mo Glenn? Ayokong matulad noong isa..”
“Mabait po to.. Saka lahat gagawin niyan... Diba Geoff?” wika ni Glenn sabay siko sa kanya.
“O....opo” napilitan niyang sagot.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Namalayan na lamang niya na lulan siya ng kotse nito. Parang sa bawat paglapit nila sa kanilang pupuntahan ay lumalapit rin siya sa impyerno. Tahimik lamang sila sa buong byahe paalis ng Showdown Bar. Pilit niyang inalala kung bakit narito siya kotseng ito gayong nakausap niya si Dennis sa banyo kanina. Hindi ba’t ito ang parehong lalaki naitinuro sa kanya kanina?
Bigla namang umagaw sa kanyang pagaagam-agam ang pagparada ng kotse sa tapat ng isang magarang bahay. Nang lingunin niya ang kanina pang tahimik na si Mr. Salvador ay nakita niyang kanina pa yata ito nakatitig rin sa kanya.
“Tara sa loob hijo”
Hindi siya sumagot ngunit lumabas na lamang siya sa kotse. Ilang hakbang lang ang binilang at nasa loob na sila agad ng bahay ng matandang lalaki. Nagtungo ito sa kusina. Siya naman ay parang promding bagong tapak sa isang siyudad. Wala siyang ginawa kundi pagmasdan ang kabuuan ng loob ng bahay. Nakita niya ang mga nakasabit na kasulatan. Na pumupugay sa pagiging abogado ni Mr. Salvador. Nakita niya ang iba pang larawan nito, na magisa.
Bumalik ang matanda ng may dalang dalawang champagne glass. Ang isa rito ay ibinigay sa kanya. Naupo ito sa sofang nasa sala at sinenyasan siya nito na tumabi sa kanya. Para siyang manikang sunod sunuran sa bawat kumpas ng kamay nito.
“So Geoff ang pangalan mo hijo?” tanong nito sa kanya ng sa wakas ay magsalita na ito.
“Oho”
“Wag kang magalala... gagawan natin ng paraan yan.. akong bahala sa iyo”
“Ano hong ibig niyong sabihin?” hindi niya alam kung ang tanong na iyon ay bunga nga ba ng katangahan o nerbyos sa kanyang pinasok. Ngunit naalala niya ang sinabi ni Dennis..
“Mukha ngang wala ka pa talagang alam tol. Alam mo sa mga ganitong paligsahan, hindi nagsisimula ang laban sa rampa at question and answer portion. Ang totoong laban sa back stage nagaganap. Ano ba ang kaya mong gawin para manalo? Ano ang kaya mong ibigay para mapunta sa iyo yung titulong Ginoo ng Magayon. Ano ang kaya mong itaya para sa pera at kasikatan? Kung gusto mo talaga to,lahat gagawin mo.”
Hindi na sinagot ng matanda ang tanong niya at bagkus ay iginapang nito ang kamay papunta sa loob ng kanyang zipper.
Maaga siyang nagising. Sana nga paggising niya wala na siya sa bahay na iyon. Ngunit totoo ang lahat ng nangyari. Medyo masakit pa ang katawan niya. Una niyang hinagilap ang kanyang cellphone. Pumasok siya sa banyo upang doon makipagusap.
“Hello hon? Nasaan ka hon ko? Hindi ka raw umuwi sa bahay niyo ah? Nagaalala na ko sa iyo” bungad kaagad ni Jason ng matanggap nito ang tawag niya.
Hindi siya kaagad nakasagot. Tinakpan niya angkanyang bibig para hindi nito marinig ang kanyang paghikbi. Pilit niya mang pigilan ngunit hindi niya magawa. Wala siyang lakas para pigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
“Hon? Anjan ka ba? Ui hon...”
“O..oo. Tu.. tumawag lang ako kasi namimiss na kita” gumagaralgal niyang sagot rito.
“Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba hon”
“Ha...huh? Hi..Hindi.. Bagong gising lang hon..”
“Kailan ka po uuwi dito sa dorm?”
“Itetext kita kung kelan... busy lang eh..”
“Sige po ikaw ang bahala... i love you hon..”
Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumagot. Pinatay niya na ang tawag bago pa man mahalata nito na gumaralgal ang boses niya.
“So sir ibig mong sabihin naging boy toy ni Mr Salvador si Geoff?” singit ng isang estudyante sa pagki kwento niya.
Tumango siya para kumpirmahin ang hinala nito.
“Eh paano na po si Jason? Ano na pong nangyari sa kanila?” sunod sunod muling tanong nito.
“Tumigil ka nga... masyado kang epal.. Hayaan mo na kasi na ikwento sir Ramon”
Nagtawanan ang buong klase.
Hindi na siya nakawala sa tanikalang iginapos sa kanya ni Mr Salvador. Naalala niya ang huling pagtatalo nila ni Glenn tungkol dito.
“Wala sa usapan natin to Kuya Glenn? Bakit mo ko kailangang ibugaw kay Mr Salvador?”
“Wag ka ngang maarte Geoff.. Aba.. pasalamat ka nga tinutulungan kita na magkaroon ng titulo sa pageant.. Marami diyan na nagkakandarapa na kunin ko para sa Ginoo.. At saka Geoff.. siguro nga may mukha ka pero hindi sapat. Tanggapin mo na, na kung mukha paguusapan mas maraming may lamang sa iyo.. Aba.. wala ka nga apeal sa stage eh. Sigurado.. tanggal ka, production number pa lang....”
“... Saka nasarapan ka naman diba.. Wala namang mawawala sa iyo kung magpatira siya o ikaw ang magpatira. Isang ligo lang yan, virgin ka na uli. Masanay ka na sa kalakaran ngayon”
Magmula noon ay doon na siya namalagi sa bahay ni Mr. Salvador. Doon na rin siya sinusundo no Glenn pag may pupuntahan silang event patungkol sa promotion ng Ginoo. Ang mga sumunod na araw ay napuno ng motorcades, paglilibot sa iba ibang Bar, pageensayo sa paparating na patimpalak at kapag gabi naman ay ang paulit ulit na pagpaparaos ni Mr Salvador. Naipagpaalam na siya ni Glenn sa kaniyang nanay at si Jason.... hindi niya na sianagot ang tawag o text nito. Nagpalit na rin siya ng numero para hindi siya nito tuluyang ma-contact.
Kasalukuyan silang nasa isang restaurant. Ang gabi bago ang inaabangang coronation night ng Ginoo.
“Handa ka na ba para bukas?”
“Opo..”
“Good.. Wag kang magalala.. uuwi ka na dala mo ang korona” paninigurado ni Mr. Salvador sa kanya.
Ngumiti na lang siya sa sinabi nito. Iyon naman talaga ang usapan. Siya ang mananalo. Maiuuwi niya rin ang titulo. Mapapasaya niya ang kanyang nanay. Titingalain siya ng mga tao.
“Mukhang masayang-masaya kayo diyan ah” agaw ng isang boses sa kanila.
Nagangat siya ng mukha at nakumpirma niya ang hinala kung sino ang nagsalita.
Si Jason.
“Magusap tayo” matigas na utos sa kanya ni Jason.
“Mr. Salvador sandali lang po.. kakausapin ko lang po tong kaibigan ko” pagpapaalam niya at sumunod na siya rito sa labas.
Nang makalabas na sila ng restaurant ay ito na mismo ang unang nagsalita.
“Anong nangyayari Geoff? Tang-ina totoo ba? Totoo ba yung naririnig ko ha? Na ikinakama ka nung judge na iyon?”
“Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo Jason.. kaya umalis ka na.. Wag kang gumawa ng eskandalo dito”
“Eskandalo.. eh yang ginagawa mo? Anong tawag mo diyan? Ganun ka na ba nasilaw sa koronang iyan para ganto ang gawin mo sakin? Ang unfair mo Geoff. Hindi ka na tumatawag. Hindi ka nagtetext. Hindi ka rin daw umuuwi sa bahay niyo. and then here you are.. kasama ng isang matanda. Tapos....” hindi na nito naituloy ang sasabihin ng siya na ang magtaas ng boses.
“Tang ina !!! Oo. Nagpapakama ako. Ano masaya ka na? Hindi mo maibibigay ang gusto ko Jason. Hindi. Kaya uuuuuuutang na loob! Umalis ka na, hindi ako interesado sa kadramahan mo” angil niya rito.
“Eh di lumabas din. Tangina ang galing mo rin no.”
Lumapit siya rito at kinuha ang kamay ni Jason, inilagay niya sa palad nito ang singsing na ibinigay nito na sa tuwing tinitingnan niya ay mas lalo lamang siyang nandidiri sa sarili niya.
“Ok I get it... hindi nga pala 300,000 ang presyo nitong singsing na to”sarkastikong sagot ni Jason.
“Umalis ka na”
“Natatandaan mo ba kung anong petsa ngayon?”
Hindi niya sinagot ang tanong nito. Nagiwas siya ng tingin at tumingintingin sa loob kung naroon pa ba si Mr. Salvador. Muli itong nagsalita.
“Sana masaya ka sa desisyon mo. Tandaan mo Geoff, hindi ako ang bumitaw kundi ikaw. And before i forgot... happy anniversary.”
Iyon ang huling usapan nila ni Jason. Pero may mga bagay na dapat isakripisyo at may mga bagay na dapat kang piliin. Gusto niyang manalo. Lahat itataya niya. Kung mawawala si Jason sa kanya, wala siyang magagawa.
Dumating ang araw na pinakahihintay niya at ng lahat. Ang coronation night ng Ginoo ng Magayon.
Nagumpisa sa isang production number. Inirampa nila ang ibat ibang kasuotan. Mas lalo siyang ganado sa pagrampa dahil nakita niyang naroon ang kanyang nanay. Lumalim ang gabi at mas lalong napupuno ng hiyawan at palakpakan ang Albay Astrodome sa mga Ginoo na ibinabandila ang kanilang mga katawan. Sinundan ito ng question and answer portion. Kahit papano ay nakasagot naman siya. Ngunit masyado talagang mahigpit ang labanan. Walang itulak kabigin sa mga kandidato.
Ngunit may napansin siyang kakaiba at bago pa man tawagin ang mga nanalo dahil nakasama siya sa top 5 ay tinananong niya sa backstage si Glenn.
“Oh.. pagbutihan mo ah. Sabi ko na nga sa iyo mananalo ka. Top 5 na kayo.. maya maya top 3 na ang tatawagin. Asahan kong naroon ang pangalan mo”
“Kuya Glenn bakit po kulang tayo ng isang kandidato.. nagback out na po ba yung candidate number 11”
“Ha...huh?” parang natigilan na tanong ni Glenn sa kanya.
Matapos ang nangyari sa Bar ay hindi na niya muling nakita pa si Dennis. Alangan naman siyang magtanong sa mga kasamahan niya sa kumpetisyon dahil parang iniiwasan siya ng mga ito. Dumating pa sa punto na parang pinaguusapan siya ng mga ito.
“Yung candidate number 11 po. Hindi na po ba siya tutuloy sa pageant?”ulit niya sa kanyang tanong.
“Geoff.... walang candidate number 11. Taun taon ay sampung kandidato lang ang kinukuha ng organizers ng Ginoo. Iyon ay dahil sa iskandalong nangyari ilang taon na ang nakakaraan”
“Isang kandidato ang nagpakamatay dahil nabigo tong manalo sa Ginoo”
Bago pa man siya makapagtanong muli ay tinawag na ang limang kandidato sa entablado para sa pinal na desisyon. Suot ang kanilang fantasy costume ay naghintay sila ng sasabihin ng announcer.
“Our 2nd runner up is.... candidate number.... two”
Napuno ng hiyawan ang buong bulwagan. Apat na lang silang natitira.
“And our 1st runner up is....candidate number.... seven”
Binalot ng tensyon ang paligid. Numero niya na ang susunod na tatawagin. Isusuot niya na ang korona. Papalakpakan siya ng mga tao. Matutuwa ang kanyang nanay.
“And our Ginoo ng Magayon 2005 is non other than.... candidate...candidate number six”
Humakbang palapit ang tinawag na numero. At isa siya... isa siya sa mga natalo.
Nagdilim ang kanyang paningin. Tiningnan niya si Mr Salvador sa harapan ngunit nakayuko lamang ito. Nakarinig siya ng ibat ibang boses. Mga boses na bumubulong sa loob ng kanyang ulo.
“Mukha ngang wala ka pa talagang alam tol. Alam mo sa mga ganitong paligsahan, hindi nagsisimula ang laban sa rampa at question and answer portion. Ang totoong laban sa back stage nagaganap. Ano ba ang kaya mong gawin para manalo? Ano ang kaya mong ibigay para mapunta sa iyo yung titulong Ginoo ng Magayon. Ano ang kaya mong itaya para sa pera at kasikatan? Kung gusto mo talaga to,lahat gagawin mo.”
“... Saka nasarapan ka naman diba.. Wala namang mawawala sa iyo kung magpatira siya o ikaw ang magpatira. Isang ligo lang yan, virgin ka na uli. Masanay ka na sa kalakaran ngayon”
“Isang kandidato ang nagpakamatay dahil nabigo tong manalo sa Ginoo”
“Wag kang magalala... gagawan natin ng paraan yan.. akong bahala sa iyo”
Inipon niya ang buo niyang lakas. Hinawakan niya ng mahigit ang kutsilyong parte ng kanyang kasuotan ng gabing iyon. Humakbang siya papalapit sa lalaking nakasuot ng korona.
Ilang saglit pa ay inundayan niya ito ng saksak.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Tatlong sunod sunod na saksak.
“Akin iyan...ako ang nanalo... akin iyan” paulit ulit niyang sagot habang sinasaksak niya ito sa likod.
Nang bumagsak ito at kinuha niya ang korona. Inilipat niya ito sa kanyang ulo. Hinagilap niya ang kanyang Nanay. Nakita niyang umiiyak ito.
“Nay nanalo ako... ako ang nanalo nay...”
Ngunit umiiyak pa rin ito. Tiningnan niya ang lahat ng tao. Walang pumapalakpak. Walang tumitili.
Lumingon siya sa kanyang likuran. Nawala ang ibang mga tao sa entablado at kumaripas ng takbo.
Nakita niya ang repleksyon sa salaming nagsilbing back draft ng entablado.
Nagsalita ang kanyang repleksyon.
“Congratulations... nagawa mo”
Tiningnan niya ang numerong suot nito. Nakita niya ang numerong ‘11’.
“And there was a loud gun shot” pagtatapos ni Ramon sa kanyang kwento.
Nakita niyang natulala ang buong klase sa mga pinagsasasabi niya. Naghintay siya ng ilang minuto kung may magtatanong o may tatawa.
At meron ngang nanghas magtanong.
“Sir totoo po ba iyan?”
“Sa tingin mo?” makahulugan niyang balik tanong.
“So may nagmumulto po pala sa Ginoo ng Magayon pageant?” tanong naman ng isa pang estudyante.
“Pwede.. If you are the kind na naniniwala sa mga multo. But sometimes.. we create our own ghosts only to scare ourselves.”
“Eh sir anong konek ng kwento sa greek mythology”
Nagtawanan ang buong klase.
Huminga muna siya ng malalim bago nagpaliwanag. “Well, when Prometheus stole the fire from Zeus... zeus was outraged. In return, Zeus tricked Epimetheus and send him Pandora, the first woman made out of clay. Pandora carried a locked box which carried all the of the evils. But Zeus warned Epimetheus and Pandora to never open the box. Meanwhile, Hera.. Zeus’ jealous wife gifted Pandora the gift of ‘curiosity’. And one time, when Pandora cant resist.. she opened the box and all the evil flew and surfaced the earth. But one of the evil remained in the box... and it was Hope”
Uminom siya ng tubig bago ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag sa koneksyon ng kanyang kwento.
“... Hope is an evil virtue. It leads to expectation...to disappointments.. and sometimes, it can be very deadly”
“Sir.. magkaiba naman yun eh... Si Geoff kasi he expected to win. Magkaiba naman po yung umasa at nag-expect”
“Oh really? yan ang hirap sa ating mga tao eh. Masyado nating pinupuno ng euphemism ang sarili natin just to feel holy or malinis.. We say we never expect but we hope. But at back of our mind, we wanted things to happen the way we want it to be. At pag hindi nameet iyong expectation na yun..we ended up being losers of our own planned game”
“Eh ikaw Sir... hindi ka po ba umasa kahit kailan sa buhay mo?”
Bigla siyang natulala sa tanong ng isa pang estudyante. Ngunit matapos ang ilang segundo, he managed to answer back.
“Natanong mo na ba minsan sa sarili mo kung ano ang mas masakit? Yung umasa sa mga bagay na alam mong hindi na maibabalik o yung umasa sa mga bagay na alam mo namang hindi naman talaga mangyayari. At pag nakuha mo na ang sagot.. aasa ka pa rin ba”
Katahimikan.
Sinuri niya sa mga mata nito kung may mga karagdagan pa itong katanungan. Marahil ay napaisip ang mga ito sa sinabi niya. tiningnan niya ang orasang nasa loob ng silid-aralan. It was time to dismiss the class.
“Ok guys, no more questions.. dismiss” wika niya sa buong klase.
Kinuha niya ang kanyang bag at naghanda ng lumabas sa kuwartong iyon. Ngunit bago siya makalabas ay tinawag siyang muli ng isang estudyante.
“Sir!”
“Yes?” natigilan niyang tanong
“Ano po pala apelyido niyo Sir Ramon?”
Nagdalawang isip siya kung sasagutin niya ang tanong nito. Sa huli ay pinaunlakan niya ito.
“Legaspi... My full name is Ramon Jason Legaspi” at lumabas na siya ng kuwarto.
Wakas.
6 Violent Reactions!
This is superb. Quite far from truth but a great fiction though! Pacing is okay and smooth naman yung flow! Kudos! :)
ReplyDelete-dilos
This totally awesome rogue grabe ang ganda. Ngayon hindi ako nagsisi na imbes na harapin ung santambak kong trabaho e mas inuna kong basahin ung story me this simply the best.
ReplyDeleteHave a great day and keep it up.
Ang Ganda kua..marami po salamat..next chapter na po sana ng accidental crossdresser.
ReplyDeleteSullivan Eduardo
hope na ayos ka lang bossing!
ReplyDeletenamimiss ko na mga kwento mo.
TC!
its really been a while Rogue :D
ReplyDeleteand i know this has been posted dati pa and ngayon ko lang cya nabasa :))
all I have to say is kudos for making me cry at the end yet again :(( :(( ang sobra nyang sakit, who would ever thought na yung story teller has a funny twist, at,first i thought he was just a story tellee or at least witness cya ng pangayayri... its really painful. a good tradgedy written by you :)
though i think pwede naman cya dugtungan :)) I can see naman Harold... char :P
still... fame has its way of changing a person which could be enough to tgive up what is really important to the and you have a good point about hope and expectations... i always view hope in the sense na that hope is a good thing kasi you will know something good will happene after all the evils but i guess its also true hope also tantamounts to expectations which can be bad
golie... ang haba nanaman ng litanya ko :))
again... kudos Rogue for another well written story, keep it up..
PS.... i really miss Alexis/Alex na :3
-archerangel
bossing, asan kana?
ReplyDeletebawa e atos ka lang.
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D