Way Back Into Love Book 2: Chapter 3

Author's Note: Ayun, masayang masaya ako sa mga comment na natatanggap ko. Though, karamihan eh hindi ko masyadong kilala d...





Author's Note: Ayun, masayang masaya ako sa mga comment na natatanggap ko. Though, karamihan eh hindi ko masyadong kilala dahil sa hindi ko rin alam ni binabasa niyo pala ang WBIL ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong ito:


Papa JC
JM Perez
Jazzuah
Marc Abellera
Auldric Blaine
Ang mga taong kagaya ninyo ang isa sa mga support system ko sa pagsusulat. Maraming Salamat po!

Email: roguemercado@gmail.com
********
North East State University: Campus Ground
It was a bright sunny morning.
Kakatuntong lang uli ni AJ sa loob ng North East State University ng umagang iyon. Kadalasan niyang naririnig na Mondays are like short horros stories. Kung iisipin naman kasi eh mula sa weekends na bakasyon ng estudyante ay ang naghihintay na limang araw na klase na siyang sukatan para magkaroon ka ng diploma.
He slowly flipped his hair na medyo nakaharang na sa kanyang eyeglasses. Mukhang kailangan na niyang magpagupit. He tried to observe the whole campus. It was the usual. Maraming mga estudyante ang nagkalat. Lahat ay busy. Maaring sa mga orgs nito, sa mga lessons o sa kung ano ang juicy gossips na meron ang Lampara Daily.
NorthEast State University is a living showbiz ground. Lahat nagpapatalbugan. Lahat nagsasapawan. Be it sports, performing arts at kahit sa simpleng academics. Lahat ay ayaw magpatalo. Dahil na rin siguro sa reputasyon na meron ang kanilang unibersidad. It is one of the most outstanding universities in the Philippines kaya naman ay hindi rin masisisi ang mga estudyantedng naririto kung bakit ganun sila ka-competetive.
Being in this school is like their ticket to a brighter future. Ilang showbiz royalties na ba ang graduate sa kanila. Ilang renowned journalists, writers, scientists at iba pang career ang tatak NESU. Some people brand their schools as pretentious maka-masa school. State university na elitista ika nga ng karamihan. Mura ang tuition, mataas ang standards at maraming kontrobersiya na nagpapasa-pasa sa bibig ng mga taong naririto.
Bata pa lamang siya ay gusto na niyang maging isang NorthEasternian dahil na rin sa mga kwentong naririnig niya. Noong bata pa siya at may mga taong bumibisita sa kanilang bahay ay agad niyang naririnig ang mga kwento tungkol sa North East State University. Ang kanyang ama na si Jose Carlos Malvar ay dito rin grumaduate. Kaya hindi na rin siya nagtaka kung bakit naging isa na ito sa panauhing pandangal ng mga nakaraang batches ng grumaduate sa North East State University.
And now the dream finally came true. Kasalukuyan siyang second year student ng AB Journalism sa NESU. And so far okay naman ang kanyang academics. Dagdag pa ang pagpasa niya sa examination ng pamosong dyaryo ng NESU, ang Lampara Daily.
Naglakad na siya papuntang Lampara Daily Headquarters para sa meeting na ipinatawag ng kanilang Editor in Chief na si Alejo Austria. Natatandaan niya na noong sabado eh bigla na lang umalis itong si Alejo at pumunta ng campus para magmeeting ng dis oras ng gabi.
Nahinto naman siya sa paglalakad. Bigla kasi niyang narinig ang isang pamilyar na boses.
“AJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJ.” tawag sa kanyang ng isang boses na alam na alam na niya kung kanino nanggaling.
“Syempre alam ko na kung sino ka. Haha. Tawag mo pa lang na may mahabang ‘J’ eh alam ko na kung sino.” natatawang sambit niya ng makalapit na ang babaeng kanyang tinutukoy.
Her name is Jasmine Rivera. Kababata niya rin. Iyon lamang sa ngayong pagkakataon eh medyo hindi sila nagpapangabot dahil na rin sa kakulangan ng oras at busy silang dalawa sa kani-kanilang responsibilidad. Gaya ni Alejo ay kaclose niya rin itong si Jasmine. Iyon nga lang ay medyo naputol ang communication nila nang lumipat ito ng eskwelahan sa Maynila noong highschool pa lamang sila. Nagulat na lamang siya noong enrollment na nakita niya itong nakikipila din. Conservatory of Music ang kinukuha nito.
“Sis, kamusta?” natatawa niyang tanong ng makitang hingal na hingal ito na tumakbo palapit sa kanya.
“Hay naku kapatid. Eto alam mo na diba. Sa pagiging alagad ko ng sining eh hindi na ko gumaganda. Tingnan mo oh.” sagot ni Jasmine sa kanya sabay pakunwaring nagpupunas ng mukha.
Hindi naman talaga totoo na hindi ito maganda. Kung titingnan niya si Jasmine eh para lang siyang isang underdog na artista. Kung iisipin ay may perpekto itong hubog ng katawan at maamong mukha. Babaeng babae naman sana itong tingnan yun ng lang ay dahil sa nakaharang na buhok nito sa mukha at kung siya ay may makasaysayang eyeglasses itong babaeng ito na itinuturing na niyang kapatid rin ay laging nakasumbrero.
Simple lang din ito manamit hindi gaya ng mga nakikita niyang babae sa loob ng campus na kaya na sigurong daigin si McDonald’s dahil sa kanilang mga kolorete sa mukha. Well, he’s not against it pero medyo he’s a pro-natural beauty. At si Jasmine na yata ang perpektong babae na magrerepresent sa mga babaeng hindi maporma pero may dating.
Kung tutuusin eh Jasmine would be the perfect girl for him. Kung hindi nga lang sana…
He immediately dismissed the idea. Narinig niya itong nagsalita.
“Kapatid, balita ko nakapasa ka daw sa Lampara Daily ah? Congrats kapatid, mah men. Sabi ko sa iyo last year diba dapat sana noong nagentrance exam ka pa lang eh talaga nagtake ka ng exam hinintay mo pa kasi kami ni Alejo na pilitin ka eh. Eh may talent ka naman kapatid. Oh diba? Tingnan mo ngayon Correspondent ka na. Kung sana noon ka pa nag apply diyan sa Lampara Daily eh di sana nasa Editorial Board ka na ngayon. Kaw kasi” medyo iiling-iling na wika ni Jasmine
“Eh kasiiii. Alam mo na yun Sis.” paglalambing niya dito.
“Yan na naman yang ‘Eh kasiii’mo ah. Maya maya niyan maisulat mo yan. Oo na alam ko na. Ipinaglihi ka sa library kaya hindi ka man lang tubuan ng kapal ng mukha diyan. Tingnan mo ko, oh diba kailangan ko pang magmukhang tomboy para lang makasali sa NASUDI. Ayan eh di ako lang ang nakatuxedo sa kanila pag nagpeperform ang mga babae diba? Haha.” natatawang sagot ni Jasmine sa kanya sabay pagbaliktad ng sumbrero na umaastang bad boy. Well, Jasmine amidst her beauty is always being mistaken for a lesbian. Ngunit hindi naman nila napaguusapan ang sekswalidad nito at ayaw niya ring i-open baka pag siya naman ang tinanong ay hindi rin siya makasagot.
“Kamusta naman pala ang NASUDI Sis?” tanong niya kay Jasmine.
“Ayun, okay naman. Alam mo na mayayabang rin ang mga tao dun. Sila kasi ang reigning club diba. Sumali naman ako dun hindi dahil para maging sikat. Kunwari daw alagad ako ng sining.”natatawang pagkukwento nito.
“Alam nating dalawa na maganda boses mo eh. Kaya aggressive ka lang dapat men. Hehe.” pagche-cheer niya dito.
“Nakuuuu ikaw talaga kapatid nambola ka pa. Ayan mali sa iyo eh. Ibang tao nagagawa mong palakasin ang loob eh kung tutuusin dapat ireserve mo ang pagcheer mo sa sarili mo.”
“Oo na po kapatid. Hayaan mo, lulunok ako ng sobrang daming libro para kumapal ako. Haha”
“Sinabi mo pa. O siya sige. Pupunta ka ba ng Quarters niyo?” tanong ni Jasmine sa kanya.
“Oo. Kailangan kong kunin yung unang assignment ko sis. Mukhang medyo strikto yata sila.”
“Naku, wag kang magalala hindi ka naman pababayaan ni Alejo. Alam mo naman yun, kung ako kapatid mo yun naman tatay. Hindi ko nga alam baka may anak na iyan kung makapagprotekta nga sa iyo yang taong yan parang galing ka sa sinapupunan niya. Alam mo iyon. Pero Im thankful dahil the moment na pinabayaan ka niya. Uurong adam’s apple niya pag ako nangaway sa kanya. Haha”
“Hahahaha. Baliw ka talaga sis. Alam ko naman iyon. Kailan na ba huling labas natin? Minsan nga bonding din tayong tatlo.” sambit niya kay Jasmine at saka siya ngumiti ng matamis.
“Kating kati na rin ako kapatid na uminom at magvideoke. Pagod na ako sa sobrang reharsal eh. Buti pa nga yung mga kapatid nating namamalimos eh kahit walang tamang vibrato may pera sila. Eh tayo allowance lang naman at konting bawas sa tuition eh halos mamatay na tayo kakaperform. Well, North East State University nga raw naman ba.”
“Hayaan mo sis. Baka naman mahanapan natin ng pagkakataon.”
“Sana. Mahirap din. Lalo na ngayon. Isa ka na sa mga tatakbo at may hawak na recorder sa loob ng campus. Journalist ka na mah men.” tuwang tuwa si Jasmine at niyakap siya nito. Gumanti naman siya.
“Salamat sis. Pag nakuha ko yung kakarampot na allowance kamo ako na bahala sa treat ko sa inyo.”
“Yun ang gusto ko sa iyo kapatid. Ipinaglihi ka rin talaga sa mga pilantropo. O siya sige na at baka malate ka pa sa Lampara Quarters. Pagalitan ka pa ni Alejo. Sumbong mo sa’kin ah. Kukutusan ko iyon.”
“Haha. Okay sis. See you around.” matamis niyang pagpapa-alam

Nang matapos ang paalaman at kaunting paguusap ay agad siyang nagtungo sa kinahihimlayan ng Lampara Daily Headquarters.
“Ano kaya ang assignment niya? Tungkol ba sa enrollment? Tungkol ba sa pagtaas ng tuition nila ngayong taon? Tungkol ba sa mga atleta na nanalo sa nakaraang palarong pambansa?” naitanong niya sa sarili.
Kung ano man iyon ay handa na siyang makibaka sa mundo ng mga estudyante ng NorthEast State University.


*********
NorthEast State University Repertory Building

Damang-dama ni Selene ang pagpapasakit na gustong gawin ng bagong Director ng kanilang theatre group. Si Zero Avira na may weird na pangalan pero isang magaling at tanyag sa larangan ng teatro. Hindi niya lubos maisip kung bakit naririto ang propesor na ito. Kung tutuusin sa kalibre na meron ito ay dapat nagtatrabaho ito sa NCCA o National Commission for Culture and the Arts ang taong kagaya ni Zero Avira.
Hindi naman pipitsugin ang North East State University ngunit hindi niya lubos maisip kung bakit ito ang napiling eskwelahan ng madunong na propesor at kung bakit sa dinami dami ng clubs na mayroon ang kanilang unibersidad ay sila pa ang napaginitan. Kung tutuusin ay okay naman si Selene sa dati nilang propesor at direktor. Yun nga lang ay nagresign na ito. Dahil naman sa pamamalakad niya ay naitaas ang ranggo ng North East Repertory sa outstanding clubs ng buong unibersidad.
Nangunguna pa rin ang NASUDI at pumapangalawa sila. Gusto niyang bago magtapos ang kaniyang termino at pamamalakad sa North East Repertory ay sila ang magtagumpay.  Selene is always the competetive one.  Gusto niyang matalo ang matagal nilang kalaban na NASUDI.
Tumingin siya sa loob ng conference room kung saan natipon muli ang kanyang mga officers kabilang ang kapatid na si Diamond Dmitriv. Mula ng iluwal ito ng kanilang mga magulang ay siya na ang bumansag na “Dimes” rito na bumagay naman sa kanyang personalidad.
She sighed. At saka siya humarap sa board na nasa harapan.
Tatalunin niya ang NASUDI together with her borther.

Naputol ang kanilang katahimikan sa loob ng conference room ng  pumasok ng muli ang propesor na si Zero Avira. Bitbit nito ang kanyang maliit na maleta ay ganun pa rin ang isinisigaw ng tindig at kilos nito. Hindi pa man ito nagsasalita ay magaalangan ang sinumang taon na kausapin siya. The professor was effortlessly intimidating.
“Hello guys.” masayang bati nito sa kanila.
Para namang nabuhusan ng milagro ang buong conference room at nagkatinginan silang lahat sa masayang bati ng propesor.
Napagdesisyunan nilang lahat na baka naman ay nagkaroon mg ‘miracle flu’ ang direktor kaya masaya ang pakikitungo nito. For Selene, baka isa lamang itong patibong. She needs to be careful still.
“Okay, I know you are quite surprised as to why I am behaving like this. Well, it comes and go. Bilang isang taong matagal sa industriya you should be immune on how I deal with people. Most especially pagdating sa mga taong nakakatrabaho ko. Believe me, in the theatre world. It is a world of jungle. Mas marami pang tao na triple ang sama ng ugali kaysa sa akin. So I guess we have to work that way. If you really wanted to be respected theatre artists, let us start with attitude shall we?” mahabang litanya ng propesor sa kanilang lahat.
Walang nangahas magsalita. Lahat tikom ang bibig sa sinasabi ng propesor. Alam ng lahat na totoo naman ang mga sinabi nito. Kumbaga, naranasan na ng propesor ang mundo ng totoong teatro samantalang kahit papaano ay limitado pa rin ang target audience nila.
“So Selene, I received the 2013 report last night. Good job with the accomplishments. I can see that you and these guys worked hard to be the best. But of course, sometimes best tries are not enough tries. We need to triple and exhaust all our energy to work hard to be the best in what we are doing. Our long term goal is to be the Most Outstanding Organization in the history of North East State University. Not just this yeah but I am talking about the history of this school.” wika ng Propesor sabay sulat ng mga huling kataga na binaggit nito sa white board na nasa harapan nila.
Pagkatapos ay humarap ang propesor sa kanila. Taimtim naman silang nakinig lahat.
“As far as I know, when it comes to exposure ay walang problema ang organization. That is where you are very good at Selene. I admire that particular work of yours.” pagkawika nito ay humarap ang propesor kay Selene.
“Of course. Im the best.” ngumiti siya ng buong tamis at saka hinawi ang buhok na nakatakip sa mata.
“I like that attitude. Keep it up. We need to have a President who is always in charge of exposure para mapansin tayo ng administration.” pagpupugay naman ng Propesor sa kanya.
“Don’t worry about it Professor Zero Avira. I am Selene Dmitriv. I am quite a royalty here in the campus. As far as I know, I have over 90% popularity ratings compared to other prominent students here in the campus. Of course, quite expected from me.” buong tapang na sagot niya sa propesor na bigla niyang nagustuhan sa mga sinasabi nito ngayon.
She might be wrong after all. Perhaps, Professor Zero Avira is an alliance not an enemy.
“Good. And I like you to maintain that. If you could reach the 100% to overshadow everyone then that would be perfectly amazing.”
“Sure. Ako pa.”
Narinig naman ni Selene na nagcheer para sa kanya ang buong orgmates. This time ay medyo naging lively ang buong organisasyon. Nagkaroon na ng palitan ng kuro-kuro at diskusyon. Lihim naman na napapangiti si Selene sa nakikita. Ito na ang simula ng pagbagsak ng NASUDI.
“So we already highlighted our strength. We have a pool of talents in this organization and we are tremendously popular in the school. Now let’s go to our weakness.” panimulang muli ng propesor.
“I have come to know that the Production last year was met with mixed criticisms. You had guests from theatre companies and some of them applauded you guys for bringing an average performance. They take into consideration that you are all amateurs and that you are yet to learn. However, some are unhappy. When you coin the term ‘theatre play’ kailangan nilang makakita ng worth 200 pesos na stage play. Yung tipong maaantig o tatayo ang balahibo nila sa sobrang galing niyo…..
….I always believe that we have great singers here. Pero the last production was more of a fail than a success. Think. We are a theatre group and people expect us that each year we are gonna produce a world class theatre play. And with that being said, we have to perform a world class stage play.” mahabang litanya muli ng Propesor.
Napaisip si Selene. Alam niyang ang nakaraang stage play ay nagkaroon ng kaunting aberya dahil na-underestimate niya ang preparasyon para dito. Natatandaan niya noong mismong play ay muntik pa siyang magkaroon ng wardrobe malfunction. Gayunpaman, this won’t stop them from bringing the glory of theatre plays. Nagsimula siyang magsuggest sa Propesor.
“I have a suggestion Prof. Why not we do Miss Saigon adaptation. I mean diba you are part of that theatre play. I am pretty sure that we can go and give justice to that since ikaw ang mentor namin. Right guys?” suhestiyon at tanong ni Selene sa mga orgmates na siya namang sinangayunan ng lahat.
She can already imagine herself playing the role of Kim. She smells that the ‘Performer of the Year’ award will be hers in the end. She smiled in victory.
“I guess we can do that pero kapos tayo sa budget. Mukhang naparami ang gastos niyo last year. And there is no time for fund raising cause I want the rehearsals to be done for 6 months. Yup. You heard me. 6 months. Or even more. Gusto kong maging pulido ang buong presentation.” pagbibigay suhestiyon rin ng propesor.
Nadismaya man ay tuloy pa rin siya sa pakikipagtalakayan sa propesor. She trusts that whatever is his decision about their productions would benefit her and her brother more than anyone else in this club.
“So ano po ang ipepresent natin na stage play?” Selene Dmitriv asked the burning question na kanina pa gustong tanungin ng halos lahat sa kanila.
Sumagot naman si Professor Avira.
“Before I came here in your quarters ay nakatanggap ako ng email mula sa isang anonymous source. I eventually opened it thinking that it might be another spam mail. To my surprise ay mayroong isang attachment ang email that I presume ay galing sa ex-Director niyo na si Rene. Before I opened the attachement ay nakasulat ang pangalan ni Rene at sinabi niyang ito raw ay ginawa niya para sa inyo that would have been your play had he not resign. He wants me to take into consideration na baka pwede nating gawin ang play na ito. It was to my surprise an originally written play.”
Nagbulungan ang mga org mates nila at pati si Selene ay tumaas ang kilay. Ngunit iisa lang ang namumuong damdamin sa bawat isa. Kursiyudad. Nagtatanong ang mga mata nilang nagaabang sasasabihin ng propesor.
“Syempre hindi ako nagpadalos-dalos. I mean, I am the kind of person na ayaw na napagsasabihan kung ano ang gagawin lalo na sa org na mina-manage ko. Yet I gave it a benefit of a doubt and I run through the material. It is not that exemplary but it has an interesting story. What makes it more interesting ay dahil patungkol ang kwento sa isang taong nagki-claim na nanggaling sa mismong unibersidad na pinapasukan niyo. Ang North East State University.”
Nanahimik man ay bakas na sa kanilang lahat ang mas umusbong pang pagtatanong kung anong uri ng kwento mayroon ang script na isinulat ng kanilang Director na si Rene Suarez. Tahimik na napagpasyahan ng lahat ang makinig sa direktor.
“The title of the script was ‘Dark Side’. It is about a student named Adrian Jude Rico Dela Riva. Quite a long name, I know. But his name represents his identities. The protagonist of the story is ‘Adrian’, a reserved but openly gay to his family and friends. His alter ego, Jude who is the total opposite of Adrian. And later on a third alter ego under the name of Rico who was not that elaborately described in the story. He is suffering from a psychological condition called Multiple Personality Disorder which is now called DID or Disassociative Identity Disorder. It is a story about unconditional love and obsession. It can be noted that the main antagonist Sabrina Malvarosa was also mentally ill.” mahabang pagsasalaysay ng Direktor sa buong grupo habang pinapamigay ang mga papel na naglalaman ng summary ng kanyang mga sinabi.
Selene Dmitriv quickly scan the whole story and finds herself shocked sa natatagong baho ng kanilang unibersidad. The story that Professor Avira wants to direct is about the shocking controversy that was long forgotten. Nai-imagine na niya kung paano magiging isang kontrobersiya ang kanilang napipintong stage play. It would be the most scandalous theatre production.
Binasag naman ng Direktor ang kanilang katahimikan mula sa mabilisang pagbabasa ng nakalagay sa papel.
“So I guess, if we want to end with a bang, we should do this. Dark Side Theatre Play would soon materialize and I want outstanding actors to perform this play. I mentioned the main character Adrian Jude Rico Dela Riva and I want whoever who will play that role should act and could transition from one persona to another. It would take a brillant actor to do that, that is why I am holding an Audition. So if anyone here who wants to be Adrian Jude Rico Dela Riva or Sabrina Malvarosa or Red Antonio and Jake Marcos. Please do your research. Meeting adjourned.”
Naiwan muli ang lahat na nakapasta ang mata sa binigay na papel ni Professor Avira.
Selene Dmitriv can’t help but smile. Mula sa papel na binabasa niya ay alam na agad niya ang karakter na dapat niyang gampanan.


“I’m gonna be Sabrina Malvarosa.” ngiti niyang wika sa sarili.

*********
Kanina pa naghihintay si Adrian Jasper sa loob ng opisina ng Lampara Daily. He tried to scan the whole room ngunit wala masyadong tao. Nakikita niyang ang iba naman ay busy na nakaharap sa kanya kanyang computer at nagta-type ng kanilang mga assisgnment. He wondered if he is late or something. Naririnig niya mula sa conference room na nasa loob ang boses ni Alejo. Malamang ay buhos ang dapat gawin ni Alejo para sa school paper.
Sa wakas ay nakita niya itong lumabas and Alejo sweetly smiled at him. Halata niyang mukhang wala pa itong masyadong tulog.
“Ang aga mo ah?” bungad na tanong ni Alejo sa kanya.
“Oo naman EIC. Gusto ko po kasing tingnan kung may assignment na po ako.” masayang niyang tugon.
Lumapit naman si Alejo ng bahagya sa kanya dahilan para magkalapit sila ng husto. Medyo hindi siya makatingin ng diretso dito. It made AJ feel awkward.
“Sabi ko naman sa iyo, pwede pa rin namang Moks ang itawag mo sa akin.” pagkaklaro ni Alejo sa kanya. Hindi naman alam ni AJ kung matatawa sa seryosong mukha nito.
“Ito naman. Alam mo namang nasa loob tayo ng quarters. Baka sabihin ng iba puli-pulitika” pagdepensa ni AJ kay Alejo.
“Ano ka ba naman Moks. Kung pagpoprotekta lang naman ipaubaya mo na yun sa akin kasi ang taga protekta mo Okay? I’m always at your back.” matamis na pahayag nito sa kanya.
Ngumiti naman siya. Alam na iyon from the very start ng pagkakaibigan nila.
“O siya sige na Moks. Eto na po. So ano nga ba ang assignment ko?” tanong niya kay Alejo.
Umupo naman ito sa tabi niya at mula sa dala dala nitong tumbler ay humigop ng kaunting kape. Pagkatapos ay nagsalita.
“Medyo nag-aalangan kasi ako. I mean ewan ko kung kaya mo. Im happy dahil napagdesisyunan ng editorial board na bigyan ka ng solo assignment. Kalimitan kasi sa mga correspondent eh may mga buddies para mas madali ang pagkalap ng information. Pero sabi nila, since ikaw ang may pinakamataas na score sa exam ng mga correspondents. Hmmmm. You will go solo.” may pagaalangan at pinaghalong concern na wika ni Alejo sa kanya.
“Ano ka ba Moks. Kahit ano pa yan kayang kaya ko iyan. Gusto niyo huwag na rin akong matulog eh para lahat tayo may investment sa eyebags. Ako pa. Eh andiyan ka naman superMoks para umalalay sakin.” masaya niyang sagot.
“Okay okay.. Sige. This is your assignment. We received a tip from one of the most outstanding clubs in North East State University. An editorial board was suppose to handle this pero baka akala namin bluff lang. So we thought of sending a correspondent muna before an editorial board would take over. This is about North East State Repertory ang theatrical group ng school.” pagpapaliwanag ni Alejo.
Lumiwanag naman ang kanyang mukha.
“Talaga? Wow naman Moks. Alam mo kilala ko yung club na yun pero never ko pang nakita yung mga members nun. Ang weird nga eh.  Marami akong naririnig na magagaling daw sila. Would this be a feature entry?” masayang masaya niyang tugon sa pagaalangan ni Alejo.
“It would be a news feature. Pero it is not all about the members but their planned productions. Noong mga nakaraang taon kasi ay halos mga pamilyar na theatre plays ang ginagawa nila which is doing average so far. Pero ngayon they decided to create a theatre play with an original story line. And what is intruiging ay base daw ito sa isang estudyanteng nanggaling din sa North East State University. If history would be taken, this would be the first original theatre play in the history of North East State Repertory.”
“Cool. Salamat .Moks ah sa tiwala? Kakayanin ko to promise ko sa iyo. I will not let you down. Magkakaroon din ako ng SuperMoks powers. Hehe.” natatawa niyang pagche-cheer sa sarili.
“Alam ko naman na kaya. Iyon nga lang iniintindi ko yung mga officers nun. Balita ko kasi halimaw sila pagdating sa mga journalists ng Lampara Daily. Siyempre hindi ko naman sila masisi. They are like royalties in the campus.” nakakunot noong paliwanag pa rin ni Alejo sa kanya.
“Kaya ko yun Moks. Promise. Magiinterview lang naman diba. Kayang kaya ko yun.” nakangiti pa rin niyang tugon.
“Haay. Yan ang gusto ko sa iyo umaapaw ka sa positivity. Hawaan mo nga ako niyan. Payakap naman Moks oh.” tuloy-tuloy na wika ni Alejo.
Hindi na nito hinintay ang kanyang pag-payag. Agad na siya nitong niyakap habang magkatabi silang nakaupo sa bench na nasa loob ng opisina. May ilang taong nakatingin sa kanila ngunit he just dismissed the idea. Naramdaman din kasi niya mula sa mga yakap ni Alejo ang matinding pagod nito.
“Ayan energized na uli ako. Supermoks na uli. Sige Moks. I’ll see you in a few para ibigay pa yung details na kailangan mo.” pagpapa-alam ni Alejo sa kaniya.
“Okay Moks. Super Moks lang tayo ah? Positive lang tayo.” pagche-cheer pa rin niya kay Alejo habang papasok na ito sa conference room.
Kinindatan naman siya nito at ngumiti ng matamis.

**********
Hindi niya alam na kung bakit sa dinami dami ng pagkakataon na masisira ang zipper ng bag niya ay ngayon pa. Habang naglalakad ay inaayos ni AJ ang bag niya para malaglag ang kanyang mga libro. Medyo matagal na rin kasi niyang gamit ang back pack na iyon. Papunta sana siya sa klase niya na maya maya ay magsisimula na. He did not know na ang kinatatakutan niyang mangyara ay mangyaya pa rin.

Blag!

Halos daigin pa ng spring ng notebook ang nararamdaman niyang pagtaas baba ng ulo niya. Sandaling umikot ang paningin niya habang kinukumbinsi niya na ayos lang ang lahat habang ang nakanganga niyang bag at nagkalat na libro sa daan ay maayos pa.
Nakita niyang may kamay na naka-extend sa kanya habang sapo ng isa niyang kamay ang kanyang umiikot pa ring ulo.
Nang tanggapin niya ang kamay nito ay medyo dumausdos siya sa katawan ng lalaking tumulong sa kanya. The guy’s body was hard as a metal. Sa hindi niya malamang dahilan ay yumakap pa ito ng kaunti sa kanya para maging kumportable siya.
Siya naman ang hindi kumportable ngayon. The guy spoked nang mahalata yata nito ang pagiging ilag niya bigla.
Medyo nanlaki naman ang mata nito ng makita ang kanyang mata.

“You’re that guy that I met last weekend. AJ right? Wow. What a co-indcidence. We go in the same school” natatawang wika ng lalaking nakasalubong niya at napautang niya ng isang daang piso.
Si Dimes Dmitriv.
And that smile and green eyes again.
Tumango naman siya at hindi niya alam ang sasabihin. Masakit pa rin ang ulo niya pero mukhang mas dapat niyang intindihin ang pagkabog ng puso niya na gustong kumawala sa kanyang dibdib.
Hindi man niya alam ang sasabihin ay nagsalita naman siya agad.
“Ahm.. Yeah pasensya ah. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Wait lang pupulutin ko lang tong libro.” natataranta niyang sagot kay Dimes nang makita niyang nagkalat ang lahat ng libro niya sa daan.
“You know what let me help you.” sagot naman ni Dimes sa kanya at nakipulot na rin ng libro.
Mabilis pa sa alas kwatro ng pulutin niya ang librong nagkalat. Nahihya siyang magpatulong dito. Ngunit mas nahihiya siya sa sarili niya kung bakit nai-imagine niya na baka magkahawakan sila ng kamay at lalo lang siyang hindi makapagsalita. Alam mo na iyong mga telesereyng napapanood mo.
Hindi naman nangyari ang kanyang naiisip ngunit sabay nilang nahawakan ang huling libro na nasa daan. Mas madali man kaysa sa naiisip niya ay nahirapan lang siya muli dahil hindi nito binibitawan ang libro at nakatutok lamang sa librong hawak nila. Agad itong nagsalita.
“Snow White and the Seven Dwarves?” nakangiti si Dimes nang nilingon siya para tanungin patungkol sa librong parehas nilang hawak.
“Ah Oooo. Oo. Paborito ko kasi iyan.” nauutal niyang sagot. Silently, he wished na matanggal na ang pagkakahawak nito sa libro niya.
“Naniniwala ka pa rin pala sa fairytales. Ako rin naniniwala. Lalo na ngayon.” sagot naman sa kanya ni Dimes habang nakangiti lang ang gwapo nitong mukha sa kanya.

AJ inhaled and exhaled deeply. Hindi pa rin inaalis ni Dimes ang tingin niya kay AJ.

To Be Continued.

You Might Also Like

11 Violent Reactions!

  1. Yay... Chapter 3 :))) keep it up Rogue :D

    I can say na maganda ang panimula mo from the prologue because I feel that I wanna connect the dots from where the prologue was then back to where it all started. It's so intriguing. Talagang susundan ko itong story na ito like in Book 1. Im ready for them surprises :))

    ReplyDelete
  2. Hi archerangel. Ikaw na lang yata ang natira kong masugid na taga subaybay. Hahaha.

    Anyway, I'm thankful that you're always there. Keep it coming. Hindi ako magsasawang magbasa ng comments mo.

    ReplyDelete
  3. Me tooo! I do believe in fairytales. Hahaha. Graaabeh! Feel ko na ang kahabaan ng buhok ni AJ; abot hanggang edsa teh. Mehehe.

    Isshh. Wala pa ring kupas! Congrats sa pagbabalik.
    Gustong-gusto ko talaga ang paraan mo sa pag-atake sa isang istorya. Feels so legit. Eeermm. Gusto kong mag-first year ulit at salihan lahat ng org na yun.

    Again, kudos and welcome back! Anyway, why you didn't inform us that you’ll bring the beyotch (Sab) with you to your comeback? She’s not welcome. Shut the door! Choz!

    Todo na po ang comment na ituu simula sa unang article na napublished. Bwahaha. Nandito na lahat. Lol

    ~Kean

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kean! Salamat salamat sa patuloy na pagtangkilik. Namiss ko comments mo!. Haha :P

      Delete
  4. Ganda ng story sana matapos mo to author until the end. Sinusubaybayan ko in dati yung book 1 nito and I'm glad na may book 2 na sya. Keep up the good work.

    --Jake

    ReplyDelete
  5. Maganda tong story na to. Maybe I should start from book 1. Thanks pala.sa story. Take care.

    ReplyDelete
  6. ANG GANDA TALAGA NG STORY NA TOHH

    LALO NA YUNG BOOK 1 magka connected sila....

    ReplyDelete
  7. Wow nmiss ko po ang story na ito nmiss ko c adrian at red sana sa season na ito ay may appearances din cla

    ReplyDelete
  8. Silent reader po ako cmula pa ng book 1 SNA improve no tong comment ko

    ReplyDelete
  9. sir rogue wala pa po bang update for the nxt chapters?

    ReplyDelete

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images