Way Back Into Love (Chapter 25)

Way Back Into  Love Chapter 25 By Rogue Mercado Contact me at:   roguemercado@gmail.com ...






Way Back Into Love


Chapter 25








By Rogue Mercado



Contact me at: roguemercado@gmail.com







"Hanggang dito ba naman.. dala-dala mo pa rin yan?" tanong niya kay AJ ng mapansin ang librong bitbit nito.


Nakita na niya ang librong iyon noong una nilang pagkikita. Ayon sa bata ay Snow White and the Seven Dwarves and pamagat nito. Nag-angat naman ito ng mukha sa tanong niya.


"Ah opo kuya Jude.. ang sarap sarap kasing basahin ng paulit-ulit."


"Adik ka rin sa fairytales noh?" agaw atensyon sa kanila ni Red. binigyan diin nito ang sinabi na halatang siya ang pinapatamaan.


"Hindi naman po Kuya Red... Bale crush ko po kasi yung princess dito si Snow White"


"Ah akala ko pa naman yung Prince Charming ang crush mo" natatawang wika ni Red sa kanya


Sa sinabi ni Red ay agad niya itong siniko sa tagiliran habang nakaupo sila kaharap ng bata.


"Aw!! Aray... Nakakarami ka na ah... Bakit na naman?" tanong sa kanya ni Red.



"Halika nga dito" utos niya kay Red at nauna na siyang tumayo at nagtungo ng kaunting distansiya mula sa bata.


"Sanadali lang AJ ah." narinig niyang wika ni Red sa bata at sumunod sa kanya.


Nang magkasarilinan sila ay agad naman niya itong kinompronta sa sinabi niya sa bata.


"Ano sa tingin mo ang sinasabi mo sa bata??" naiirita niyang tanong dito


"Bakit? Its just a joke. Saka isa pa.. kapag tumagal, mamumulat rin ang batang iyan sa takbo ng panahon ngayon" paliwanag ni Red


"Anong takbo ng panahon ngayon?" 


"Na hindi masama na si Prince Charming mainlove sa kapwa niya Prince Charming?"


"And you think Walt Disney would buy your joke? Red... magpakatotoo ka naman... bata yang kinakausap natin, you should not influence him with same sex relationships. Baka mamaya may makarinig pa sa iyo"


"Nagpapakatotoo ako Jude... hindi ko lang alam sa iyo" matigas na sagot ni Red sa kanya at iniwan siya sa kinatatayuan.


Nakita niyang nagtungo muli si Red sa naghihintay ng bata at kinausap ito sandali, maya-maya pa ay nakita niyang humalik ang bata sa pisngi ni Red na waring nagpapa-alam. Matapos nito ay namalayan niyang lumapit sa kanya ang bata habang naiwan naman si Red sa sa kinauupuan, nakita niyang pinagmamasdan silang dalawa nito. Muli naman siyang umupo para kausapin ang bata.


"Pasensya ka na sa nasabi ni Kuya Red mo ah.. nagbibiro lang talaga iyon" malambing niyang wika kay AJ. Minsan hindi niya talaga matantiya ang sarili kung paano siya nagiging malambing sa harap ng ibang tao. The kid just had a soft spot in his heart. 


"Wala iyon kuya.. alam niyo po mahal po kayo ni Kuya Red" malambing rin na sagot ni AJ sa kanya.


"AJ!!! ano na naman ba tinuro ni Kuya Red mo sa iyo? Ang bata-bata mo pa ah" saway niya dito ng marinig ang sinabi ng bata.


"Wala naman po siyang tinuro.. Basta po nung isang araw na pumunta siya sa bahay sabi niya po crush daw niya yung taong may black dito sa baba ng eyes po... Eh ikaw lang naman po yung ganun Kuya Jude kaya feeling ko ikaw po yung crush tapos mahal ni Kuya Red po" mahabang kwento sa kanya ni AJ.


"Mag-gagabi na diba? Uwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo" pagsasawalang bahala niya sa sinabi nito


"Mahal niyo rin po ba si Kuya Red?" biglang tanong ni AJ sa kanya.


Bigla rin siyang napalunok na tila nauubusan ng laway. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at napatingin siya sa kinatatayuan ni Red. Mataman lang itong nakamasid sa kanila at saka niya binawi ang tingin dito. Hinarap niya ulit si AJ.


"Sinabi ba talaga iyon ng Kuya Red mo?" paninigurado niya


"Opo sinabi niya po" magalang na sagot ng bata


"Sasagutin ko yang tanong mo sa tamang panahon" wika niya sabay inayos ulit ang eyeglass na suot ng bata.


"Kailan po yung tamang panahon Kuya Jude? Wag niyo na pong hintayin na guluhin kayo ng witch Kuya tulad dito sa story"


"Ikaw talagang bata ka... Ang dami dami mo ng alam eh ang bata-bata mo pa" saway niya ulit dito.


"Sige po Kuya Jude aalis na po ako at mag-gagabi na rin" paalam sa kanya ng bata sabay halik sa pisngi niya.


Unti-unti itong lumayo hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Nakita naman niyang lumapit ulit si Red sa kinatatayuan niya at hinawakan uli nito ang kanyang kamay.



"Punta na tayo sa phot booth?" tanong nito sa kanya


Tumango lang siya at natagpuan na lang ang sarili na kumakapit na rin sa kamay ni Red. It felt good. Yung tipong may isang tao na nakahawak sa kamay niya ay parang hinding-hindi siya iiwan. He slightly shook off his head. Kung ano ang nangyayari at nararamdaman niya ay malapit ng matapos. Malapit ng gumabi.


Nang makarating sila ng photo booth ay nakita nilang nakalapag sa may bandang gilid ng sahig ang mga props na maaaring gamitin ng kung sino mang nais magpapicture. 


"Sige.. ikaw na lang pumili ng props ko... ako na lang pipili nung para sa iyo.. OK ba yun?"

“May magagawa pa ba ako?” sarkastiko niyang tanong ditto

“Wala hehehe”

Sumimangot lang siya tanda ng kanyang pagkadismaya dito. Nauna na siyang pumunta sa tambakan ng props at malaya niyang pinagmasdan ang samu’t saring mga abubot na maaring gamitin sa pagpapakuha ng larawan. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang itim na sungay.


“Batman pala ah” bulong niya sa sarili at ngumiti ng makahulugan. “On a second thought I think I’ll enjoy this” natatawa niya pa ring bulong sa sarili

“O anong nginingiti-ngiti mo diyan?” agaw tanong sa kanya ni Red na kasalukuyang nagbubungkal na rin ng maaring ipasuot sa kanya.

“Oh God wag mo kong papasuotin ng korona ng prinsesa kundi tatadyakan na talaga kita” wika niya sa sarili ng makitang puro pambabaeng props ang hinahalungkat ni Red.


Napagpasyahan niyang kunin ang napili niyang props para dito. Isang itim na kapa at isang sungay na headdress. Batman na batman talaga ito pag sinuot niya ito.

“Bwahahaha” demonyong tawa ng utak niya ng maging klaro sa imahinasyon ang postura ni Red sakaling ipasuot niya ito.

Nang bumalik na rin si Red sa kinalalagyan nila kanina ay pinagmasdan niya kung ano ang dala dala nito ngunit wala siyang nakitang ni isang bagay na dala nito na maari niyang suotin.


“Anong napili mo para sa akin Moks?”tanong nito sa kanya

“Ito” sagot niya sabay taas sa ere ng  kanyang mga bitbit.

“Haha.. Yan tlga ang napili mo ah”

“Yup” nakangiti siya ng makahulugan

“Nice Choice!!” masayang sagot ni Red sa kanya

Ngunit nadismaya naman siya sa reaksyon nito. Akala pa naman niya ay siya na ang lalabas na panalo. Bakit yata parang mas nagugustuhan pa nito na ipagduldulan niya ang karakter ni Robin. Akala pa naman niya ay sisimangot ito o maiinis sa kanya. Dapat pala sana eh wig ng babae na lang ang kinuha niya at pagmukhain itong si Sadako.

“Ano na? Suot mo na sa akin Moks.”

Nagtungo siya sa harap nito para itali ang kapang itim. Nang matapos ito ay isinunod naman niya ang headdress ni batman na mga sungay ng paniki.

“Batman na batman  talaga ako dito Moks ah.. Kailangan ko pa bang ilabas ang brief ko?” natatawang tanong ni Red sa kanya

“Bastos!!” singhal niya dito

“Alam mo habang tumatagal na kasama kita.. mas lalo kong naaalala si Adrian sa iyo”

Lumihis lang ang tingin niya pagkarinig sa sinabi nito. Here they are again. Lagi siyang natatahimik pag binabanggit nito si Adrian.

“Ok so ito napili ko sa iyo Moks” basag ni Red sa katahimikang namagitan sa kanila. Mula sa bulsa nito ay nakita niyang inilabas nito ang bagay na ipapasuot nito sa kanya.

It was a simple buggy eyeglasses.

“Ya...Yan?” nauutal niyang tanong

“Oo.. ito lang ipapasuot ko sa iyo” nakangiting wika ni Red sa kanya

Nakapako lang siya sa kanyang kinatatayuan ng ito na ang lumapit sa kanya. Hinawi nito ng bahagya ang kanyang pulang buhok at isinuot ng dahan-dahan ang eyeglasses na napili nito para sa kanya.

Napansin niyang bahagya itong natulala sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang mukha na parang inuukit ang  bawat detalye ng kanyang pagkatao. Matapos nito ay dahan-dahang bumaba ang ulo nito para gawaran sya ng isang halik.

“Tapusin na natin to” mariin niyang bulong saka bumitiw sa pagkakahawak sa mukha niya.

Wala naman itong nagawa kundi mapabuntong hininga na lang at tinanguan siya. Umupo na ito sa isang bangko at inaya siya na umupo sa kandungan nito. Hindi na lang siya nagreklamo at nagpaubaya na lamang sa anumang gusto nito. Yakap siya nito sa baywang.

“Say cheese!” si Red.

Hindi na niya magawang ngumiti sa harap ng kamera. Kahit tipid na ngiti ay hindi mahagilap ng kanyang bibig. Dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa sitwasyong namemeligro ang kanyang damdamin.

Natapos din ang pagpapakuha nila ng larawan at hinubad na niya ng madalian ang eyeglasses na ipanasuot sa kanya ni Red. Nakita niya ring hinubad na nito ang itim na kapa at ang maskarang ipanasuot naman niya. Sa wakas ay natapos na rin. Para siyang aatekihin kanina sa sobrang lapit ng mga katawan nila. Hindi pa man lumalabas ang larawan ay alam niya na kung ano ang reaksyon ng kanyang mukha. Its either pang semana santa o parang may namatayan. He dont want to smile.

Nauna ng lumabas si Red sa photo booth at hula niya ay kukunin nito ang mga nadevelop ng larawan. Sumunod na rin siya palabas. Dalawang katamtamang kopya ang kinuha nito. Nang mapansin siguro nito na lumabas na rin siya ay nilingon siya nito.

“Cute ka sana kaso  nakasimangot ka naman.” iiling-iling na sabi ni Red sa kanya

“Its just a picture anyway.” wala sa loob na sagot niya

Inabot nito ang isang kopya sa kanya.  Kinuha namn niya ito at pinagmasdan din ng sariling mga mata ang larawan.

Tama nga ang hula niya nakasimangot siya samantalang nakangiti naman ng matamis si Red. Gusto niyang ngumiti sa larawang nakikita. It was really perfect. “A picture of two people in.....” hindi na niya itinuloy ang naiisip.

“May problema ba Moks?” tanong sa kanya ni Red.

“Ah wala.. wala.. ayos lang ako” matipid niyang sagot dito.

Napasin niyang hawak hawak  pa rin niya ang larawan at pagkatapos ay mabilis niyang inabot dito ang larawan kay Red.

“O Bakit? Hindi mo ba nagustuhan”

“Ahm hindi.. I thought you will keep this” palusot niya sa tanong nito

“Meron naman na akong kopya Moks. Bale sa iyo na yan. Keep that as a souvenir.. Diba sabi ko after this night kung gusto mong umalis hindi na kita guguluhin? Saka.. Im planning to resign on my post sa NASUDI bale siguro yung performance sa Enchanted Ball na lang yung last performance ko.. I want to give you your sanity. Kung nakakagulo lang ako sa iyo.. I think I need to give up.. Kahit na masakit dito” napangiti ng tipid si Red sa kanya.

Gaya ng nauna niyang ginagawa ay hindi siya sumasagot sa mga sinasabi nito. Kinuha niya ulit ang larawan at isinilid ito sa kanyang bulsa.

Siguro naman dahil tapos gabi na ay uuwi na sila. Everything will end there. Kapag lumabas na sila ng Fun House ay tapos na ang deal nila. And he can go back as Jude.

Nakita niyang lumakad na ito na tinatahak ang exit ng peryahan. Sumunod na lamang siya rito.  Nang makalabas na sila ng Fun house ay naulinigan niya ulit ang kotseng ginamit nila kanina. Naalala niyang bago sumakay si Red kanina sa kotse ay binitbit na rin nito ang maleta niya para hindi na raw siya mapagod pang bumalik at tupiin ang mga ito. At dahil tapos na ang lakad nila marapat lang siguro na huwag na siyang sumabay pa rito sa kotse.

Una niyang tinungo ang compartment ng kotse at akmang kukunin na ang kanyang mga gamit.

“Anong ginagawa mo?” tanong sa kanya ni Red.

“Ahm... kukunin na yung gamit ko.. I think it would be proper na wag na akong sumabay sa iyo sa kotse”

“I got until 11:59 para makasama ka..pwede mo pa ba akong mapagbigyan.. please?”

Tiningnan niya ito ng matagal.

Sa huli ay tumango na lamang siya para matapos na. Unang pumasok si Red sa kotse at sumunod naman siya. Nang makapasok ay tiningnan niya orasan na nasa loob. Alas nuwebe na ng gabi. Ilang oras na lang at matatapos na ang kabaliwang to.

Hinawakan ni Red ang manibela at maya-maya pa ay namalayan na lang nila na binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng kalsada papalayo sa perya. Tiningnan niya ito sa salamin at nakita niyang bumalik na naman ang seryosong mukha nito. This time nakakunot ang noo nito na para bang ang daming iniisip. He still look good though. puri niya dito. Ayan na naman siya. Giving a positive note to a guy. Lihim niyang sinaway ang sarili sa pagbugso ng kanyang damdamin.

“Aalis ka na ba talaga?” biglang tanong ni Red sa kanya. Hindi siya nito tinitingnan at nasa manibela at daan ang konsentrasyon nito.

“Pipigilan mo ba ko?” he cant believe he just said that.

“Magpapapigil ka ba?” balik tanong ni Red sa kanya

Hindi siya sumagot.

Namayani ang katahimikan matapos ang walang kwenta nilang usapan kanina. Walang may gustong dumagdag sa usapan nila kanina. Dahil pareho silang natatakot sa susunod na tanong o sagot ng bawat isa. Katahimikan ang pinaka madaling paraan para umiwas sa takot na iyon.

Ilang sandali ay pumara si Red sa KTV bar. Nakita niyang mangilan-ngilan lang ang tao na nasa loob. Nang lingunin niya si Red ay nakatingin rin ito sa direksyon niya.

“Umiinom ka naman diba? Promise ito na yung huling pupuntahan natin”

“You cant drive if you’re drunk” mariin niyang tutol dito

“Who cares anyway?” sarkastikong sagot ni Red sa kanya at lumabas na ito ng kotse.

Iiling-iling na lang siyang sumunod dito at hinabol ang mga hakbang nito papasok. Nang makapasok sila ay sinuyod ng kanyang mga mata ang paligid. Kulay pula ang loob ng KTV bar at gaya ng kanyang natanaw ay mangilan ngilan lang tao na nasa loob. Sa watak watak na mesa ay dalawa o tatlo lamang ang nagiinuman o ang iba kumakanta sa iisang videoke na nasa harapan.

Napansin niyang nakatayo na lamang siyang magisa sa bukana ng videoke house na iyon at nakita niya si Red na nakaupo na sa di kalayuang mesa. Sumunod na lamang siya dito. Nang makaupo ay tumawag ito ng isang waiter na nasa loob.

“Ano po sa inyo?” bungad ng waiter ng makalapit sa kanila.

“Ahm Coke in....” hindi niya natapos ang sasabihin ng sumingit na si Red sa kanya

“Bigyan mo kami ng emeplight saka sisig” mariing utos ni Red sa waiter

“Ok sir” at pagkatapos ay umalis na ang waiter mula sa kanilang mesa.

“Empelight? Wow... kung hindi ka makapagmaneho mamaya bahala ka sa buhay mo” sarkastiko niyang sabi rito ng makaalis ang waiter sa kinauupuan nila

“Lagi naman ako ang bahala sa buhay ko Moks..” sarkastiko ring sagot nito sa kanya

Naputol ang kanilang usapan ng mabilis na dumating ang inorder nilang pagkain at alak. Umuusok pa ang sisig ng ihain ito sa kanila. Iisa lang naman ang tagayan na ibinigay sa kanila ng waiter.

“Shoot!...” masayang wika ni Red ng makita ang inilapag ng waiter.
“May order pa po ba kayo Sir?” tanong ng waiter sa kanya

“Ah sige Ok na to..” sagot naman ni Red sa waiter.

Nakita niyang pinuno nito ang tagayan na nasa harapan niya at nagulat siya ng tuloy-tuloy na nilagok nito ang laman ng tagayan. Pagkatapos ay kinuha ang kutsara at tumikim ng pulutang sisig.

“Your turn!” excited na abot sa kanya ni Red ng tagayan sa kanya.

Kinuha naman niya ito at naglagay na rin siya ng alak dito. Tuloy tuloy rin niya itong ininom na parang tubig.

“Hindi ka man lang sumimangot?” namamanghang tanong ni Red sa kanya

Marahil ang tinutukoy nitong simangot ay kapag nagbabago ang reaksyon ng mukha ng isang tao kapag umiinom ng alak. Red doesnt know every details about him after all. Sa kuwarto niya ay may stock siya ng alak na lagi niyang iniinom pag gabi. Yun lang kasi minsan ang nagpapatulog sa kanya kapag binibisita siya ng kanyang mga panaginip.

“That liquor wont bring me down” kumpiyansa niyang sagot

Kinuha naman ni Red ang tagayan sa kanya at gaya ng kanina ay tumungga rin ito ng alak.

“Natatandaan mo nung high school pa tayo? Ako yun unang nagyaya sa iyo dito sa KTV bar na ito at takot na takot ka noong uminom dahil baka mapagalitan ka ni Tita...” simula ni Red sa kwento niya hindi na nito ibinibigay ang tagayan sa kanya at ito na lamang ang inom ng inom sa harapan niya. Nakatulala naman siyang nakikinig na lamabg dito dahil sa tuwing aagawin niya ang tagayan ay hindi nito ibinibigay sa kanya.

“..Diba ang inorder natin nun... San Mig light lang sabi ko sa iyo.. Hindi ka malalasing nito dahil may salitang light.. Hahaha... Dahil may light... Yung light eh.. yung light... yun  yung hindi nakakalasing...”


Natawa naman siya bigla sa ikinwento nito. Patuloy pa rin siyang nakinig kahit na namumula na si Red sa sunod sunod na tagay nito nito habang nagkikwento

“Tapos umorder muna tayo ng dalawang bote ng san mig light... light... light.. tapos ayaw mo pa kayang uminom nun sabi ko.. naman.. kaya mo yan Moks!! Ililipad ka na lang ni Batman kapag nalasing ka hahaha.... Ito rin yung suot natin Moks alala mo? Pero da best ka talaga Moks!!1 Da best!!!.... kasi tinungga mo yung isang bote as in!! Kung alam mo lang kung anong hitsura mo nun? Para kang si Robin na natatae.. Akala ko nga isusuka mo pero sabi ko.. wag mo isusuka yan... Sayang yung inipon ko para mabilhan ka lang ng isang boteng san mig wahahaha”

Lasing na nga si Red ngunit natatawa na rin siya kung paano nito ikwento ang nangyari noong panahon ng highschool sila.

“At umorder pa ko nun ng dalawa pang bote tinungga natin ng sabay Hahaha.. Tapos ikaw na yung nagsasabi ng... Tama ka Moks... Light lang talaga.. light.... light.. hehehe.. Pulang pula na yung mukha mo nun....” natigil si Red sa pagkikwento ng bigla siyang sumingit

“Tapos biglang ikaw yung sumuka noon tapos nagalit yung manager ata nitong KTV tapos kinalkal yung bag natin ng makita nila yung ID natin at nalamang high school pa lang pala tayo at ang ending sinipa tayo palabas nito” tuloy tuloy niyang dugtong sa kwento nito at hindi niya namalayang tumatawa na rin siya. Natigil ang kanyang pagtawa ng mapansing seryoso lang na nakamasid si Red sa kanya.


“Naaalala mo Moks?” maikling tanong ni Red sa kanya.

“Huh? ah... eh... hindi... hinulaan ko lang.. i mean... wala naisip ko lang baka... kako ganun yung nangyari sa inyo ni Adrian noon... hehe..diba?” para siyang timang na naghahanap ng palusot. Hindi niya namalayang nasasabi niya na pala kung ano ang kanyang naaalala.

Kinuha ni Red ang kanyang kamay at  binitiwan nito ang tagayan na kanina pa nito hawak.

“Moks... magpapigil ka na ...”

Tiningnan niya ang orasan. Malapit ng mag alas dose.. Isa lang ang ibig sabihin nun. Kailangan na niyang bunalik sa normal tulad ni Cinderella. Na lahat ng pantasya kasama ng lalaking kaharap niya ngayon ay kailangan ng maglaho. Dahil mahirap mabuhay sa ilusyon kahit na masakit mabuhay sa katotohanan.

Binawi niya ang kamay dito tanda ng pagtanggi. Nakita niyang yumuko lang ito na para bang sumuko na rin sa pagkumbinsi sa kanya. Nasasaktan siya. Yung ang maliwanag na nararamdaman niya ngayon.

Nabigla siya ng tumayo ito at nagtungo sa isang tao na kasalukuyang kumakanta. Ngunit mas lalo niyang ikinabigla ng agawin nito ang mic sa kumakanta at ito na ang nagsimulang kumanta ng awitin na pumapailanlang sa videoke. Nanigas siya sa kinauupuan sa bilis ng pangyayari. Buti na lamang at hindi naman nagalit ang inagawan nito ng mikropono. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kanya habang kumakanta.

Because you've gone and left me 
Standin' all alone
And I know I've got to face 
Tomorrow on my own
But baby


Before I let you go
I want to say I love you... 
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby... 
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah... 
So before I let you go
I want to say I love you... 

I wish that it could be 
Just like before
I know I could've given you 
So much more
Even though you know
I've given you all my love







I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you 
That I'm always dreamin' of




Because you've gone and left me 
Standin' all alone
And I know I've got to face 
Tomorrow on my own
But baby



Before I let you go
I want to say I love you... 
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby... 
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah... 
So before I let you go
I want to say





Hindi niya namalayang umiyak siya sa pinakaunang pagkakataon. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Kung bakit siya ganun kaapektado. Namalayan niya ang sarili na lumabas ng KTV bar tumakbo palayo. Umaagos pa rin ang luha niya sa kanyang mga mata.


“Moks.. sandali.. please... tumigil ka na man sa pagtakbo palayo sa akin kahit sa huling pagkakataon!..” sigaw sa kanya ni Red ng habulin na rin siya nito.

Para namang may isip ang kanyang mga paa na biglang nagpreno ng marinig ang boses. Hindi siya lumingon. Nakatalikod lang siya dito habang hinahabol ang hininga. Parang agos ng dagat na patuloy na humahampas ang mga luha sa kanyang pisngi.

“Moks ano ba... may nagawa na naman ba ko?” tanong sa kanya ni Red.

Lumingon na rin siya paharap. Nakita niya itong hapong hapo na rin kakahabol marahil sa kanya.

“Bakit ang bait mo sa akin? bakit kailangan mong gawin lahat ng to Red?”

“Dahil ako si Batman at tungkulin niyang iligtas ang kaibigan niya kapag nakikita niyang naghihirap ito”

“Red.. bakit hindi mo ba maintindihan? Bakit hindi mo maintindihan na hindi ako si Adrian? Na hindi na ako yung kaibigan mo noon!!” sigaw niya dito habang patuloy pa rin sa pagiyak.

“Ano nga bang pinagkaiba ni Adrian at Jude?”

“Si Adrian naniniwala pa rin siya sa fairytale.. Si Jude hindi na.. Si Adrian, madali siyang masaktan...Si Jude hinding hindi siya papayag may manakit sa kanya...”

“Alam mo dati i used to say to Adrian na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak... kasi masakit din sakin.. pero ngayon na si Jude umiiyak gusto ko pa siyang paiyakin.. kasi dun ko lang nalalaman yung totoong nararamdaman niya... Moks hirap na hirap na ko.. magpakatotoo ka naman kahit minsan... Kasi ako kahit hindi ko maintidihan ang lahat ng nangyayari sa iyo.. Ang naiintindihan ko lang eh yung parte na mahal na mahal kita Moks... mahal na mahal.. yun lang...”

Nakita niyang namumula na naman ang mukha ni Red halatang pinipigil nitong umiyak.

“Paano mo mamahalin ang isang taong sinukuan na ang lahat pati ang sariling buhay niya?”

“Moks kung pagod ka na... nandito pa naman ako.. nandito pa ko.. pero sana huwag mo naman akong pahirapan kasi alam kong alam mo sa sarili mo na mahal mo rin ako!!”

“Nahihirapan ka na sa lagay na yan? Red hindi lang ikaw yung nahihirapan sa sitwasyon na to.. Kasi natatakot ako na pag minahal rin kita. Parehas tayong magdudusa sa putang inang pagmamahal na yan!!! Kasi pag minahal din kita pabalik.. Hindi mo lang dapat mahalin si Adrian.. Kailangan mo ring mahalin si Jude... Kailangan mo ring mahalin ang isang mamamatay tao..”

Parang nagmanhid lahat ng kalamnan niya sa tuloy tuloy na pagluha at pagbigkas ng kanyang sikreto. Nakita niyang nabigla ito sa huli niyang binitiwan

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Ako.. ako yung pumatay sa kanila.. ako ang may kagagawan ng patayan sa loob ng campus”

“Hindi yan totoo Moks”

“Ito ang totoo Red... Ito na ako.. Ito na ang buhay ko.. ngayon sabihin mo sa akin... mahal mo pa rin ba ako?”

Hindi ito sumagot. Nakita niyang nakatulala si Red sa harapan niya na lumuluha na rin.

“Moks.. bakit?... bakit nagkaganito?”

“Hindi ko rin alam... pero sa tuwing binabawian ko ng buhay ang isang tao matapos nilang magpakasawa sa katawan dun ko lang din nararamdaman na walang kayang manakit sa akin.. Dun ko lang nararamdaman na tao pa rin ako at ito na ang buhay ko”
“Pero hindi makatao ang ginagawa mo”

“Siguro nga... kaya walang kaluluguran ang pagmamahal na iyan... dahil hindi na ako ang minahal mo ilang taon na ang nakakaraan”

“Bakit hindi mo ako pinatay ng may mangyari sa atin?”

“Hindi ko alam.. ayaw kong sagutin yang tanong na iyan”

“Moks... maayos pa natin to..”

“Hindi na Red.. wala ka ng dapat ayusin... dahil sira na ang lahat.. Wag na lang ako ang mahalin mo...Kasi mag kaiba na tayo.. Mas gugustuhin mong magsakripisyo para sa isang tao.. pero mas gugustuhin kong pumatay maramdaman ko lang na buhay pa ko”


Dumaan ang isang taxi sa kalsada at agad niya itong pinara. Nang tingnan niya ang orasan ay alas dose impunto na ng gabi...


Itutuloy...

You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images