Way Back Into Love
Way Back into Love (Final Chapter and Epilogue)
2:55 PM
Final Chapter and Epilogue
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
Author's Note:
It never came to my senses na matatapos ko ang ganito kahabang kuwento, tamad kasi ako and I have this problem in writing thinggy so gusto ko na lang ipunto per punto ang iba ko pang sasabihin.
Una, gusto kong magpasalamat sa mga naging inspirasyon ko para buuin ang una kong akda hindi man ito ganoon kaganda tulad ng gawa nila ngunit ang inspirasyon na naibigay nila sa akin ay sobra-sobra. Kila Sir Mike, ang awtor ng "Ang Kuya kong Crush ng Bayan", kay Dark_Ken ng "Minahal ni Bestfriend Series", Dane Aguilar ng "Intertwined" at sa iba pang awtor na nakaimpluwensiya sa akin. Muli po gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat sa pagbuhay niyo sa pagnanasa kong sumulat muli.
Pangalawa, nais kong ipagpaumanhin ang kakulangan ng kwentong ito. Sa mga typo errors, sa mga inappropriate grammar o sa anumang nakita niyong kamalian sa teknikal na aspeto. Sana po ang pagiging first time sa ganitong larangan ay isang excuse. Yun lang po naiisip kong palusot.
Pangatlo, nais kong magpasalamat sa mga nagbasa, nakiiyak at nakilig kahit papano sa kuwento ito lalong lalo na sa nagpaabot ng kanilang komento nalagi kong binabalik balikan either positive and critical analysis. Ayaw ko siyang tawaging negative criticism dahil somehow nakatulong siya para pagbutihan ko pa lalo ang pagsusulat.
Pangapat, kung hindi man kalubusan ay nais kong humingi ng follow back sa under construction ko na blog. URL po eh www.roguemercado.blogspot.com. Pwede niyo po akong ifollow basta may google o blogger account kayo. May mga detalye rin po akong personal doon kung interesado po ba kayo sa amateur writer na si Rogue Mercado hehe.
Panglima, kung hindi pa po kayo nakakaboto sa entry ni Sir Mike pwes kailangan niyo na po talagang bumoto. Kalimutan ng lahat wag lang ang MSOB. Nasa taas po ang link at direction ng pagboto.
Muli po maraming salamat sa inyong lahat. It was a journey writing way back into love with you guys...
Author's Note:
It never came to my senses na matatapos ko ang ganito kahabang kuwento, tamad kasi ako and I have this problem in writing thinggy so gusto ko na lang ipunto per punto ang iba ko pang sasabihin.
Una, gusto kong magpasalamat sa mga naging inspirasyon ko para buuin ang una kong akda hindi man ito ganoon kaganda tulad ng gawa nila ngunit ang inspirasyon na naibigay nila sa akin ay sobra-sobra. Kila Sir Mike, ang awtor ng "Ang Kuya kong Crush ng Bayan", kay Dark_Ken ng "Minahal ni Bestfriend Series", Dane Aguilar ng "Intertwined" at sa iba pang awtor na nakaimpluwensiya sa akin. Muli po gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat sa pagbuhay niyo sa pagnanasa kong sumulat muli.
Pangalawa, nais kong ipagpaumanhin ang kakulangan ng kwentong ito. Sa mga typo errors, sa mga inappropriate grammar o sa anumang nakita niyong kamalian sa teknikal na aspeto. Sana po ang pagiging first time sa ganitong larangan ay isang excuse. Yun lang po naiisip kong palusot.
Pangatlo, nais kong magpasalamat sa mga nagbasa, nakiiyak at nakilig kahit papano sa kuwento ito lalong lalo na sa nagpaabot ng kanilang komento nalagi kong binabalik balikan either positive and critical analysis. Ayaw ko siyang tawaging negative criticism dahil somehow nakatulong siya para pagbutihan ko pa lalo ang pagsusulat.
Pangapat, kung hindi man kalubusan ay nais kong humingi ng follow back sa under construction ko na blog. URL po eh www.roguemercado.blogspot.com. Pwede niyo po akong ifollow basta may google o blogger account kayo. May mga detalye rin po akong personal doon kung interesado po ba kayo sa amateur writer na si Rogue Mercado hehe.
Panglima, kung hindi pa po kayo nakakaboto sa entry ni Sir Mike pwes kailangan niyo na po talagang bumoto. Kalimutan ng lahat wag lang ang MSOB. Nasa taas po ang link at direction ng pagboto.
Muli po maraming salamat sa inyong lahat. It was a journey writing way back into love with you guys...
FINAL CHAPTER
“Nakakainis! Bakit ganun yung ending?” wika ng lalaking kaharap niya at nakita niyang nagpahid ito ng luha.
“Hahaha.. sisihin ba ako.. eh sa ganun yung kwento ng pasyente ko” sagot niya sa tanong nito.
Kasalukuyan silang nagkakape sa may music room ng hospital. Dito niya kasi laging ikinikwento sa masugid niyang tagasubaysubay ang kwentong napulot niya rin sa kanyang pasyente. His name was Ram Mercado.
“So ano? Pwede na bang writing material?” tanong niya uli rito.
“Wag kang magulo... nagpapahid pa ko ng luha”
“Huwag masyadong madrama hindi bagay sa iyo” asar niya pa rin dito.
Nakita niyang inilabas nito ang netbook mula sa isang bag at nagtype ng marahan.
“So ano isusulat mo ba?” pangungulit na tanong niya rito.
“Mabibigyan ko kaya ng hustisya ang kwento? I mean.. You know that I already gave up on writing, alam mong ayaw ko ng maging mananalaysay.. alam mo ang kwento ko bakit bigla akong nawalan ng ganang magsulat”
“Ano ka ba? Ngayon ka pa ba susuko? Alam ko ang pinagdaanan mo.. pero sapat na ba yung masaktan ka ng unang beses at sumuko na lang? Tulad nung ikinwento ko sa iyo.. Hindi mo ba ipaglalaban ang pagmamahal mo sa pagsusulat...kung iyon lang talaga ang meron ka?”
Napabuntong hininga ito sa sinabi niya. Nakilala niya si Ram Mercado na tatambay-tambay sa mental hospital ilang araw na ang nakakaraan. Sa totoo lang ay ito lang naman talaga ang tanging nakakausap niya tungkol sa kanyang paboritong pasyente. Sa kanilang pagkakakilala ay nadiskubre niyang isa pala itong frustrated writer kaya naman sinisikap niyang buhayin muli ang pagnanasa nitong magsulat matapos marinig ang kwento nito.
“Sige na nga” sagot nito sa kanya
“O teka... parang napilitan ka lang yata eh”
“I have doubts.. paano kung hindi nila magustuhan.. paano kung hindi ko mailahad ng maayos yung kwento?”
“Well, I am giving you the right to manipulate the story.. Kahit ano.. gawin mong modern yung setting.. Nasa sa iyo palitan mo yung theme song nila.. ikaw bahala basta magsulat ka.. I know you will be a good writer”
“Paano ko pa ba ima-manipulate yung kwento?.. The idea was almost there.. Hindi nga ako makapaniwala sa MPD thing.. Totoo pala yun? Totoong maaring magkarooon ng iba-ibang katauhan ang isang tao?”
Medyo kinabahan siya sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpahalata.
“Oo naman totoo.. May mga bagay na sadya talagang hindi natin kayang ipaliwanag.” matalinghaga niyang sagot.
“Ang ironic lang ng nangyari sa kanila... Sa tingin mo nabuhay ba si Adrian?”
“Basta ang alam ko lang sa kuwento... sinabi niya na hindi naman siya mamamatay.. pero ewan ko”
“Hindi ba dumating yung mga police o kaya may nagligtas sa kanya?”
“Wala ring nasabi yung pasyente ko eh..”
“Teka nga pala... Paano mo napagdugtong dugtong tong mga kwentong ito ng pasyente mo? Ang tiyaga mo ah? Mahirap kayang kausap ang baliw.”
“Sabi ko nga sa iyo paboritong pasyente ko siya”
“I know pero to go into details habang nagkikwento... It’s somehow... amazing.. Ganun ba ka photographic ang memorya mo para maikwento mo sa akin bawat detalye.. unless isa ka sa mga characters nung kwento”
“Haha.. baliw... Talagang naging interesado lang ako sa kwento ni Red. Sa isang taon ba naman na lagi niyang ikinekwento sa akin yun.. Hindi pa ba maitatanim sa isip ko ang bawat detalye ng kwento?”
“Sa bagay.. pero Nurse Rico... Bakit ba masyado kang attached sa kwento.. pwera of course na paborito mong pasyente si Red”
“Kasi naniniwala rin ako na may fairytale. We tell fairytales to children hindi dahil gusto nating paasahin sila sa Happily Ever After. We tell fairytales because alam nating sa bawat kwento may mga taong handang guluhin ang love story mo huwag lang humantong sa happily ever after. Hindi man siya naka hood na kulay itim malay mo the witch is wearing a long red gown and was diagnosed with pyromania. We never know. We tell fairytales not to show that love story is only between the princess and the prince but to show that love story is magical..enchanted... it knows no gender. Kaya nga magic diba? Kahit kanino... kahit saan pwedeng mangyari. Kahit sa isang prince charming at sa isang knight in shining armor.”
“But fairytales are fiction... more of an illusion”
“Stories dont have to be true to be truthful. In layman’s term.. hindi kailangan maging totoo ang isang kuwento para maging makatotohanan. Maaring ang kwento ko sa iyo kwentong kutsero pero isipin mong mabuti ang mga aral na napulot mo rito na maari mong magamit sa totoong buhay... Kaya gusto kong ikwento mo to... bear the role of a storyteller.. You’ll be surprised kung gaano magre-react mga mambabasa mo”
“Hmmm.. Ok.. I will. Promise”
“Ngayon.. san mo balak isulat yan? You will create ba your own website?” paguusisa niya rito.
“Nope.. I applied as a resident author sa isang blog online.. Familiar of Michael Shades of Blue?”
“I rarely go online but please tell me kung nabuo mo na ang kuwento”
“Oo ba... so ikaw, I heard this is your last day? You will resign? Bakit? Kung kailan pa magaling na ang pasyente mo”
Tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Tiningnan niya ang hawak-hawak na impormasyon sa kanyang kamay. It was a discharge paper and the name written was Red Antonio.
“Nami-miss mo ba siya?” biglang tanong ni Karma sa kapatid. She didnt knew if it was right to question his younger brother. Ngunit sa lahat siguro ng gumaling sa sakit, itong kapatid niya ang parang hindi gumaling. Tinutupi nito ang mga hospital gown na sinuot nito ng halos isang taon.
Tiningnan siya nito at tipid na ngumiti.
“I...I understand Red kung ayaw mong pagusapan... Im sorry..”
“Siguro kaya ko na” sagot nito sa kanya. Halatang pinipilit magpakatatag kahit na alam niyang pilit lang nitong ikinukubli ang totoong nararamdaman. Minsan hindi niya alam kung masama ba siyang ate dahil parang mas gusto niyang mawalan ito ng bait at huwag damdamin ang mga nangyari kaysa nakikita niya itong normal ngunit matindi ang paghihirap na nararamdaman.
“May gusto ka bang sabihin? Sa kin.. O sa kahit sinong naaalala mo”
Limang taon na rin ang nakakaraan buhat ng insidenteng nangyari sa NorthEast State University at siyempre sa lungsod ng Angeles, Pampanga. Nakontrol ng eskwelahan ang media sapagkat mga estudyante ang sangkot. Pinalabas na aksidente ang lahat. Nagbantang magdedemanda ang pamilya Malvarosa ngunit sa huli ay nabalitaan nilang lumipad na ito papuntang Estados Unidos. Masyadong naging mainit sa lahat ng tao ang kanyang kapatid na nagiisang nabuhay sa trahedyang naganap. Tandang-tanda niya pa kung ano ang naabutan niya sa loob ng chapel.
Maraming bakas ng dugo.
Sigaw siya ng sigaw ng gabing iyon kakahanap sa kanyang kapatid. Nakatanggap sila ng tawag na may dalawang estudyanteng nasunog ng buhay sa Auditorium. Kinabahan siya kaya agad siyang kumaripas papuntang NorthEast State University.
Pagkababa niya ng kotse ay agad na bumungad sa kanya ang mga bumbero, ambulansya, mga sasakyan ng pulis, media at mga taong nagpupumilit na makiusyoso sa nangyayari sa loob ng unibersidad.
Agad niyang tinungo ang Auditorium. Sa unibersidad na rin siya na iyon nag-aral ng high school kaya alam niya kahit papano ang pasikot-sikot ng lugar. Nang makarating siya roon ay nakita niya ang yellow tape na nagpapa-alalang bawal pumasok sa loob.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga taong binubuhat ang dalawang estudyanteng nakahiga sa emergency bed. Sunog ang mga katawan nito. Naulinigan niya ang isang ginang na sigaw ng sigaw ng “Jake anak..” at samantalang ang isa ay sumisigaw ng “Sabrina hija...”. Nakilala niyang ang huling tumatangis ay walang iba kundi ang Director ng NASUDI na si Director Lee. Naalala niyang magkamag-anak nga pala ito.
Wala siyang inaksayang oras... Nagtanong-tanog siya kung mayroon pang taong naiwan sa loob ngunit kinumpirma ng mga bumbero na dalawang tao lamang ang nasa loob ng Auditorium.
Parang wala siyang kapaguran ng gabing iyon. Inisa-isa niya ang mga kalapit na building at mga kuwarto nito. Hindi pa rin niya makita ang kanyang kapatid. Gustong-gusto na niyang tawagan ang mama nila ngunit alam niyang ikakasama nito ng loob kung malaman nitong nawawala si Red.
Sinubukan niya ang cellphone nito. Walang sumasagot ngunit nagri-ring lamang ito. Hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa. Dinala siya ng kanyang mga paa sa malapit na chapel para magdasal para sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.
Nang tumuntong siya sa paanan nito ay nakita niyang maraming dugo. Sobrang daming dugo na nagkalat sa sahig. Hanggang sa nahagip ng paningin niya si Red.
Humangos siya at niyakap ang kapatid. Hindi siya magkamayaw sa kakatanong sa kapatid kung anong nangyari.... kung nasaktan ba siya... nasaan si Adrian... anong nangyari sa Enchanted ball..
Ngunit iisa ang nakuha niyang sagot.
Kanta lang ito ng kanta. Paulit ulit na mga liriko ng isang awitin.
"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on "
"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.”
Nang tingnan niya sa mata ang kapatid ay para lamang itong nakatulala sa kawalan. Nakita niyang ngumingiti ito at pagkatapos ng ilang segundo ay iiyak. Ngunit hindi nawawala dito ang dahan-dahan at paulit-ulit na pagkanta.
His brother had a severe depression and a post traumatic disorder. Nawalan ito ng sariling bait. Hindi pa man sila lubusang nagkakausap ni Red ay alam niyang sa pagkaka-alam nito ay namatay si Adrian. But she was a bit confused kung namatay ba si Adrian sa sunog dahil kumpirmadong ang dalawang sunog na bangkay ay sina Sabrina Malvarosa at Jake Marcos. Adrian’s body was never found.
Pero itinuring na lang din niyang patay si Adrian. After all, baka nasunog ang katawan nito sa Auditorium at hindi lang nakita ng mga bumbero. Nagtataka man siya kung bakit may mga dugo sa chapel ngunit wala ni isang pinsala si Red ay ipinagsawalang bahala na lamang niya ito. Ang mga oras na iyon na ipinagkatiwala nila si Red sa isang mental asylum ay ang pinakamahirap na yugto ng kanilang buhay. Sa loob ng limang taon ay maraming nagbago, tuluyan na silang lumipat patungong Maynila para doon magsimula ng bagong buhay at matutukan ang pagpapagamot kay Red. Nang nakaraang taon lang din ay binawian ng buhay ang kanilang Ina sa sakit na diabetes. Naiwan naman sa kanilang ama at sa kanya ang pangangalaga ng lahat ng kanilang ari-arian.
Napilitan siyang ikwento rito ang lahat ng kanyang alam tungkol sa naging sanhi ng pagkabaliw ni Red at syempre ang kwento ng pagibig nito. Doon rin siya humanga sa kanilang ama dahil hindi nito hinusgahan ang kanyang kapatid bagkus ay sinabi pa nitong totoong lalaki si Red dahil ipinaglaban nito ang pagkatao at pagibig nito hanggang sa huli.
Ngunit ngayon, nagbalik na ang ulirat ng kanyang kapatid. Handa na itong harapin muli ang bagong buhay ng wala si Adrian. Siguro ay sasabihin niya rin sa tamang panahon ang naabutan niyang nangyari sa loob ng unibersidad. Ngunit hindi muna ngayon... masyado pang naging masakit ang mga pangyayari.
Pinagmasdan niya muli ang kapatid, wala naman itong ipinagbago. Para ngang alagang-alaga ito sa loob ng hospital. Marahil ay mas magiging madali ang lahat para sa kanya at sa kaptid. Magsisimula silang muli.
“What’s with the stare?” pukaw sa kanya ng kanyang kapatid. Nagagawa na nitong ngumiti kahit papano. That is a good sign.
“Im just... Im just happy.. nagbalik ka na... my baby brother is back” wika niya rito saka ginulo ang pagkaka-ayos ng buhok nito.
“Hahaha... namiss mo ko no?”
“Oo naman... Kaya ngumiti ka lang lagi... Alam kong masaya si Adrian na nakikita kang ganyan” huli na para bawiin niya ang sinabi. Sa kakaingat niya na huwag banggitin ang pangalan ng matalik nitong kaybigan ay nadulas ang kanyang dila.
Nakita niyang natigilan ito ngunit matapos ng ilang segundo ay nakabawi ito at ngumiti sa kanya. Ngiti ng magkahalong pangungulila at matinding lungkot.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.
“Alam mo ate... tama ka... namiss ko talaga siya...sobra.... lalo na ngayon.. lalo na ng bumabalik balik sa isip ko..yung....yung nangyari.. pero alam mo nung... nung nagkadiperensiya ako.. parang andito siya... parang totoo ang lahat... nakikita kong sinasamahan niya akong kumanta... nakikita kong sinusubuan niya raw ako pag kumakain kami... nayayakap ko raw siya... at tinatawag niya rin akong Moks... lagi siyang nakaputi ate... pero ngayon naaalala ko na naman yung... yung nakaputi siya pero puno ng dugo.. parang mas gusto ko uli mabaliw.. ang hirap pala pag wala na si Robin... hindi kaya ni batman.....” gumagaralgal ang tinig ni Red habang nagku-kwento sa kanya
Nilapitan niya ang kapatid niya at niyakap ito. Ang mga bisig lamang niya ang maiiyakan nito. Sa aspeto ng sikolohiya mas magandang nailalabas ng isang tao ang nararamdaman niya, that way a person could cope with the stress and turmoil na nangyayari sa utak nito.
“Kaya iyan... kaw pa.. alam ko nandyan lang siya”
“Salamat ate...”
“Parang hindi ka naman naospital ah... tumaba ka kaya... wala na yung muscle ng kapatid ko oh?” biro niya dito na nagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam nito.
“Inalagaan daw ako nung Nurse ko eh... I think I should thank...”
Hindi nito natapos ang sasabihin ng pumasok ang isang Nurse sa loob. Marahil ay ito ang tinutukoy ng kanyang kapatid.
“Maiwan muna kita ah? Kakausapin ko lang muna siya”
Tumango naman si Red at ipinagpatuloy nito ang pagtutupi sa mga damit. Lumabas naman siya sa kuwarto at sa labas niya kinausap ang nurse.
“Hi.. ako nga po pala si Linda Ramirez, head nurse ng Albano Hospital” bungad ng babae sa kanya.
Kinamayan niya naman ito at siya naman ang nagpakilala. “Hi.. my name is Karma... Karma Antonio Im the sister of your patient... Red Antonio.. You know what Ms. Linda.. I cant thank you enough.. and maybe saying thank you is an understatement dahil looking at my brother he is not like that sick..or mentally ill.. parang nagbakasyon lang siya.. and”
Pinutol ng nurse ang iba pang papuri na lumalabas sa bibig niya nang ito naman ang magsalita.
“Im sorry Ms. Karma but I think there’s been a mistake”
“Im sorry?” naguguluhan niyang tanong
“Nandito lang kasi ako because of these discharge papers na dapat niyong pirmahan... but if you really wanted to thank the nurse na nag-alaga kay Red.. its not me.. “
“Ganun ba? Im really sorry... I thought..”
“Its OK.. pero alam niyo tama kayo... kung meron man talagang dapat pasalamatan dito yun yung personal nurse ni Red... He was really hands on pag si Red ang pinaguusapan..”
“He? You mean.. lalaki ang nag-alaga kay Red?”
“Yeah.... His name is Rico.. well... kung nakikita mo lang sana noon, they look so sweet binibiro nga namin sila baka madevelop itong si Rico kay Red... No offense meant but kung anuman ang tragic love story na mayroon itong si Red that caused him to be that way before he was treated eh nai-a-apply niya ito minsan kay Rico.. Minsan tinatawag nga nitong si Red na ‘Moks’ si Rico eh... tapos sabay na kakanta yang dalawa... and Rico.. sobrang tiyaga.. base sa naririnig ko ay lagi itong nakikinig ng taimtim kay Red whenever Red shared his life story”
Aaminin niyang kung sa pagbisita sa kapatid ay medyo nagkukulang rin siya. Dalawa na sila ng Papa niya na humahawak ng kanilang family business kaya madalang na alng kung mabisita niya si Red. Sa tuwing bumibisita naman siya rito ay hindi niya naaabutan ang Nurse nito.
“Nakakatuwa naman pala kung ganoon pero where is he? I should thank him for being the best nurse to my brother”
“Ang alam ko nagpasa siya ng resignation sa office.. ewan ko nga dun sa taong yun... kung kailan makakausap na niya ng matino si Red saka naman aalis”
“Sayang naman gusto ko pa naman sana siyang makita.. nandito pa ba siya?”
“Well huli ko siyang nakita na nasa music room kanina.. hindi ko lang alam kung nandun pa rin siya... paborito kasi nilang tambayan ni Red iyon... doon namin sila nakikitang sabay na kumakanta”
“May mga ganun pa palang tao.. sobra siguro ang dedication nito sa trabaho”
“Siguro na rin po dahil sa naiintindihan niya ang pinagdadaanan ni Red... dahil he also has his own share of mental disorder”
“What do you mean?” nabibiglang tanong niya. Ibig sabihin ba nito na nabaliw rin ang Rico na tinutukoy nito?
“Truth is.. hindi tapos ng medical practice itong si Rico.. ipinasok lamang siya ng boss namin dito sa Albano hospital.. i think you know him... His name is Max Albano”
Albano Hospital is one of the finest in the country kaya nga dito niya napagdesisyunang ihabilin si Red para magamot. At syempre, she knew kung ano kalibre meron si Dr. Albano dahil minsan na rin niya itong naging guro sa psychohypnotherapy. Ngunit mas naiintriga siya sa nurse na nagalaga kay Red. For some unknown reasons, gusto niyang makilala ito.
“And about sa kundisyon kamo ni Rico.. Is he still mentally ill?”
“Hindi na po Ms. Karma.. I think nagamot na po siya... But you know masyadong sensitive yung issue ng disorder na meron itong si Rico... Alam mo yun.. 1 out of 10 lang tinatamaan yata nito.. nakakapangilabot”
“Im also psychiatrist myself so I guess maiintidihan ko kung ano man yan” wika niya rito
“I see.. well.. Rico is suffering from DID.. commonly known as Multiple Personality Disorder”
Biglang umarko ang kilay niya sa narinig. Kumakabog man ang puso niya sa sobrang kaba ay napagdesisyunan niyang itanong ang huling katanungan na gustong kumawala sa isip niya.
“Can I know his full name?”
Sumagot ang nurse na kaharap niya.
Parang bomba naman na sumabog ito sa isip niya. Nang lingunin niya si Red ay nakita niyang kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila. Nakita niyang tumakbo ito palabas. Hindi na siya nagtangkang habulin ito. Napangiti na lamang siya at napabuntong hininga.
“What’s wrong bakit po parang may gustong habulin itong si Red?” biglang tanong sa kanya ng nurse na kaharap niya.
“Naniniwala ka ba sa fairytale, Nurse Linda?” natatawang tanong niya at saka pumirma sa dokumentong hawak nito.
Ito ang huling pagtugtog niya sa piano. Nakapasa na rin siya ng resignation letter. He will miss everything...everyone and especially someone. Pinigil niya ang luhang nagbabanta sa kanyang mga mata. He should be happy dahil tapos na ang lahat. Makakalaya na ang bawat isa sa sakit na nararamdaman nila.
Nagulat siya ng may magsalita sa bandang likod niya.
“Ang ganda naman ng tinutugtog mo”
Lumingon siya para harapin ito. And there he is again. Nandun uli yung lalaking inalagaan niya sa loob ng ilang taon.
“Congratulations... i hope you start a good life Red...” kaswal na wika niya rito
“Ano ba ang nangyari kay Adrian matapos ang nangyari sa Enchanted Ball?” biglang tanong nito sa kanya na ipinagwalang bahala ang sinabi niya.
Bahagya man siyang nabigla ay pinilit niyang huwag magpa-apekto. Hindi na ito kagaya ng dati na nakikipagusap siya sa natakasan ng bait. Matino ang kausap niya ngayon. Normal na normal.
Tumawa siya ng bahagya saka nagsalita. “Eh diba hanggang dun nga lang yung kwento mo sa akin? Hindi ko alam kung anong sunod na nangyari sa kanya”
“Sabihin mo ang totoo kung hindi maghuhubad ako dito!!!!” sigaw nito sa kanya
“Eh di maghubad ka.. ano bang problema mo???” napipikon na rin siya dahil naiipit na siya sa sunod-sunod na tanong nito.
Nabigla naman siya ng hubarin nito ang T-shirt nito. Akma na sanang ibaba ni Red ang shorts niya ng siya naman ang napasigaw.
“Sandali!!!! Eto na!!!!” sigaw niya rito
“Alam ko naman na ayaw ni Adrian na makita ng iba to eh” namimikon na wika ni Red sa kanya
“Ewan ko sa iyo!!!” naiinis siya sa sarili niya dahil parang bumabalik sila sa dati.
“Ano... sasagutin mo ba hindi..???” tanong uli ni Red na binubuksan na ang zipper.
“Tang ina ang kulit!!!” naiinis na sigaw niya.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “Ok eto na... gusto mong dugtungan ko ang kwento sige...”matapang niyang sagot
Kinuha niya ang isang malaking eyeglass sa kanyang bulsa. Pinalitan niya ang maliit na reading glass na suot-suot niya at saka muli siyang nagsalita.
“Kinailangan rin ng ilang taon ni Adrian para magpagaling hindi lamang ng sakit niya.. ng mga sugat na tinamo niya kundi maghilom rin ang sugat sa puso niya.. patawarin ang nanakit sa kanya... Kinilala niya ulit si Jude... Ayun, walang gustong mawala eh... Si Adrian natuto kay Jude na lumaban... Si Jude natutong magpatawad mula kay Adrian... Ayun, nagpataba sila ng konti.... nagisip silang dalawa ng corny na pangalan.. Rico yung unang naisip nila... Wala na yung bangs nila eh kaya nagpa-semi mahawk sila ng buhok... napagdesisyunan nilang maging nurse at higit sa lahat.. napagdesisyunan nilang maging isa..” hindi niya napigilang umiyak sa huling sinabi
“Hinanap ni Rico si Batman... at ng mahanap niya ito.. ipinangako niya sa sarili niya na hinding hindi niya ito papabayaan dahil gaya ng huling sinabi niya... mamamasyal pa sila ng karnabal.. uubusin pa nila ang Disney movies... Pero alam mo habang tinitingnan ni Robin si Batman noon... naisip niya ulit na hindi na importante kahit anong ipangalan niya sa sarili niya basta ang gusto niya lang matawag uli siyang ‘Moks’..... Moks nakaligtas si Adrian... Nakaligtas si Jude...Nakaligtas si Robin... nasa harapan mo siya ngayon” tuluyan na siyang umiyak sa harapan nito.
Nabigla siya ng namalayan niyang tumakbo ito at hinalikan siya. Nadala siya ng halik nito. Kapwa sila umiiyak habang naghinang kanilang mga labi.
Right there, they knew that fairytales and happy endings are true.
Kapwa sila hingal na hingal ng matapos ang halik. Pinahid ni Red ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata. Ganun din ang kanyang ginawa.
“Bakit di mo sinabi agad?.. Bakit ka magre-resign?” sunod-sunod na tanong ni Red sa kanya.
Umiiyak pa rin na sinagot niya ito. “Ayokong masaktan ka uli dahil sa akin”
“Huwag ka ng mawawala ulit ah? Hindi kaya ni Batman pag wala si robin”
Hindi man niya aminin ay nandun pa rin ang kilig kapag sinasabi ito ni Red, sumagot naman siya.
“Promise. Hindi na iiwan ni Robin si batman kasi partners sila”
“At mahal na mahal ni Batman si Robin.”
He was so speechless that time. Umaapaw na sa tuwa ang nararamdaman niya.
“I love you moks..” biglang seryosong wika ni Red sa kanya.
“Gusto kong ulitin tong sinabi ko noon.. the hardest part on losing love is finding your way back... salamat minahal mo pa rin ako sa mga panahong hindi ko kayang magmahal... i love you and I will always will Red Antonio”
“Tayo na ah... wag ka ng bibitiw uli” wika ni Red sa kanya na parang naninigurado habang hawak ang dalawa niyang kamay.
Natatawa namang sinagot niya ito.. “Ang bilis naman.. diba dapat ligaw muna Hahaha”
“Mula pagkabata niligawan na kita hindi pa ba sapat yun?” kunwaring pagmamaktol ni Red sa kanya.
Iiling-iling na lang tumawa siya. Para siyang lumulutang sa ulap. Sobrang saya. Muling nagsalita si Red.
“Pwede pa kiss ulit?” pilyong tanong ni Red sa kanya.
Awtomatiko naman na siniko niya ito sa tiyan. Nasira naman ang pagpapacute nito sa kanya.
“Hanggang ngayon? Akala ko ba si Rico ka na? Mas masakit siko mo ngayon ah.. tumaba ka eh” dumadaing at tumatawang tugon ni Red sa kanya.
“Hindi ko sinabing bagong tao ako.. pinagisa lang si Jude at Adrian... so partly, Im still Jude remember?”
“So I will actually be married to three people in one? Para kape lang ah.” biro nito sa kanya
“Pero lahat sila Moks mo pa rin” nakangiting sagot niya dito
“Payakap na lang ulit?” nagaalangang tanong nito sa kanya.
Tumalima naman siya at niyakap niya ito. He felt secure and he felt safe. Pakiramdam niya wala na siyang mahihiling pa. Siya naman ang muling nagtanong.
“Ano pala yung sinasabi mong kasal?”
“Tinatanog pa ba yun.. syempre magpapakasal tayo.. ang tagal kong hinintay to”
“Baka langgamin na kayo diyan” pukaw ng isang boses sa kanila.
Kumalas siya sa pagkakayakap kay Red at sabay nilang nilingon ang kapatid ni Red, kanina pa pala ito naroroon.
“Welcome back Adrian.. actually hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa iyo”
Ngumiti naman siya at sinagot ito. “Ok rin po yung Adrian... medyo nasanay lang po na Rico ang tinatawag nila sa akin.. but nagkaroon ng amendment sa birth certificate ko, my full name now is Adrian Jude Rico Dela Riva” paliwanag niya.
“Soon to be Adrian Jude Rico Antonio” nakangiting wika ni Red.
EPILOGUE
“You are cordially invited..” sarkastikong bungad sa kanya ni Arthur ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. He was drinking a glass champagne ng pumasok ang kapatid niya.
Hindi siya sumagot at pahapyaw lang na tiningnan niya ang papel na nadisenyuhan. Ang papel ay nadisenyuhan ng isang bahaghari. It was an invitation sa isang same sex marriage rite sa Baguio City. Ang kasal ay isasagawa ng Metropolitan Church Community.
“Tinulungan mo na nga siya sa katauhan niya.. you also helped them with their wedding and to move to Baguio.. Nasa iyo na iyong sisiw pinasama mo pa sa ibang inahin..Hindi ko alam kung martir o tanga ka lang talaga kuya.. Minsan maningil ka naman ng utang na loob” litanya ulit sa kanya ng kapatid.
Hindi ulit siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang paginom. Narinig na lang niya ang mga yabag nito palabas ng kanyang opisina.
Nabingi uli siya sa katahimikan. He stared at his name plate on the table. Siya si Dr. Max Albano, now a renowned psychiatrist. Sumusunod daw sa yapak niya si Arthur Albano ang kanyang kapatid. But nobody knows na hindi pa talaga niya nakuha ang gusto niya sa buhay.
Parang echo na nagpauli-ulit sa kanyang ulo ang huling sinabi ni Arthur. “Minsan maningil ka naman ng utang na loob”
Mula sa kanyang drawer ay hinugot niya ang isang impormasyong tinago niya sa loob ng mahabang panahon. Binasa niya ang ilang nakasulat dito.
3rd Alter Ego: Rico Dela Riva
Characteristics: *******
Siguro nga tama ang kanyang kapatid.
“Chief.. you need to see this” wika sa kanya ng isang pulis na pumasok sa kanyang opisina.
Inabot nito sa kanya ang isang brown envelope. Agad naman niya itong kinuha. Nang buksan niya ito ay lumantad sa kanya ang isang larawan ng lalaki.
Mabilis niyang pinagmasdan ito. The guy had a red hair. His eyes were murdered with black eyeliner. May hikaw rin ito. And the guy was having a devilish smile.
“And what is this?” tanong niya sa pulis na nangahas pumasok sa kanyang opisin.
“I think you also need to see the note inside” sagot naman ng pulis sa kanya.
Kinapa naman niya ang tinutukoy nito. Nakuha naman niya sa sulok ang maliit na papel. Agad naman niyang binasa ang nakasulat rito.
Police Officer Yoseff Tarvina,
If you still care about your brother’s death, you can email me for details. For now, stare at the picture of your brother’s murderer.
Email: arthuralbano@msn.com
Art.
Naikuyom niya ang palad matapos mabasa ang nakasulat sa papel. Tiningnan niya ulit ng maigi ang larawan at napansin niyang may nakasulat sa baba nito.
“Jude Dela Riva” bulong niya sa sarili.
“Ate naka graduate na ko... diba sabi mo noon... pag graduate ko... magtatayo tayo ng negosyo natin o kaya boutique.. ate eto na yun oh...” paanas niya sa sarili habang tinitingnan ang puntod na nasa kanyang harapan.
Walang magagawa ang pagiyak niya. Ilang taon ng patay ang kanyang ate. Inilapag niya ang bulaklak na dala at tinungo muli ang kotse.
Nang makapasok ay binati siya ng kanyang sekretarya, “Maam, the Albano hospital is also contacting you po from Arthur Albano daw po.. he said he wants to set an appointment with you”
“No Thank You.. Im going to baguio” pagtataray niya dito.
“But Maam, naka schedule po ngayon yung pagpunta niyo sa Pampanga for a career guidance speech”
“Cancel it.. mas importante ito”
“With all due respect Maam... baka mapasama kayo nito.. they are expecting Dr. Samantha Malvarosa to be their guest of honor”
“Do what I told you. Trabaho mo na sundin ako.. Assistant ka lang.. Boss mo ko.. Pag sinabi kong tumahol ka.. tatahol ka... Understand?”
“Noted Maam”
“Besides, I have a wedding to attend”
Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang kopya ng isang imbitasyon sa tinutukoy niyang kasal. Binasa niya ang unang pangalang nakita niya.
“Adrian Dela Riva” bulong niya sa sarili.
Wakas.
******
Post Note: Dissociative Identity Disorder (DID) or commonly known as Multiple Personality Disorder has been one of the most controversial subject in the field of psychology and psychiatry. Doctors are long battling if it is a legitimate factual case of disorder.
In the blockbuster flicks, the theme of MPD was used on movies like Three Faces of Eve and Sybil both depicting a true to life story of a person suffering from the said mental disorder.
I take no precision on the execution of the mental disorder in the story as it should be in real life cases and every details are work of fiction.
-Rogue Mercado
6 Violent Reactions!
Ang ganda po ng story nitong Way Back Into Love, Sir Rogue Mercado! Sobrang nakakadala po ng emosyon! Apektado po ako sa mga conflicts. Gawa pa po kayo ng stories na ganito kaganda. Thumbs up po! More power, God bless :D
ReplyDeleteYikes!!! Thank you so much :)
ReplyDeletebest story i've read so far. keep up the good work po. :D
ReplyDeleteThanks for readin this David God Bless :D
Deleteganda..
ReplyDeleteganda author! thanks
ReplyDeletemark
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D