Way Back Into Love
Way Back Into Love (Chapter 23)
2:44 PM
Chapter 23
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
"Bayad" malamig niyang tugon sa driver ng ibaba siya sa harapan ng isang maliit na restaurant.
Kinuha nito ang ilang barya sa kanyang mga kamay at mabilis na pinatakbo ang tricycle matapos makuha ang kanyang bayad. Maybe he's scared natatawa niyang wika sa sarili. The driver cant be blamed. He grabbed a gray sando and ripped jeans. Nagtsinelas lang siya ng kulay itim. But the accessories are still there. Kulang na lang ay may bitbit siyang bote ng red horse at papasa na siyang tomador na bangag. Tiningnan niya ang kabuuan ng restaurant na binabaan niya.
Nagsimula na naman ang pagbabalik ng kanyang ala-ala.
May nakita na naman siyang isang lalaki na naka-eye glasses. Pumasok ito sa loob kasama si Red ngunit nakasimangot ito. Samantalang hawak ni Jake ang kamay ng lalaking naka salamin. Masayang-masaya sila. Maya-maya ay nagiba ang kulay ng restaurant. Naging kulay pink ito at pagkatapos ay lumabas si Jake.. may naghihintay ditong kotse. Nakita niyang lumabas din ang lalaking naka-salamin, umiiyak ito. He can feel his pain. No its not pain. Its the combination of sorrow, agony and hopelessness. Parang nasira ang buhay nito in an instant na umalis si Jake. He wish he was there and do something to convince this guy wearing eyeglasses that he is crying over a dumb ass. Nakita niyang bumalik ang lalaking naka-salamin sa loob. Hindi nga ito makalakad ng maayos. Umaagos pa rin ang luha at pagkatapos ay nakita niyang pinaputok nito ang mga pink na balloon na nasa harapan ng restaurant. Umiiyak pa rin ang lalaki at pagkatapos ay bigla itong kinain ng restaurant.
"Kuya!!!!"
Isang boses ang pumukaw sa kanyang atensyon. Boses ng isang bata. Bumaba ang kanyang mga paningin sa kanyang paanan at nakita niya ang isang batang lalaki. Nginitian siya nito. And there's something familiar in his smile. Yung ngiting inosente. Yung ngiting hindi pa nasasaktan. Yung ngiting nagsasabing may pag-asa pang mabuhay. Naka-uniporme ito na pang-elementarya. Dumako siya sa mga mata nito. The child is wearing an eyeglass... Buggy eyeglasses to be exact. That trademark reminded him again of the guy he always see crying.
"Yes?" matapang niya pa ring tanong sa bata. Sa huli ay gusto niyang pagalitan ang sarili. He was used to scaring adults not innocent children.
"Kanina ka pa kasi tulala kuya.. Nakatira po ba kayo ng drugs?" inosenteng tanong nito sa kanya.
"Hahaha" bigla siyang napatawa. Kanina ay sinasabi niyang inosente ang mga bata ngunit ngayon hindi niya na alam kung dapat pa ba siyang maniwala sa ganung ideolohiya.
"Nakatira po talaga kayo no?" inosente pa rin nitong paniniguro.
Pinili niyang umupo upang mas matingnan ang ang bata sa malapitan. Makapal ang grado ng salamin na suot nito. On a second thought, naisip niyang nakaranas na rin siguro ito ng sakit. Napakabata pa nito para magsuot ng ganung kakapal na salamin para lang bigyang saysay ang mga mata nitong nawawalan na rin ng pag-asang makakita.
"Ano bang pangalan mo bata?" tanong niya rito, hindi na lang niya pinansin ang huling tanong nito
"AJ po" masayang sagot nito.
"AJ? Anong ibig sabihin naman ng AJ?" naiintriga niyang tanong
"Adrian Jasper po" nakangiti pa ring sagot nito
Somehow ay para siyang nahintatakutan ng banggitin nito ang pangalang "Adrian". Naikuyom niya ang palad ng marinig ang pangalang ito. Ngunit mabuti na lang at nabawi niya ang pagbugso ng kanyang emosyon.
"Ikaw po kuya na maitim ang mata... ano po pangalan niyo?" tanong rin ng bata sa kanya
"Jude... my name is Jude" tipid niyang sagot dito. Pinilit niyang huwag ma-amuse sa bata kahit na gusto niyang matawa nang tinawag siya nito na maitim ang mata.
"Ok.. Kuya Jude... gusto mo libre kita ng pagkain diyan sa restaurant na iyan? Kanina ka pa kasi nakatulala diyan sa tabi eh.. tapos tinitingnan mo yung restaurant na iyan"
"Libre? Paano mo ililibre si Kuya Jude mo eh baka ubos na baon mo...." malambing niyang tugon dito. Isa ito sa mga pagkakataon na hindi niya mapigilang maglambing, na parang may boses sa ulo niya na nagsasabing kailangan niyang pakitunguhan ng maganda ang taong kaharap niya.
"Eh may naipon naman po ako sa one week na baon ko. Libre po kita ng isang order ng pansit.. Magpansit po tayo jan sa loob. Dapat po kumain kayo huwag iyong nag ma-marijuana. Bad po yun sabi ni teacher"
Parang kinurot ang kanyang puso sa sinabi nito.
"Sige ililibre mo ko pero next time na lang ah. Kasi may pupuntahan pa si Kuya Jude. At ikaw? uwian na diba? Dapat umuwi ka na sa bahay niyo at baka hinahahanap ka na dun"
"Ok sige po kuya.. Babye po.. Huwag na po kayong titira ng marijuana ulit ah?" paalala nito sa kanya
"Sandali"pigil niya dito ng makita ang librong hawak nito.
"Bakit po Kuya Jude? Gusto niyo na po ulit ng pansit?"
"Ano iyang libro mo?" wika niya sabay turo sa librong hawak nito
"Ito po ba? Ah favorite ko po to.. Crush ko po kasi yung babae na nasa kuwento."
"Ano bang pamagat niyan?"
"Snow White and the Seven Dwarfs po"
"So mahilig ka sa fairy tales?"
"Opo Kuya"
"At naniniwala ka sa fairy tales?"
"Opo kuya"
"Bakit?" pilit niya pa rin pinapasigla ang boses niya kahit nagtatagis ang bagang niya habang tinatanong ang bata.
"Kasi po masaya kahit hindi totoo."
"Alam mong hindi totoo pero masaya ka?"
"Opo kuya kasi diba... minsan.. mas maganda yung hindi totoo kasi kahit papano napapasaya ka kaysa sa totoo na walang ginawa kundi saktan ka"
"Uwi ka na AJ ah? Yan kasi kung ano-anong tinuturo sa inyo sa school" wika niya pagkatapos marinig ang sinabi nito.
"Ayaw mo pa rin po ng pansit Kuya?"
"Next time"
"Sige po.. babye po Kuya Jude" paalam nito sa kanya saka kumaripas ng takbo.
Naiwan na naman siyang nakatulala sa kawalan. Did he just spoke to a kid? or did he spoke to himself many years ago? Hindi niya alam.
Tiningnan niyang muli ang restaurant. Nandoon pa rin ang pangalan nitong Glifonea's. For a moment ay tinitigan niya ang bukana ng lugar. Nakita niyang naroon pa rin ang mga pink na balloons. Akala niya ay isa na naman ito sa mga ala-ala niya na basta na lang bumabalik. Sinimulan niya ng humakbang palapit dito.
Nakapasok na siya sa restaurant. Ngunit walang ilaw.
"May tao ba dito?"
Walang sumagot.
Waste of time bulong niya sa sarili. Sarado na yata ang restaurant at wala siyang naaninag ni isang anino ng taong naroon. And most of all, hindi na dapat siya naniwala sa walang kwentang Jake na iyon.
Tumalikod na siya para ihanda ang sarili na humakbang palayo. Ngunit natigilan siya ng biglang lumiwanag ang paligid. Pumihit siya para tingnan ang kabuuan ng buong restaurant.
Nababalutan ito ng kualy pink na mga balloon, naka korte na parang puso. Sa harap ay may isang mesa na nababalutan ng kulay pink na tela. At sa pinakaunahan ay nakaupo ang isang lalaki at may hawak itong gitara. Pink rin ang suot nitong T-shirt.
Si Jake.
Maya-maya pa ay gumalaw ang isang kamay nito at tinugtog ang gitarang nakasampa sa hita nito. Sa harapan naman nito ay nakapuwesto ang mic stand at nagsimula itong kumanta.
"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on"
"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo hooow"
"I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"
"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions"
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end"
"There are moments when I don't know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need inspiration Not just another negotiation"
"All I wanna do is find a way back into love, I can't make it through without a way back into love, And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the end"
Maya-maya pa ay ibinaba nito ang gitara at kinuha ang bulaklak na nasa mesa. Isa itong pulang rosas.
"I hope its OK to call you 'hon' for the last time" wika nito sabay abot sa isang tangkay ng bulaklak.
Wala pa rin siyang kaemo-emosyon ng pilitin niyang kinuha ito at tinitigan ito ng mata sa mata. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Napansin niya rin na medyo lumalim ang mga mata nito na siguro ay dulot ng hindi maayos na pagtulog. Sa isang iglap ay sumumpong na naman ang mga ala-alang pilit na sumisiksik sa kanyang isipan.
"Hon nagustuhan mo ba?"
"Happy Anniver..." hindi na naituloy ni Adrian ang sasabihin niya ng pigilan ni Jake ang mga braso niya para yakapin ito.
"This is the worst thing you've done"
"Hon may mali ba? Hindi mo nagustuhan tong hinanda ko para sa iyo. Hon OK lang, kung di mo gusto dito Hon.. Kahit sa ibang lugar na lang tayo magcelebrate"
"Dont bother Adrian"
"Adrian? Hon, hindi ko maiintindihan bakit ka ba nagkakaganyan?" pumiyok na ang boses niya tanda ng nagbabantang mga luha.
"That would be the last time that you will call me that name. Hon? Pathetic"
"Hon sorry na please wag ka ng magalit..."
"You made me sick" pagkasabi ni Jake nito ay tumalikod siya para humakbang papalayo. Tumakbo naman siya sa harapan nito para pigilan ito.
"Sandali.. Hon.. may nagawa ba akong mali.. May hindi ka ba nagustuhan ? Ano? Sabihin mo na.. Parang awa mo na"
"Hindi mo naiintindihan" malamig nitong tugon sa kanya
"Dahil ayaw mong sabihin!!!! Hon, hirap na hirap na ko ... hindi mo sinasagot tawag ko... Miss na miss na kita ... ngayong nagkita na ulit tayo bakit biglang bigla parang ayaw mo na kong makita" umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon.
"Gusto mong maintindihan? Huh?" biglang sigaw ni Jake sa kanya at kwinelyuhan siya.nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
Hindi siya nakapagsalita. Sa buong buhay niya ay noon niya lang nakitang galit na galit si Jake.
"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."
"Dahil ano Jake? Dahil ano!!!" sumigaw na rin siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.
Nabigla siya ng itulak niya ito at mapaupo siya sa lapag. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Ngiti ng isang taong nagtagumpay na isakatupara ang pinaplano niya.
"Dahil BAKLA ka lang"
"Hon nagustuhan mo ba?" mahinang pag pukaw nito sa kanyang atensyon. Waring nabingi rin ito sa katahimikan sa kanilang pagitan
"Oo naman" malamig niyang tugon.
Kahit nagpakita siya ng kawalan ng interes sa kanyang sagot ay nakita niyang bahagya itong sumigla. Parang nabuhayan ito ng loob ng sabihin niya ang salitang 'Oo'.
"Talaga hon? Salamat naman at..." hindi na nito naituloy ang sasabihin ng sumingit siya.
"Sa sobrang pagkagusto ko sa ginawa mo, gusto ko rin gawin to" pagkasabi niyon ay pinagpupunit niya at pinagpuputol ang bulaklak na ibinigay nito.
Tiningnan lang siya nito habang ginula-gulanit niya ang rosas na binigay nito. Nakita niyang napagmasdan ang lungkot sa mga mata nito.
"Hon hindi mo ba natatandaan..." hindi ulit nito naituloy ang sasabihin ng muli siyang magsalita.
"Kung meron mang bagay na hinding hindi ko gagawin ay iyon ang salitang "tandaan" "
"Mapapatawad mo pa ba ko?"
"Hahahaha" humalakhak siya ng malutong sa huling sinabi nito
"Hindi kita maintindihan hon"
"Akala ko ba ako iyong bobo at ikaw yung matalino? Asan na yung talinong pinagmamalaki mo?"
"Hindi ko talaga maintindihan hon"
"Sige ipapaliwanag ko sa iyo para maintindihan ng mahina mong kokote... All of this happening? Its what you called a Hindu thing. Its Karma."
"Adrian kahit hindi na natin maibalik sa dati ang lahat gusto ko lang mapatawad mo ko.. Nahihirapan na ako...Gusto ko lang..."
"That's exactly what I want... yung maghirap ka"
Nakita niyang lumuhod muli ito at hinawakan ang mga paa niya. It was so unusual seeing a muscled guy cry on his foot.
"Please..... Adrian.. Sabihin mo kung anong gagawin ko para mapatawad mo ko"
"Mamatay ka... that would be the best" wika niya sabay ngiti ng matamis dito.
Ilang segundo pa ay nakapunta na siya palabas ng restaurant at nakasakay ng isang tricycle. Biglang tumunog ang cellphone niya at ng basahin niya ang mensahe ay galing kay Director Lee.
Emergency Meeting tomorrow, NASUDI Bldg. 3pm. -Director Lee
Ilang metro lang ang layo ng restaurant sa bahay nila Red ngunit napagdesisyunan niyang tumambay muna sa isang tahimik na lugar at uminom ng kaunti beer at saka siya umuwi ng bahay nito. Ngunit ang sandali niya atang pamamalagi kanina ay medyo natagal dahil nagsisimula ng lumukob ang dilim sa kalawakan ng makarating siya sa bahay ng mga Antonio.
Binuksan niya ang gate at tuloy-tuloy na humakbang papasok. Bago siya lumabas kanina ay naipalam niya sa kasambahay ng mga ito na makikipagkita siya kay Jake. Alam niya sa sarili niya na sinadya niya na sabihin sa kasambahay na makikipagkita saiya rito. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang ipagdiinan ang panaglanag Jake. Gusto niya bang pagselosin si Red? He shook his head at nagtuloy-tuloy papasok ng bahay.
"Saan ka galing?" matigas na baling sa kanya ng isang boses.
Lumingon siya sa hardin at sa di kalayuan ay nakita niyang nakaupo ito roon. Nagkalat ang mga bote ng beer sa mesang kaharap nito pati na rin sa damuhan. Mukhang naparami ang nainom nito.
"Diba alam mo na? Pinaalam ko na kay Manang"
"Bakit ka nakipagkita sa kanya?" wika ni Red sabay dabog sa mesa.
Alam niyang ang tinutukoy nito ay si Jake. Ngunit hindi niya alam kung bakit ganun na lang ito kagalit at nakipag kita siya kay Jake when in fact he said earlier na wala siyang pakialam kung saan siya pupunta.
"Wala ka ng pakialam dun" singhal niya dito at nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay. Tinungo niya ng mabilisan ang kuwarto apara makapag pahinga. Ngunit nagkamali yata siya ng desisyon dahil maya-maya pa ay nakasunod na ito sa kanya. Nakita niyang ini-lock nito ang pinto.
"Kinakausap kita wag mo kong talikuran"
"Ayokong makipagusap sa lasing"
"Hindi ako lasing... alam ko pa ang ginagawa ko at alam ko ang sinasabi ko.."
"Ngayon tatanungin uli kita bakit ka nakipagkita sa kanya?" seryosong wika nito. Nakatayo ito sa paanan ng kanyang kama habang siya naman ay nakaupo sa kanyang tulugan.
"Bakit ba kailangan mong malaman bawat galaw ko dito. Pinapakialaman ba kita kung makikipagkita ka sa girlfriend mo??" singhal niya dito
"Hindi ko na siya girlfriend. She broke up with me" malamig nitong tugon sa kanya
"So kaya ka naglalasing? At pagkatapos ay ibabaling mo sa akin ang pagkasawi mo sa pagibig. Ginusto mo yan, tiisin mo!!" wika niya rito
"Hindi iyon ang dahilan Moks.. ang dahilan eh ikaw.. Ikaw Moks.. TangIna!!!" sigaw nito sa kanya sabay talikod at suntok sa pinakamalapit na pader.
Nakita niyang dumugo ng bahagya ang kamay nito matapos ang malakas na suntok nito. Siya man ay nabigla rin sa ginawa nito
"Moks... hindi mo alam kung gaano ko hinangad na sana ako naman ang makita mo.. hindi mo alam kung gaano kasakit na marinig mula sa labi mo ang pangalan ng Jake na yan habang pinagmamasdan kitang matulog. Moks ang tagal.,... ang tagal kong hiniling na sana ako naman ang makita ng mga matang yan.. Kasi ako.. buong buhay ko ...ikaw lang ang nakikita ko.. Tang Ina"
Sinuntok muli nito ang pader.
"Hindi mo ko kilala at hindi mo alam ang mga sinasabi mo" malamig niya pa rin tugon dito.
"Sino ka nga ba?"
"Jude... Jude Dela Riva" maikli niyang sagot
"Ikaw pa rin ba ang bestfriend ko"
"Wala akong kaibigan. Darkness is the only friend that I got. Nothing more.. nothing less"
"Moks..." mahinang tawag nito sa kanya.
Humiga siya at tumagilid para huwag na niyang makita ang mukha nito. Sa huling pagkakataon ay nagsalita siya... ng bukal sa puso niya.
"Tama na iyan.. Masyado ka ng maraming nainom"
"I like it when you said that... its like you still care.. even if you dont anymore" wika nito saka sinundan ng maikling tawa
"Matulog ka na"
"Siguro nga Moks.. Kailangan ko ring matutong matulog.... Kailangan ko rin matutong mapagod.."
At ilang saglit pa ay kumalabog uli ang pinto at pagkatapos ay narinig niya ang mga hakbang nito palayo.
Itutuloy...
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D