Way Back Into Love
Way Back Into Love (Chapter 22)
2:42 PM
Chapter 22
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
"Bakit may panyo ka ni Lloyd?" nagtatakang tanong nito sa kanya
"I dont know... maybe someone just slide it on my bag. Sometimes you need to get use of people just giving you random things. That's the price you get when you are famous like me" pagmamayabang niyang sagot sa tanong ni Red.
Nagkibit balikat lang ito at ipinagpatuloy ang pagsalansan ng kanyang mga damit at pagayos nito sa closet na katabi ng kanyang kama. Nang matapos ito ay isinara nito ang pinto.
"Bakit mo isinara yan?" tanong niya dito
"Dahil maghuhubad ako" wika nito at tuloy-tuloy na hinubad ang pantalon sa harap niya.
Isinunod naman nito ulit ang T-shirt at naiwan ang brief na kulay puti. Hindi na naman siya makatingin ng diretso dito.
"What exactly are you doing?" naiinis na tanong niya dito.
"Naghuhubad nga. Kailangan talaga ulitin"
"At bakit mo isinara ang pinto" naiinis pa rin niyang tanong.
"Eh baka may makakita eh. Saka sabi ko nga diba, nirereserve ko lang sa Moks ko tong view na to" sabay turo sa underwear niya.
"Isa pang pambabastos mo talaga pipisakalin na kita" pagbabanta niya
"Kung kaya mo" makahulugang hamon nito sa kanya
Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon. At ng magkatapat na sila at kaunting distansiya na lang ang pagitan ng kanilang katawan ay tinititigan lang siya nito.
"Moks yakapin mo ko" inosente niyang wika rito.
Tila naman nabigla si Red sa sinabi niya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkabigla nang ang kanyang palaban na boses ay naging mahinahon.. naging malambing.. Ngunit alam niyang mas nabigla ito sa pagbanggit niya at pagtawag dito ng "Moks".
Tumalima naman ito at niyakap siya ng mariin. Gumanti siya ng yakap. At matapos ang ilang segundong pagdikit ng kanilang katawan ay inihanda niya ang lakas para gamitin ang tuhod laban sa nakatago sa loob ng underwear nito.
"Aray!!!!!! Aw Aw Aw..." daing nito.
Nakita niyang iika-ika ito at ng malaon ay napaupo na lang sa sahig na hawak-hawak pa rin ang bagay na napapagitnaan ng hita nito. Bumalik uli siya sa higaan niya at natatawang ihiniga ang sarili.
"Bat mo ginawa yun? Tangina ang sakit!!! Aww..." wika ni Red habang lukot na lukot pa rin ang mukha sa sobrang sakit.
"You will only get lucky once in your miserable life... Pasalamat ka yan lang ginawa ko sa iyo" ngising aso siya ng makita pa rin itong nakasimangot sa sobrang sakit.
"Pikon ka talaga kahit kailan" si Red na hindi pa rin nawawala ang bakas ng sakit na nararamdaman.
"Oh please cut the drama" wika niya sabay ikot ng mata sa kawalan.
Hindi niya namalayang lumapit pala ito sa kanya. Nabigla na lamang siya ng daganan siya nito. Pinilit niyang kumawala ngunit di hamak na mas malakas ito kumpara sa kanya. If he could only work out a little strength ay kaya niyang tapatan ang lakas nito.
"Gago ka ba anong ginagawa mo??" singhal niya dito ng wala na siyang magawa kundi magpadagan dito. Hindi man lang niya maigalaw ang kanyang paa at kamay.
"Eh di ginagago ka rin Moks.. Ako naman ngayon" nakangising tugon nito sa kanya at inilapit ang mukha nito sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" pabulong niyang wika dito. Natatakot siyang kapag lakasan niya ang kanyang boses ay halikan lang siya nito. Ngunit huli na ng maisip niya na mas magbibigay ng maling mensahe ang kanyang pabulong na pagkakasabi rito.
'Ano bang gusto mong gawin ko Moks" halos pabulong na rin ang boses nito.
Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga. Ang lalaking-lalaki na amoy nito. Noon niya rin napagtanto na may matigas na bagay nararamdaman niyang pumipintigpintig sa ibaba ng kanyang tiyan. Naglihis siya ng tingin upang kahit papano ay mailigtas siya sa maaring muling mangyari.
"Moks tingnan mo ko" pabulong pa rin sabi nito.
Hindi siya umimik. Umeepekto na sa kanyang katawan ang mainit na hininga nito. At ang masaklap ay wala siyang magawa.
"Tingnan mo na ko please..." mahinang pagmamaka-awa nito sa kanya.
"Ayoko" pabulong niya ring tugon.
"Bakit"
Hindi niya alam kung dapat niya bang sagutin iyon. Kanina pa sila nagbubulungan na para bang may makakarinig sa usapan nila. Ngunit sa tingin niya ay hindi na siya bumubulong. Para siyang nanghihina. Parang nawawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod.
"Hindi ko alam"
"Ano bang epekto meron ako sa iyo Moks?" bulong pa rin ni Red sa kanya
Tumingin siya para muling salubungin ang mga titig nito. Habang tinititigan niya rin ang mukha nito ay naitanong niya rin sa sarili ang tanong nito Ano nga bang meron ang lalaking ito at nagkakaganito siya? Dapat ay lumalaban siya. Dapat ay hindi siya nagpapa-alipin dito. Ngunit bakit madali siyang napapapayag nito sa gusto nitong mangyari. Siya si Jude Dela Riva... Malakas siya. Hindi nga lang niya alam ngayon.
Naaramdaman niya ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanya. Pumikit siya. Naghihintay ng susunod na mangyayari. Ilang dandali pa narinig niya itong tumawa ng malakas.
Nang imulat niya ang kanyang mata ay wala ito sa ibabaw niya at nakita niya itong tawa ng tawa habang nagsusuot ng shorts na pambahay.
"Walang nakakatawa sa ginawa mo!"
"Hahahaha.. Kung alam mo lang kung anong hitsura ng mukha mo kanina." tukso nito sa kanya
Pinanood niya na lang ito ng tawa ng tawa sa harap niya. Those smiles. Parang may gustong bumalik na memorya sa kanya. Mga salitang dito rin mismo nanggaling.
Sa kanyang isip ay nakita niyang tumutugtog ito ng piano. Katabi nito ang isang lalaki na naka eye glasses. Kulay itim ang buhok. Ang dalawa ay parehong nakangiti. Maya-maya pa ay nakita niyang tuloy tuloy na bumubuka ang bibig nito. Malamang sa hindi ay kumakanta ang dalawa habang tinutugtug ni Red ang piano. Sa kanyang isip, ay tila masayang masaya ang mga ito habang kumakanta. Parang wala ng bukas ang kasiyahan. Hanggang sa ang huli niyang naalala ay ang sinabi nito sa lalaking naka eye glasses. "Kasi Moks pag kinakanta mo yung theme song natin.. Gu..gusto kong kalimutan na best friend kita... kahit sandali lang".
"Moks!!! Uy.. Moks!!" sigaw sa kanya ni Red.
Nakita niyang kinakaway nito ang palad sa harapan niya. Natulala na naman siya. Kinakabahan siya dahil kapag nangyayari ang ganito ay malapit na naman umatake ang nakakatulirong sakit ng ulo niya. Baka lumabo na naman ang mata niya pag nagkataon. Sa huli ay pinalo niya ang kamay nito na patuloy pa rin sa pagkaway sa harapan niya.
"Aw.. to naman.. tinatanong lang kita kung bakit ka tulala"
"Nakakirita yang kamay mo"
"Eh bat ka kasi natutulala Moks? Kung pinagpapantasyahan mo ko sabihin mo lang madali akong kausap" pangaasar nito sa kanya
Kinuha niya ang katabi niyang unan at ibinato dito. At dahil hindi naman malakas ang pagkakabato niya ay nasalo lang nito iyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at humakbang palabas ng kuwarto.
"San ka pupunta uy!!!" sigaw nit sabay habol sa kanya.
"Anywhere, away from you!" sigaw niya ng makalabas.
Mabilis namang sumunod ito sa kanya. Pababa siya ng hagdan ngunit wala ng tigil ang pagsuyo nito sa kanya.
"Sorry na Moks.. ang pikon mo talaga kahit kailan"
Hindi siya sumagot at patuloy pa rin ang paghakbang.
"Moks.. sorry na please"
Wala pa rin siyang imik
"Uy.. Moks ko.. labo mo naman"
Hindi pa rin siya sumagot
"Moks.. sige na.. pag di mo ko kanausap maghuhubad ako dito!"
"Eh di maghubad ka!!! No one's stopping you!" singhal niya dito
Tinotoo naman nito ang sinabi ang in a flash ay naka brief na naman itong nakaharap sa kanya.
"Anak nakauwi na ba kayo?" agaw atensyon ng babaeng pumasok sa sala.
Nakita niya ang sobrang pagkabigla nito ng makita siya at si Red na naka brief lang at ang shorts nito ay nasa lapag kasama ng sando na hinubad nito kanina.
"Red?, Anak naman? Hindi ka na nahiya diyan sa kababata mo... Ngayon lang kayo ulit nagkita eh kung anu-anong kalokohan na naman niyang pinag-gagagawa mo. Adrian, anak.. Pagpasensyahan mo na lang itong kababata mo at talagang minsan maluwag lang turnilyo niyan" natatawang wika ng babae sa kanya.
Tila naman parang kidlat sa bilis na inayos ni Red ang sarili at natawa talaga siya rito dahil natataranta itong nagayos sa sarili. Ngunit umugong sa kanyang isip ang pagtawag nito sa kanya ng 'Anak". Parang biglang gumaan ang pakiramdam niya. Parang gusto niyang ngumiti. Ngunit pinatay niya ang kagustuhan na iyon. Of course... He is Jude Dela Riva.
Tuluyan na silang nakababang dalawa ng hagdan. Nakita niyang nagtungo ang babae sa kusina.
"Namiss ka rin niya.." mahinang wika ni Red sa kanya
Lumingon siya para tingnan ito. Nakangiti ito ng matipid sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Mga anak.. kain na tayo.. Bale nagpaluto na lang ako dahil may inasikaso pa ako kanina"
Nauna na si Red na pumuntang kusina. Sumunod na lang siya. Naalala niyang wala pa pala siyang kahit anong kinain kaninag umaga.
Naupo siya kaharap ni Red at nasa punong dulo naman ang Ina nito. Sobrang dami ang inihanda yata nito na para hindi to nagpaluto kundi nagpa-cater ng pagkain. Ngayon lang siya uli nakisalo kasama ang ibang tao sa hapagkainan. Sa di maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam siya ng kakaibang tuwa. Tuwang matagal niya ng nakalimutan kung paano maramdaman.
"Ay naku pasensya na anak" bulalas nito ng makita siyang kumuha ng dinuguan.
"Bakit po?" tanong niya dito.
Sa katunayan ay natatawa siya kapag nagsasabi siya ng salitang 'po'. Hindi siya sanay na umastang parang isang napakagalang na bata.
"Diba ayaw mo sa dinuguan anak?... Sorry.. Im just so overwhelmed na you agree to come home with Red. Kaya nagpaluto na lang ako ng iba-ibang putahe.. How silly of me na hindi ko naalala na you hate that bloody dish" dismayadonn wika ng nanay ni Red sa kanya
"Hindi ko po natatandaan na ayaw ko ng dinuguan... This is like the most delicious food in the universe." natatawa niyang tugon sa maling pagkakakilala nito sa kanya.
"Sigurado ka Moks?" paninigurado ni Red sa kanya
"Yeah.. All time favorite" wika niya rito
"Moks.. the last time that you ate dinuguan was when we are 7.. Sobra kang nagsuka that time that you curse eating dinuguan.. Pag nakakakita ka pa nga lang nito ay nagsusuka ka na kaagad"
"I dont remember sorry..." pagkibit balikat niya
"Kung ganun ay maganda anak at nang hindi ko na masisi ang sarili ko.. you really changed a lot Adrian" baling uli ng nanay ni Red sa kanya. Nakita niyang mataman siyang pinagmamasdan nito
"Its Jude" marahas niyang sagot dito
Kitang-kita niya sa mga mata nito na nabigla ito sa paraan ng kanyang pagsagot. he managed to compose himself again at itinama ang pagkapurol ng ugali niya kanina.
"Sorry.. its Jude tita... Everybody calls me Jude now"
"No dont apologize anak... My fault... Mas sanay kasi ako na tinatawag kang Adrian but sometimes changes are... good.. I guess" pangaalo nito sa kanya
"Hindi rin." bhiglang singit ni Red sa usapan nila.
Lumingon siya dito at nakita niyang tinusok nito ng marahas gamit ang tinidor ang manok na nasa pinggan nito.
"Hmm... so kain lang mga anak.. and Jude welcome home.. I mean.. Masaya ako at bumalik ka at masaya akong napapasaya mo ang anak ko" pagkasabi nito ay tumayo na ang Ina ni Red at naiwan silang dalawa sa hapag.
Parang may dumaan na anghel sa pagitan nila ni Red. Walang nangahas magsalita ng lumabas ang nanay nito. Tahimik lang siyang sumusubo ng kanin at ulam. Kung kanina ay gutom na gutom siya ay para namang nawawala ang kanyang ganang kumain sa samut saring nararamdaman.
Nang hindi niya na matiis ang katahimikan ay tumayo na siya sa mesa kahit hindi pa siya tapos kumain. Tiningnan siya nito ng masama at pagkatapos ay ito na ang unang nagsalita.
"Saan ka pupunta?" seryosong tanong nito. Nagbabadya ang galit sa boses nito
"Its none of your business"
"Well Im making it my business... Hindi mo pa tapos ang kinakain mo"
"Ayoko ng kumain. Nwalan na ko ng gana"
"Alam mo.. nung ikaw pa yung Adrian na kilala ko... Hindi siya nagsasayang ng grasya at basta na lang iiwan ang plato niyang nakatiwangwang" wika nito sabay dabog ng kamay sa mesa
"Eh ayaw ko na nga eh bat ba ang kulit mo!!" salubong niya sa galit nito
"Por que ba ayaw mo tatapusin mo na lang?"
"Kung ayaw ba at gusto mo kailangan mong ipagpilitan?" makahulugan niyang sagot dito
Mabibigat ang mga hakbang na nagtungo ulit siya papasok ng kuwarto at ibinalibag ang sariling katawan sa kanyang kama. This guy is getting on my nerves. wika niya sa sarili. He loses his control whenever Red insinuates the other person on him. Ayaw niyang ng balikan ang dating siya. Ayaw niya ng maging si Adrian ulit.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ulit ng mga hakbang papasok ng kuwarto. Hindi nga siya nagkamali ng makumpirmang si Red nga iyon. Sa hinuha niya ay hindi rin nito tinapos ang tanghalian nito at sinundan kaagad siya sa kuwarto.
"Seryoso na ba to?" bungad na tanong nito sa kanya.
"Excuse Me?"
"Teka bakit ba Ingles ka ng Ingles? Moks.... Jologs ka naman dati ah"
"You mean baduy?"
"Totoo.. Yun ang tamang salita.. Totoo.. Yung Moks na kilala ko hindi takot magpakatotoo sa sarili niya"
"Sometimes you really dont see the truth until you get hurt" malamig niyang wika rito
"Dahil ba sa nasaktan ka.. Hindi ka na naniniwala sa Fairytale?"
"Screw it. Alam mo na ang sagot ko diyan."
Pilit niyang inalala ang sagutan nila noong magtangka itong isama siya sa baduy na mock wedding. He will never fall again into the traps of happy ending. Never.
"Naniniwala ka ba sa Pagibig?" tanong nito sa kanya
Natawa siya ng mapakla. The conversation is not going anywhere. Puro kadramahan na naman ang ibinabato sa kanya nito. Ngunit napagdesisyunan niyang patulan ito.
"Bakit naniniwala ka pa ba sa Pagibig?" balik tanong niya dito
"Oo naman.. Bakit hindi"sagot nito sa kanya
Napailing-iling na lang siya. Napabuntong hininga ng kaunti at saka inihanda ang kanyang sagot
"Sinungaling... " tawag niya rito. Tiningnan niya ito sa mata. At alam niyang nabigla ito sa mariin niyang pagsalungat.
"Umaasa ka na sana mangyari ito sa iyo. Tulad ng hangin na hindi mo man nakikita ngunit alam mong binubuhay ka sa iyong bawat paghinga..Umaasa kang sana may totoong Pagibig.. Yung kahit minsan gusto mong maranasan na tumitibok ang puso mo hindi dahil sa paghinga kundi dahil may iisang taong bumubuhay dito..."
'...at wala akong balak umasa" pagtatapos niya sa kanyang paliwanag
"dahil natatakot kang masaktan ulit" kontra nito sa kanya.
"Walang taong kayang manakit sa akin. Wala. Bakit ikaw ba gusto mong itaya ang sarili mo sa isang tao para masaktan?" tanong niya dito
"Kung iyon lang ang tyansa ko na mapatunayan kong may Pagibig at maranasang umibig.. Handa akong masaktan" sagot nito sa kanya.
Natahimik siya. Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob para kontrahin ito. Nabulabog ang katahimikang iyon ng biglang tumunog ang cellphone nito.
Lumabas si Red para sagutin ang cellphone. Gusto pa sana niyang magsalita kanina ngunit tama namang tumunog ang cellphone niya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha ng makita ang rumehistro sa scree ng cellphone.
Si Sabrina.
"Hello babe?" bungad nito sa kanya.
Tiningnan niya muna si Adrian na nasa kama pagkatapos ay tumalikod para ganap na harapin ang kanyang cellphone.
"Babe... napatawag ka" wika niya rito
"Babe we need to talk.." seryosong wika nito. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya
"Sab... not now.. meron"
"Importante lang babe please.."
Tinimbang niya ang pagrarason niya sa oras na iyon. Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ulit si Adrian.
"Ok.. I'll be there.. Nasa bahay ka ba ninyo ngayon"
"Thank You and yes nandito ako sa bahay"
"I'll be there within 10 mins"
"Ok babe"
Ibaba na sana niya ang kanyang cellphone ng marinig niya itong tinawag ulit siya.
"Babe?" paninigurado ni Sabrina kung nasa kabilang linya pa siya
"Yes? May problema ba Sab?" tanong niya ulit dito
"I love you..." pabulong na wika nito
"I'll be there.. Just wait for me" wika niya saka mabilis na pinatay ang cellphone.
Saglit siyang napapikit ng mariin. Mali na ang ginagawa niya rito. Siguro nga ay dapat na silang magusap. Kailangan niya ng tapusin ang namamagitan sa kanila ni Sabrina. Mali nang paasahin niya pa ito sa wala.
Hindi man sabihin ni Red sa kanya ay alam niya na kung sino ang kausap nito sa cellphone. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit siya naririndi kapag tinatawag nito ang tao sa kabilang linya ng "babe". Hindi siya dapat mainis dahil walang kalulugaran sa puso niya ang ganoong pakiramdam. Kaya hangga't maari, he needs to have his emotion under check.
"May pupuntahan lang ako... kung may kailangan ka itawag mo na lang kay Manang. Kung lalabas ka naman paki-paalam na lang sa kanya kung ayaw mong ipaalam sa akin." malamig na wika nito sa kanya
Sasabat na sana siya nang muli itong magsalita.
"Dont misunderstood this na pinapakialaman ko kung saan ka pupunta.. You can go wherever you want, magpaalam ka na lang kay manang para hindi ako mag-alala"
"Sa..sa..saan ka pupunta?" bigla niyang tanong dito bago pa man ito mawala sa paningin niya. Hindi niya alam kung para saan ang tanong na iyon.
"Pupuntahan ko ang girlfriend ko" mabilis na sagot nito sa kanya at saka humakbang palayo sa kuwarto.
Para namang sibat na tumama sa kanyang puso ang shuling sinabi nito. "Pupuntahan ko ang girlfriend ko"
Natulala siya sa kawalan. Masyado ng nagiging kumplikado ang lahat. Naputol ang nkanyang pagiisip ng bigla ring tumunog ang kanyang cellphone.
Walang pangalan ang rumehistro sa numerong tumatawag.
"Sino to?" galit na bungad niya agad sa taong tumatawag
"Adrian?" tanong ng tao sa kabilang linya. Wari ay naninigurado kung siya ba talaga si Adrian.
Hindi siya sumagot. Dahil hindi siya si Adrian.
Maya-maya pa ay nagsalita mulit ito.
"Jude? Are you there?" pagtatama nito sa pangalang itinawag sa kanya
"Anong kailangan mo?" naiiritang tanong niya ng makilala ng tuluyan ang boses na tumatawag
"Sorry kung naistorbo kita.. This is Jake.. Gusto ko lang sanang..ahm.. gusto ko sanang.."
"Kung ipagpapatuloy mo pa yang pagkautal mo... I will badly recommend you to get yourself a language specialist"
"Im sorry.. gusto ko lang sanang... makipagkita sa iyo"
"Why should I? I dont remember making any appointments to losers like you"
"Please" pagsusumamo nito
"No" mariin niyang tanggi
"Kung makikipagkita ka sa akin ngayon.. This is the last time I will bother you"
Sandali siyang napaisip. Pagkatapos ay bumuo siya ng mabilis na desisyon.
"Saan tayo magkikita?"
"Im here at Glifonea's. Hihintayin kita"
Pagkarinig ng huling sinabi nito ay pinatay na niya kanyang linya. Tinungo niya ang salamin at mabilisang pinasadahan ang sarili. Ilang saglit pa ay lumabas na siya ng kuwarto.
Mabilis na nakarating si Red sa bahay nila Sabrina. Sa katunayan ay isang sakay lang ng tricycle ang bahay na tinutuluyan nito. Bumungad sa kanyang pagbaba ang malaking gate. Kung tutuusin ay dapat hindi na siya naninibago kapag nakikita ang higanteng bahay ng mga Malvarosa. Naalala niya ang mga araw na halos lagi siyang pumupunta rito para umakyat ng ligaw. Naging magiliw naman sa kanya ang lahat ng mga naroon pati na ang Ina nito na minsan niya lang nakilala. Ang ama kasi nito ay palaging nasa labas ng bansa o di kaya naman ay nasa ibat-ibang sulok ng Pilipinas, inaasikaso ang family business. Sabi nga ng iba ay jackpot daw sioya dahil nakabingwit siya ng bebot na hindi lang maganda ay umaapaw pa sa kayamanan. Ngunit hindi iyon ang minahal niya kay Sabrina kundi ang pagiging mabait at sobrang maalaga nito. Yun nga lang iba na ang mahal niya ngayon. Hindi na ito. At naroon siya para tapusin ang ugnayang iyon.
"Hi Kuya!" bati sa kanya ng maliit na babae ng ganap siyang makapasok sa loob ng mansyon
"Uy.. Samantha? Ikaw na ba yan?" baling niya sa babeng bumati sa kanya. Si Samantha Malvarosa ay ang nakababatang kapatid ni Sabrina. Noong highschool sila at elementary pa lamang ito ay lagi niya itong nakikitang pakalat-kalat lamang sa loob ng mansyon. Ngayon ay ganap ng babae ito at dalagang-dalaga na ang ayos.
"Yup.. The one and only.. Kumusta kuya.. Ikaw ha.. matagal mo na kong di binibisita dito.. Namimiss ko na yung chocolates na dapat sana regalo mo kay ate.."
"At kinakain mo ang ending .. Hehe"
"Oo naman.. alam mo naman ang ate... obsess sa diet... Gusto kasi niya lagi.. sexy sa paningin mo"
"Kaw talaga Sam.. makulit ka pa rin hanggang ngayon" wika niya dito sabay gulo sa buhok nito
"Kuya naman eh... hindi na ko bata.. highschool na kaya ako"
"Ok fine.. big girl ka na pala.. nandyan ba sa loob ang ate mo?"
"Yeah... hinihintay ka niya sa taas.. Diretso ka na lang sa kuwarto niya"
"Ok.. thanks sam.. Dont worry sa sunod na pagbisita ko magdadala ako ng chocolates" nakangiting wika niya rito
"Ok kuya"
Habang paakyat sa hagdan ay inisip niya ulit ang sinabi niya kay Samantha. Hindi naman siguro tamang magbigay pa siya ng pangakong alam niyang hindi niya matutupad. Ang araw na ito ay ang huli niyang pagtapak sa bahay ng mga Malvarosa.
Nakita niyang naka-awang pinto ng kuwarto ni Sabrina. Nang tuluyan siyang makapasok ay nakita niyang nakaupo ito sa harap ng isang computer. Tiningnan niyang maigi ang suot nito. Naka-bath robe lang ito at bahagyang hindi naka-ayos ang buhok. Nang maramdaman nitong may ibang tao sa loob ay lumingon ito sa kanyang direksyon. Napangiti ito ng makita siya. Pinagmasdan niya ang buong kuwarto. Parang kumpleto na ata ang laman niyon. May sala at banyo ang kuwarto na parang isang maliit na bahay, malaki para sa isang tao. Huli niyang napagmasadan ang hitsura nito. Nakita niyang maitim ang ilalim ng mga mata nito tanda ng hindi gaanong pagtulog.
"Babe" mahing tawag nito sa kanya
"Babe" tawag niya rin dito. Sometimes it feels awkward kapag tinatawag niya ito ng ganun. it doesnt feel right like it used to be.
"Buti nakarating ka"
Tumango siya saka nagsalita.. "May gusto rin sana akong sabihin sa iyo" alangan niyang tugon dito
"Siguro ako muna dapat ang magsabi ng dapat kong sabihin" pangunguna nito sa kanya. Marahil ay natunugan nito ang maari niyang sabihin.
Umupo siya sa paanan ng kama habang nakatayo ito. Maya-maya pa sumandal ito sa dingding at niyakap ang sarili. Nanatili naman siyang tahimik tanda ng kanyang kahandaan na makinig sa sasabihin nito.
"Babe.. alam mong mahal na mahal kita.. pero hindi ko kayang makita kang malungkot sa relasyong mayroon tayo." panimula nito
Para siyang napipi bigla. Ramdam niya ang paghihirap nito sa bawat pagbigkas ng mga salita nito.
"Alam ko na yung tungkol sa nararamdaman mo kay Adrian." malamig nitong tugon
"Sab.. " mahina niyang tawag dito. Nakita niyang nagsisimula ng lumuha ang mga mata nito
"No.. Please let me finish... In fact.. matagal ko ng alam.. Nagbubulagbulagan lang ako.. Pero mahirap rin pala, na nakikita kang nahihirapan dahil hindi sapat ang pagmamahal na kaya kong ibigay." wika ni Sabrina habang pipnipigilang humikbi.
Gusto na niya itong yakapin. Knowing that Sab suffered a lot keeping their relationship as it is kahit alam na nito ang nararamdaman niya kay Adrian.
"Im setting you free Babe.. Gusto kong maging masaya ka Mr. Red Antonio.. Kahit na isakripisyo ko ang sarili kong kasiyahan para sa iyo.. Gagawin ko" wika nito at tuluyan ng umiyak.
Namalayan niyang tumayo na siya sa kama at niyakap ito. Pinaghalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Naroon ang isang malaking relief na wala nang anumang balakid sa nararamdaman niya para kay Adrian at maaari na siya ulit magmahal ng iba ngunit hindi ganap ang kaligayahan niya na nakikita itong malungkot. Nang maikulong niya ito sa kanyang mga bisig ay doon na tuluyang nag break down si Sabrina. Humahagulhol ito sa kanyang mga bisig.
Maya-maya pa ay tumahan na ito at humarap sa kanya. Nakita niya ang mga ngiti sa labi nito na parang ayos na ang lahat sa pagitan nila. Ginamit niya rin ang kanyang mga daliri para punasan ang natitirang luha sa mga pisngi nito.
"Tahan na" pagaalo niya dito
"Red?" tawag nito sa kanya
"hmmm?"
"Gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo... natin.. for the last time.." at pagkasabi nito ay nalaglag sa sahig ang bathrobe na bumabalot sa hubad nitong katawan.
Ilang saglit pa ay natagpuan niya ang sarili na ikinulong ito sa kanyang bisig at ihiniga niya ito sa kama.
Gusto niyang pagbigyan ang kahilingan nito sa huling pagkakataon.
Sabrina secretly glanced at the calendar near her bed. She secretly smiled devilishly. She cant be wrong this time. The plan needs to work. There are only two things that Red shouldn't know: She killed Adrian's mother and
She is fertile.
Hinubad niya ang pantalon nito at niyakap ng mariin si Red.
Itutuloy...
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D