Way Back Into Love Book 2: Prologue

Author's Note: Happy Valentines Day! Email: roguemercado@gmail.com Blog: www.roguemercado.blogspot.com ******** Th...





Author's Note: Happy Valentines Day!
Email: roguemercado@gmail.com
********
The Enchanted Ball 2014: North East State University

Nag-park na ang kanyang kotseng sinakyan. It was a black limo.
“Ready for the big night, Prince of Rock?” tanong sa kanya ng driver kanina.
“I guess?” hindi niya mawaring sagot.
Tinitigan siya nitong mabuti. Matagal. Saka lamang ito nagsalita uli.
“It was a pleasure meeting you. As you know, graduating na ako. I never thought that I will be part of this story. Sabi nga nila, ang last year mo sa college ang pinakaimportante. Gusto kong malaman mo na ikaw ang isa sa mga taong hindi ko malilimutan. Kung isang mahabang kwento ang buhay ko. Isa ka sa mga karakter na gusto kong magtagal hanggang sa huling pahina” pagkatapos ay ngumiti ang lalaking nasa driver seat.
“Thank you Ralph.” maikli niyang tugon dito. Pilit niyang pinipigil ang luhang naka-ambang tumulo.
“So Prince of Rock, are you ready?” lumiwanag ang mukha ni Ralph at tumingin sa kanyang mga mata muli.
Pinagmasdan muli ni AJ ang kaharap na lalaki. Ralph Espanya was wearing a black suit. Para niyang kaharap ang isang aktor na dadalo ng Oscars.
“Im ready you gothic ass. Haha.” Natatawa niyang tugon dito at saka siya ngumiti.
“Well, Adrian Jasper Malvar, I am your inspiration, you very well know that” paghahambog ni Ralph sa kanya.
“Oh please, I am the campus’ Prince of Rock. I am like more famous than you are.” pabiro niyang sagot dito.
“Okay, okay. Hands Up. Suko na ko.” natatawang sagot nito.
Tumawa lang sila ng tumawa hanggang sa ito muli ang nagsalita.
“Are you nervous?” seryosong tanong ni Ralph sa kanya.
Tango lang ang itinugon niya. Pagkatapos ay tumingin siya ng bahagya sa labas ng bintana. Maraming mga tao ang nagkalat. All are wearing costumes from different fairy tales. He recognized a lot of them were inspired by Disney.
“I am just here.” Tugon naman ni Ralph sa kanya at saka kinuha ang kanyang kamay at pinisil ito.
“Thank you. Hindi ko alam kung paano…. kung paano ako magpapasalamat sa kabutihang ginawa mo.”
“Oh wag ng iiyak.”
“Eh kasiii…”
“Prince of Rock never cries, remember?” pag-aalo nito sa kanya.
He stared at the guy. He looks geniuinely concerned. Kung tutuusin ay gwapong-gwapo ito sa kabila ng balbasarado nitong mukha. He was the perfect description of tall, dark and handsome.
Ngumiti siya at nagsalita, “Of course.”
“Shall we?”
Tumango siyang muli.

Bumaba na sila ng sasakyan at hinarap ang gate ng North East State University.  It was very classic. Para kang dadaan sa isang kastilyong puno ng chandeliers at may red carpet simula entrance pa lang. Kaagad silang nagtungo sa lalaking nakatalaga sa reception.
“Good evening, may I have your invitations please?” bati ng lalaking kalbo na nakasuot din ng brown suit.
Ibinigay naman ni Ralph Espanya ang kanilang mga imbitasyon.
“For Ralph Espanya and Adrian Jasper Malvar. Wow, the royalties of the event. Please proceed your majesties.” magalang na pagtanggap sa kanila kasabay ng paggalaw ng kamay nito patungo sa pintuan ng nasabing bulwagan.
Natatawa siyang sumunod kay Ralph papasok ng eskwelahan na ngayon ay isa ng malaking bulwagan para sa Enchanted Ball. Talagang sineryoso ng unibersidad ang kanilang plano na gawing isang malaking kastilyo ito.
Magkasabay silang naglakad ni Ralph papunta sa pagdarausan ng pagtitipon. Sa bawat mga taong nadadaanan nila ay sumusunod ang mga mapagtanong na mga mata sa kanila. Bawat tao ay tila tumigil ang mundo ng makitang magkasama si Ralph Espanya at ang Prince of Rock na si Adrian Jasper Malvar.
“If only I could be the happiest guy on Earth..” biglang basag ni Ralph sa katahimikang namamagitan sa kanila habang naglalakad.
“Why?” nagtatakang tanong niya.
“I wanted to pretend na ako ang date mo ngayon but I guess not. “ tumitig si Ralph sa kanya.
Nabakas niya sa singkit nitong mata ang kaunting lungkot sa sinabi nito. Saka siya sumagot dito.
“Ralph, you very well know that a lot of people would kill me for just walking with you here.” sagot niya.
“And you very well know, that I would kill your date tonight just to be in his place.” natatawang sagot ni Ralph sa kanya.
“Baliw ka talaga.” pabiro niyang tugon upang huwag masyadong bumigat ang usapan nila.
“Sa iyo lang. Matagal na.” pabalik nito sa kanya sabay tingin nitong muli.
“Huwag kang babanat ngayon. Baka banatan kita.” may halong biro niyang sagot muli dito.
“Hahaha. Alright. Let’s just go there okay?” paglilihis nito.

Ilang hakbang pa ak nakarating na nga sila sa bulwagan ng kastilyong unibersidad. Sa taas ng mga nagtatayugang poste ay ang nakapaskil na mga salita:

THE ENCHANTED BALL 2014
Nang makapasok na sila ay nakita niya ang isang pamosong lugar na nakikita lamang niya sa mga telebisyon. Parang isang fairytale na nabuhay ang buong lugar. Mga estudyanteng nakabihis ng fairy, prinsesa, prinsipe at may mga parang hari at reyna ng palasyo. Natuwa siya nakita niya.
Mula sa dimlight na meron ang lugar ay dumoble naman ang liwanag nito ng sila ay pumasok ni Ralph. Maya-maya ay narinig niyang may nagsalita mula sa entabladong nasa harapan.
“Announcing the arrival of North East State University’s Prince of Rock, give it up for Adrian Jasper Malvar.”
Lahat ng mga mata ng tao ay lumingon sa entrance at nakita nga siya gaya ng sinabi ng Master of Ceremony. Sumunod naman ng mga matang nagtatanong kung bakit niya kasama si Ralph Espanya ay isang masigabong palakpakan.
Tumugtog naman bigla ang kanyang signature song.
“There you go, Prince of Rock.” natatawang bati uli sa kanya ni Ralp at pumalakpak na rin kasabay ng mga tao.
Clearly, he was one of the stars tonight.
Natigil ang masigabong palakpakan ng humahangos na pumunta sa kanya ang grupo ng mga taong kilalang kilala niya. May mga dalang mikropono at kamera ang mga ito sa kabila ng nakacostume din sila. Ang grupong ito ang nakatakdang magcover ng Enchanted Ball 2014. Ang Lampara Daily.
Bago pa man makalapit ang mga ito sa kanila ay humarang na si Ralph Espanya para siya ay protektahan. Nabigla man ay pinabayaan niya na lang ito. Nagsimula namang magsibatuhan ang mga ito ng katanungan.

“AJ, anong masasabi mo sa kontrobersiya na inulit mo raw ang kasaysayan ng isang estudyante dito sa NESU?” unang tanong ng isa.
Hindi pa nakuntento ay nagtanong muli ang isa.
“AJ anong masasabi mo sa mga balitang na mayroon ka daw mental condition na Multiple Personality Disorder.”
At sumunod pa ang isa.
“AJ, anong masasabi mo sa eskandalong kinasangkutan mo? Pano mo mapapangatawanan ang titulong Prince of Rock.”
“AJ, maari ka bang makunan ng klarong sagot tungkol sa napapabalitang bagong relasyon mo kay Ralph Espanya.”
“AJ, maari mo bang patotohanan ang kumakalat na balita na totoong may kapangalan kang estudyante na si Adrian Jude Dela Riva?”
“AJ, ikaw ba ay confident na tatalunin mo si Dimes Dmitriv bilang Performer of the Year?”

Halos hindi magkandaugaga si Ralph na awatin ang mga ito bago pa man isa sa kanila ay makalusot. Nakikinita niyang malapit ng magkapisikalan ang mga ito. Humangos na rin ang ibang miyembro ng kanyang club para tulungan siyang makapunta sa table. Sinenyasan naman siya ni Ralph na magpatiuna na siya at ito na lamang ang bahala sa mga nagkukunwaring paparazzi ng eskwelahan.
Nang maupo siya sa kanyang mesa ay walang sawang batian ang naganap. Karamihan ay kino-congratulate na siya, na siya raw ay mananalo. Nang lingunin niya ang mesa na nasa faculty ay nakita niyang nakaupo si Professor Zero Avira ng North East Repertory, si Director Ben Lee ng NASUDI, si Director Redentor Laxamana ng GROOVE at kung sino sino pa. Hindi niya namalayang nakatingin na rin sa kanya si Professor Zero Avira. Tinanguan siya nito. Tumango rin siya bilang ganti.

Lumapit naman sa kanya si Agnes. Isa sa mga miyembro ng parehong club na kasali siya.
“Dude!!!! OMG! You look so fab! Kamusta?” malakas na boses na dumadagundong na tanong nito sa kanya.
Agnes has been one of the nicest friends that he has. Kaya naman bago pa bumukas ang bibig nito ay nakangiti na siya.
“Okay lang nakita mo ba si…”
“Uyyyy. Hinahanap niya…. Kayo kasi. Ano ba talaga ang problema?” tanong nitong muli
Nagkibit balikat lang siya. Hindi niya alam, exactly. Ano nga ba talaga ang problema.
“Wag ka namang malungkot. Tingnan mo na lang yung nasa projector. Ayun oh. I am betting all my life the,  ikaw ang mananalo!”
Tiningnan niya ang tinutukoy nito. Tumingin siya sa projector. Nakita niya nga ang kanyang pangalan.

2014 North East State University Awards
Performer of the Year
Nominees
Dimes Dmitriv (NorthEast Repertory)
Adrian Jasper Malvar (NorthEast Repertory)
Selene Dmitriv (NASUDI)
Jasmine Rivera (NorthEast Repertory)
Dexter Delos Santos (Groove)
Nina Espinosa (NASUDI)
Sharaya Cruz (Tanghalang Hilagang Silangan)

“Ano ka ba. Ang dami namin” pabara niyang sagot kay Agnes.
“As if naman. Prince of Rock rocks NorthEast State.” nakangiting sagot ni Agnes sa kanya.
Ngumiti lang siyang muli at pagkatapos ay nagsalita muli si Agnes ng walang makuhang sagot sa kanya.
“Aj, punta lang muna ako doon ah. Tutulungan ko lang si Ralph sa mga lestseng Lampara Daily na yan. See yah!” pagpapa-alam nito
Naiwan siyang nagmamasid. Huminga siya ng malalim. Nilibot ng kanyang mga mata ang buong bulwagan. Hinahanap ang isang tao gusto niyang dumating.
Ngunit wala.
Kasabay ng katahimikan ay nakareceive siya ng text message mula sa isang numero na hindi nakarehistro. Kaagad niya itong binasa:

                “Do you still believe in fairytales?”
Naguguluhan man ay sinagot niya ito.
                “I’m sorry but may I know who are you?”
Nagreply kaagad ang numerong kanyang ti-next
                “I am the ghost of the past”

Nagdesisyon siyang huwag ng magreply. Nagpalinga linga siyang muli. Ngunit sa libong estudyante, imposibleng makita niya kung sino ang nagtetext sa kanya.


**********
Nagpark ang isang pulang kotse sa harap ng North East State University.

Bumaba ang isang babaeng suot ang isang mahabang pulang gown. Sa kanyang mestisang hitsura, perpektong hubog ng katawan, tangkad at maitin at mahabang buhok ay hindi mo mapagkakamalang isa lang siya estudyante. Para siyang iniluwang Diyosa ng langit.
Habang papunta ang babae sa harapan ng bulwagan ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Para siyang isang naglalakad na apoy sa kanyang kasuotan at simpleng mga palamuti sa katawan.
“Good evening your majesty.” bati sa kanya ng lalaki sa reception.
“Good evening” maikli niyang sagot
“May I have your invitation please?” tanong nito.

Dinukot naman ng babae ang kanyang imbitasyon mula sa kanyang pouch at ibinigay ito sa nagaabang na lalaki.
Matapos abutin ay taimtim na binasa ng lalaki ang nakasulat na pangalan sa imbitasyon. Naguguluhan ay tinanong siya nitong muli.
“I am sorry but you are not a student but one of our guests???” naguguluhang tanong
“Oh. Do you know how to read? I already gave my invitation. I hope you know how to read the word ‘guest’ there.” sarkastiko niyang sagot sabay hawi ng kayang buhok.
“Sorry Ma’am. According to my list, you are not listed as of one of the guests.” naguguluhan pa rin nitong pagkumpirma habang nagpapapalit palit ng titig mula sa imbitasyong inabot ng misteryosang babae at sa kanyang sariling listahan ng mga panauhing pandangal.

Pilit niyang itinago ang pagkapikon at saka ngumiting ng malademonyo.
“Well, I have the RSVP. Which makes me one of your guests with the signature of the Director of the University. I am sure you don’t know me cause I am an alumna of this university” sarkastiko niya uling sagot.
“Ah.. Okay okay po. Please proceed Ma’am. I am sorry for this inconvenience.”
Irap lang isinagot niya sa paumanhin nito at tuloy-tuloy na siyang nagpatiuna sa Enchanted Ball.
Isinulat naman ng lalaki ang pangalan ng misteryosong babae sa kanyang sariling listahan ng mga panauhin. Hindi man niya alam kung saan siya nagkamali ay inilagay niya ng klaro ang pangalang nabasa niya:

ROYAL GUESTS
15. Sabrina Malvarosa


Nang makapasok na siya sa darausan ng Enchanted Ball ay kaagad na kinuha ng misteryosong babae ang cellphone at tinext ang numero na kanyang pinaglalaruan kanina pa.
“I am the ghost of the past and I am gonna ruin your fairytale. Bitch.”

Ngumiti siya ng malademonyo habang ipinadala ang kanyang mensahe.


To Be Continued

You Might Also Like

1 Violent Reactions!

  1. FINALLY!!! :))
    Welcome back Rogue, I really miss reading your works and Im sure this one is gonna be really good. I am so gonna look forward to this.

    ReplyDelete

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images