Way Back Into Love
Way Back Into Love (Chapter 24-B)
2:47 PM
Chapter 24-B
By Rogue Mercado
Isinilid niya ang
kanyang cellphone sa bulsa. He even switched to flight mode para hindi siya
makatanggap ng anumang tawag o text. That message from Director Lee just ruined
his day. Paano nila kakantahin ang Love Story ni Taylor Swift? At isa pa ay
magiging imposible na magkaroon ng isang pormal na pageensayo sa pagitan nilang
tatlo. He is not good terms with the other lead singers. Naalala niya ring
nangako si Jake na hindi na siya nito guguluhin on their last encounter. Siguro
ay ito rin ang dahilan kung bakit hindi na ito nagpakita sa emegency meeting na
ipinatawag ni Director Lee kanina. Pinandigan marahil nito ang ipinangako sa
kanya.
Lumabas na siya ng
building ng NASUDI at nahagip ng kanyang mata ang poster na nakapaskil sa labas
ng Building. Poster iyon ng naganap na pictorial isang buwan na ang nakakaraan.
Kung hindi siya nagkakamali ay kinuha ang larawan na iyon matapos matanggap si
Red bilang isang NASUDI lead singer. Sa larawan ay makikita sa bandang kanan si
Jake na nakasuot ng puting amerikana. Natawa siya ng bahagya ng makita ang suot
nito. Kung gaano kasi kaputi ang damit nito ay kabaliktaran ang budhi nito. His
eyes switched at the left corner of the poster. Nakita niya ang larawan ni Red.
Taliwas sa nakangiting si Jake ay seryoso naman si Red sa larawan. He is just
wearing a simple blue long sleeves with a cardigan on top. Nang tumingin siya
sa lalaking nasa gitna ay nakita niya ang sarili niyang larawan. As usual he is
wearing a black outfit. He has this gray V-neck shirt and a black vest over it.
Siya na siguro ang may pinakamaraming accessories na suot sa poster
na iyon. He is not that serious on the poster. He was smiling devilishly. Sa
baba ng kanilang mga larawan ay ang mga titulong nakuha nila mula sa mga
estudyante mismo. Jake the singing heartrob, Jude the Prince of Rock and Red
the Balladeer. Sa parehong larawang ding iyon ay may kanya-kanya silang hawak
na mikropono. Ang simbolismo ng kanilang pagiging mang-aawit sa unibersidad. At
sa baba ng poster ay ang mga katagang:
The
Zenith in Music
NASUDI
Are
you one of us?
He silently laughed
at the idea na para silang mga Diyos ng Musika na nagbibigay saya sa mga
NorthEasterns. If they only knew he told himself. Hindi alam
ng unibersidad na iyon ang kwento sa likod ng poster na ngayon ay nakakalat sa
campus. Wala ni isa ang makakaalam sa mga gulo na nangyayari sa sinasabi nilang
mga NASUDI Lead Singers. Kapag nasa taas sila ng entablado ay ang nakikita
lamang ng mga ito ay ang kanilang talento sa musika. But nobody knows the story
at the backstage. How ironic.
Sa ilang minutong
pagninilay-nilay sa larawan ay nagpasya siyang ipagpatuloy ang paghakbang ng
kanyang mga paa. He uttered a wish na sana ay hindi tinotoo ni Red na
hihintayin siya nito sa labas ng building. Bigla niya ulit naalala ang sinabi
ni Sabrina noong nasa loob sila ng CR kanina.
"I did it by
purpose. I broke up with him but he left something in my tummy. Must be a Red
Jr." nakangiting wika ni Sabrina sa harap ng salamin habang hinahaplos ang
tiyan
Hindi niya alam kung
maniniwala siya sa babaeng iyon. But then kung totoo man iyon ay wala
siyang dapat ikagalit o ikasama ng loob. Red, after all is a man. At dapat na
babae ang makaksama nito. Pumikit siya ng mariin at pansamantalang tumigil sa
paglalakad. Hindi niya rin alam kung apektado ba siya o hindi. But whatever he
feels that moment shouldn't be entertained.
Sa isiping ito ay napabuntong
hininga siya.
Kaagad na nakita niya
ang isang kotseng puti sa labas ng building at sa bandang unahan nito ay
nakasandal si Red. Nakita niyang nag-angat ito ng ulo at nagtama ang kanilang
mga mata. Tinitigan siya nito ng ilang sandali at pagkatapos ay pumasok sa loob
ng kotse. Nakita niya ang kotseng iyon sa loob ng bahay nila Red kamakailan
lang. Kung iisipin ay maari nitong gamitin ang sasakyan papasok ng unibersidad
ngunit ito ang unang pagkakataon na nakita niya na ginamit nito ang kotseng
iyon.
"Should I
go?" tanong
niya sa sarili na para bang may isa pa siyang taong tinatanong sa loob ng
kanyang katawan. Nagdadalawa isip siya kung sasakay rin ba siya sa kotse.
Napagpasyahan niyang
tumungo sa loob nito at umupo sa tabi ng driver's seat. Kunsabagay ay sinabi nitong
hihintayin siya nito sa labas. Nang makapasok siya sa loob ay wala pa rin itong
imik at tahimik na pinatakbo ang kotse.
Binabagtas na nila
ang daan pabalik sa bahay nito. Wala pa ring paguusap na nagaganap. Panaka-naka
ay sumisilip siya sa salaming nasa loob ng kotse. Kung minsan ay nahuhuli
niyang nakatitig ito ng mariin sa kanya kung hindi naman ay titigan niya ito at
pagmamasdan kung magbabago ba ang seryoso nitong mukha. Kaya minsan ay siya
naman ang mahuhuli nitong nakatitig. It was an awkward scene. Sanay siya na
siya ag unang kinakausap nito. Mas sanay siya na ito yung unang ngingiti sa
kanya and then suddenly ay nag-aasaran na sila.
"Shit!! What am
I doing?" bigla
niyang tanong sa sarili. Napansin na naman niyang nagpapadala na naman siya sa
mga naoobserba niya rito.
Walang anu-ano ay
bigla nitong naipreno ang kotse. Kung hindi siya naka seat belt ay malamang na
nasubsob na siya sa salaming nasa harapan niya.
"Fuck!!! Kung
magpapakamatay ka huwag mo kong isama sa kalokohan mo" bigla niyang sigaw
ng matigil ang kotse sa gitna ng kalsada.
Matalim niya itong
tiningnan. Nakita niyang nakahwak pa rin ang mga kamay nito sa manibela. Kung
babasagin lang siguro ang mga manibela ng kotse ay kanina pa naging bubug iyon
sa tindi ng pagkakakapit nito. Wari kasing may pinipigil ito o kinikimkim sa
loob na anumang sandali ay nagbabadyang sumabog. Maya-maya pa ay nilingon siya
nito. Naroon pa rin ang seryosong reaksyon nanakita niya simula kaninang umaga
sa NASUDI Bldg. Tinitigan siya nito ng mariin na parang tinatantiya kung ano
ang maari nitong sabihin sa kanya. Ilang sandali pa ay hindi na ito nakatiis sa
pagtititigan nila at kaagad na nagsalita.
"Pwede ba tayo
magusap sa labas?" seryosong wika nito sa kanya at agad na lumabas ng
sasakyan nang hindi na hinihintay ang sagot nito.
Sumunod naman siya
rito at nakita niyang nakaparada ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Sa gilid nito
ay isang luntiang kaparangan na waring nagiimbita ng sariwang hangin. Nahawakan
niya ang dalawang braso sa samyo ng malamig na hangin. Pagkatapos ay hinarap
niya ito at tiningnan itong nakasandal sa paanan ng kotse.
"Alam ko
nahihirapan ka na sa pagtira sa bahay. Ngayon kumbinsido na ko na hindi na nga
ikaw yung nakilala kong Adrian. Kung ibang tao ka na nga, wala na akong
magagawa dun." panimula ni Red sa kanya. Hindi siya nito
tinititigan.
Hindi rin siya makapagsalita.
His usual routine of fighting back on people's words seem to vanish at the
moment. Wala siyang mahagilap ni isang salita para barahin ito. Wala siyang
nagawa kundi ang makinig ng mabuti sa mga susunod pang sasabihin nito.
"Kung gusto mong
umalis sa bahay bukas. You can. Hindi na kita pipilitin na magstay sa bahay
kung araw-araw naman tayong mag-aaway. Hanggat maari ay ayaw kong umabot sa
pagkakataon na magkakasakitan tayo dahil lang sa hindi na natin kilala ang
isa't isa."nakatingin pa rin sa malayo ito na para bang hindi siya kayang
harapin.
May kung anong sakit
ang dala ng mga sinabi nito sa kanya. Ngunit hindi siya nagpahalatang apektado
sa mga sinasabi nito. Nakatingin na rin siya sa malayo na para rin bang ayaw
niyang masilip nito na apektado siya sa bawat salitang ipinupukol nito sa kanya
ngayon. Inayos niya ang pagiisip at kaagad na humanap ng maari niyang sagot sa
mga sinabi nito.
"Make it this
evening. I want to get out of your house this evening." sa wakas ay
nahagilap niya rin ang lakas para sagutin ito. Wala na sigurong saysay na
ipagpabukas pa ang pagalis niya sa bahay nito. Ngunit bago siya umalis ay gusto
rin niyang makapagpaalam ng maayos sa nanay ni Red. Kahit papano ay naging
magiliw ito sa kanya kahit isang araw lang siyang natulog doon. Saka kailangan
niya rin isalansan muli ang kanyang mga damit sa kanyang maleta dahil nakalagay
lahat ng ito sa isang cabinet.
"Look. Dont take
this na pinapalayas kita. Its just that ayaw kitang mahirapan sa.." hindi
nito natapos ang sasabihin ng bigla niyang pinutol ito.
"No. Hindi ako
nahihirapan. I just want to be out of your house, as simple as that"
"Pwede mo naman
ipagpabukas iyan."
"This
evening."
Sa wakas ay humarap
ito sa kanya at muli siya nitong tinitigan. Siguro ay inaarok nito ang kanyang
sagot kung gusto nga ba niyang umalis ngayong gabi. Napabuntong hininga ito
bago nagsalitang muli.
"Ok" wala
saloob na sagot nito sa kanya.
Hindi na siya
nagsalita pa para matapos na ang kanilang paguusap. He never thought that it
would end up that easy. Kanina lang ay pinapakalma niya ang sarili na hindi
siya dapat mag-alala sa nalalabing dalawang araw na pagstay niya sa bahay ng
mga Antonio but here he is at ilang oras na lang at aalis na siya sa bahay na
iyon.
"Pero may
kundisyon ako bago ka umalis" mabilis nitong pagabala sa malalim niyang
pagiisip
Napa kunot ang noo
niya ng marinig ang huling sinabi nito. So this wont be that EASY? wika
niya sa sarili ng marinig sinabi nito.
"Ano iyon?"
balik tanong niya dito. Kung gagawin niya ang kundisyong ito ay magiging madali
na lang ang lahat. Besides, he can do everything. Alam niyang makakaya niya
kung anuman ang ipapagawa nito.
"Gusto kong bago
ka umalis.. Gusto kong makilala si Jude Dela Riva.. at gusto ko rin ipakilala
ang sarili ko sa kanya"
Tinimbang niya ang
mga sinabi nito. Tama ba ang mga naririnig niya? May isang
taong gusto siyang makilala. May isang taong gustong bigyan ng atensyon kung
sino siya. Bigla siyang napipi sa sinabi nito sa kanya.
Sa kawalan ng salita
ay tumango na lang siya bilang pagtugon.
Nang makita siyang
tumango ay inilahad nito isang kamay at saka muling nagsalita.
"Sige... ako nga
pala si Red Antonio.. Pwede mo kong tawaging Red.. pwede ring babe" wika
ni Red sa kanya saka siya kinindatan. Nakita niya uling nakangiti na ulit ito.
Na para bang nawala yung seryosong Red na kausap niya kanina.
Inirapan naman niya ito
bilang pagtugon alumpihit pa rin siya kung tatangapin ang kamay nito. Para lang
silang bagong magkakilalang kliyente na kailangan pa ang pormal na
pagpapakilala.
"Ganyan ka ba
talaga kataray?" natatawang tanong nito sa kanya. Hindi pa rin maalis ang
ngiti nito sa kanya.
"God... anong
ginagawa ng lalaking ito sa akin?" tanong niya sa sarili. Sa huli ay
tinanggap niya na lang ang kamay nito para mawala ang kanyang pagaalangan.
"Jude.. Jude
Dela Riva" pakilala niya rin dito ng abutin niya ang mga kamay nito.
Sa di maipaliwanag na
dahilan ay may naramdaman siya kuryente ng magkahawak ang kani-kanilang palad.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng hawakan niya ang kamay nito. Napansin niya
ring biglang naging seryoso ulit ang mukha ni Red ng hawakan niya ang kamay
nito.
"Ahm... ah... eh
... Jude?" alangang tanong ni Red sa kanya. Magkahawak pa rin ang kamay
nila.
"B..bakit??"
gusto niyang batukan ang sarili kung bakit siya nauutal. Gusto niyang bawiin
ang kamay niya mula rito ngunit hindi niya magawa.
"Pwede ba kitang
tawaging Moks?? Kung OK lang" tanong ni Red sa kanya.
"Yeah.. Ok
lang" sagot niya ng hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa
pagkakahawak sa kamay nito.
"Ah..eh..
Moks?" nakangiti na ulit nitong tawag sa kanya. Yun yung ngiting hindi
niya maiwasang tingnan ng paulit-ulit.
"B..bakit??"
tanong niya ulit dito. Parang puro 'bakit' ata ang script niya ngayon. May kung
anong magneto ang epekto ng pagkakadaupang palad nilang dalawa at ang mga ngiti
ni Red.
"Yung kamay ko
Moks" nakangiting wika ni Red sa kanya.
Nang tingnan niya ang
mga kamay nila ay nakita niyang siya na lang pala ang nakahawak sa kamay nito.
At mahigpit pa ang pagkakahawak niya. Agad naman niyang binawi ang kamay niya
sa sobrang pagkapahiya at tiningan niya kung anong reaksyon nito. Nakita niyang
nakangiti pa rin ito sa kanya.
"Tara na sa
kotse Moks?" tanong nito sa kanya.
Nanatili lang siyang
nakatulala dito dahil sa mga ngiting iyon.
"Pero Ok lang
din kung dito tayo tapos hawakan mo ulit kamay ko" inilahad nito ulit ang
kamay sa kanyang harapan
Kinuha niya ito at
pinilipt bigla. Nakita niya namang nabigla rin si Red sa ginawa niya at
tumiklop ang mukha nito marahil sa sakit ng pagkakapilipit ng kamay nito.
"Aw? Para san
naman yun Moks?" wika ni Red ng bitiwan niya ang kamay nito
"Masyado kang
feeling gwapo" pagtataray niya rito at nauna na siyang pumasok ng kotse.
"Pikon ka pa rin
talaga hanggang ngayon Moks. " natatawang wika nito sa kanya nang
makapasok na sila ng sabay sa kotse.
"Feeling"
naiirita niyang wika rito. Nagsimula ng umandar ang kotse at nakangiti na itong
nagmamaneho. Panaka-naka ay sinusulyapan siya nito at pag mahuhuli nitong
nakatingin rin siya sa salamin ay bigla na lang itong kikindat sa kanya. Panay
naman irap lang ang sagot nia sa mga kindat nito at saka nito susundan ng
mahinang tawa. Wala mang musikang pinapatugtog sa loob ng kotse ay para namang
musikang gusto niyang uli-ulitin pakinggan ang tawa nito.
Nang mapagod siguro
ito kakatawa at kakangiti ay sumipol naman ito ng isang kanta. Hindi pa man
tumatagal ang pagsipol ay alam niya ang pamagat ng kantang iyon. It's Way Back
Into Love.
"What's with the
whistle?" naiirita na naman niyang tanong. Habang sumisipol kasi ito ay
ngumi-mgit rin ito at saka siya susulyapan.
"Im just
happy" makli nitong sagot sa kanya
"Dahil??"
"Kasi may date
ako" ngi-ngiti ngiting sagot sa kanya ni Red.
"Kung ayaw mong
pilipitin ko ulit yang kamay mo. Better keep quiet" inis niyang sagot
"Whoah!! Easy!..
Ganyan ba tlga si Jude? But seriously.. masaya ako dahil may makikilala uli
akong bagong tao saka may ipapakilala rin ako sa iyo" biglang seryosong
tugon nito.
"Sino?"
naiintriga niyang tanong dito. Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito. Hindi
kaya may bago na itong girlfriend na ipapakilala sa kanya?... So what Jude?
Wala ka ng pakialam dun?? Its none of your business! pagtatalo niya sa
kanyang isip.
"Si Adrian..
Adrian Dela Riva" seryoso nitong sagot sa kanya
Para naman siyang pinasakan
sa bibig ng marinig ang pangalang iyon. Kung nagpapatawa ito o hindi ay hindi
niya na alam. Dahil base sa reaksyon nito ay walang bahid ng pagbibiro ang
pagkakasabi nito sa kanya.
"Nasaan ba
siya?" wala sa loob na tanog niya. Hindi niya alam kung nararapat bang
itanong iyon.
"Hindi ko alam..
Pero alam ko babalik siya" nakangiting tugon na naman ito sa kanya
Katahimikan.
Ilang saglit pa ay
wala na naman silang imikang nakarating sa bahay nila Red. Gaya ng una niyang
naabutan ay walang tao sa loob ng bahay ng mga ito. Nandun naman ang kasambahay
nito ngunit may inaasikaso ito sa hardin. Nang makapasok na sila ay agad itong nagsalita.
"Parte ng deal
natin yung susundin mo ang ipapagawa ko sa iyo. Ngayong araw lang" seryoso
pa rin nitong panimula
"What do you
mean?" tanong niya na nakakunot ang noo.
"Alam ko namang
pagkatapos ng gabing to.. aalis ka na so might as well make the most out of
it.. Dont worry pagkatapos nito hindi na rin kita guguluhin." sagot nito
sa kanya
Naramdaman niyang may
bahid ng lungkot ang pagkakasabi nito sa kanya. Ngunit napilitan pa rin siyang
magtanong para maklaro ang lahat.
"At ano naman
iyong mga ipapagawa mo?"
"Sakin na lang
yun" bigla na namang ngumiti ito at kinindatan na naman siya.
Iiling-iling na lang
siyang umakyat ng hagdan para magpalit ng damit. Kung sa kidlat ay kasingbilis
rin nito magpalit ng emosyon si Red. Akala niya kanina ay nagagalit ito ngunit
nandun yung ngingitian lang siya nito at siya naman ngayon yung hindi
makakapagsalita. And he thought he is the one who is the master of his emotion.
Looks like nakahanap siya ng katapat niya.
Nang makapasok siya
ng kuwarto ay naghanap kaagad siya ng sandong itim para pamalit sa kanyang
suot. Maya-maya pa ay napansin niyang nakasunod na si Red sa kanya. Nakita
niyang may dala dala itong tupperware na sa hula niya ay ice cream at ilang mga
junk foods. Pagkatapos ay inilock nito ang pinto at inilagay ang mga dala-dala
sa mesang nasa pagitan ng kanilang mga kama. Nakita naman niyang binuksan nito
ang TV sa loob ng kuwarto, may kung anong kinutingting rin ito sa CD player na
nakapatong sa itaas nito.
"Yan so since
tanghali pa naman at mainit pang gumala.. nood muna tayo ng pelikula.. OK lang
ba sa iyo yun?" tanong ni Red sa kanya. Nakita niyang nagpapalit na rin
ito ng pangitaas. Napako naman ang tingin niya dito ng maghubad ito ng pantalon
at boxers na lang ang matira bilang pangibabang damit.
"Hoy!!!
tinatanong kita Moks? Ano ba kasing tinitingnan mo?" bulyaw uli ni Red sa
kanya
"Ah? Ako? Oo
sige sige... pasyal tayo" natarantang sagot nioya
"Anong pasyal?
Mamaya pa yun.. ang sabi ko.. Ok lang ba sa iyo na manood muna tayo bao lumabas
mamaya?" ulit ni Red sa tanong niya kanina
"Yeah.. Ok..
Ok.." parang natataranta pa rin siya sa pagkakahuli nitong pagtitig niya.
"Pero pwede rin
naman iba ang gawin natin.. iba kasi tinitingnan mo kanina" natatawang
asar ni Red sa kanya
"Subukan mo...
para hindi mo na tuluyang magamit yang kamay mo" pagbabanta niya
"Kunwari
pa" narinig niyang bulong ni Red sa sarili.
"May sinasabi
ka?" pagtataray niya
"Wala po Moks
ko... Init ng ulo eh"
"Ano ba ang
papanoorin natin?" tanong niya rito
"Ahm.. ikaw..
may particular title ka ba sa isip mo?"
"Texas Chainsaw
Massacre? What do you think?"balik tanong niya rito
"Seriously?
hindi pa ba sapat sa iyo yung patayang nababalitaan mo sa school?"
iiling-iling na tanong sa kanya ni Red
Bigla na naman siyang
pinanlamigan ng kalamnan sa narinig kay Red ngunit ihiniga niya na lang ang
sarili sa kanyang kama at hindi nagsalita.
"Oh bat diyan
ka?" nagtatakang tanog sa kanya ni Red.
"Dahil ito ang
kama ko?" pilosopong sagot niya dito
"Haha. Alam ko.
Pero dahil manonood tayo ng sabay. Dito ka dapat sa tabi ko."
"What?
Bakit?"
"Remember the
deal diba? Gagawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo" wika ni Red sa
kanya.
And that smile again.
"Binabalaan kita
Red Antonio. Pag may ginawa kang masama. Talagang babalian kita!" singhal
niya dito at saka tumayo pumunta sa tabi nito. Umupo siya sa pinakagilid ng
kama nito.
"Oh ano yan?
Nakatabi ka nga sa akin.. Ang layo mo naman"
Napilitan siyang
humiga na lamang sa tabi nito. Nakatuwid ang katawan niya na parang naninigas
sa sobrang kaba. Nakapatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang humiga na rin si Red sa tabi niya. Pagkatapos
ay naramdaman niyang iniangat nito ang kanyang ulo.
"Anong ginagawa
mo?"
"Relax Moks..
Gusto ko lang ihiga ka dito sa braso ko"
"huh? Kailangan
ba iyon?"
"We have a deal
right?"
Umikot na lang mata
niya pagkarinig sa huling sinabi nito at walang nagawa kundi humiga sa braso
nito. Bahagya siyang nagulat ng kabigin nito ang katawan niya para mas
mapalapit sa katawan nito. Agad niyang naamoy ang pinaghalong cologne at
lalaking lalaking amoy nito. Ngayong magkalapit ang katawan nila ay lalong
bumibilis ang tibok ng puso niya.
Pinindot nito ang
remote na hawak at maya-maya ay nagplay na ang pelikula.
Kulang na lang ay
pumutok ang ulo niya sa sobrang inis ng makita ang nagpi-play sa TV screen. It
was Disney's Little Mermaid.
"What the hell
is that?" bigla siyang bumangon sa pagkakahiga sa braso nito at tiningnan
niya ito ng masama.
"Little Mermaid
hehehe" natatawang sagot ni Red sa kanya.
"Is this part of
the deal?" naiiritang tanong pa rin niya.
Nakangit lang itong
tumango at walang imik na pinahiga ulit siya sa braso nito. Nabigla naman siya
ng yakapin siya nito at pumikit na lamang na parang ready ng matulog.
"Akala ko ba
manonood tayo?" naiiritang tanong niya.
"Eh ang sarap
mong yakapin eh.. Mas kuntento ako sa ganito"wika nito sa kanya.
"Pwede palitan
yung movie?" nagaalangan tanong niya rito. Hindi pa rin siya kumportable
na nakayakap ito sa kanya. Habang ang isang hita naman nito ay nakapatong rin
sa kanya. He can feel something from Red's.
"Ayaw... Manoond
ka lang diyan.. Yakapin lang kita muna"
Naiinis na siniko
niya ito. Kung bakit pa kasi ay kailangan niyang pagtiyagaan ang pelikulang
ito.
"Aw!.. Ano naman
ginawa ko Moks?" tanong nito sa kanya. Gayunpaman ay hindi pa rin naalis
ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Bakit ba kasi
Little Mermaid!!!" naiinis niyang bulyaw dito. He is so helpless that all
he can do is complain.
Natawa naman ito sa
inasal niya ngunit nang tingnan niya ito ay nakapikit lamang ito habang
nakayakap sa kanya.
"Paborito kasi
yan ni Adrian noon.. Noong mga bata pa kami gasgas na yata ang CD kakaulit-ulit
niya." maikling sagot nito sa kanya.
Hindi na lang siya
umimik sa sinabi nito. Mataman na lang siyang nakatutok sa pinapanood.
Bigla siyang nakaisip
ng ideya. Nahagip ng mata niya ang remote at siguro naman ay pwede niyang
patayin ang TV kapag naramdamn niya makatulog ito. Pinagmasdan niya muna ito ng
mabuti at ng makitang pikit na pikit ito ay dahan dahan niyang kinuha ang
remote na hawak nito. Isang daliri na lang sana ang tatangalin niya ng biglang
humigpit ang hawak nito sa remote atmas lalo yata siyang nilingkis nito.
Napabuntong hininga na lamang siya sa pagkadismaya.
"Subukan mong
patayin yan at porn ang isasaksak ko diyan."
Siniko na naman niya
ito bigla sa binitiwan nitong biro.
"Ang sakit mo
talagang magmahal kahit kailan!" biro nito ulit sa kanya at parang hindi
ininda ang pagkakasiko niya. Nanatili pa rin itong nakayakap ng mahigpit.
Hindi na lang niya
ulit ito pinatulan at nagka concentrate na lang sa pinapanood. Nasa eksena na
siyang kinakausap ni Ariel si Ursula na bigyan siya ng mga paa.
"Ariel,
a sixteen-year-old mermaid princess, is dissatisfied with life under
the sea and curious about the human world. With her best fish
friend Flounder, Ariel collects human artifacts and goes to the surface of
the ocean to visit Scuttle the seagull, who offers very inaccurate
knowledge of human culture. She ignores the warnings of her father King Triton and his
adviser Sebastian that contact between merpeople and humans is
forbidden, longing to join the human world and become a human herself.
One
night, Ariel, Flounder and an unwilling Sebastian travel to the ocean surface
to watch a celebration for the birthday of Prince Eric on a ship,
with whom Ariel falls in love. In the ensuing storm the ship is destroyed and
Ariel saves the unconscious Eric from drowning. Ariel sings to him, but quickly
leaves as soon as he regains consciousness to avoid being discovered.
Fascinated by the memory of her voice, Eric vows to find who saved and sung to
him, and Ariel vows to find a way to join him and his world. Noticing a change
in Ariel's behavior, Triton questions Sebastian about her behavior and learns
of her love for Eric. In frustration, Triton confronts Ariel in her grotto,
where she and Flounder store human artifacts, and destroys most of the objects
with his trident. After Triton leaves, a pair of eels, Flotsam and Jetsam,
convince Ariel to visit Ursula the sea witch in order to be with
Eric. Ursula makes a deal with Ariel to transform her into a human for
three days in exchange for Ariel's voice, which Ursula puts in a nautilus
shell. Within these three days, Ariel must receive the "kiss of true
love" from Eric; otherwise, she will transform back into a mermaid and
belong to Ursula. Ariel is then given human legs and taken to the surface by
Flounder and Sebastian. Eric finds Ariel on the beach and takes her to his
castle, unaware that she is the one who had saved him earlier, assuming her to
be a mute shipwreck survivor. "
Hindi man
tinitingnan ni Red ang pelikula ay alam na alam na niya ang kuwento nito. Noong
mga bata pa talaga sila ni Adrian ay paulit-ulit nitong pinapanood ang mga
Disney Series at ang Little Mermaid ang isa sa mga paborito nitong ulit-ulitin.
Magiisang oras na rin siyang nakayakap kay Jude and somehow he felt satisfied
na yakap niya ito. A satisfaction he never felt when he hugged his previous
flames. Naulinigan niya ang sumunod na eksena sa pelikula ngunit pumikit lang
siya habang yakap pa rin si Jude.
"Ariel
spends time with Eric, and at the end of the second day, they almost kiss but
are thwarted by Flotsam and Jetsam. Angered at their narrow escape, Ursula
disguises herself as a beautiful young woman named Vanessa and appears onshore
singing with Ariel's voice. Eric recognizes the song and, in her disguise,
Ursula casts a hypnotic enchantment on Eric to make him forget about Ariel.
The
next day, Ariel finds out that Eric will be married to the disguised Ursula.
Scuttle discovers that Vanessa is Ursula in disguise, and informs Ariel who
immediately goes after the wedding barge. Sebastian informs Triton, and Scuttle
disrupts the wedding with the help of various animals. In the chaos, the
nautilus shell around Ursula's neck is broken, restoring Ariel's voice and
breaking Ursula's enchantment over Eric. Realizing that Ariel is the girl who
saved his life, Eric rushes to kiss her, but the sun sets and Ariel transforms
back into a mermaid. Ursula reveals herself and kidnaps Ariel. Triton confronts
Ursula and demands Ariel's release, but the deal is inviolable. At Ursula's
urging, the king agrees to take Ariel's place as Ursula's prisoner. Ariel is
released as Triton transforms into a polyp and loses his authority over
Atlantica. Ursula declares herself the new ruler and a struggle ensues in which
Ursula accidentally kills Flotsam and Jetsam. In her rage, Ursula uses the
trident to grow to monstrous proportions."
Malapit
na niyang matapos ang pelikula ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay
naging kumportable ang kanyang katawan habang yakap siya ni Red. He felt so
secured na parang gusto niyang huwag na sanag matapos ang pelikula dahil ibig
sabihin rin nito ay matatapos na ang pagyakap nito sa kanya. In the long run,
natagpuan niya ang sariling tutok na tutok sa sa pelikulang pinapanood.
"Ariel
and Eric reunite on the surface just before Ursula grows past and towers the
two. She then gains full control of the entire ocean, creating a storm with
a maelstrom and shipwrecks, one of which Eric commandeers. As Ursula
attempts to destroy a trapped Ariel in the maelstrom, Eric runs Ursula through
the abdomen with the ship's splintered bowsprit, killing her. Ursula's
power breaks, causing Triton and all the other polyps in Ursula's garden to
revert back into their original forms. Realizing that Ariel truly loves Eric,
Triton willingly changes her from a mermaid into a human. Ariel and Eric marry
on a ship and depart."
Sa
wakas ay natapos din ang pelikula. Kung ano ang posisyon nila kaninang simula
ng pelikula ay iyon pa rin nang mag-roll ang credits. Pinagmasdan niya ito
habang nakapikit npa rin na yakap siya. Bigla na namang niyang naalala ang
lalaking nakasuot ng salamin na kasama si Red. Para siyang nagbalik sa eksena
noong high school pa lamang ang mga ito.
Hindi
niya nakontrol ang sarili na harapin ito at yumakap na rin siya. Now, he can
feel the warmth of his body. Bumalik uli ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
It feels like he doesnt want to end the hug. Pumikit na rin siya ng mariin. Jude,
What's happening to you? tanong niya bigla sa sarili. Nakakatawang
isipin na may mga bagay siyang nagagawa without consulting his
logic.
Maya-maya
pa ay naramdaman niyang may mga labi na dumampi sa labi niya. Gumanti siya
rito.
Naputol
ang halik na iyon nang ang labing dumampi sa kanya kanina ang kusang bumitaw.
Nagmulat siya ng mata at nakita niyang mataman siyang pinagmamasdan ni Red.
Seryoso lang ang mukha nito. Ilang segundo lang ang kinailangan niya at nabawi
na niya ulit ang sarili mula sa naganap na halik at agad siyang tumayo.
"Ah...Ahm...
tapos na yung movie..." natatarantang wika niya rito
"Ganun
ba?" kumpirma ni Red sa kanya. Bakas rin sa mga mukha nito na wala rin
itong maapuhap na salita matapos ang naganap na halik.
"Oo..oo..
Yun na ba yun?" tanong niya
Kung iyon
lang ipagagawa nito sa kanya ay madali lang palang matatapos ang deal nila.
Kung sakali ay pwede na siyang magpahinga at matapos na ang kahibangang
ginagawa niya.
"Anong
yun na yun.. Magbihis ka na.. Aalis tayo." wika ni Red sa kanya at nakita
niyang isinuot muli nito ang pantalon na suot kanina.
Hindi na
siya kumontra pa. Isusuot na sana niya ulit ang itim na T-shirt niya kanina
nang biglang sumabat ito.
"Oh
teka! Wag iyan ang isuot mo!" agaw atensyon ni Red sa kanya
"Huh?
Bakit?" nagtatakang tanong niya
Inihagis
nito sa kanya ang isang puting T-shirt, parang naluma na ito ng panahon. Nang
tingnan niya ang T-shirt ay may larawan ito ng isang cartoon. Si Robin. Mabilis
naman niyang tinitigan suot na T-shirt ni Red, si Batman naman ang
naka-imprenta dito.
"What's
with this shirt?" tanong niya
"Ahm..
pinagawa namin yan ni Adrian nung high school kami.."
Wala na
siyang nagawa kundi isuot ito. Kapag binabanggit nito ang pangalang 'Adrian' ay
hindi niya mahagilap ang dapat niyang sabihin. Nang maisuot niya ito ay wala sa
loob siyang nagtanong.
"Hindi
naman siguro to couple shirts diba" mabilis niyang tanong.
Parang
gusto niyang sampalin ang sarili sa nasabi niya rito. Ngunit huli na ang lahat
para bawiin ang tanong na iyon.
Natawa
naman ito sa tanong niya. "Hindi naman pero kung gusto mo Ok lang
din.." sagot ni Red sa kanya sabay kindat.
Inirapan
niya na lang ito. Wala na siyang maisip na sasabihin sa tuwing nakikita niya
ang ngiting iyon. Para siyang nahihipnotismo sa tuwing ngingiti ito ng ganun.
"Naalala
ko lang kasi yung sinabi ni Adrian nung naglalaro kami nung mga bata pa kami..
Ako si Batman tapos siya naman daw si Robin." pagbabalik tanaw nito.
Hindi
siya makatingin ng diretso dahil habang nagbabalik tanaw ito ay nakatitig lang
ito ng mariin sa kanya. Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Moks.."
mahinang tawag nito sa kanya.
"Ops?"
nawawala sa sariling tugon niya.
"Sa
tingin mo? Ok lang na mahalin ni Batman si Robin.. yung higit pa sa
kaibigan" seryoso nitong tanong sa kanya habang tinititigan siya ng mata
sa mata.
Sandali
siyang nagisip saka sinagot ang tanong nito.
"Sa
tingin ko Ok lang... pero pag natapos ang kwento... si Batman para pa rin kay
Catwoman.. Maiiwan lang din si Robin lalo na pag alam niyang buntis si
Catwoman" seryoso niyang sagot at nagpatiuna na siyang lumabas ng kuwarto.
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D