Way Back Into Love Book 2: Chapter 2

Author's Note: Send me some feedback. Visit my blogsite or send me emails for suggestions. Your comments are also well appr...





Author's Note: Send me some feedback. Visit my blogsite or send me emails for suggestions. Your comments are also well appreciated. Maraming maraming salamat po!
Email: roguemercado@gmail.com
********

The Camp: Pampanga City

“Moks san ba tayo pupunta??” tanong ni Adrian kay Alejo.
Sabado noon at sinundo siya ni Alejo galing sa bahay nila. Nagtaka man ay sumama siya dito. Buti na lang at wala ang kanyang ama at madali siyang makakalabas. His father is really strict when it comes to his Saturdays. Ayaw nitong naglalalabas siya lalo na kapag gabi. His father made sure na tuwing gabi ay mayroon pa rin siyang oras para magbasa at magaral. Wala naman itong kaso sa kanya dahil silang dalawa na lang ang magkatuwang sa buhay.
His father is a renowned journalist ng isang sikat ng istasyon ng radyo. Sabi nga sa mga naririnig ay isa itong halimaw pag dating sa mga salita at opinyon patungkol sa mga napapanahong paksa ng pulitika at iba pa. Indeed, isa itong mahusay na journalist patunay hindi lamang ang mga sabi sabing papuri kundi ang mga plaka, topeo at medalya na niluma na ng panahon ay nakasabit pa rin sa salas ng kanilang bahay.
Habang sakay siya ng tricycle at hinihintay ang sagot ni Alejo sa kanyang tanong ay lumipad ang isip niya ng mga sandaling pumipili siya ng kurso bago ang pagsusulit.
Excited siyang umuwi sa bahay.
“Dad!! Dumating na po yung invitation letter ng North East State University!” natutuwa niyang pahayag dito.
“Good hijo. Ano naman ang sabi?” waring isang tuod na nagsasalita si Jose Carlos Malvar sa kanyang anak habang hindi pa rin inaalis ang kanyang tingin sa dyaryo.
“Hmmmm. Sabi po. Hindi ko na daw po kailangan magexam dahil sa endorsement ng high school principal namin, ang saya Dad diba! Wala ng hassle sa mga kung ano-anong exam?” hindi pa rin mapalis ang ngiti ni AJ habang nagsasalita sa harapan ng kanyang ama.
“Alright. Then I guess I have to agree. So what course are you wanting to get?” tanong ng nakakatandang Malvar sa kanyang anak.
Natigilan siya. Pagkatapos ay bumuntong hiniga bago nagsalita.
“Ahm, Dad… pwedo po bang ako ang pumili?” nagaalangang tanong niya.
Sa pagbabalik tanong niyang iyo ay saka lamang ito tumingin sa kanya mula sa binabasa nitong dyaryo. Yung titig na pinaghalong dismaya at awtoridad.
“Adrian Jasper Malvar, I said choose. It’s up to you. Choose what I want or choose what you want.” hindi pa rin nawawalang awtoridad ng boses nito.
Ngumiti siya ng matamis.
“Yes po Dad. Syempre, ano pa nga ba ang pipiliin ko. I am gonna take Journalism po! Gusto ko pong maging kagaya niyo Dad.” determinando niyang sagot
“Good. Then it’s settled. I am happy that you don’t want to disappoint me like your mother.”
Hindi niya alam kung masaya nga ba ito lalo na at naidugtong na naman sa usapan nila ang kanyang Ina. Batay sa natatandaan niya ay iniwanan sila ng kanyang Ina noong pitong taong gulang pa lang siya. Dumating na lamang sila isang araw na wala na ito at ang mga gamit. Ni walang sulat, maikling paalam o anu pa man. Umalis lamang ito at hindi na nagpakita.
Siya na lamang ang naiwan at ang kanyang ama. Hindi pa ba niya ito pagbibigyan sa kahilingan na maging isa rin siyang Journalist? Lahat ng sakripisyo ginawa nito, not it’s his turn.


Nagising ang diwa ng kanyang realidad ng nakita niyang may kumakaway sa kanyang mga mata. Hinawi niya naman ito.
“Hoy! Ano na? Bakit natutulala ka na diyan?” tanong ni Alejo sa kanya
Nagkamalay naman siyang nagising sa paghawi ng kamay nito.
“Moks naman eh. Eh hindi mo pa nga sinasagot yung tanong ko diba? San tayo pupunta??” pagulit niya ng tanong kay Alejo
“Basta nga. Basta. Magugustuhan mo dun. Ewan ko sa iyo. Sa dinadaanan natin dito eh dapat alam mo na kung saan tayo papunta diba?”
“Hindi ko nga matandaan diba? Ang kuuuuuuuulit mo!!” sagot niya sabay pisil sa mukha ni Alejo.
“Awwww” nagsasakit sakitan na sagot ni Alejo sa best friend.
“Ikaw na nga itong iti-treat ikaw pa nananakit.” sagot ni Alejo sa kay AJ.
“Oh? Ititreat mo ko Sir? Saan po sir?” matamis na ngiti niyang sagot kay Alejo habang nagpu-puppy eyes siya dito.
“Tigilan mo nga yan.” biglang iwas tingin nito sa kanya.
“Oh bakit?” nagtatanong niyang mga mata naman ang pumalit sa pagpapacute niya.
“Basta. Ang dami mong tanong.” pagsusuplado ni Alejo sa kanya.
“Kaya nga ako journalist diba. Matanong. Saka anong basta? Ang suplado mo naman. Hoy, Alejo Austria. Supladuhan mo na lang kaya ako pagdating sa quarters natin sa Lampara Daily. Baka nakakalimutan mo bestfriend mo pa rin po ako sa labas.” kunwa-kunwaring singhal niya dito.
“Oo na oo na. Eto na sasabihin ko na kung bakit ayaw ko ng titig mong iyon.”
“Oh bakit nga?” nangaasar na tinitigan niya ito habang nakalabi siya.
“Eh kasi… eh kasi nga ang cute mo….. Oh okay na?” sagot ni Alejo sa kanya habang nakatingin ito sa labas ng tricycle at iniiwasan ang titig niya.
“Asuuuuuuuuus. Syempre alam kong cute ako sa paningin mo Moks eh ikaw na kaya ang supermoks ko na laging andyan lang. Syempre tangkilikin ang sariling bestfriend diba? Haha.” sagot niya dito
Natawa naman si Alejo at ginulo nito ang buhok niya.
“Ayan hindi ka na cute mukha ka ng batang sipunin.” pangaasar nito sa kanya
“Sipunin mo mukha mo!” sigaw niya kay Alejo at bilang ganti ay ginulo niya rin ang bukok nito.
Nagkatawanan sila. Pagkatapos ay lumingon lingon si Alejo sa paligid ng dinadaanan ng tricycle nila. Mukhang napalayo na rin yata sila kaya pumara na siya.
“Mama, dito na lang po.” pagpara ni Alejo sa driver ng tricycle.
Agad namang tumalima ang driver at ibinaba sila sa gilid ng kalsada. Nang maka-alis ito sa kanilang paningin ay tiningnan ni AJ ang lugar. Tama nga ang hinala niya na papunta sila ng The Camp. Isang parke sa lungod ng Pampanga.
“So mamamasyal tayo ng park ng ganitong oras? Moks naman eh. Niloloko mo naman ako.” pagmamaktol ni AJ kay Alejo.
“Eh maano? Trip trip lang yan Moks. Wala rin akong magawa sa bahay eh kaya ginulo ko ang buhay ng bestfriend ko. haha” natatawang ring sagot ni Alejo sa kanya

“Moks tingnan mo ngayon. CLOSED sabi. Sige nga. Pano yung pinapangarap mong strolling sa park?” usisa niya kay Alejo habang inginuso niya ang “Close Sign” sa bandang kanan ng gate.
“Basta ako ang bahala kahit kelan wala ka talagang tiwala sakin eh.” iiling iling na sambit ni Alejo patungkol sa kanya.
“Okay.. okay Moks. Okay. Sige na po. Hands up na po ako. Editor In Chief. Kayo na po bahala.” taas kamay na sagot niya dito.
“Yun. Yun ang gusto ko. Masunuring bata ka talaga.” nangaasar na tugon ni Alejo.
“Masunurin talaga kaming mga bata. Ilang taon ka na nga po uli Kuya?” balik pangaasar niya dito
“Hoy, hoy. Kahit Senior na ako mas mukha ka pang matanda sa kin no. “ pambubuska pa rin ni Alejo sa kanya.
“Oo na sige na. Ako na ang naka eyeglasses. Hmft. Pasensya.” iwas tingin na sagot niya kay Alejo.
Natatawa naman si Alejo sa reaksyon ng kanyang best friend.
Sinasadya niya talagang asarin ito sapagkat sa mga susunod na araw ay baka puro paperworks lang siya at kung saan saang dako ng campus. Minsan sa pagiging Editor In Chief niya ay nakakalimutan na rin niyang isa lang siyang ordinaryong estudyante. Feeling niya kasi eh responsibilidad niya na ring patakbuhin kung anong imahe ang dapat niya ipakita hindi lamang sa buong estudyante kundi sa mga taong umaasang makabasa ng pahina ng Lampara Daily.
For him, ang makasama si Adrian Jasper ang isa sa hindi niya dapat kalimutan. I mean Adrian is his best buddy. Kahit pagba-baliktarin niya ang mundo eh hindi na siya makakahanap ng kaybigan na kagaya niya. He was there during the times na kahit sarili niya ay nakakalimutan na niyang harapin. Pipilitin siya ni Adrian na kumain noon na First Year pa lamang ito at hindi pa parte ng Lampara Daily.
AJ is always the jolly one. Kaya naman para sa kanya eh isang malaking stress reliever niya ito kapag bagot na siya sa responsibilidad niya. Susunduin niya lang ito, minsan tatambay lang sa bahay nila o sa kanilang bahay. And they would go and tell stories, magtatawanan. Ganun lang kasimple. Minsan nga naiingit siya sobrang positivity nito. Ang ganda ng tingin ni AJ sa buhay na maiingit ka sa mga insights niya.
Simple lang naman si AJ lagi. Sa sobrang kasimplehan eh ni hindi yata ito nagsusuot ng ibang damit kundi mga simpleng T-shirt, napakarami nitong maong loose pants at ang kanyang makasaysayang eyeglasses na suot suot niya pa yata noong bata pa sila. Pero kung tutuusin, kapag tinitingnan niya si AJ nang hindi nito alam ay sinasabi niya sa sarili niya na may hitsura din naman ito.
Pero mas gwapo naman siya siyempre at alam nito yun.
Gayunpaman. Feeling talaga niya , isang nakababatang kapatid itong si AJ. Little AJ nga tawag niya dito ng naiwan ito sa highschool at nagkolehiyo na siya. Natatandaan niya kung paano ito umiyak noong nakagradutae na siya.
“Ang daya mo naman Moks eh.” bigla na lang sigaw ni AJ sa kanya habang magkausap sila at uminom ng kaunting beer.
“Ano namang madaya dun? AJ ganun talaga. Guma-gradute ang tao. Saka ano ba Moks. Isang jeep lang angpinapsukan mo sa North East State University.” pagbigay niya ng positive side.
“Eh kasii….” sagot nito na hindi na naituloy ang sasabihin dahil pinupunasan na ang mata sa naka-ambang tumutulong luha. Nagmukha tuloy itong maliit na paslithabang nakanguso at umiiyak.
At ayun na naman ang pamatay niyang “Eh Kasiiiiii..” Kapag iyon na kasi ang sinabi nito eh kailangan niyang i-activate ang superMoks powers niya at maging parang isang Kuya nito.
“Eh kasiiiii. Ano?” tinikis niya ng kaunti si AJ at tiningnan ito habang umiiyak.
“Eh kasiiii, eh kasi alam mo na iyon. SuperMoks naman bakit kasi kailangan mo pang grumaduate? Mamimiss kita ehhh.” umiiyak pa rin na sagot nito sa kanya.
“Asuuuuuuus. Halika na baby ko na iyakin na Moks ko. Lapit ka na kay kuya.” natatawang sagot niya na may halong lambing at aktong kakargahin na niya ito.
“Umayos ka nga Moks. Ginagawa mo kong bata eh. Iwan kaya kita dito para fair. Iiwan mo rin naman ako sa school.” medyo tumigil na sa pagiyak si AJ
“Eh seryoso nga rin ako. O ano ka ba. Nahiya ka pa. Sige na yakapin mo na si SuperMoks mo. Ish. Nahiya pa daw siya. Sige na.” anyaya niya kay AJ.
Tumalima naman ito at sumandal sa dibdib niya. Nakaupo naman siya sa sahig at yakap yakap niya ito mula sa likuran. He can feel the warmth of AJ’s body.Nagsalita siya.
“Ganto na lang Moks. Isipin mo na lang na ako pa rin si SuperMoks mo. Dalawang taon na lang, graduate ka na. Sabay na tayong magaaral sa North East State University. At kukunin natin yung kursong gusto natin. Diba? Mas masayang isipin yun.”
“Oo na. Nagdrama lang ako ng konti. May payakap yakap ka pang nalalaman.”
“Eh ayoko lang nalulungkot ka ng ganyan. Gagraduate lang naman ako. Hindi magaasawa.”
“Sino namang nagsabi sa iyo na iiyak ako pag nagasawa ka? Haha. Parang baliw to.”
“Yunnnn. Yan ang gusto ko. Yung ngiti mo. Hindi yung ‘eh kassiiiiii’ sabay iyak. Nagiging kamukha mo si Spongebob eh.”
Naging seryoso naman ito na tila hindi nasakyan ang biro niya at saka ay nagsalita itong muli.
“Bakit ba kasi kailangang grumaduate supermoks?” tanong ni AJ sa kanya.
“Sabihin na lang natin na ang pag-gradute para lang yang tumutubong puno. Kadalasan kailangan mong matuto habang lumalaki ka. Wag kang makuntento na hindi mo nasisilayan ang araw. Maraming iba diyan na nakaharang ang sanga sa daraanan mo pero ang importante sa bawat nakaharang may natututunan ka bago ka maglagas.” nakangiting paliwanag niya dito.
“Ang lalim naman nun superMoks.”
“Haha ganun talaga.”

“Moks ano na? Ikaw naman nakatulala ngayon eh. .” sabat ni AJ sa pagmumuni muni ng best friend.
Kanina pa niya kasi nakitang nakatingin lang ito sa loob ng nakasarado pa ring The Camp. Wala siyang ideya kung gaano na ba sila katagal doon na nakatayo at naghihintay ng milagro kung magbubukas ang The Camp. Paano naman kasi eh hindi niya alam kung bakit doon nito naisipang pumunta. Sino ba naman ang magbabalak magstroll ng park ng alas onse?
“Wait lang Moks. Hmmmmm. Okay alam  ko na. Tumapak ka sa likod ko, bilis.” suhestiyon ni Alejo sa kanya habang nakaposisyon na ito na parang taya sa luksong-baka.
“Ahm.. bakit parang bigla akong kinakabahan sa pinapagawa mo Moks?” tanong niya dito.
“Basta nga. Ano na? Tapak na bilis.”
“Moks, trespassing to eh.  Ano ka ba naman..” naasar na siya kay Alejo sa pagiging kakaiba nito ngayon. Una sinundo siya ng hatinggabi ngayon naman gusto nito umakyat sila ng bakod.
“Ako si SuperMoks diba? Sige na. Tapak na. Kundi ibabato kita sa loob.” pagbabanta nito sa kanya.
Wala naman siyang nagawa kundi tumalima kay Alejo. Hindi naman siya katangkaran ay naagawa niyang mag-over the bakod gaya ng suhestiyon nito. Hindi naman nahirapan si Alejo sa pagakyat sapagkat sa kanilang dalawa ay talaga namang mapagkakamalan mo itong atleta sa tikas ng katawan nito.
Sa wakas ay nakapasok na sila sa loob ng The Camp.
Maluwang na parke ito na parang gubat ang theme. May kakaunting mga hayop kasi ang narito dahilan para isara ang park mula sa publiko ng alas siyete ng gabi, Napaka-agang pagsasara ng park kung tutuusin. Kunsabagay, hindi naman nagkulang ang management nito sa pagaalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng nasabing parke.
“Oh ano ng gagawin natin dito? Baka naman magising pa natin ang mga tao dito.” medyo natatakot niyang tanong kay Alejo.
“Wala iyan. Basta. Oh, ngayon naman kumarga ka na sa likod ko at aakayin na kita doon sa pupuntahan natin.” suhestiyon muli ni Alejo.
“Huh? Bakit Moks?”
“Basta. Sige na. Kargahin na kita sa likod ko.”
“Bakit nga?”
“Basta. Umakyat ka na AJ at bago pa magising ang mga taga dito.”
“Walang sisihan ah. Pinagpaguran ko rin ang mga calories ko.”
“Oo na. Parang di ko naman alam na nakakalimang kanin ka.”
“Ewan ko sa iyo!”
Inismiran niya ang kanyang bestfriend at pagkatapos ay nagpa-akay siya sa bestfriend. Medyo naamoy niya ang pabangong gamit nito. Gayunpaman ay sinaway niya ang sarili mula sa pagamoy rito. It made him feel uneasy ngunit ipinagkibit balikat niya na lang ito.
“Ugh. Ang bigat mo nga.” nangingiwing sagot ng
“Sabi ko sa iyo eh.”
“Di bale. Ready ka na? Moks?” tanong uli ni Alejo sa kanya.
“Ano pa nga ba?” sagot niya rito.
Maya maya ay nagulat nalamang siya nang kumaripas ng takbo si Alejo habang akay akay siya. Gustuhin man niyang sumigaw eh nasa loob sila ng parke. Maya maya pa ay ito naman ang medyo sumisigaw ng konti. Nakita niya ang pamilyar na bermuda grass na pinaglalaruan nila noon ni Alejo noong mga bata pa sila. Alam niya na ang susunod na mangyayari.
“Waaaaaaaaaaaaaaaa.” sigaw ni Alejo.
“Baliw ka talaga Alejoooooooooooooooo.” sigaw niya rin.
At gaya ng inaasahan ay gumulong sila sa bermuda grass. Medyo tumalsik siya at ito si Alejo naman ay gumulung rin ng kaunti. Naalala niyang ginagawa nila iyon noong bata pa sila. Doon nga nagmula ang tawagan nila na SuperMoks dahil lagi itong nagapanggap na si Superman. Kaya superMoks. Na medyo nakakapagod at awkward banggitin kaya Moks na lang kadalasan. Tinatawag niya lang na superMoks si Alejo kapag silang dalawa lang.
Nakita niyang tumayo na ito kaya tumayo na rin siya.
“Baliw ka talaga Moks. Pero namiss ko yun ah?” natatawa niyang pagbalik tanaw.
“Sabi ko sa iyo eh. At least nagawa natin kahit kasimbigat mo na bakulaw” natatawang sagot ni Alejo.
“Haha. Eh ikaw mukha kayang matandang superman.”pangaasar niya kay Alejo.
“Haha. Basta nagawa natin. Yun yun. Pero wait. There’s more.” masayang bungad uli ni Alejo habang nagta-taas baba ang kilay.
“Ano?” nagtatakang tanong niya.
Nakita niyang kinuha nito ang cellphone sa bulsa pati na earphones at binigay ito sa kanya. Nagtataka man ay kinuha na lamang niya ito.
“Oh ah. May nakaready na ipiplay diyan sa cellphone. Ipiplay mo lang kapag sinenyasan kita. Okay ba?” pagbibigay ng direksyon nito sa kanya.
“Okay good. Suot mo na Moks. Pag nagthumbs up ako, play mo na.” dagdag muli ni Alejo.
Agad naman niya itong sinunod at sinuot ang earphones nito. Nakaready naman ang kanyang kamay sa play button. Wala pa rin siyang ideya kung ano ang kanta.
Nakita naman niyang sumipol ito ng kaunti. Maya maya pa ay nakita na niyang nagthumbs up ito sa kanya. Hudyat na dapat na niyang iplay ang misteryosong tugtog.
Narinig niya ang entrada ng musika.
You would not believe your eyes

If ten million fireflies
Lit up the world as I fell asleep
'Cause they'd fill the open air
And leave tear drops everywhere
You'd think me rude
But I would just stand and stare

At hindi niya inaasahang ang nakita.
Mula sa malalaking pulo at dimlight na mayroon ang parke ay nagsilabasan ang mga alitaptap. Lumiwanag ang buong paligid sa mga insektong may dalang apoy sa kanilang katawan. Hindi niya maiwasang ngumiti.
Nagpatuloy ang musika.
I'd like to make myself believe

That planet Earth turns slowly
It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep
'Cause everything is never as it seems

Tiningnan naman niya ang kanyang best friend. Nakangiti lang ng matamis si Alejo sa kanya. Naiiyak naman siya bigla ng bumalik siya sa kanyang tinitingnan at patuloy niya pang pinapakinggan ang musika. Para  na siyang baliw tuloy na umiiyak at tumatawa ng sabay. Hindi lang siya makaget-over kung gaano kaganda ang kanyang nakikita. Mga dilaw na apoy kung saan saan.
'Cause I'd get a thousand hugs

From ten thousand lightning bugs
As they tried to teach me how to dance
A foxtrot above my head
A sock hop beneath my bed
The disco ball is just hanging by a thread


I'd like to make myself believe

That planet Earth turns slowly
It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep
'Cause everything is never as it seems

Nang matapos ang kanta ay inalis niya ang earphones. Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak. Ibinigay na niya ang cellphone kay Alejo.
“Congrats Moks. Pasensya ka na simpleng treat ko sa iyo ah? Masaya ako at parte ka na ng Lampara Daily.” nakangiting bati ni Alejo sa kanya.
“Baliw ka talaga.” sagot nito uli sa kanya.
“Ikaw kaya. Kanina ka pa kaya tumatawa tapos umiiyak.”
“Eh kasiiiiii.”
“O ayan na naman.. ano naman niyang eh kasiii” ngunit nakangiti pa rin si Alejo
“Eh kasiii. Ikaw. Pinapaalala mo yung mga paborito ko noon. Yung pagsakay ko sa likod mo tapos yung mga alitaptap.”
“Oo naman….. bestfriend mo ko eh.”
“Papaiyakin din kita. Kala mo. Maghintay ka lang.” naiiyak pa rin.
“Asuuuuus. Halika ka nga dito at alam kong kailangan mo ng yakap ni SuperMoks.” sagot ni Alejo sa kanya at saka siya nito biglang niyakap.
Tumalima naman siya at yumakap din siya bilang ganti. Yung mahigpit na mahigpit.
Napatid naman ang pagkakataon ng bilang magring ang cellphone ni Alejo. Kaagad naman itong kumalas at sinagot ang cellphone. Nagpahid naman siya ng luha. Nahihiya siya sa kaibigan dahil malalaki na sila at lahat eh iyakin pa rin siya.
Nang matapos na nitong sagutin ang cellphone ay agad naman itong bumalik sa pwesto nila.
“Moks sorry pinapatawag ako sa bahay Lampara Daily. May emergency meeting. Alam mo na opening kasi ng school kaya expected na ganito.”
“Kailangan ko bang sumama Moks? Pwede naman akong sumama sa iyo” suhestiyon niya na sa wakas ay hindi na parang may sipon ang boses niya.
“Editorial Board lang kasi Moks eh. Baka bukas may meeting na tayong lahat kabilang kayong mga Correspondent.”
“Ah okay sige superMoks. Ano ka ba naiintindihan ko naman  yan.”
“Tara na?”
“Okay.” maikli niyang sagot.

*********
Magisa naglalakad lakad ng kaunti si AJ papauwi. Nagmamadali kasing nagtaxi si Alejo matapos nilang makaalis sa The Camp. Binalak niyang magmuni muni muna bago sumakay ng kung ano pauwi sa kanila. Wala pa naman siyang narereceive na text mula sa kanyang ama kayang minabuti na lamang niya na maglakad muna.
Medyo naging emosyonal siya kanina ngunit nagpapasalamat pa rin siya na ang kagaya ni Alejo ay laging nandiyan para sa kanya. Siguro kulang na lang eh maging legal na silang magkapatid dahil sa closeness nila.
Naputol naman ang kanyang pagmumuni muni ng makita niyang may papalapit na pigura ng tao. Mula sa kanang bahagi ng daan ay lumipat siya sa kabila. Mahirap na. Kung bakit ba naman kasi ay wrong timing yata ang pagmumuni-muni niya. Nakalimuta niyang medyo madilim sa kalsadang dinadaanan niya. Nagkalat pa naman ang mga nakawan ngayon.
“Wait. Wait.” sigaw ng pigura na nakita niya. Mula sa boses nito ay napagtanto niyang lalaki ito.
Labag man sa kalooban ay tumigil na lang siya. Sa pagaasam na rin na hindi ito holdaper o nage-english na holdaper. Pero sa huli ay medyo nagfreak out siya ng kaunti.
“Wala akong pera. Wala kong pera. Please huwag mo kong holdapin Kuya.” medyo dumistansiya siya ng nakita niyang halos magkalapit na sila.
Sa hindi inaasahan ay natawa naman ito sa reaksyon niya. Ngumiti ito at humalakhak ng kaunti. There was something in the way he laughs. Medyo malalim ang boes nito na nakapagpadagdag pa ng pagiging lalaking lalaki nito. Tiningnan naman niya ito sa mata. Medyo natulala siya sa nakita.
The guy has green eyes.
Sa hindi niya malamang dahilan ay kumakabog ang puso niya. Sobrang lakas.
Nang ganap na itong makalapit ay nagsalita na ito.
“Hey. Sorry to freak you out. But Im not a thief or whatever. I was actually a victim. You’re the first one that I saw. And I thought baka naman pwede akong makisabay sa iyo. Nanakawan yata ako. Wala na kasi yung wallet ko the moment I reached for a fare.” pagkaklaro ng estranghero habang inayos nito ang buhok.
Kitang kita ni AJ kung paano nito nagawang ayusin ang buhok na para siyang nanonood ng isang scene sa music video. Makisig ang lalaki. Period.
“Ahm.. ah,,.ahmm. Ah…” nauutal na hindi niya mahagilap ang dapat niyang sabihin
“Hey. Calm down please. I don’t want anything to happen to you.” buong pagsuyo na sabi ng lalaki sa kanya.
The way he said ‘I don’t want anything to happen to you.’ was filled with sincerity and love. Para siyang hinaharana sa bawat salita nito.
“Ahm. Ano. San ka ba uuwi? Papunta kasi ako doon sa direction. Ahm medyo kanan.” sa wakas ay nagawa niyang magsalita ng diretso kahit kanina pa niya gustong panghinaan ng tuhod.
“Oh crap. I mean. Sorry. Yeah. Im going to an opposite direction. Sorry to disturb you.” biglang nalungkot ito sa sinabi niya.
Akma na sana itong didiretsong maglakad ng pigilan niya ito.
“Ahm. Pwe…Pwede kitang pahiramin.” bigla niyang suhestiyon
“Really? You’ll do that? Salamat ah? How can I repay you? Sorry talaga with this mess. Nakakatawa. Hinihiraman kita ng pera tapos hindi pa ko nagpakilala. Sorry, nakakahiya. My name is Dimes Dmitriv.” pagpapakilala ng lalaki sa kanya at inayos na naman nito ang buhok gamit ang mga daliri.
“Yeah. Ahm. Adrian Jasper. AJ na lang.” maikli niyang sagot iniiwasan niya pa rin mautal.
Hindi na niya hinintay itong magsalita dahil baka naman kung ano pa maisip niya. Nanginginig na kinuha niya ang isang daan sa bulsa at inabot niya ito kay Dimes.
“You’re hands are cold. You sure you’re okay? Hindi ba ko nakakaistorbo?” tanong nito ng masagi ng kaunti ang kamay niya sa pagabot niya ng isang daan.
“Oooo.Oo Oo. Okay na okay lang.” pinapagalitan na niya ang sarili.
Tila nasagot naman ang dasal niya ng bigla ng may dumaan na taxi.
“Sige ah? I’ll take this. I don’t know how can I repay you or whatsoever pero alam ko magkikita pa rin tayo.” nakangiting tugon nito sa kanya
Tumapat na ang taxi sa kanila.
“Babayaran talaga kita AJ.” wika nito sa kanya habang binubuksan ang taxi.
Tumango lang siya at nang nasa loob na ito ng taxi ay nagsalita itong muli.
“By the way, you look good without those glasses. Stay cute.” huling mga salita ni Dimes sa kanya and that smile.


Nang umalis ang taxi ay naiwan siyang tulala at namumula ang pisngi.

To Be Continued.

You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images