The Accidental Crossdresser (Chapter 12)

The Accidental Crossdresser Chapter 12 By: Rogue Mercado Email: roguemercado@gmail.com Blog:  www.rog...





The Accidental Crossdresser

Chapter 12





By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com


Author's Note:  Hi guys! Happy Valentines Day. I hope walang malungkot sa araw na to. Kung malungkot kayo magbasa na lang kayo. Hahaha. Grabe sobrang hectic na po ang sched ng Kuya Rogue dahil kayod marino talaga para magtrabaho ng marangal. LOL. So there, but I have a mindset na hindi matatapos ang Feb na hindi ko matatapos ang TAC. Kasi nabuo ko na ang whole plot niya sa wakas. So please bear with me.




*****





“Teka bakit nandito ako?” bulong ko sa aking sarili ng magising ako sa pamilyar na malambot na kama.



Shunga... kama mo to teh.




Kama ko nga. So ibig sabihin ay nasa loob ako ng aking kuwarto.



Ay hindi. .... Sa hotel..sa motel.. Kama mo nga diba?




Ngunit taliwas ito sa huli kong natatandaan. Ang alam ko ay nasa bar ako at ang huli kong kasama ay si Justine... hindi si Sam.. hindi si Harold.. O kaya si..



Si Koya Lester...



Lester. Gusto ko pa sanang isipin kung anu-ano pa ang mga nangyari kagabi bago ako mapunta sa kamang to. Ngunit minabuti kong pigilan ang pag-replay ng utak ko. Baka umiyak pa ko ng wala sa oras. Na siyang hindi ko naman dapat maramdaman dahil walang kalulugaran ang kahinaan sa oras na ito.




Umupo ako sa kama ko at umagaw ng aking atensyon ang nakalagay sa maliit na mesa malapit sa aking higaan. Napagpasyahan kong umalis sa higaan at pumunta nga malapit sa bagay na iyon. Nang makalapit ako ay ito ang aking nakita.












Fried Chiken? Mukhang masarap nga. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya natatakam na kong kainin ang nakahain sa plato. Pero sandali.. pag fried chiken kasi pinaguusapan, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko...




Si Koya Lester...





Paulit-ulit talaga dapat ang utak ko?




Eh masyado kang bitin teh.. Deadmadela na nga!




Naalala ko na nung ako nagluto nito as a peace offering sa lecheng Lester na iyan. Kung alam ko lang talaga kung ano ang kaya niyang gawin eh di sana hindi na ako umasa na magkakasundo pa kami. Pero mabuti na rin siguro to, at least ngayon mas makakapag-concentrate na ko sa misyon. Without worrying or not kung magkakasundo kami ni Lester.




Eh bakit ka kasi worried kung magkakasundo kayo ni Lester? Gawd. Ang charo mo teh... Charo Santos Concio.




Napansin ko naman ang isang teddy bear na katabi  ng fried chiken. Sa sobrang busy ko kakanguya ng fried chicken, naalala ko lang ng sandaling iyon na wala namang ganung teddy bear sa kuwarto ko.











Sorry? So you mean ang fried chicken na ito at ang teddy bear ay galing kay...




“Ma...masarap ba?” tanong ng isang tinig sa aking likuran.



Hindi ko ito nasagot dahil bigla kong nailuwa ang fried chicken na nginunguya ko sa isang masamang pagkabulon at at pagkabigla.



Pinalo ko ng bongga ang dibdib ko dahil sa hindi na nga ako makahinga.



Nguyain ba naman kasi ang isang buong hita.. Yung totoo... cannibal ka teh?



Madaling lumapit ang nagsalita kanina. May dala pala siyang baso ng tubig at agad itong pinainum sakin habang hinahagod ng kamay niya ang aking likod. Buti na lamang at hindi ko iniluwa sa pagmumukha niya.



“Sorry ah... hindi nadala kaagad ni Kuya tong baso..pero nagustuhan mo ba yung fried chicken Alex?”



Ay ano to??????



“Sandali lang ah.... Joke ba to? Sabihin mo at tatawa na ko” hindi makapaniwalang tanong ko sa mga nangyayari.



“Huh? Anong joke? Di mo ba naaalala? Nung mga bata pa tayo, tuwing summer eh tinuturuan tayong magluto ni Manang Fe.. Lagi nga akong tumatakas eh.. Pero at least diba, may natutunan ang Kuya at iyan na.. ipinagluto nga kita ng Fried Chicken”




“Hahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahhahahahahahahahaha”



“Huh? What’s the matter?”




Anything that occupies space... char.




“Alam mo Lester.. grabe.. Sobrang natawa ako sa joke na to.. Sige na... winner na winner na talaga ang joke mo”




“Hindi mo na ko tinatawag na Kuya?” tanong ni Lester sa akin na may bahid ng kalungkutan. Tila mas nasaktan ito na hindi ko siya tinawag na Kuya kaysa sa isiping hindi ako naniniwala sa palabas niya.




“Teka second joke ba yan? Ang corny ata...”seryoso kong wika. Sa totoo lang, hindi pa rin ako kumbinsido sa palabas niya




“Hindi mo ba nagustuhan? Magpapaluto ako ng pasta kay Manang” parang nagaalalang tanong nito ng makita ang mukha ko na nakasimangot.




Hutakte? Ano ang nangyayari? Bumaba ba ang mga anghel sa langit? Isa ba itong himala?




Ate Ghay peg? Char.




“Sinapian ka ba? teka ah? May kilala akong albularyo... Ipapatawas kita. Wait.. Naka-BBM siya eh.. I message ko lang” seryoso kong wika habang pumunta ako para kunin ang aking cellphone.




Pinigilan naman niya ako para abutin ang aking cellphone. Namalayan ko na lang na hawak niya ang aking kamay. Naroon muli ang kuryenteng bumabalot sa aking katawan sa muli naming pagkakadaupang palad. Ngunit mabilis ko itong binawi at humarap sa kanya.




“Alex...bunso... alam kong mahirap tong ipinapakita ni kuya mo sa iyo pero please maniwala ka naman.. Im.. Im really sorry sa ginawa ko. I dont have any further explanationss.. dahil i admit na mali ko talaga. Please dont make it hard for me”




Alex?? Bunso? Kuya mo? OMG.... tawagin lahat ng santo... Totoong may himala!




“Excuse me? Pakiulit nga Lester...”




“Ang alin?” maang na tanong nito sa akin




“Yung last part ng sentence mo...”




“Please dont make it hard for me?”



At inulit naman talaga ng gago. Bwahahahaha.




“Hard for you? Wow ah. Nakakalurkey ka. Eh ikaw kayang lumaklak ng 3 tabletas ng ecstasy keri mo? O asan na yung mga pictures ko? Pinaframe mo ba?” sumbat ko sa kanya.




“Look, I know mahirap paniwalaan itong ginagawa ko but..” hindi nito naituloy ang sasabihin.




“Ay buti alam mo... baka naman yung tubig may muriatic acid yun?” sarkastiko kong sagot.




Bumuntong hininga na lamang ito at hindii na tuluyang itinuloy ang sasabihin. Nagkasya nalamang ito sa pagtungo na parang natalo sa isang debate.




“Lumabas ka na at magbibihis ako”




“Ma..may pupuntahan ka ba?”




“Kelan ka pa naging security guard? Wala kang paki.”




“I just wanna ask.. para maihatid kita.”




“Please Alex wag mo namang ganyanin si Kuya”wika ni Lester na nagsusumamo sa akin.




Perness umeepekto na sa akin yang cute sorry face ni Koya. Love it!!




“Leave me alone o ipiprito rin kita kasabay niyang mga manok mo!”pagbabanta ko




Kaka-bokot ka teh ah... lumalabas si Alex diyan sa katauhan mo. Wahahaha.




Iiling iling na lamang na humakbang ito palabas ng pinto. Ito na mismo ang naglock ng pinto para mapagisa ako.



Hong taray!! Palakpakan ang baklang may ka-BBM na albularyo...Char.



Paglabas na paglabas niya ay kinain ko uli ang isang hita ng manok.



Che!! Patay gutom! Wala kang paninindigan.



Matapos kumain ay naghilamos lang ako at naglagay ng kaunting pulbos sa mukha. Nagpalit na rin ako ng isang kaswal na damit. Isang long dress na pang summer at flipflops. I didnt bother to over do my make up at baka naman magmelt lang ito sa sikat ng araw. Plano ko naman talagang lumabas at kailangan na kaming magkita.



Bago ako lumabas ay kumain muna ako ng chicken skin. Hihihi.



Yung totoo, isa ka ba sa starving kids ng Africa? Char.



Nang makalabas ako ay napatda naman ako ng makita kong naroon pa rin ang gagong Lester. Sa totoo lang pag nakikita ko pagmumukha niya ay naaalala ko ang mga ginawa niya kagabi. Kumukulo talaga dugo ko sa kanya.



“Yes?” tanong ko sabay arko ng right kilay ko na bonggang bongga sa pagkaka-ahit.



“Pe..pwede ba kitang maihatid?”



“Hindi.” maikli kong sagot.



“Ah ganun ba.”



“Anything else?” tanong ko ulit at ang left kilay ko naman ang umarko.



“Wa..wala”



“K.” at tinalikuran ko na siya ng tuluyan.




Taray! Ganyan ba epekto pag nakakain ng fried chicken? Hahahaha.



*****

I sighed in desperation. Kung alam ko lang kasi na magkakaganito ang epekto ng inggit ko sa kanya hindi ko na sana ginawa. Pero wala akong magagawa, nangyari na ang nangyari. And I cant rewind what happened. Now that I realized kung gaano ako kalaking gago eh saka naman na lumayo ang loob sa akin ng kapatid ko. I cant blame Alex or Alexis. I almost ruined her life.




Pero determinado ako na maibalik ang pagsasamahan namin. Ngayon pa na nakausap ko na si Mommy. Tandang tanda ko pa ang mga binitiwan niyang salita sa akin kagabi.


Magmamadaling araw na ng makauwi kami ni Alexis. That’s around 4 in the morning. Kabadong kabado ako. Hinimatay si Alexis sa daan at kahit anong gising ko sa kanya ay hindi siya magising. I felt her wrist at pumipintig pa naman ito. The last thing that I wanted to do is to bring her to the hospital. I cant imagine creating a scene or another controversy. Ayokong malagay sa alanganin ang pamilya namin at lalong lalo na ang aking sarili.




Nang makarating kami ay buhat buhat ko ang walang malay na si Alexis. Inihanda ko na ang mga palusot ko para iwas tanong si Mommy.




“Oh My God what happened hijo?” nagaalalang tanong ni Mommy sa akin.




“Nasobrahan lang po ng inom si Alexis and she passed out”



“Oh my poor daughter... diyos ko...Akala ko naman ay kung ano na ang nangyari dito sa batang to. Hindi mo man lang ba siya binantayan at naparami ang inom niya? Lester, you promised me to look after your younger sister... Anong nangyari?”



“Mom... malaki na po si Alexis... and pwede ba.. hindi po siya babae... Si Alex po iyan na nakadamit pang babae. Pati ba naman ikaw Mom? Are you also hallucinating? Pagbali-baliktarin natin.. Lalaki pa rin yan!” naiirita kong sagot habang pinagmamasdan silang dalawa sa sofa. Ihiniga  niya si Alexis rito at haplos haplos naman ng Mommy niya ang ulo ni Alexis.



“Just bring Alexis up.. I think we need to talk” mahinahon ngunit puno ng awtoridad na utos niya sa akin




Bigla naman akong naintriga sa sinabi niya ngunit tumalima muna ako at dinala si Alexis papunta sa kwarto nito. Nang maihiga ko siya sa kanyang kama ay narinig ko rin mula sa aking likuran ang mga yabag ni Mommy. Nakasunod pala siya sa akin papunta sa taas. Maybe she’s just too careful about her perfect child. That moment, nangangati na ako na ipakita sa kanya ang mga kuha sa cellphone ko. Parang bunmalik kasi ang pagkainis ko seeing my mother worry about Alexis. Kailangan magising ang lahat sa katotohanan na lalaki pa rin si Alexis. Nothing is special about her.. lalaki pa rin siya.




“Let’s leave her muna. Mamaya papasok ako para ako na magpalit ng mga damit niya. For now, pagpahingahin na lang muna natin siya”




Wala akong kibo ng mga oras na iyon. Marahil ay ito na ang sinasabi niya na maguusap kam. Gusto kong tumanggi... baka may masabi lang akong hindi maganda. This is a very stressful night.




Sinundan ko siya pababa ng hagdan. Nakita kong nagtungo siya sa kusina. From behind, napansin kong naka robe na pala si Mommy.. siguradong antok na antok na ito ngunit talagang hinintay niya kami ni Alexis. As expected hindi ito makakatulog pag wala ang paborito niyang anak. I wonder if siya ba ay pumasok sa isip nito na hintayin.




Nang makapasok kami sa kusina ay nakita kong naglabas siya ng bote ng beer mula sa refrigerator. Dalawang bote ang inilabas niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mommy ng mga oras na iyon.




“Here... have a drink.. I hope hindi ka pa tamado sa ininom niya kanina” alok ni Mommy sa akin na para bang makikiinom lang sa kanto. Nakakapanibago. I never saw her like this before.




“Mom whats happening?” hindi ko napigilang natanong.




“Alam mo.. Kung andito pa sana ang Daddy mo. He will talk to you in this way. Babae ako Lester but if i want to talk to you, I realize that I need to do this not as your Mom but as your Dad. I would like for us to talk in the most possible manly way.. so here.. And i am hopin that you wont decline this anak.. Cause we really need to talk”




Honestly, hindi ko alam kung paano magre-react sa mga nangyayari. Kinuha ko na lang ang bote ng beer at lumagok ng kaunti. Hindi pa naman talaga ako lasing. Kaunti lang naman ang nainom ko kahapon.




“Anak..” mahinang tawag ni Mommy sa akin.




“Ano po iyon?” maang kong tanong.




“Do you still envy your sister?”




Parang gusto ko yatang tamaan na sa mga oras na iyon.. Gusto kong gawing excuse na lasing na ako. Tama na ang walang kwentang usapan na to. Ayokong mnagdrama. Ayokong maglabas ng sama ng loob ngayon. Because few more insisting and I might explode. Hindi ako nagsalita. My silence is my reply.




“Lester.. kinakausap kita. Its a man to man talk. I hope youll be honest on what you feel”




“Paano kung sabihin kong OO”




“But why?”




Yun na yata ang cue ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko and I started bursting. Sumabog na lahat ng kinikimkim ko.




“Mom... hindi ko kasi alam kung nage-exist ako rito.. o dito sa mundo. Mommy ko nga po kayo pero hindi ko maramdaman. Mom I tried my best to fit in.. Sa inyong dalawan ni Papa. Pero hindi niyo ko mapansin. Naaalala mo ba nung nanalo ako ng contest sa phtojournalism. Its a national contest Mom.. Gusto ko sana nandun kahit isa man lang sa inyo..Pero wala eh.. Wala akong pagaalayan ng pagkapanalong iyon.. Lagi kasing si Alexis ganito.. si Alexis ganyan.. Mom.. anak niyo rin po ako.. Over the years, hindi ko po naramdaman na may magulang ako. and even when Alexis was lost for 2 years. It seems na nawalan na kayo ng anak.. pero andito pa po ako still waiting na tawagin niyo ang pangalan ko gaya ng pagtawag niyo kay Alexis”



I was crying for the first time sa harap niya. I was crying like a baby. Ang laki ng katawan ko but my emotions betrayed me. Para akong nanghihina sa bawat paglabas ng mga hinanakit sa aking dibdib.



“Alam mo anak. sa maniwala ka o hindi. I tried reaching you out. Lalo na nung mawala si Alexis. I wanted to say na, tayo na lang dalawa.. tayo na lang ang magtulungan para sa pamilya. But you keep on pushing me back. Ayaw mo kong kausapin and whenever I try to talk to you para klaruhin ang mga bagay bagay... you wont let me.. And Im really glad na narinig ko ang mga hinanakit mo ngayon. First, I wanted to say sorry kung ganun ang naging tingin mo sa pagtrato ko sa iyo at kay Alexis.. Alam mo isa lang naman ang dahilan kung bakit ako ganun sa kapatid mo. Its because of her sexuality. Im the first to know na bakla ang kapatid mo. Mother instinct. Pero he did not came out during his childhood years. Nararamdaman ko ang takot niya na baka magiba ang mga tao sa paligid niya if he did so.... Ang gusto ko lang naman eh kung hindi siya tanggap ng mga tao sa labas at least ang sarili niyang pamilya ang unang tatanggap at magmamahal sa kanya. Lester, hindi pa rin tanggap ang mga kagaya ni Alexis... I know its bad to compare pero ang kapatid mo... imagine his years inside the closet.. ang takot niya itago ang sarili. Mahirap yun Lester. Kaya sana maintindihan mo na kung bakit ganun na lang pagprotekta ko sa kapatid mo. Because mas kailangan niya yun compare to you. Youre a grown up man now.. Kung sakaling may makasalubong kayong dalawa na isang lalaki na maghahamon ng suntukan.. I know you can defend yourself Lester.. mana ka sa Daddy mo eh.. But Alexis.. do you think she can handle herself kapag may isa o dalawang taong subukan siyang gawan ng masama?”



Ang mga huli niyang sinabi ay nagpaalala sa akin ng nagawa ko kay Alexis. Ang ipa-gahyasa siya sa dalawang lalaki. Nagpatuloy naman si Mommyn sa pagsasalita habang wala pa rin akong kibo na nakikinig sa kanya.




“And second, I wanna ask Sorry.”



Bigla ako napatingin sa kanya. I looked at her at nakita kong nagpapahid ng luha si Mommy. Unang beses ko siyang nakitang ganun. She still holds her beer.




“Pagpasensyahan mo na ang Mommy kung hindi ko naipakita sa iyo ang suporta ko in my little ways bilang Ina mo. But i want you  to know na wala akong paborito sa inyo ni Alexis. Mataas lang talaga ang expectation ko sa iyo.. that you will be the protector of Alexis. Na your a grown up man na. I am sorry anak kung ganun ang naging tingin mo but in my eyes.. you two are equal.  Mahal na mahal ko kayong dalawa.. Nanggaling ka sa akin.. at hindi pwedeng hindi kita mahalin Lester.. Mommy mo ako at anak kita.. Walang babago diyan. But sorry for not being good enough... Im really sorry.. patawarin mo ang Mommy anak” gunmagaralgal ang tinig ni Mommy ng mga oras na iyon.




Nabigla ngunit masaya ako habang naririnig ang mga sinasabi niya, All this time wala pala akong dapat ikaselos kay Alexis. My mother was just expecting me to protect Alexis pero heto ako at muntik ko pa siyang ipahamak. Pinahid ko ang mga luha sa mata ko.




“Oh? Wala bang hug si Mommy... Ayokong umiiyak ang baby ko...” natatawang engganyo sa akin ni Mommy na yakapin siya.




Sumunod naman ako and I heavenly wrapped around my arms to my Mom. Ang sarap sa pakiramdam na niyayakap ka ng Ina mo.




“Ganto po pala ang pakiramdam Mommy..”




“Sorry anak... Im really sorry..”




“Sorry din Mom... Sorry for being too childish”



Nang magbitiw kami ay nagtawanan na kaming dalawa. I think this is the happiest moment in my life.



“So kumusta na ang baby ko?”




“Mom naman eh... malaki na po ako.. Ok na po tayo diba? No need to call me baby”




“Aba..aba.. Baby pa rin kita no? Por que ba may muscles ka na eh hindi na kita pwedeng tawaging baby?”




“Mommy naman eh”




“Sus... tandaan mo.. Nabreastfeed pa rin kita..”




“Mommy talaga!... Pero Mom maiba po ako. Medyo po kasi nagkasagutan kami ni Alexis. Ano po ba magandang peace offering?”




“Hmmm.. ipagluto mo kaya siya? Gusto ko rin magkaayos kayo ng kapatid mo Lester.. Once and for all.. Let’s be a family Ok? I know na magiging masaya ang Daddy mo”




“I wont disappoint you this time Mom... This time po... I will be a man.”


*****



Nalupta, Batac City





Ang Batac City ay ang pangalawang kabisera ng Ilocos Norte. Sikat ito sa empanada na timplang ilocos at dito lamang matitikman. Liban dito, dito rin nakahimlay ang mga prineserbang labi ni Ferdinand Marcos, isa sa naging Presidente ng Pilipinas.




So trivia-trivia na lang tayo dito? May balak kang palitan si Kuya Kim te?




Hindi naman talaga si Marcos ang ipinunta ko dito kung hindi isang tao lamang. Ipinarada ko ang kotse sa isang bahay sa tabi ng kalsada. Mula salabas ay tinanaw ko ang kabuuan nito. Simple lamang, sapat na ang laki nito para isang pamilya. Ngunit wala akong nakikitang tao sa labas. Wala rin akong naririnig na ingay mula sa loob.




Bumaba ako at nagpunta sa gate. Nakabukas naman ito at inimbita ko na lamang ang sarili ko. Kumatok ako sa nakasaradong pinto.




Nang bumukas ang pinto ay bumulaga sa akin ang isang babaeng nakasando lamang at naka shorts ng maikli. Pambahay kumbaga. Hindi maitago nito ang pagkabigla ng makita ako. para itong nakakita ng multo ng malaman kung sino ang nasa labas ng kanyang pinto.




“Ma...maam Alexis?” nauutal na tanong nito.




“Ako nga.... Precious Paraluman Sarmineto” pagkumpirma ko sa kanya. Sinadya ko rin na kumpletuhin ang pangalan niya para mas lalo siyang matakot sa akin.




“Tu...tuloy po kayo..” hindi pa rin nito maitago ang pagkautal.




Pumasok naman ako sa loob at nakita kong kaunti lang ang kagamitan na nasa loob ng bahay. Napako ang tingin ko sa nakasabit sa dingding. Mga larawan niya. Ang isa ay larawan niya nung siya ay grumaduate. Ang isa ay larawan niya noong bata pa siya at ang isa naman ay... isang larawan na kasama nito si Victor Saavedra.




“Maari ko po ba kayong maalok ng maiinom,.. Kape ho ba Maam? O juice?” agaw tanong nito sa akin ng mapansin nitong nakatutok ang mata ko sa mga larawang nakasabit sa dingding. Nang lingunin ko naman siya ay pinagpapawisan ito sobra.




“No thank you.. more than anyone else ay ikaw talaga ang sindya ko rito”




“Ano po ang maipaglilingkod ko ho sa inyo Maam?”




Umupo na kami dalawa sa salas. Sa madaliang pag-examine ko sa hitsura ni Precious Paraluman ay tipikal na maganda talaga ito. Para ngang hindi gagawa ng masama. Ngunit may mga bagay na kailangan nitong sagutin at hindi ako aalis rito ng hindi nasasagot ang mga tanong ko.




“Kabit ka ba ng Daddy ko?” prangka kong tanong. Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha. Sa tagal ko sa serbisyo.. kaya kong hulihin sa mukha ng tao kung nagsisinungaling ba ito o hindi.




“Hindi po.. Hindi po totoo ang mga naririnig niyo” mariin nitong tanggi sa aking akusasyon.




Nang mahuli kong magka-chat si Lester at si Precious at may pinaguusapan sila tungkol sa isang ‘isyu’ nabuo agad sa aking isip na maaring ang isyu na ito ay tungkol sa pagkasangkot ng isang third party. Looking at how young and fresh Precious Paraluman is... isa siyang perpektong kabit. And its a plus factor na nagtrabaho siya bilang isang personal assistant.




“Sigurado ka?” tanong kong muli.




“Mabait po ang daddy ninyo sa akin... Ngunit hindi po niya ako kabit. Nagkataon lang na pinapunta niya ako sa unit niya sa Villa floago ng araw na iyon na siya ring natagpuan siyang duguan. Ako po ang nakakita sa kanya at inabutan ng pulis na naroon. Doon po nagsimula ang spekulasyon na baka kabit ako ng Daddy niyo. Ngunit maniwala kayo.. hindi po ako kabit ni Sir Victor at lalong lalo na hindi po ako maninira ng isang pamilya. Mataas po ang respeto ko sa Daddy niyo”




“Ikaw ang naroon ng araw na iyon at inabutan ng mga pulis?”




“Tinawagan po ako ni Sir Victor na dalhin sa kanya ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan, day off ko ng araw na iyon. Nagulat nga ako ng sabihin niyang hindi sa bahay niya dalhin kundi sa unit niya sa Villa Floago dito sa Batac. Nang makarating ako.. naroon siya nakahandusay sa sahig at duguan. Mayroon siyang limang saksak sa katawan”




“So how come napasok ka bilang isang kabit?”



“Dahil po iyon sa isang note natagpuan ng mga pulisya sa bulsa ni Sir Victor?



“Anong note?”



“Nakasaad po doon ang pangalang ‘PARALUMAN’, doon rin po ako kilala sa pangalang iyon. Kaya itinuring po akong isa sa mga suspek at nadagdagan pa ng kulay ang kaso at may mga nagsabing kabit raw ako.. Ngunit napatunayan na hindi sa akin ang sulat kamay na iyon at sa katunayan ay ako ang kumausap sa mga pulis matapos kong makita agad ang nangyari kay Sir victor.. Maam Alexis maniwala po kayo sa hindi, my relationship with your father is pure professional only. It doesnt go beyond being her personal assistant”




“Ano ang nilalaman ng sulat?”




“Hindi ko na po matandaan pero isang itong linya ng kanta na naabutan kong tumutugtog rin ng mga oras na iyon”




“Kanta? naabutan mong may kantang tumutugtog ng mga oras na iyon?”



“Opo.. kung hindi po ako nagkakamali.. ay Huling El Bimbo ang kantang tumutugtog”



Itutuloy....

You Might Also Like

5 Violent Reactions!

  1. shoot eto na ang action part. mukhang mahihirapan si Lester na kumbinsihin si Alexis of his good intentions now lalo mukhang na trauma na si Alexis sa kanya.

    Have a great day boss rogue and hope to read the next chapter soon.....

    ReplyDelete
  2. at may ka BBM na albularyo talaga teh?hahahaha!

    ka excite na next chap Rogue..buti naman nagkaayus na si Lester at ang Mommy nya..i love that part
    :))
    happy valentine's day Rogue! :)))

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng chapter kuya Rogue! Happy Valentines day! Sana masundan kaagad hehehe :)

    ReplyDelete
  4. All I can say is... Happy Valentines Rogue! :)

    _xtian of ksa

    ReplyDelete
  5. Bakla! Wag ka nga mag-inarte. Kaloka ahh! Ako kinikilig sayo. Hahaha.

    ReplyDelete

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images