Way Back Into Love
Way Back Into Love (Chapter 24-C)
2:49 PM
Chapter 24-C
By Rogue Mercado
Back to square na naman sila ni Jude. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang motibo nito at nasabi nito ang mga katagang iyon:
"Sa tingin ko Ok lang... pero pag natapos ang kwento... si Batman para pa rin kay Catwoman.. Maiiwan lang din si Robin lalo na pag alam niyang buntis si Catwoman"
It cant be Sabrina. Binalikan niya ang nangyari noong huling magkita sila. Hindi kaya ginawa lang ito ng ex niya para mabuntis at panagutan niya? But No! Sabrina cant do that. Alam niyang disenteng babae ito and she cant just be desperate like that. Matagal niya na itong kilala at hindi ito kaladkaring babae. What happened between them was pure sweet goodbye.
Tiningnan niya ulit si Jude sa tabi niya. He was there as good as the old Adrian. Naalala nya nung iniregalo ni Adrian sa kanya yung T-shirt na yun noong highschool sila. It was a gift when he won a singing contest in their school. Sa sobrang tuwa niya ay hiningi na rin niya ang T-shirt na kaparehas ni Adrian and he kept that in his closet. Noong araw na hiningi niya ito ay ninakaw niya muna ito sa lalagyan ng damit bago niya ipinagpaalam at syempre wala na itong nagawa kundi magpaubaya. Adrian was always like that, hinding hindi ito magsasabi ng 'hindi' hanggat kaya niyang ibigay kahit hindi niya kakilala, ibibigay niya pa rin kahit pa mabigat sa kalooban niya magpaparaya pa rin siya.
The guy beside him is totally different. Noong una akala niya ay estilo lang ng pananamit nito ang nagiba ngunit nagkamali siya. Noong makapasok siya sa NASUDI ay nakita niyang malaki ang agwat nito kay Adrian. Jude was a total fighter. Para itong dragon kung magalit na hindi mo na gugustuhing lumaban especially when you saw those eyes na nagbabadya ng maaring masamang mangyari. But he admire how the version of Adrian today was able to fight his way against people na nangmamaliit dito. And for that, he dont need to over protect him anymore from Jake. Akala niya rin noong una ay ugali lang din ang nagbago rito.
But he noticed some impossible changes.
Adrian can never go out without his eyeglasses. May grado ang eyeglass na ginagamit nito but Jude has a perfect vision. Akala niya nga noong una ay gumagamit ito ng contact lenses but then he saw up close na mata talaga niya ito. Then the dinuguan thing.. Kung meron mang tao na alam na alam kung ano ang paborito at hindi ni Adrian it would be him. Sa ilang taon nilang magkasama ay alam niyang ayaw na ayaw nito ang dinuguan may isang pagkakataon pa nga na nasukahan siya ni Adrian dahil lamang sa nakakita ito ng dinuguan. But Jude, nakita niya kung paano nito kainin ang dinuguan na nakahain sa mesa noong tumuntong ulit ito sa kanilang bahay. He was so speechless that time. Tila ba ibang tao ang kaharap niya.
Pero hinding hindi siya susuko kung sumuko na si Adrian sa buhay niya, siya ang lalaban para dito. He wants his bestfriend back and he will do everything to succeed. At some point, aaminin niya na medyo nawawalan na siya ng pag-asa pero ngayon pa ba siya susuko? Nandito na ulit si Adrian maaring nagiba na ito ngunit hindi ang nararamdaman niya para dito.
He doesnt know what's on Red's mind. Hindi niya alam kung nakuha ba nito ang ibig niyang sabihin sa mga huling sinabi niya tungkol kay Catwoman. It was an obvious metaphor. Sino nga ba siya para pigilan si Red na panagutan si Sabrina kung sakali mang totoo ang sinasabi ng babaeng iyon? Teka. Bakit ka ba apektado Jude? Focus..Focus..Focus... bulong niya sa sarili.
"Focus...Focus...Focus.."
"Anong focus?" agaw atensyon sa kanya ni Red.
"Huh?" naguguluhang tanong niya
"Kanina ka pa focus ng focus... nagme-meditate ka ba?" natatawang tanong ni Red sa kanya
Bigla siyang pinamulahan ng mukha ng marealize na ang ibinubulong niya pala sa sarili ay namumutawi na sa kanyang bibig. Nakakainis lang isipin na he is starting to lose consciousness on what's real and what should be kept to himself.
"Nagustuhan mo ba yung movie kanina?"
"You know that I dont like fairytales" malamig niyang sagot dito
Alam niya sa sarili niyang nagsisinungaling siya. He found himself smiling sa tuwing magki-kiss si Ariel at Eric. Hindi niya alam kung saan nangagaling ang urge na yun. Nandoon din yung napapakanta siya ng mahina sa "Part of your world" ni Ariel. The movie was good at the same time pathetic. Kung siya ang nasa kalagayan ni Ariel , he will never trade his voice over a man. Bakit nga ba kailangan laging magsakripisyo para sa lalaki? Lalaki LANG. Its not worth it. Sa huli masasaktan lang din sila.
"How about happy endings? Do you at least believe in it?" pangungulit nito sa kanya
"There's no such thing as happy ending." wala pa rin kaemo-emosyon niyang sagot
"I believe we create our own endings... and Im determined to have a happy one" wika ni Red sa kanya sabay titig ulit sa kanyang mga mata.
"The thing about happy ending is that no matter how happy the ending was still ...it ended "
"Siguro tama ka... pero kung masayang natapos ang kwento.. its more than enough"
"You are one lucky bitch kung natapos nga ng masaya pero paano kung Once Upon A Time..naniwala ka na at lahat.. sinuyod mo na ang Far Far Away na yan para mahanap si Prince Charming pero ang ending.. walang True Love's Kiss at namalayan mo na lang na ang pinakahuling pahina.. nakatakda para lamang gisingin ka sa katotohanan na mamamatay kang magisa." natawa siya ng hilaw ng maisip ang mga pinagsasasabi niya rito at kung paano niya paghalu-haluin ang mga naisip niyang konsepto ng fairytale.
Hindi na ito kumontra sa sagot niya. Alam niyang nagpapaubaya lamang si Red sa kanya kaya hindi na ito sumagot pa sa sinabi niya.
Maya-maya pa ay nakababa na sila sa isang malawak na lote na natatabingan ng makakapal na trapal. Nang humakbang siya papalapit ay nabasa niya ang signboard na nasa entrance:
Welcome to FunHouse
"Welcome to Fun House!!" mula sa likod niya ay nagsalita si Red.
"Bakit tayo nandito?" tanong niya na natutulala pa rin sa nakikita.
"Kung isang tricycle lang sana ang Hongkong.. Sa Disneyland kita dinala" biro sa kanya ni Red ng makahabang na ito sa tabi niya.
Tiningnan niya ito ng tumabi ito sa kanya. Nasa bulsa ang mga kamay nito habang nakatingin rin sa senyales na nasa itaas ng entrance ng karnabal. Napako lang ang tingin niya dito hanggang sa nilingon na rin siya ni Red at nginitian siya nito.
"We used to be here kapag wala kaming ginagawa ni Adrian noon nung mga high school pa kami... Alam mo ang kulit noon.. Kapay magbubukas tong perya kada hapon minsan kahit may ginagawa ako kukulit-kulitin ako niyan samahan lang siya.. syempre ako naman tong si Red Antonio talagang iiwan ko yung ginagawa ko para masamahan siya.. Kahit anong busy ko taob lahat yan sa Moks ko"
"B..Ba..bakit ang tiyaga mo sa kanya?" tanong niya na halos ikapilipit ng dila niya.
"Hindi ko siya matiis eh" wika ni Red habang nakatingin na naman ito sa signboard na nasa harapan nila.
Nanunuyo ang lalamunan niya sa bawat mga katagang sinasabi ni Red patungkol kay Adrian. Para silang napako sa kani-kanilang kinatatayuan. Siya nakatingin pa rin kay Red at ito naman nakatingin sa kanilang harapan. Hanggang sa nagsalita na muli ito.
"Tara na sa loob.. Sasakyan natin lahat ng rides diyan.. My treat!" excited na tugon nito sa kanya.
Nagulat na lamang siya ng kinuha nito ang kanyang kanang kamay at hila-hila siya nito papasok sa loob. Sa loob ng peryahan ay naroon nga ang mga sinasabi nitong rides. Mula sa Ferris Wheel.. Caterpillar... Carousel atbp. Marami ring mga foodstand kung saan pwedeng makabili ng pagkain kung mapagod ka sa pagsakay sa ibat'ibang rides. Napukaw ang atensyon nila ng may lumapit na isang lalaki.
"Jude Dela Riva?" tanong nito sa kanya.
Sa tantiya niya ay kasing edad niya ang lalaking ito. Katamtaman lang ang pangangatawan at ang taas nito. Kung mukha naman ang pagbabasehan ay gwapo rin ito, mas lalo namang dumagdag sa appeal nito ang mga dimples nito na lumalalim kapag nginingitian siya.
"Ah kilala ba kita?" sarkastiko niyang tanong. He is used to appear very intimidating para hindi siya abusuhin ng tao. Mas gugustuhin niya minsan na iwasa ng tao dahil natatakot sa kanya.
"Oops.. Sorry.. Ako pala si Mico.. Well.. Im an avid fan.. Sa NSU rin ako nag-aaral.. Education Department. Grabe! Nung nakita kitang nagperform nung Stronger ni Kelly Clarkson.. I thought! Wow... What a voice.. Bro ang galing mo talaga! Saludong saludo ako sa iyo"
Bakas sa mukha ng lalaking kaharap niya ang paghanga. This is one of the usual scenario na pupurihin siya ng isang estudyante out of no where.
"Haha thanks" hilaw niyang pasasalamat.
Nahagip ng mata niya si Red na nakatayo lamang katabi niya. Seryoso lang naman itong nakikinig sa usapan nila. Nakonsensya naman siya dahil parang na out-place bigla si Red.
"Ahm pwede ba magrequest? Bro Idol?" tanong nito sa kanya
"Sure.. Ano ba iyon?" tanong niya. Hindi pa man ito nagsasalita ay parang alam na niya ang gusto nitong hingin mula sa kanya. It could either be an auto graph or a photo-op with him.
"Baka pwedeng picture naman tayong dalawa oh.. rare moment lang to bro idol kaya susulitin ko na.. Ang hirap mo kasing ma-timingan sa school eh.. sa lawak ba naman ng campus.. Saka hindi naman basta-basta makapasok sa NASUDI Bldg."
"Yeah Ok lang.." pagpayag niya sa hiling nito
Nakita niyang tiningnan nito si Red at sinenyasan na baka pwede silang kuhanan gamit ang cellphone nito. Hindi naman ito tumango o umayaw ngunit kinuha na lamang nito ang cellphone kay Mico at pumuwesto sa harap nila.
"Bro Idol pwede bang umakbay sa iyo?" tanong ni Mico sa kanya
"Ah?.. Sige .. sige.. Walang problema."
Abot hanggang tainga naman ang ngiti sa kanya ni Mico ng marinig ang kanyang pagpayag at inakbayan siya na para lang silang mag-pare na susugod sa beerhouse.
"Pwede akbayan mo rin ako?" tanong nito sa kanya
"Huh? Kailangan pa ba yun?" nabibigla na lamang siya sa mga request nito. Ngayon lang kasi siya naka-encounter ng ganung kademanding na fan. In most cases, tama na yung tatabi lang sa kanya.
"Teka magpapakuha ba kayo o maghaharutan sa harap ko?" biglang bulyaw sa kanila ni Red.
Nakalimutan nilang nasa harapan pala nila si Red. Nang lingunin niya ito ay hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang simangot. Waring napahiya naman si Mico kaya ito na lamang ang umakbay sa kanya. He smiled for a pose.
Nang matapos ito na kunan sila ay lumapit na si Mico para kunin ang cellphone, tiningnan niya naman ng masama si Red. Bakit ba ganito ito kung maka-arte eh wala namang ginagawang masama yung tao.. nagpapakuha lang naman litrato? bulong niya sa sarili. When they were admitted in NASUDI, Director Lee briefed them na kailangan na nilang asahan ang mga estudyanteng tatakbo sa kanila at magkakandarapa makakuha lamang ng larawan. NorthEast is big enough to be a little showbusinness world.
"Teka bakit ganito?" biglang tanong ni Mico sa kanila. Nakatingin ito kay Red na parang naguguluhan habang itinataas ang cellphone sa ere.
"Bat may problema?" bruskong tanong ni Red. Kung hindi niya talaga ito kilala ay talagang maninibago siya rito, kung makapagsalita naman kasi ito ay parang laging maghahamon ng away. Yung Red na laging nakikipagusap sa kanya ay yung malambing o minsan nagpaparaya sa kanya.
"Eh bro kasi.. yung picture bakit si bro idol lang yung nakuha ako eh yung kamay ko lang ata na naka-akbay sa kanya ang nakuha"
Lihim naman siyang natawa sa sinabi ni Mico. Nang sulyapan niya ang cellphone ni Mico ay larawan niya nga lang ang nakuha.
"Ah ganun ba? Baka kasi may problema yang cellphone mo.. sige maiwan ka na muna namin dito at may aasikasuhin pa kami ni Moks ko" mabilis na wika niya at pagkatapos ay hinila siya sa isang kamay.
"Tara na!" sigaw ni Red sa kanya ng hawakan nito ang kanyang kamay.
Nang tanawin niya ang si Mico ay bakas sa mukha nito ang maraming tanong at nagkakamot sa ulo. Wala siyang eksaktong emosyon sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung magagalit o matatawa kay Red.
"Teka hindi ka ba nahihiya na..." hindi niya naituloy ang sasabihin ng ito na mismo ang magtuloy sa sasabihin niya.
"Na magholding hands tayo dito? Why should I? Besides.. aalis ka na mamayang gabi.. who knows.. ngayon na lang pala mahahawakan ni Batman ang kamay ni Robin" nakangiting tugon ni Red sa kanya.
Hindi na siya sumagot at nagpaubaya na lamang sa imbitasyon ni Red. Iginiya naman siya nito papuntang carousel. Nang makarating sila sa bakod nito ay maraming mga bata ang nakasakay sa mga kabayong nagtataas-baba. Ang iba naman ay akay ng mga magulang o inaalalayan sa posibilidad na baka delikado ang pambatang sasakyan.
"What's this?" naiinis niyang tanong. He had an idea what Red is up to.
"Mga kabayo?" pilosopong sagot ni Red sa kanya.
"Oo.. alam kong mga kabayo yan... ang ibig kong sabihin Red Antonio bakit mo ko dinala dito.. wag mong sabihing sasakay tayo diyan?"
Tumingin naman si Red sa kanya habang hindi pa rin mapalis sa mga bibig nito ang naguumapaw na ngiti.
"Oh? Ano na? Bakit nakatanga ka na lang diyan at nakangiti? Tinatanong kita bakit tayo nandito?" naiirita niyang ulit sa tanong niya
"Alam mo pag nagagalit si Adrian sa akin... tinatawag niya ko sa buong pangalan ko." sagot nito sa kanya na hindi inaalis ang ngiti at titig sa kanya.
Bigla naman siyang nagbaba ng tingin at umaktong umiiwas sa sinabi nito namalayan na lamang niya na hinila na naman siya nito sa kamay niya at dinala papunta sa carousel.
"Sakay na dali!" excited na sabi sa kanya ni Red.
"Are you sure about this?" nagaalangan niyang tanong ng makitang halos lahat ng mata sa loob ng ride na iyon ay nakatutok sa kanila.
"Oo nga.. kulit!!" si Red at inalalayan siya nito na makasakay.
"O teka bakit.. sasakay ka rin dito?" bulyaw niya kay Red ng sumunod itong sumakay sa kabayong sinakyan niya. Nakapuwesto ito ngayon sa likod niya.
"Aalalayan ko yung kabayo.. baka mapano siya sa iyo" pabirong wika ni Red sa kanya"
Sa narinig ay siniko niya ito bigla. Napa-aray na naman ito sa sakit na dulot ng pagkatama ng siko niya sa tiyan nito. Nang pagmasdan naman niya ang paligid ay kinukunan sila ng litrato ng mga nanay na nasa paligid ng carousel.
"Pagpasensyahan niyo na ho at kamag-anak lang po talaga nito si Taison" natatawang wika ni Red sa mga nanay na nasa paligid nila.
Nginitian naman sila ng mga ito na para bang tanggap ang kung anong nakikita nilang hindi ordinaryo sa kanilang harapan. Nagsimula na ulit umandar ang carousel at wala siyang nagawa kundi sumakay na lamang dito at humiling na sana ay mawalan ng gas ang makina.
Hindi niya magawang lumingon para tingnan si Red na nasa likod niya ngayon kaya para hindi siya maburo sa kinauupuan niya ay nagtanong na lamang siya rito.
"Bakit mo ba ginawa kasi yun?"
"Anong yun?"
"Yung picture kanina.. Alam ko sinadya mo yun"
"Hehehe"
"Ano?" naiirita niyang tanong nang tawa lang ang isinagot nito
"Eh pano naman kasi Moks... istorbo.. may paakbay akbay pa kayong nalalaman" wika ni Red sa kanya
Hindi na lang ulit siya kumibo at baka kung saan pa mapunta ang usapan. Maya-maya ay ito naman ang nagtanong sa kanya.
"Moks... pwede magtanong?" tanong nito sa kanya
"Eh nagtatanong ka na nga diba" naiirita niyang pambabara dito
"Haha.. Basta,. Ano Moks.. May tanong lang talaga ako" wika ni Red na bakas ang kasiyahan sa tono ng pananalita nito. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nakangit na naman ang mokong sa kanya
"Ano nga kasi"
"Ano ang nakakapagpasaya sa iyo?" kaswal na tanong ni Red sa kanya,
Sandali siyang nagisip. Ano nga ba nakakapagpasaya sa kanya? Teka? Anong klaseng tanong iyon bulong niya sa sarili ng mapagtantong parang may hinuhuli si Red sa kanya.
Hindi na lang siya sumagot at nanatiling tahimik. Nang matagalan siguro ito sa paghihintay ay nagpasya itong tanungin siyang muli.
"O sige to na lang ah... Ano yung nakakapagpatawa sa iyo?" muli nitong tanong
"Eh diba para parehas lang ang tanong mo?"
"Hindi! Mas specific nga eh... Ano yung nakakapagpatawa sa iyo.. like specific joke o pick up line"
"Ahm siguro kapag may gustong magpatawa sa akin tapos nacornyhan ako? Dun ako tumatawa"
"Huh? Eh kung nacornyhan ka diba dapat hindi ka tatawa?" naguguluhang tanong niya
"Eh ang corny eh... Hahaha... bakit ikaw ano ba nakakapagpatawa sa iyo?" wika niya at hindi niya namalayang natawa na rin siya sa sarili niyang sagot
"Ito yung unang pagkakataon ulit na nakita kitang tumawa.. " biglang seryosong wika ni Red sa kanya at pambabalewala sa tanong niya.
Bigla siyang napalingon at nagtama ang kanilang mga mata. Matagal silang nagkatitigan.
Naputol naman ito ng bigla ring tumigil ang carousel. Parang bumalik sila sa realidad nang may mga bagong dating na pasakay pa lamang. Inalalayan siya nitong makababa at saka hinila uli siya palabas.
Dinala naman siya nito sa tindahan ng cotton candy. Nakita niyang dumukot ito ng barya at bumili ng dalawang balot at ibinigay sa kanya. Nakapulupot naman ito sa isang stick na para bang ice drop.
"Pag pumupunta kami dito ni Adrian, yan lagi ang kinakain namin.. pakiramdam namin nun busog na busog na kami sa cotton candy lang.. pero alam mo ang daya ni Adrian .. biruin mo.. laging ako yung nanlilibre dun tapos kapag ako naman magpapalibre sa kanya sa susunod... sasabihin niyang busog siya.. Daya talaga" kwento ni Red sa kanya habang kumakain sila ng cotton candy sa harap ng kiosk nito.
Nang tingnan niya ito ay nakangiti lang itong kumakain ng cotton candy. Napapabuntong hininga naman siya habang kinakain ang cotton candy.
"Dun naman tayo sa ferris wheel?" tanong nito sa kanya ng matapos niyang kanin ang cotton candy na binigay nito.
Namiss rin siguro ng dila niya ang tamis.. Kaya naman parang naenjoy na rin niya ang pagkain ng cotton candy kanina.
"Si... Sige.." nagaalangan niyang pagsang-ayon dito
Kinuha na naman nito ang kamay niya at sabay na silang pumunta sa may ferris wheel. Ito uli ang bumili ng ticket papasok at ilang saglit pa ay nasa loob na sila ng mala-kwadrado na sasakyan na nakabitin sa mismong makina nagpapaikot dito.
Sa bawat pagikot ng ferris wheel ay naabot nila ang pinaka tuktok nito at nakikita nila ang ganda ng paligid mula sa taas. Para siyang idinuduyan sa halip na sumigaw gaya ng ibang mga nakasakay na siguro ay nagsisimula ng mahilo.
"Ibang klase ka rin no?" naa-amuse na tanong sa kanya ni Red.
"Bakit?" naguguluhan niyang tanong dito
"Si Adrian kasi minsan nahihilo yan pag sumasakay kami sa ferris wheel. Pero na over come na rin niya yun nung pinaka huling beses kaming sumakay.. Pero halos hindi matanggal yakap niya sa akin noong time na yun.. Haha"
Tipid lang siyang ngumiti at gaya ng dati ay wala na naman siyang maisip na sabihin kay Red. Out of nowhere ay siya naman ang nagtanong.
"Si Sabrina ba dinala mo na rin dito?" tanong niya ng tumitingin pa rin sa malayo
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay alam niyang nilingon siya bigla ni Red sa tanong niya. Ilang segundo rin itong nakatitig sa kanya ng ganun samantalang ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtingin sa labas dahil baka kung saan pa mauwi ang eksenang iyon. Sa wakas ay nagsalita na mulit ito.
"Hindi.. hindi ko siya nadala dito nung kami pa.. I dont know pero kapag karnabal talaga ang pinaguusapan.. mas nag-e-enjoy ako pag si Adrian ang kasama ko"
"So hindi ka pala ang e-enjoy na kasama ako." bigla niyang kontra sa sinabi nito.
"Hindi ko rin alam sa sarili ko pero....... nage-enjoy ako.. feels like adrian is here" wika nito sabay titig ulit sa kanya.
He needs to think of a diversion. Sa tuwing binabanggit ni Red ang pangalang Adrian ay parang siya ang nahuhuli sa patibong nito. Agad siyang nagisip ng tanong iwasan lang ang matulala ulit.
"Ah.. so... ano.. may bago ka na bang girlfriend? or what?" kaswal na tanong niya para mabasag lang ang biglaang katahimikan na namamagitan sa kanila
"Huh? Wala." matipid bitong sagot na hindi naman yata inasahan ang tanong niya.
Lihim siyang napangiti ng makita ang reaksyon nito.
"Sa reaksyon ka nga ba natuwa o sa sagot nito sa tanong mo?" lihim niya ring tanong sa sarili.
Naputol naman ang pagtatalo sa isip niya ng ito naman ang magtanong.
"Sa tingin mo Moks ano tipo ko sa isang tao?" tanong nito sa kanya
"You mean? Qualities na hinahanap mo sa isang tao?" pagkumpirma niya.
Tumango lang ito.
"Siguro.. someone like you? Yung palangiti rin.. Yung nakaksakay sa joke mo.. may sense of humor siguro? Yun.' tugon niya rito. Hindi siya makapaniwalang sinasagot niya ang tanong na iyon.
Hindi naman ito nakasagot sa sinabi niya at tulad kanina ay nakatingin na ulit ito sa tanawin sa taas.
"Bakit mo naman natanong?" wika niya ulit kay Red.
"Wala lang.. Importante kasi opinyon mo sa akin" tugon nito sa kanya.
"Ah" tipid niyang sagot
"Totoo naman yung sinabi mo.. Siguro nga.. Kailangan ko yung taong katulad ko sa halos lahat ng bagay but then naisip ko.. siguro hindi ko kailangang hanapin yung sarili ko sa ibang tao.. Mas gusto ko siguro yung.. masungit.. laging nakasimangot.. yung parang laging problemado... yung naka eyeliner... yung pula ang buhok" wika ni Red sa kanya na nakangiti na naman.
"Puro ka kalokohan.. Sipain kita diyan eh" nakasimangot niyang singhal dito
"Tingnan mo to... sinasabi ko lang naman.. ang sungit!"
Napansin na nila na tumigil na ang ferris wheel at isa-isa ng nagba-baan ang mga tao. Nang makaikot na rin pababa ang sasakyan nila ay bumaba na rin sila. Buti na lamang at nahinto na ang usapang iyon.
Nang makarating na uli sila sa labas ay agad siyang nagsalita.
"Teka ayaw ko ng sumakay ah? medyo pagod na rin ako" reklamo niya at umakto talaga siyang pagod na pagod.
Sa totoo lang ay ayaw niya ng sumakay pa sa kahit anong rides na nasa loob ng karnabal. Hindi dahil sa pagod na siya kundi dahil gusto niya ng maiwasan kung anuman ang mapagusapan nila ni Red tungkol kay Adrian.
"Sige ba.. punta na lang tayo dun sa photo booth na nasa may dulo" yaya nito sa kanya.
Pumayag na siya para matapos na. Besides, malapit ng gumabi at isa lang din ang ibig sabihin nito.. malapit ng matapos ang deal at malapit na ring matapos ang gabing iyon.
May kakaiba siyang naramdaman sa ideyang patapos na ang gabi. Mayroong hungkag na espasyo sa kanyang puso na pilit sumisigaw na mapunan ngunit binalewala niya ito. Kailangang matapos ang dapat matapos.
Palapit na sila ng photo booth ng umagaw sa kanilang atensyon ang isang sigaw mula sa kanilang likuran.
"Kuyang maitim ang mata!!!!!" sigaw ng isang boses bata
Awtomatiko siyang napalingon sa pinagmulan ng boses. Nang makita niya ang batang sumigaw ay naalala niya kaagad kung sino ito.
"AJ??" napapangiting tugon niya rito
Tumakbo ang bata sa kanilang harapan. Pinagmasdan niya itong maigi. Ganun pa rin ito nung huli niyang makita. Naroon pa rin ang eyeglasses nito. May bitbit pa rin itong libro. Liban nga lang sa nakapambahay na lamang ito ngayon. Umupo naman siya sa kinatatayuan upang makausap ng maigi ang bata.
"Kuyang maitim ang mata.. anong ginagawa mo dito kasama si Kuya Red?" inosenteng tanong sa kanya ni AJ.
"Magkakilala kayo?" namamanghang tanong niya. Sumunod na umupo na rin si Red para mas makapagusap silang tatlo ng maigi.
"Oo naman... Si AJ... inaanak siya ni nanay sa binyag.. kumare kasi niya ang nanay nitong si AJ" paliwanag ni Red sa kanya.
"Teka paano mo ba nakilala si Kuya Jude mo AJ?" tanong naman ni Red sa bata
"Basta kuya nakita ko kasi siya nung pauwi na ko ng school...siya pa ba iyong sinasabi niyo sa akin noon na crush niyo kuya?" balik tanong naman ng bata kay Red.
"Haha.. anong crush?" natatawang sagot ni Red sa bata saka nilingon siya. Hindi naman siya nagpakita ng kahit anong emosyon dito. "Wala akong natatandaan na may sinabi na gayan AJ ah.." biglang salungat ni Red sa bata
"Weh? Meron kaya kuya.. Sabi mo pa noon may bago kang crush pero matim ang mata dito" sagot ng bata sa may turo sa bandang baba ng mga mata nito.
"...Saka sabi mo pa siya na yung gusto mong mapangasawa tapos ahmpppp......" hindi na naituloy ni AJ ang sasabihin ng takpan ni Red
"Puro kalokohan talaga tong batang to." natatawang wika ni Red.
"Hmmmmp..."
"Uy teka baka hindi na nakakahinga iyan..." bulyaw niya ng nagsasalita pa rin ang bata kahit natatakpan na ni Red ang bibig nito.
"Ang Kuliiiiiiiiiiit!! kasi..." si Red at saka binitiwana ang bibig ng bata. "AJ? Akala ko ba secret lang natin iyon?"
"Sorry po kuya... hehe"
Hindi man niya aminin sa sarili ay natatawa siya sa napagmamasdan niya sa dalawa. Para lang tong batang magkapareho ang edad na naghaharutan. Sa isiping ito ay may bumalik na ala-ala sa kanya.
"Oh basta Moks... Ikaw si Batman.. ako si Robin!" sigaw ng batang naka eyeglasses.
"Sige ba.. iyakin ka kasi kaya ikaw lang si robin.. Wahahaha" tukso ni Red sa batang nakasalamin.
"Hmp!"
"Biro lang Moks! Tara laro na tayo.. sino ba una kalaban natin?"
"Si Joker na lang Moks"
"Sige! Ayan na lilipad na si Batman daw sa Gotham!! Tenenenenennnn Shooooo!!!"
"Teka hindi naman nakakalipad si Batman ah.. Diba may sasakyan siya para lumipad?"
"Nakakalipad siya! Si Superman ang hindi"
"Hindi nakakalipad si Batman"
"Eh parehas lang naman sa labas brief nila.. kaya nakakalipad rin si Batman.. Ang hina mo talaga Moks kahit kailan"
Namalayan niya na lang na napapangiti sa harap ng dalawa.
Itutuloy...
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D