Way Back Into Love (Chapter 29)

Way Back Into  Love Chapter 29 By Rogue Mercado Bumilis ang tibok ng puso ni...






Way Back Into Love


Chapter 29






By Rogue Mercado







Bumilis ang tibok ng puso ni Adrian habang tinatahak niya ang building na katabi lamang ng pinagdarausan ng bulwagan. Sa hula niya ay Engineering Department to. Nang makapasok siya ay lumingon-lingon muna siya sa looby. Hindi siya gaanong nagagawi sa building na ito kaya imposibleng alam niya ang pasikot-sikot.


Inisa-isa niya ang bawat kuwarto. Dyahe lamang dahil wala man lang nagbabantay na guard na dapat sana ay nakatimbre doon. Mukha yatang inipon ng unibersidad ang buong puwersa nito sa Enchanted Ball kaya walang nagbabantay sa ngayon.


“199.... 200... 201...” palihim niyang pagbabasa sa mga numerong nakapaskil sa bawat kuwarto.


Bawat kuwarto na kanyang nadadaanan ay maingat niyang binubuksan at sinusuyod ng kanyang paningin. Ang masama pa ay may mga switch na hindi gumagana kaya para siyang nangangapa sa dilim. Kaya upang mapadali ang paghahanap ay sumigaw na lamang siya.


“Jake!!!.. Jake!! asan ka??” malakas niyang sigaw ngunit tanging echo lamang ng tinig  iya ang bumabalik at sumasagot.


Nagugulumihanan siya sa nararamdaman. Ano ba talaga ang punto ni Jake sa pagtawag sa kanya. Mabilis niyang inalala ang lahat ng mga sinabi nito bago siya napadpad sa Building na ito.


“Jake? Bakit ka umalis?”



“Adrian.. please makinig ka sa akin ng mabuti... Nandito ako sa katabing building ng Room 204... makinig kang mabuti... hindi namatay si Tita Elle sa simpleng sunog... may pumatay sa kanya.. may pumatay sa nanay mo... ngayon ang pinaka importante mong gawin ay bumaba dyan sa stage at puntahan ako dito ...may kailangan kang malaman sa totoong pagkamatay ni Tita Elle... at sa pagkatao ni Sabrina”



Ano ba ang dapat niyang malaman sa pagkatao ni Sabrina? At ano ang kinalaman nito sa nanay niya? Parang may kung anong gustong lumabas sa kanyang katawan ngunit pinipigil niya ito.


“202...203.... 204...” patuloy niyang pagbabasa sa mga nakapaskil na numero.


Saglit siyang napatda sa huling kuwarto. Ito ba ang tinutukoy na kuwarto ni Jake? tanong niya sa sarili. Marahan ngunit sigurado sa bawat paghakbang ay lumapit siya sa bahagyang nakabukas na kuwarto. Hinagilap niya ang switch.


Biglang lumiwanag ang buong silid.


Naitakip niya ang isang kamay sa nakita. Si Jake. Duguan at nakahandusay sa sahig.


Agad siyang tumakbo palapit dito para tingnan kung buhay pa ito. Inilagay niya ang daliri sa pulso nito para tingnan kung buhay pa ito.


“Jake!!!... Jake!!!... gumising ka” marahan niyang pag-alog dito ng maramdaman na mayroon pa itong pagpintig. Ang importante sa lahat ay huwag itong pumikit at pigilin ang pagampat ng dugo bago pa man ito man ito tuluyang manghina.


Pinunit niya ang iba-banag bahagi ng kanyang damit. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang ganoong lakas ngunit natataranta na siya. Nakita niyang may tama ito ng baril sa bandang tiyan. Binanat niya ang tiyan at nakikita pa rin niya dulo ng bala. Hindi na siya nagdalawang isip at dinukot niya ito gamit ng kanyang isang kamay.



“Aaaaaaaaaaaaaahhhh Aaaaahhhh”  biglang daing ni Jake. Nagising siguro ito marahil sa sakit na dulot ng pagkuha niya sa bala. Nakikita niyang hirap na hirap pa rin ito dahil sa pinsalang natamo.


“A...a...add..adrian... Huuu...hu...humaliss.. kkaaaa na...” utal-utal na wika sa kanya ni Jake.


“Jake.. hindi pwede... hindi kita pwedeng iwan ng ganito... Sinong may gawa nito sa iyo??”


“Ako!”  sigaw ng isang boses sa kanyang likuran.


Nakita niya ang reaksyon ni Jake ng marinig ang sigaw na nagmula sa kanyang likuran. Para bang takot na takot ito. Dahan-dahan naman siyang pumihit paharap.


Naramdaman niyang may matigas na bagay na naipukpok sa kanyang ulo. Tuluyan na rin siyang nahiga sa sahig. Bago alipinin ng dilim ang kanyang paningin ay nakita niya ang imahe ng babae na nakasuot ng kulay pula at nakangiti habang pinagmamasdan siyang nawalan ng malay.





Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagcongratulate at pagpapapicture kay Red Antonio. NASUDI and NorthEast’s Performer of the year. Isa sa pinakamataas na iginagawad na parangal sa sinumang miyembro ng NASUDI. Ayon sa botohan ay siya ang nanguna at kalaunan ay nagkamit ng parangal dahil sa last performance niya na Bleeding Love.


Currently, ang video niya na iyon ay mayroon ng milyong hits sa youtube at ayon na rin kay Director Lee ay may mga recording companies na rin ang gusto siyang kontakin at tinatanong kung ga-graduate na daw ba ito o interesado na recording artist ng mga naturang kumpanya.


Matapos ang kanyang acceptance speech ay kinuyog kaagad siya ng mga tao at nagpapicture sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Hindi pa nga sana matatapos iyon kung hindi ito pinigil ng Emcee ng programa. Since 2nd number pa lamang ang naitatanghal ay kailangan magpatuloy ang programa para madali na itong matapos at simulan na ang sayawan.


Nakahinga siya ng maluwag ng isa-isang nagsi-alisan ang mga fans daw niya nang ang iba ay makakuha na ng larawan o macongratulate siya at ang iba naman ay kinukuha na ang number niya. Ngiti lang at pagpapaunlak sa mga gustong magpapicture ang maibibigay niya.


Nang makaupo na sa mesa ng NASUDI ay lutang na lutang pa rin ang isip niya. Hindi siya makapaniwala sa sunod sunod at bilis ng mga pangyayari. Hindi na talaga sana siya pupunta sa Enchanted Ball kung hindi lamang sa sinabi ng Ate Karma niya sa kanya. And he will always be thankful dahil nagkaroon siya ng ganitong kasuportang Ate.


“Anong oras na hindi ka pa ba maliligo?”


“Wag mo kong guluhin.. umiinom ako”


“Hanggang ngayon.. ano bang balak mo.. magpakalasing hanggang sa mamatay ka?”


“Hindi mo naiintindihan ate... kaya wag ka ng manggulo.. please iwan mo na lang ako dito”


“How can you even stand the fact na mapupunta si Adrian kay Jake? Maaatim mo ba na they would be together... and they would make love with each other”


“Hindi mangyayari iyon...”


“Maybe not now?  Pero hindi malabo... Sinabi mo na nakita mo siya sa park and they are kissing sinabi mo rin na parang si Adrian ang nakita mo hindi si Jude.. you saw the same Adrian... yung bestfriend mo.. at yung inalagaan mo.. Ang dami mong drama.. Kung mahal mo yung tao ipaglaban mo”


“Ipaglalaban ko ba iyon ng magisa lang ako?”


“Kung ikaw ang lalaban para sa kanya bakit hindi mo subukan”


“Masyado na kong nasaktan”


“Yun na nga eh... Masyado kang nasaktan at ngayon ka pa susuko? Bakit? Narinig mo na ba na sinabi ni Adrian na hindi ka niya mahal... Siguro sinabi ni Jude na walang patutunguhan yang pagmamahal na iyan dahil mamamatay tao siya pero yun na yun? Diba? Tiningnan ka ba niya mata sa mata at sinabing hindi ka niya mahal?”


Napabuntong hininga na lang siya sa haba ng litanya ng kanyang ate. Marahil ay tama siya na hindi pa sinasabi ni Adrian na mahal siya nito gayong ilang beses niya ng narinig noon kay Adrian na mahal na mahal nito si Jake. Ngunit, hindi pa rin niya narinig kay Adrian na hindi siya nito mahal. Wala naman siyang narinig na wala itong pagtingin sa kanya.


“And come to think of it... Kung totoo ang sinabi mo na si Adrian ang nakita mo sa park bilang siya noon.. Hindi na siguro kailangan pa ng hypnosis.. Red... Malay mo.. Ikaw ang kailangan niya para makumpleto siya... Love can sometimes do miracles..”



“Hey Red.. congrats.. you’re the man!!!” bati sa kanya ni Cecille. Isa sa mga miyembro rin ng NASUDI.


“Alam mo ba kung saan nag punta si Moks?” tanong niya kay Cecille.


“Huh? Sinong Moks?” naguguluhang tanong ni Cecille sa kanya.


“Ah.. eh... si Adrian? Alam mo ba kung nasan siya?”


“Adrian?” naguguluhang tanong pa rin nito.


Gusto na niyang batukan si Cecille pero naalala niyang mas sanay na tinatawag nito si Adrian na Jude.


“Si Jude...?? Nasaan siya?”


“Ah.... Si Jude ba kamo? Ang alam ko tumakbo siya palabas doon... Sinundan ata si Jake na lumabas din...”


Saglit na tumimo sa isip niya ang huling usapan nila ni Adrian.



“Moks? Asan ka na? Kakatapos lang nung speech ko..”


“Red kailangan kong puntahan si Jake.. may alam siya sa pagkamatay ng Mama”



“Moks ano iyon? Moks? Moks???”



Inisip niyang mabuti ang huli ring tawag na natanggap niya.




Tatagay na sana siya ng marinig ang cellphone na nagring. Nang makuha ito ay isang unregistered number ang nakalagay.


“Sino to? Istorbo ko sa paginom ko ah”


“Hindi na mahalaga kung sino ako.... You need to attend the ball tonight... may kailangan kang malaman sa pagkamatay ng ina ni Adrian dahil hindi lang siya basta nasunog.... may pumatay sa kanya.”


At namatay ang linya sa kabila.




Hindi kaya? Hindi maari. Marahil ay pakana lang ni Jake ang lahat at may masama itong balak kay Adrian. Naihilamos niya ang kamay sa mukha at agad na umalis sa bulwagan. Narinig niyang tinatawag siya ni Cecille ngunit wala na siyang pakialam o anupamang naririnig. Ang mahalaga ay mahanap niya si Adrian sa lalong madaling panahon.


Dinukot niya muli ang cellphone at tinawagan si Adrian. Ring lang ng ring ang cellphone nito. Nagpalinga-linga siya kung saan maaring pumunta si Adrian. Dinala siya ng kanyang mga paa sa katabing building na pinagdarausan nng Enchanted Ball.


“Moks sagutin mo please....” mahina niyang dasal sa cellphone habang lakad takbo ang ginagawa papunta sa building.


Kinabahan siya bigla ng sa di kalayuan ay may narinig rin siyang tunog. Tunog na nanggagaling rin sa isang cellphone. Batay sa ringtone nito ay ringtone din ito ng cellphone ni Adrian. Mabilis niyang sinundan ang pinagmumulan ng tunog.


Nakita niya ang cellphone sa lupa at ang isang kapa. Nakilala niya kagad na kay Adrian iyon. Suot suot nito kanina ang kapa. Nasabi niya nga sa saili na bagay ang suot nila. Si Adrian yung Prince Charming at siya naman yung Knight and Shining Armor dahil nakasuot siya ng pangkawal na costume. Tiningnan naman niya ang laman ng cellphone. Hinagilap niya agad ang call logs nito. Nandoon at nakarehistro ang numero niya tanda na siya ang huli nitong nakausap. Ngunit bago pa man iyon ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Jake.


Ibinaba niya ang kanyang cellphone at parehong ibinulsa ito. Tumakbo siya sa building at hinanap si Adrian.


“Moks!!!... Moks!!!.... Asan ka?... Moks!!!!” mapapatid na yata ang ugat niya sa leeg kakasigaw.


Nakita niyang bukas ang ilaw sa isa sa mga kuwarto sa baba. Humahangos na tinungo niya ito.


Nabigla siya sa nakita. Isang taong nakahandusay.


Si Jake.


Nagkalat ang dugo sa sahig. Kung kanina ay parang gusto niya na itong sapakin at bugbugin ay bigla itong nagbago ng makita niya ang kalunos lunos na hitsura nito. Lumapit siya rito upang pakiramdaman kung buhay pa ito.


“Jake!! Jake... pare... magsalita ka... anong nangyari? Nasaan si Adrian???”


Umubo ito at lumabas ang kaunting dugo. Hindi ito nagsalita at bagkus ay dinukot nito ang cellphone at ibinigay sa kanya. Sa tingin niya ay masyado na itong mahina para magsalita pa.



Naguguluhan man ay tinanggap na lamang niya ang inabot nito. Nang tingnan niya ang cellphone ay naka-set ito sa recording menu. Mayroon isang recording at ang pangalan nito ay CONFIDENTIAL.  Tiningnan niya muna si Jake at saka pinindot ang play button. Mariin siyang nakinig. At biglang may nagsalita sa recording na boses babae. Hindi pa man tumatagal ang usapan ay alam niyang si Sabrina ito.


"Hi Jake? Napatawag ka, miss me?"


"Ikaw ba ang may gawa nun?"


"Ikaw talaga Jake, hindi mo pa amining namiss mo ko"


"Sabrina! Kinakausap kita ng matino, ikaw ba ang may pakana ng sunog?"



"Sunog ba yun? I thought nag camp fire lang ako sa isa sa mga bahay na gawa sa panggatong"


"Demonyo ka talaga!"


"May demonyo ba na ganito kaganda Jake? Hahaha"



"Bakit mo ginawa yun? Bakit pati si Tita dinamay mo? Sabrina wala to sa usapan natin!"



"Tita? Jake naman, wag na tayong maglokohan.... Magka-ano ano ba kayo? Distant relative? Wag mong sabihing may dugong bakla ka rin?" sarkastiko niyang tanong



"Sabrina, wala sa usapan natin ang pumatay ng inosenteng tao?"


"Ano ka ba, its a natural process sa ecosystem. Saka buti nga na nadedbols na yung gurang na yun.. Eh di bawas siya sa populasyon.. Oh diba, Im so eco-friendly... At least nakaisip ako sa solusyon sa over population diba? Im so witty"



Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi pa man siya nakakrecover sa mga rebelasyong narinig niya ay biglang nagring naman ang kanyang cellphone. Isang unregistered number ang rumehistro sa kanyang cellphone.



“Sino to?”


“Hi Red... Miss me?”


Bungad pa lang ay alam niyang si Sabrina ang tumatawag. ganito rin ang bungad nito sa narinig niyang recording kanina sa cellphone ni Jake.


“Sabrina.. nasaan si Adrian? Please huwag mo siyang sasaktan”


“So hindi mo nga ako namiss?”


“Sab... please.... huwag mong sasaktan si Adrian..”


“Bakit siya pa rin ang hinahanap mo?... Bakit siya pa rin??? Red ako ang narito.. akong narito..”


“Alam ko na ang lahat... Paano mo nagawa yun Sab? Paano mo nagawang pumatay ng inosenteng tao? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo... Wala kang kasing sama.. Halang ang bituka mo”


“Hahahaha.... I should have shot two bullets diyan sa tangang Jake na iyan.. At sinabi niya pa talaga sa iyo? oo Red... masama ako... at itong Adrian mo... Malapit na niyang makasama ang nanay niya sa impyerno...”


Sasagot pa sana siya ng may marinig na boses na parang sumisigaw sa background.


“Moks.. huwag kang pupunta dito.. please... huwag.... hayaan mo na siya” gumagaralgal ang boses ni Adrian.


“Moks.. asan kayo??? asan kayo moks? Utang na loob sabihin niyo kung asan kayo..”


Sumingit muli si Sabrina sa usapan.


“Malapit lang to Jake... Kung saan nagsimula ang lahat... Kung saan ang simula ang 1st kiss niyo... Auditorium..”



At naputol ang kabilang linya. Pinagpapwisan na siya ng malamig. Kinakabahan siya sa kung anong maaring mangyari kay Adrian sa kamay ni Sabrina. Clearly, hindi niya pa gaanong kilala si Sabrina. Totoo nga talagang ang demonyo ay nagtatago na sa mala-anghel na mukha.


Nilingon niya muli ang nanghihinang si Jake. Hindi niya pwedeng pabayaan ito kahit pa hindi pa rin maalis ang galit niya rito. Matagal na pala silang pinaglololoko ng dalawang to. Marahil ay isa rin ito sa may pakana ng nangyari kay Adrian ngayon. hindi niya alam kung sapat ba na pagtiwalaan niya ito maawa siya dahil sa lagay nito.


Nagtatalo man ang konsensya niya ay nagdesisyon siyang alalayan itong makatayo. Akma na niya sana itong hahawakan sa balikat ng magsalita ito.


“Pumunta kaaa... Sa  o...auditoriumm.. mas kailangan ka ni Adrian” nauutal na wika nito.. Halatang pinipilit lang magsalita.


“Pero...”


“Sige na... malaki ang kasalanan ko sa inyo... Dapat lang na pagbayaran ko to.”


Tnitigan niya ng matagal si Jake. Tinitimbang niya kung ito nga ba ang gusto nito. Sa huli ay tinanguan niya lamang ito. Simbolo iyon ng usapang lalaki at pagpapasalamt niya rito. Hindi niya man gustong iwan ito sa ganoong lagay ay kailangan siya ni Adrian.





“Alam mo ba kung ano to Adrian?” pukaw sa kanya ni Sabrina.


Kasalukuyan siyang nakatali sa isang upuan. Nasa itaas sila mismo ng entablado. Sa hula niya ay nasa Auditorium sila. Ilang hakbang rin ito mula sa Building kanina. Gusto niyang lumaban ngunit hindi niya magawa. Ayaw niyang makasakit muli ng tao ngunit ang babae sa harapan niya ay mukha yatang desidido na patayin siya. Tiningnan niya ang tinutukoy nito. Hindi gaanong klaro ang paningin niya dahil sa pagkakapukpok kanina. May tumutulo sa bandang noo niya na sa hula niya ay dugo. Sinubukusan niyang magpokus sa hawak-hawak nito.


“Alam mo kung ano to???? Isa itong torch.. I especially made it.. parang alam mo na... Para siyang wand na may kapangyarihan.. Hahaha ang witty ko noh...?”


“Sabrina bakit mo ba ginagawa to?”


“Bakit? Dahil to lahat sa iyo... Ayos naman ako eh... ayos naman ang lahat!!! Ikaw.. Ikaw ang dahilan!!... Ako yung girlfriend.... Ako yung babae!!! Tapos ipagpapalit niya ako sa baklang katulad mo!!!”


Pagkatapos nitong sumigaw ay idiniin nito ang naglalagablab na hawak na apoy sa kayang hita. Kitang kita niyang nabutas ang kanyang pantalon at idiniin nito sa kanyang balat ang hawak-hawak. Parang unti-unting nasusunog ang kalamnan niya.

“Aaaaaaahhhh... Aaaaaahhhhhhh....Ahhhhhh...Tama naaaaaaaaahhhhh” daing niya ng maramdaman ang hapdi ng apoy na sumusunog sa hita niya.



“Hahahahaha... for sure... hindi na makikilala ni Red ang katawan mo pag natusta ka na sa apoy.. and then he will choose me over you... Syempre wala ka ng pakinabang if you are already a dead fried fag.”


“Sabrina..tama na.. tam...” hindi pa man siya tapos sa sasabihin ng sa kanang hita naman siya nito tinira ng naglalagablab na apoy. Tulad ng kanina ay parang niluluto nito ang kanyang hita. Mahapdi at nagdurugo na parehong hita niya. Parehong lapnos dulot ng apoy.


Iyak lang ang naisasagot niya sa bawat ginagawa ni Sabrina sa kanya. Ang bawat paso at diin nito ng apoy ay parang pagsunog ng lahat ng parte ng kanyang katawan. Sa hula nga niya ay mahihirapan na siyang makalakad kung makakawala siya rito.


“O ano? Nasaan na yung demonyo na yun???” biglang wika ulit sa kanya ni Sabrina saka siya sinabunutan.


“Sabi mo diba may the best devil win??? O asan na??? Asan na yung demonyo na yun? Bakit yung nasa harap ko ngayon parang tupang iyak ng iyak... Hahahhaa”


Isinunod naman nito ang braso niya at dinikdik ito ng apoy na hawak.


Ilang segundo pa ay itinigil nito ang pagtusta sa kanyang braso at saka muling nagsalita.


“Alam mo... actually... gusto kitang barilin sa bungo kanina eh... kaso lang mas mabuting sa apoy ka rin mamatay.. Hahahaha”


Parang demonyo ang kausap niya ng mga oras na iyon. Bakas sa mata nito ang sobrang kasamaan na handang pumatay ng tao anumang oras.


“Itong buong auditorium... nabuhusan na to ng gasolina.. kaya kapag sinunog ko ang kurtinang to??? Mabilisang kakalat ang apoy.  So ito... itong lugar na to ang magsisilbing oven toaster mo Hahahaha.... Ang tali-talino ko no??...”


“...Pero siyempre bago ka mamatay... kailangan hindi ka clueless sa mga nangyari sa buhay mo.. dapat updated ka pa rin.. so that you will die both physically and emotionally... Alam mo ba kung paano namatay ang nanay mo?”


Parang tumayo lahat ng balahibo niya sa likod sa sinabi nito. Gayunpaman ay mataman siyang nakinig.


“Once upon a time... yung nanay mo na kasing tanga mo ay naliligo sa banyo... yun din yung araw na you are so busy preparing for your anniversary... Imagine.. tawang tawa ako na pinaghahandaan mo ang lalaking mangiiwan sa iyo sa araw na iyon... Adrian huwag kang masyadong feeling... scripted lang ang lovestory niyo...  hahahaha... Naging kasabwat ko si Jake for more than 4 years.... ang galing namin no? Yun nga lang.. gusto akong traydorin ng loko kaya ayun pinatay ko siya kahit siya pa ang ama ng dinadala ko... well since deadballs na siya.... kay Red ko na lang ipapaako si baby... and we will live happily ever after...Hahahaha... Any ways.. back to the topic... so yun naliligo ang nanay mo ng araw na iyon...”



“Tama na.... tama na.....tama na!!!!!” pinipigil niyang umiyak ng umiyak sa mga oras na iyon. Ayaw na niyang marinig ang ibang sasabihin nito. Dahil unti-unti nyang naalalang muli ang hitsura ng nanay niya. Ang natustang balat nito. Ang sunog na mukha ng kanyang ina na nooy nakangiti sa kanya.


Hindi naman alintana ni Sabrina ang pagmamaka-awa niya at patuloy lang itong nagkuwento. Marahil ay nageenjoy ito na nakikita siyang nahihirapan..


“At nung nakita kong nasa banyo siya at magisa lang sa bahay na iyon... Agad kong sinimulan ang sunog sa kusina... Kinuha ko ang susi ninyo... na naroon lamag sa sala at nilock ko lahat ng maaari niyang lusutan... Hahahaha.. ang galing ko no.. Kung alam mo lang kung paano siya sumigaw ng mga oras na iyon hahahaha”



“Tama na.. Utang na loob tama na....” nabibingi siya sa halakhak ni Sabrina.


“Tulong...tulong... hahahaha yun yung naririnig kong sigaw ng Mama mo.. come to think of it.. siguro hubad siya nung nasunog siya sa loob ng banyo o sa loob ng bahay? Kaya siguro madali lang siyang naihaw sa loob hahaha....”



Napatid na ang pasensya niya sa babaeng kaharap. May kung anong puwersa ang lumabas sa kanyang katauhan. Hindi niya namalayang naalis niya na pala ang tali sa kanyang kamay at  lumuwag na rin ang tali sa kanyang paa.


Nanlilisik ang mga matang sinugod niya si Sabrina. Nabigla marahil ito at hindi inakalang makakataks siya sa higpit ng pagkakatali nito. Inalis niya ang eyeglasses na nakaharang sa kanyang mata. Sa mga sandaling iyon ay isa lang ang gusto niyang gawin.


Ang patayin ang pumatay sa nanay niya.


Binigwasan niya ito sa mukha at natumba ito sa lakas ng kanyang pagkakasuntok. Tumilapon ang hawak nitong torch at napunta sa lapag. Dinaganan niya ito lumaban rin ito sa kanya. Ngunit lubhang mas malakas pa rin siya dahil puwersang babae pa rin si Sabrina.


“Hayop ka... putang ina mo!!!!!! Putang ina mo...!!! Papatayin kitang putang ina mo!!!!!!!” sigaw siya ng sigaw habang pinagsususuntok ang mukha ni Sabrina. Kung kanina ay nakakakalmot ito ay hindi na nito magawang lumaban sa sunos sunod na suntok niya.


Nang hindi na makagalaw si Sabrina ay pinulot niya ang torch na kasalukuyang tumilapon sa kurtina na nasa Auditorium. Mabilis ng kumakalat ang apoy. Totoo palang nabuhusan ng gasolina ang buong paligid pero wala siyang pakialam. Kung meron mang dapat mamatay s apoy ay ang babaeng nakahandusay ngayon.


Dinaganan niya muli ito at sinakal sa leeg. Namimilipit naman na wala itong nagawa kundi dumaing nalamang sa sakit.


“Gusto mo ng demonyong makakatapat mo? Putang ina mo!!! Lamunin mo tong apoy na ginawa mo... gusto mo ng apoy diba? Puwes ipapakain ko sa iyo” at pagkatapos ay marahas niyang sinakal si Sabrina.


Hawak-hawak naman nito ang isa niyang kamay ngunit wala itong magawa sa bigat niya at sa higpit ng pagkakasakal niya. Mas lalo lamang bumuka ang bibig nito sa paghahabol ng hininga.


Naglagablab na ang buong paligid. Pero kailangan niyang patayin ang babaeng ito. Ang naging dahilan ng paghihirap niya. Ginamit niya ang buong lakas para ipakain dito ang torch na hawak niya.



“Huwag!!!!!!” biglang sigaw ng isang boses na umalingawngaw sa loob ng auditorium



Lumingon siya sa lalaking ngayon ay nasa baba na ng entablado. Madungis ang mukha nito na halatang naghirap tahakin ang loob ng Auditorium na ngayon ay nagaapoy na. Nakita niya ring bumabagsak na ang ilang pundasyon ng building.


“Red?”


“Moks... huwag mong gagawin iyan.. Naaalala mo yung sinabi ko sa iyo? Maaayos pa natin to.. Hindi ka papatay moks...Hindi sa ganitong paraan mo makukuha ang hustisya. Hindi ka katulad ni Sabrina diba? Moks.. para sa akin huwag mong gagawin to...”


“Pinatay niya si Mama... pinatay niya Red...” iyak siya ng iyak sa pigil na galit at hinagpis. Sakal-sakal pa rin niya si Sabrina.


“Moks... hindi magugustuhan ni Tita Elle kung nakikita niyang mamamatay tao ang anak niya.. Moks.. andito ako.. maaayos ang lahat... magtiwala ka lang.. hindi kita pababayaan...”


Sa sinabi ni Red ay sumunod naman sumakit ang kanyang ulo. Binitiwan niya ang pagkakasakal kay Sabrina.


“Aaaahhh...ahhhh....ang sakiiiittt....arrrrRrrgghhhh” daing niya na nahiga na rin siya sa lapag habang hawak hawak ang ulong sumasakit.




Mabilis na kumilos si Red. Gaya ng nasabi ng kanyang Ate Karma.. ang taong may DID o Multiple Personality Disorder ay maaring makaranas ng biglaang pagsakit ng ulo o di kaya ay pagkahimatay sa pagpapalit ng katauhan.


Nang makapanaog sa taas ay inakay niya ito kaagad. Plano niyang ilabas muna si Adrian at saka niya isusunod si Sabrina, habang hindi pa ganun kalala ang ang sunog sa buong paligid.


“Moks.. huwag kang bibitiw... makakalabas tayo rito” wika niya kay Adrian na dinadaing pa rin ang sakit ng ulo.


Malapit na sila sa entrance ng Auditorium ng may marinig silang isang boses muli sa likuran. Nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali ng hinala. Si Sabrina... may hawak na baril.


“Sabrina lumabas na tayo dito at ibaba mo na yan... Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo”matigas niyang wika kay Sabrina.



“Hahahaha... ganun ganun na lang iyon Red? Hindi kayo pwedeng maging masaya Red!!!. Hindi!!! Wala kang kwentang tao Red... Ano ba ang meron diyan sa baklang iyan.. Red mas kaya kitang alagaan... mas kaya kitang mahalin!!!” galit na singhal sa kanya ni Sabrina habang nakatutok ang baril sa kanya.



“Im sorry... kung ako man ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan... pero mahal ko si Adrian... at hindi pinipili ng puso kung sino ang mamahalin nito.. Im sorry”


“Kung dika magiging akin? Huh?  Mas mabuti pang mamatay ka na lang.. Para tabla tabla na kami...”



Nakita niyang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril at pumikit na lamang siya habang yakap si Adrian. Ngunit nabigla siya ng itulak siya ni Adrian at ito ang sumalo ng bala mula sa baril ni Sabrina.


“Moks!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw niya ng  makitang lumabas ang dugo mula sa kanang dibdib nito at lumabas na rin ang dugo nito sa bibig.




Kakalabitin pa sana ni Sabrina ang baril ng may mga kamay na pumigil sa kanyang likod. Nang lumingon siya ay nakita niya si Jake na ngayon ay nakikipagagawan na sa baril na hawak niya.


“Putang ina mo!!!.. may dalawang bala pa to... papatayin ko silang dalawa... hindi sila pwedeng maging masaya!!!! hindi!!!!!!!!!!!!!!!1” sigaw nito sa kanya.


Lingid sa kaalaman ni Red ay sumunod siya rito papuntang Auditorium. Inipon niya ang biong lakas na meron siya matapos hugutin ni Adrian ang bala sa kanyang tiyan. Kailangan ng matapos ang kasamaan ni Sabrina.


“Naririnig mo ba ang sarili mo Sabrina... Tama na!!!!” patuloy pa rin siya sa pakikipag-agawan dito ng baril.


Umalingawngaw muli ang putok sa loob ng Auditorium. Kapwa nanlaki ang mata niloang dalawa. Hindi niya inaasahan ang nangyari.


Nabaril niya sa tiyan si Sabrina.


“Im....Im.. sorry... hi...ndi ko ….hindi ko.... sinasadya...” hinawi niya ang buhok nito na bahagyang tumakip sa napinsala nitong mukha. Pinakinggan niya ang waring sinasabi nito sa kanya.


“J...jake.... pi...pinatay.... mo...mo.... siya...” sabay turo ni Sabrina sa kanyang tiyan na ngayon ay may umaagos na dugo at saka patuloy itong nagpumilit magsalita.


“Bu....buntis... ako... ik...ikaw...ang ama...”


Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Jake sa narinig. Daig niya pa ang nasabugan ng bomba. Wala sa isip niya na pinulot ang baril na nasa sahig.


Ipinutok niya ito sa tapat ng kanyang sentido.





Nagbabagsakan na ang mga materyales kung saan gawa ang bubong ng Auditorium. Mabilis niyang inakay si Adrian palabas ng building. Kailangan niyang gumawa ng desisyon. Ilang oras pa ay nakalabas na sila ng auditorium.


“Moks... kumapit ka lang... dadalhin kita sa hospital...” wika niya rito.


Pinigilan siya sa paglalakad ni Adrian ng makalabas sila. Nagtatanong naman ang kanyang mga mata rito.


“Bakit Moks?”


“Hindi hospital ang kailangan ko... ikaw Red...” nakangiting wika nito sa kanya kahit pa umaagos ang dugo nito sa kanang dibdib at sa bibig.


“Huwag ng makulit Moks..kailangan..”


“Sa chapel.... sa malapit na chapel mo ko dalhin”


Ang tinutukoy nito ay ang chapel na malapit sa Auditorium.


“pero Moks...”


“Dun mo ko dalhin parang awa mo na... doon...” matigas na wika nito.


Mabigat sa loob niyang tinahak ang daan papuntang chapel. hindi niya alam kung tama bang sundin niya si Adrian sa hiling nito.


Maya-maya pa ay nakarating sila sa loob. Walang katao-tao. Namamayani ang katahimikan. Lumapit siya sa altar habang akay-akay ang nanghihinang si Adrian. Gusto niyang umiyak pero kailangan niyang magpakatatag para kay Adrian.


“Ilapag mo ko dito” wika sa kanya ni Adrian ng makarating sila sa harap ng altar.


Sinunod naman niya ito at pagkatapos ay nabigla siya ng kumals ito sa kanya at nagindian seat.


“Arrrgggghhhhh” daing nito sa kanya habang hawak-hawak ang kanang dibdib.


“Moks.. pumunta na tayong hospital!!!” nagaalalang wika niya rito. Masakit na nakikita niya itong nasasaktan sa harap niya pero wala siyang magawa kundi sundin ang gusto nito.


“Umupo ka sa harapan ko...”


Ginaya niya ito at nagindian seat na rin siya. Nang tingnan niya ito ay napansin niyang duguan na halos ang puting suot suot nito. nang tingnan niya ito mata sa mata ay nakita niyang nakangiti ito ng matamis sa kanya. nais niyang tanungin ito kung paano pa rin ito nakakangiti ng ganoon sa kabila ng tinamo nitong sugat.


“Naalala mo nung ilang beses kitang tinakbuhan sa altar” tumawa ito ng bahagya. Nakinig lang siya sa sasabihin nito.


“Masakit sa akin iyon... masakit na masakit Red... Sorry kung ilang beses kitang pinagtulakan... kung ilang beses kong pinigil yung nararamdaman ko sa iyo... sorry kung natagalan... pero Red.. mahal na mahal na mahal ka ni Robin.. naging duwag lang siya dahil baka masaktan siyang muli pag inamin niya sa iyo na mahal ka rion niya..”


“Moks.. si Adrian ba ang nagsasabi niyan o si Jude?” nais niyang maging sugurado dahil alam niya ang kundisyon nito.


“honestly, hindi ko alam... pero pag kasama kita wala akong gustong itawag sa sarili ko kundi ‘Moks’.. basta ang alam ko ngayon... ikaw si Batman... ako si Robin” nakangiti pa ring wika ni Adrian sa kanya.


Tuluyan na siyang umiyak sa harapan ni Adrian. Ayaw niya sana ngunit hindi niya na mapigilan ang nararamdaman pinaghalong saya at takot na baka iyon na rin ang huling pagkakataon na marinig niya ito mula kay Adrian.


“Moks... pwedeng yakapin mo pa ko?” wika nito sa kanya


Niyakap niya naman ito habang nakaupo sila sa harap ng altar.


“Moks... kantahin mo uli yung theme song natin.... matagal na tayong hindi nagbonding”


“Moks hindi na nakakatuwa to... pumunta na tayong hospital sige na...”


“Kantahan mo ko Moks”

Nagsimula siyang kumanta. Ngunit kahit anong sikap ang gawi niya na huwag umiyak ay tumutulo pa rin ang kanyang luha habang kinakanta ito kay Adrian.



"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on "    


Biglang lumakas ang pagubo ni Adrian. Tiningnan niya ito at nakita niyang sumuka na ito ng dugo. Napansin naman nito ang pagtigil niya sa pagkanta.


“Ituloy mo lang Moks... huwag mo kong alalahanin”


"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"


Narinig niyang pinilit nitong kumanta. Sinabayan ang susunod na liriko.


"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.”



Iyak na siya ng iyak habang yakap si Adrian.


“O ano yan? Diba sabi mo sakin ako yung iyakin... tapos ikaw na yung umiiyak” halos pabulong na lang na sabi sa kanya ni Adrian.


“Moks.. tara na please...”


Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan siya muli nito sa mukha.


“Hindi naman ako mamamatay... diba pupunta pa tayo  sa karnabal... sasakyan pa natin yung ibang rides dun... matutulog pa tayo sa kuwarto mo... ubusin natin lahat ng disney movies. tapos...tapos...argHHhhhhhhh” sumuka muli ito ng dugo.


“Moks... wag ka ng magsalita...makakasama lang yan sa...” hindi niya natapos ang sasabihin ng magsalita itong muli.


“Thank you... thank you dahil... nung mga panahon na nawala sa ideya ko ang pagibig.. you helped me to find my way back... naaalala mo yung sinabi ko sa iyo nung huli? Na magkaiba na tayo.. ngayon.. sigurado ako sa desisyon ko... isasakripisyo ko ang hininga ko... madugtungan lang ang buhay mo”


At pagkasabi niyon ay pumikit na si Adrian at nahulog sa braso niya.


“Moks...Moks??? Moks??? walang ganyan moks.... Moks walang ganyanan... Diba sabi mo mamamasyal pa tayo sa karnabal? Diba sabi mo manonood pa tayo ng Disney movies... Moks wag kang pipikit... moks?? Moks???  Moks.... hindi ko kaya..”


Itutuloy...



You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images