Way Back Into Love
Way Back Into Love (Chapter 12)
2:32 PM
Chapter 12
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
"Gagaling pa ba siya?" tanong ni Red kay Karma.
Karma Antonio is a psychiatrist who graduated from one of the top universities in the country. Yun nga lang mas pinili nito na magpalipat-lipat sa iba'tibang lugar para magkawang-gawa kaysa amgtayo ng sarili nitong clinic. Mas madalas siyang nasa ibang lugar at ginagamot ang mga taong tinakasan na ng sariling katinuan. Minsan nga ay nagtatampo na ang kanyang ina dahil dalawa o talong buwan siya halos hindi umuuwi ng bahay. Gayunpaman ay naiintindihan nito ang kanyang propesyon.
Kakauwi niya lamang noong isang linggo ngunit hindi niya akalain na isang tao na naman ang nangangailangan ng kanyang propesyunal na tulong. Buong akala niya ay panandalian siyang makakatakas sa stress ng trabaho niya ngunit hindi pala. Gayunpaman, hindi basta ordinaryong tao lamang ang pasyente niya ngayon, ito ay ang kababata ng kanyang kapatid na si Red.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko but for now kailangan mong isa-alang-alang ang mga sinabi ko sa iyo"
"Hindi ko man lang ba siya pwedeng makita?"
"Wag muna sa ngayon Red"
"Pero ate..."
"May gusto ka ba sa kanya?"
Halatang nabigla ang nakababatang kapatid niya sa tanong niya ngunit determinado siyang makuha ang sagot nito. Ilang linggo rin kasing nakikita niyang sobrang apektado ito sa nangyari sa kababata niyang nagngangalang Adrian.
"Hindi ko maintindihan ang tanong mo Ate"
"Red, tinatanong kita kung gusto mo si Adrian hindi bilang isang kaibigan kundi bilang kasintahan" dire-diretso niyang tanong dito
Hindi ito kaagad nakasagot at tinitigan lang siya ng mariin.
"Ate... Paano kong Oo? Magagalit ka ba?"
"Ang alam ko may girlfriend ka?"
Tumango lang ito.
"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?"
"Ate... Ito lang desisyon ko sa buhay ko na siguradong sigurado ako... At ito ang desisyon na pinanghahawakan ko hanggang ngayon.. Ate mahal ko na si Adrian.. Higit pa sa pagiging matalik na kaibigan"
Tinimbang niya kung nagsasabi nga ba ng totoo si Red. Ngunit wala siyang nakitang bahid ng kasinungalingan sa mga mata nito.
"Red... kung maguusap tayo bilang dalawang tao na magkaiba ang pananaw at kasarian... Hindi ako pabor sa desisyon mo... Babae ako.. babae si Sabrina.. Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman niya habang magkarelasyon kayo ngunit iba ang mahal mo.. Ngunit kung maguusap tayo bilang magkapatid.. Ikaw bilang nakababata kong kapatid at ako bilang iyong ate... Sinusuportahan ko ang desisyon mo.. Kung sa tingin mo mas liligaya ka ng iniibig siya.. Hindi kita pipigilan.. Ngunit kailangan mong ihanda ang sarili mo.. Dahil maraming mga pagsubok ang naghihintay sa mga taong mangangahas umibig ng tapat" mahaba niyang litanya dito.
"Alam ko naman yun ate... Alam kong kailangan kong ihanda ang sarili ko na masaktan pero wala akong magagawa.. Mas pipiliin kong ibigin siya at masaktan para naman kahit matapos ang lahat at hindi pa rin ako ang pinili niya.. Masasabi kong ibinigay ko ang buong mundo ko sa kanya.. mapasaya lang siya"
Hindi niya akalain ganun na magsalita itong si Red. Parang kailan lang ay paslit lang itong laging nakabuntot kay Adrian at kanta ng kanta pag walang magawa. Ngunit ngayon, mamang mama na ang dating at daig pa ang isang matanda magsalita. Siguro nga ay mas may alam pa ang kapatid niya sa tunay na pagmamahal.
"Ate pwede ba akong humingi ng pabor?"
"Ano iyon?"
"Pwede ko bang makasama si Adrian? Kahit ngayon lang? "
"Red, alam mong Adrian is under medication. Hanggat maari ayoko muna siyang makisalamuha sa ibang tao except me"
"Please ate... kahit ngayon lang?"
Kung hindi niya pagbibigyan itong si Red ay alam niyang madaragdagan lang ang paghihirap nito. Bilang isang psychiatrist, ay maraming rason kung bakit tinatakasan ng sariling bait ang mga tao ngunit karaniwan sa hindi ay pagibig ang dahilan. Sobrang Pagibig. Yung tipong pinaikot mo ang mundo mo sa isang tao ngunit nalaman mong hindi naman pala sa iyo umiikot ang mundo ng taong mahal mo.
"Ok Red but Im just giving you until this afternoon.. Pagkatapos ay babalik uli siya sa kuwarto niya"
"Talaga ate.. Wag kang mag-alala ako na bahala sa Moks ko"
"Ok sige.. nandun siya sa kuwarto niya puntahan mo na lang"
"Ok"
Mabilis pa sa alas-kuwatro na umalis si Jake sa harapan niya. At ang alam niyang kung ano man ang napagusapan nila ay totoo ang mga sagot na nakuha niya kay Red. Sinimulan niyang kunin ang mga papel nakalatag sa kanyang mesa. Ang nararamdaman niyang galak kaninang nakipagusap siya sa kanyang kapatid ay napalitan ng takot. Tiningnan niya ang mga nakasulat sa papel. Hindi maaari.
Humakbang si Jake pataas sa pinakadulong kwarto ng kanilang bahay. May halos walong kwarto ang bahay nila. At nasa dulo ang kwarto ni Adrian. Utos rin ito ng kanyang ate na itabi ang magiging kwarto nito sa kwarto ng ate niya. Dahil ginagamot nito si Adrian.
Nasa harap na siya ngayon ng kuwarto. Ngunit nagdadalawang isip siya kung pipihitin niya ba ang doorknob o kakatok. Hindi niya alam kunggugustuhin nga ba ni Adrian na makita siya o kung gugustuhin niyang makita si Adrian matapos ang mga naganap ilang linggo na rin ang nakakaraan.
Bumaba sila ng tricycle habang umiiyak pa rin si Adrian galing sa Glifonea's resto. Kung hindi siya nagkakamali ay nakipagkalas na si Jake kay Adrian. Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa sa nangyari ngunit habang nakikita niya si Adrian na umiiyak ay naghihirap din ang kalooban niya. Gustong-gusto niya ngang habulin si Jake at iharap ulit ito kay Adrian para bawiin nito ang mga sinabi nito sa matalik niyang kaibigan.
Ngunit mas importante na puntahan nila ang bahay nila Adrian na kasalukuyang tinutupok ng apoy. Nang marating nila ang bahay ng mga Dela Riva ay nakita nila kung gaano kalaki ang apoy na lumulukob sa buong kabahayan. Nakita niyang nandun na rin sa pinangyarihan ng nasabing sunog ang kanyang Ina at si Sabrina, kapwa ito umiiyak sa nakikitang apoy.
Nang makita silang paparating na tumatakbo ay agad siyang niyakap ni Sabrina. Niyakap rin niya ito para tumahan na ito sa kaiiyak.
"Anong nangyari? Nasaan si Tita Estel?" tanong niya kay Sabrina ng tumahan ito ng kaunti. Ang tinutukoy niya ay ang Mama ni Adrian.
"Babe, nasa loob pa siya... nahihirapan daw ang mga bumbero na apulahin ang sunog"
"Ano! Wala man lang bang pumunta sa loob para irescue si Tita? Ang laki na ng apoy"
"Paraanin niyo ko.. Nasa loob ang Mama ko.. pupuntahan ko siya... Paraanin niyo ko!!!" narinig niya ang sigaw ni Adrian habang pinipigil siya ng mga bumbero na pumasok sa loob ng bahay
"Sir, delikado po... Mas makabubuti na dumito lang po muna kayo at kami na ang bahala sa Nanay mo"
Tumakbo siya para awatin si Adrian na nagpupumalit pa rin suungin ang apoy sa kabila ng babala ng mga bumbero dito.
"Moks tama na.. Moks... Gagawin nila ang lahat para kay Tita.. Maniwala ka lang"
"Moks.. Hindi!!!.. Ang mama nasa loob... Puntahan natin siya please Moks... Ang Mama .... Moks... Ang Mama" hindi na nito napigilan pumalahaw sa iyak habang hawak niya ang braso ni Adrian.
Nagpumilit itong pumasok sa bahay ngunit nanatili siyang nakayakap dito. Wala na itong nagawa kundi panoorin ang apoy na lumukob sa kanilang bahay.
"Ako ang magdadamit sa kanya" malamig natugon ni Adrian sa kanya ng puntahan nila sa morge ang lapnos na katawan ng Mama ni Adrian. Namatay ito sa sunog na naganap sa kanilang bahay. Ngayon, wala ng pamilya si Adrian. Nagiisa na lang ito.
"Moks sila na ang bahala kay Tita, kaya na nila iyan.. mabuti pang magpahinga ka na muna" pagaalala niya dito. Naalala pala niya na ang araw na ring iyon ang araw na nakipagkalas si Jake kay Adrian. Kung hindi lang nangyari ito ay pinuntahan niya na at binugbog ang lalaking iyon.
"Hindi, ako ang magdadamit sa kanya" matigas nitong sagot na para banag alam na alam nito ang pakiramdam ng magdamit sa isang sunog na bangkay.
"Moks, magpahinga ka na."
"Moks.. Baka hindi makahinga ang Inay... Alisin natin tong takip sa ulo niya" si Adrian at pagkasabi nito ay inalis ang takip na tela sa mukha ng Mama niya.
Lumantad sa kanila ang sunog na mukha ng Mama ni Adrian. Hindi niya alam kung masusuka o hindi sa nakita. Halos hindi na ito makilala sa sobrang pagkakatusta nito sa sunog.
"Moks.. ikuha mo ko ng damit sa bahay.. Dadamitan ko ang nanay" malumanay ngunit tulirong pagkakasabi ni Adrian sa kanya.
Mas pinili niyang huwag na lang sumagot. Abo na lang ang natira sa bahay nila Adrian Awang-awa na siya dito. Wala na itong iniluluha at marahil naiiyak na nito ang lahat kanina ng magpumilit itong makapasok sa bahay nila habang nasusunog ito.
"Moks dadamitan ko ang Nanay tapos pupunta kami kay Jake, hihingi ako ng tawad kay Jake Moks tapos ang mama masaya kaming papanoorin pagkatapos ikakasal daw kami ni Jake Moks tapos nandun ang Mama, tapos may mga pink na balloons, may pink na cake, tapos magiging masaya ang Mama kasi sabi ko sa kanya totoong may Happy Ever After Moks.. Kaya bilisan mo na, kunin mo na yung paboritong damit ng Mama.. Pupunta na kami kila Jake pag nabihisan ko na siya"
"Moks.. tama na.. " wala siyang lakas para salungatin ang mga pinagsasasabi nito sa kanya.
"Ikuha mo na ng damit sabi eh!!!! Ikuha mo ng damit Moks!!!! Ikuha mo ng damit!!!! Pupunta kami kila Jake Moks!!! Ano ba ang hindi mo maintindihan Moks? Ikuha mo ng damit ang Mama!!!" nagsimula ng magwala si Adrian sa morge at kung ano ano na ang pinagsasasabi nito.
Wala siyang magawa kundi ang panoorin itong lumuluha, sumisigaw, at pinapalo siya sa dibdib. Maya-maya ay namalayan niya ang mga tao sa morge na tinurukan si Adrian ng pampakalma. Ilang saglit pa ay nakatulog ito.
Hindi niya akalain na iyon na ang huling sandali na makakausap niya si Adrian.
Mula noon ay lumipat na si Adrian sa kanila. Ngunit hindi niya sigurado kung ang dating Adrian nga ba ang lumipat sa kanilang bahay. Naayos na rin ang Last Will and Testament ng magulang nito. At dahil si Adrian lang ang nagiisang anak, ay nakatanggap ito ng malaking halaga mula sa Savings ng kaniyang mga magulang. May kulang kulang 500, 000 ang naka deposito sa bangko at nakapangalan na sa kanya. Naiwan din sa pangangalaga ni Adrian ang ilang lupang sakahan na nabili pala ng kanyang Mama bago ito pumanaw. Ang mga papeles ay inayos din ng kaniyang Mama.
Ngunit walang naging epekto ang mga ito kay Adrian. Hindi na ito nagsasalita. Hindi gumagalaw. Hindi kumakain. Sa tingin niya ay nawalan na ito ng ganang mabuhay pa. Gusto na sana nila itong dalhin sa isang psychiatrist sa kanilang lugar. Noong unang pumunta sila ay sinabi nito na na-trauma daw si Adrian sa mga naganap at hindi naman daw magtatagal ay makakabawi na ito. Hindi niya alam kung pampalubag loob lamang ang sinabi ng doktor ngunit sa tuwing tinitingnan niya ang kalagayan ni Adrian na parang lantang gulay na nakaupo sa wheel chair. Dilat ang mga mata nito at iyon lang ang tanging gumagalaw na bahagi ng katawan nito, ang iba naman ay parang sumuko na ring gumalaw pa.
Gusto na sana nilang i-turn over sa psychiatrist si Adrian ngunit sakto naman na dumating ang kanyang ate mula sa isang medical mission. Ang kanyang Ate Karma ang isa sa pinaka magaling na psychiatrist. Noong nakatapos ito ng pag-aaral ay kabi-kabilaan ang nag offer dito na maging psychiatrist sa isang klinika o hospital. Ngunit mas pinili nitong magkawang-gawa na lamang kaysa pumasok sa malalaking establisyemento o magtayo ng sariling clinic.
Mula ng ikonsulta niya sa kanyang ate si Adrian ay pinagbawalan muna siya nitong makita si Adrian. Gusto daw muna nitong suriin ng mabuti ang nangyayari kay Adrian.
At ngayon, nasa harapan na siya muli ng pinto nito. Nagdadalawang isip man ay mas nanaig ang bahagi ng kanyang pagkatao na sabik na sabik muling makita ito. Pinihit niya ang door knob.
Nakaupo pa rin si Adrian sa wheel chair. Nakasuot ito ng puting T-shirt at puting pajama. Nasabi ng kanyang ate na nakaka-kain na daw ito ng medyo maayos kanina. Nakatalikod ito sa kanya at nakaharap naman ito sa malaking bintana na nagpapakita ng kaparangan at iba't ibang luntiang mga puno.
"Moks kumusta.. si Red to" umupo siya sa gilid ng kama upang makausap ito at makita ng malapitan. Malaki ang ikinabagsak ng katawan ni Adrian. Hindi na nito suot ang malalaking eyeglasses para palinawin ang mata nito. Medyo nananamlay ang kulay ng balat, halata mong sobrang bigat ng dinadala.
Wala siyang nakuhang sagot. Ngunit ipangpatuloy niya ang pakikipagusap na parang normal na normal sila. Ilang linggo lang ang nakakaraan.
"Moks tara dun sa kusina, may ipapakita lang ako sa iyo"
Wala pa rin siyang nakuhang sagot. Dinala niya ang wheel chair papalabas ng kwarto at papuntang kusina.
Nang marating nila ang kusina ay may kinuha siya sa loob ng refrigerator. Isa itong cake.
"Happy Birthday Moks" bati niya dito ng tuluyan siyang makalapit. Nakaupo rin siya sa may sahig habang tinitingnan ang magiging reaksyon ni Adrian.
Ngunit bigo siya, hindi pa rin ito nagsasalita.
"Moks.. Alam mo ba kung bakit naimbento ang birthdays?" tanong niya na parang ordinaryong pagbibiruan lang nila ni Adrian noong... noong normal pa ito.
"Kasi... Kasi para ipa-alala sa lahat ang mga pinagdaanan nila bago makarating uli sa araw ng kapanganakan niya. Moks... alam ko kong naaalala mo ang lahat ng nangyari.. ang lahat.. Kung pwede lang sana na ako magpasan ng mga paghihirap ko... Hindi yung ganyan, nakikita kitang nahihirapan.. Moks alam kong kaya mo yan.. Hindi ka aabot sa ganitong araw kung hindi mo kakayanin ang lahat ng iyan....
....Miss na miss na kita Moks.... Miss ko na yung Moks ko na niyayakap ko ... yung Moks ko na sinisiko ako sa tagiliran may nasabi lang akong masama.... yung Moks ko na lagi kong kasabay kumanta at tumugtog ng piano. Moks bumalik ka na... Maniwala ka na ulit sa fairytale" tuloy-tuloy niyang pagsusumamo dito. Nangingilid na ang luha niya. Ngunit pinigilan niyang huwag bumagsak ang mga ito. Sa paningin ni Adrian ay malakas siya at gusto niyang magsilbing paghuhugutan ng malakas nito, sa ganitong panahon.
"Moks tandaan mo lang lagi na mahal na mahal na mahaaaal kita.." iyon na ang huling sinabi niya dito at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.
Wala pa rin itong sagot.
Nanlulumong ibinalik niya ang wheel chair pabalik ng kuwarto nito.
Pinagpipiyestahan pa rin ng media ang naganap na sunog isang linggo lang ang nakakaraan sa barangay na malapit sa kanila. Ang mga plano ay naging matagumpay gaya ng inaasahan. Kasalukuyan niyang binabasa ang lokal na tabloid at sa headline:
Ginang natepok sa apoy
Ninamnam niya ang bawat sa lita na nakapaloob sa dyaryo. Mas pinili niyang ito ang bilhin dahil kilala ang dyaryong ito sa mga barubal nitong paglalathala. Tawang-tawa siya sa salitang "tepok". Linuha niya ang wine glass sa katabing mesa at humarap sa salamin.
"Cheers!"
Itinaas niya ang baso at nginitian ang sarili. Its a job well done. Balita niya nga daw ay malapit ng mabaliw ang bakla na iyon sa mga nangyari sa kanya. Sino ba naman ang hindi mababaliw sa nangyari? Wala ka ng jowa, dedbols pa ang mama mo! wika niya sa sarili.
Sabi na nga ba niya at hindi siya ang baliw, si Adrian ang baliw. Ngayon, mas lalo ng pandidirihan ni Red si Adrian, ang baklang baliw. Sila ang nararapat sa isa't isa. Sila ang bagay. Lalo siyang natatawa kapag naaalala niya hitsura niya noong nagkasunog. Iiyak siya pagkatapos ay hahanapin ang mga braso ni Red para magpayakap. Hayy sarap. Yayakapin niya kunwari si Adrian kahit diring diri siya, alang alang sa kunwa-kunwariang simpatiya.
"Best actress" wika niya sa sarili at sinundan ito ng malutong ng tawa.
Naalala rin niya kung gaano galit na galit si Jake sa ginawa niya. But since he did a great job kung paano nito kinalasan ang baklang iyon ay hindi na lang niya sinalubong ang init ng ulo nito.
"Hi Jake? Napatawag ka, miss me?"
"Ikaw ba ang may gawa nun?"
"Ikaw talaga Jake, hindi mo pa amining namiss mo ko"
"Sabrina! Kinakausap kita ng matino, ikaw ba ang may pakana ng sunog?"
"Sunog ba yun? I thought nag camp fire lang ako sa isa sa mga bahay na gawa sa panggatong"
"Demonyo ka talaga!"
"May demonyo ba na ganito kaganda Jake? Hahaha"
"Bakit mo ginawa yun? Bakit pati si Tita dinamay mo? Sabrina wala to sa usapan natin!"
"Tita? Jake naman, wag na tayong maglokohan.... Magka-ano ano ba kayo? Distant relative? Wag mong sabihing may dugong bakla ka rin?" sarkastiko niyang tanong
"Sabrina, wala sa usapan natin ang pumatay ng inosenteng tao?"
"Ano ka ba, its a natural process sa ecosystem. Saka buti nga na nadedbols na yung gurang na yun.. Eh di bawas siya sa populasyon.. Oh diba, Im so eco-friendly... At least nakaisip ako sa solusyon sa over population diba? Im so witty"
Narinig niyang ibinaba nito ang cellphone.
At the end of the day, gamitan lang talaga ang mangyayari. At sa kanya pa rin ang huling halakhak.
"And Red and I will live happily ever after.. Hahaha" wika niya sa sarili.
Tiningnan niya ang orasan. Its time to take her medicine.
"Ate, ano ba nangyari??" naguguluhang tanong ni Red kay Karma ng maabutan niya ito sa hospital. Lumabas siya ng saglit para bumili ng gamot na pinapabili ng Ate niya sa kanya ngunit bigla itong tumawag at pinapunta siya sa hospital.
"Naglaslas si Adrian ng pulso"tuloy tuloy na pag-amin ng ate niya sa kanya.
"Ok lang ba siya ate? Sabihin mo? Walang nangyaring masama sa kanya diba?"
"Wag ka ng mag-alala Red, maayos na siya ngayon.. natutulog na siya sa kuwarto na kinuha namin para sa kanya." wika ni Karma sa kanya. Kasalaukuyan silang nasa harap ng information desk ng hospital.
Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha. Ginusto niyang makita si Adrian kanina sa motibong gusto niyang palakasin ang loob nito. Ngunit wala rin palang silbi ang lahat. Ang cake na siya mismo ang nag bake at ang mga sinabi niya rito para bumalik na ulit ang dating Adrian. Wala pa rin pala.
"Red, makinig kang mabuti.. aalis na ako mamaya"
"Ano? Bakit? Paano na si Adrian ate? Babalik pa ba siya sa dati?"
"Si Adrian ang dahilan ng pagalis ko.. Mayroon lang akong pupuntahang importanteng tao at babalik ako na kasama siya, In the meantime, ikaw na muna ang magbantay dito dahil hindi maharap ni Mama ngayon araw ang hospital. Alam kong aalagaan mo si Adrian"
Wala na siyang nagawa kundi tumango. Humakbang na paalayo ang kanyang ate.
"Red.." huling tawag nito sa kanya
Lumingon siya para tingnan ulit ito
"Huwag kang susuko."
Ngumiti lang siya ng matipid at siya na ang unang tumalikod at tinahak niya ang kwartong tinutuluyan nito.
Pagbukas niya ng pinto nakita niyang nakatayo na ito. Nakita niyang may benda ang kanang kamay nito sa may pulsong bahagi. Nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya. Maputlang maputla ang kulay ng balat nito. Ngunit ipinagtataka niya kung saan nanggagaling ang lakas nitong tumayo at ngayon naman... ang ngitian siya.
"Wag ka munang tumayo... mahina ka pa" ang nasabi na lang niya
Hindi ito nagsalita.. Maya-maya pa ay humakbang ito palapit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay ng mga susunod na mangyayari.
Niyakap siya nito.
Wala siyang nakapang salita. Para siyang estatwang nakatirik sa kinatatayuan niya. Ngunit mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito.
Hinalikan siya ni Adrian.
Sapat na iyon para mawala ang kung ano mang pagrarason sa isip niya. Gumanti siya ng halik. Banayad ito noong una hanggang sa naging mapusok ang pagapuhap nila sa labi ng isa't isa. Nagespadahan ang kanilang mga dila. Dinala niya si Adrian sa kama nito. Hinubad niya ang piraso ng damit na suot nito.
Para siyang lalagnatin. Hindi niya pinalagpas ang bawat madaanan ng kanyang labi at dila.
Pumaibabaw ito sa kanya. Ngunit hindi niya alam kung saan nagmumula ang lakas nito. Sinipsip ni Adrian ang kanyang dalawang utong. Nang matapos dito ay patuloy na bumaba ang ang bibig nito sa kanina pang tigas na tigas na alaga niya. Namalayan niya na nagtataas baba na ang ulo nito sa ari niya.
Giniya niya ang ulo nito para bilisan ang pagtaas baba ng ulo ni Adrian. Ito ang unang karanasan niya sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Parang nagaalsa bawat laman niya sa halik at pagsipsip na ginagawa ni Adrian. Para siyang inaakyat sa ikapitong langit. Ungol siya ng ungol sa bawat sipsip nito
"OoooOoOohhh Moks... ang sarap... sige pa..HmmMm"
Matapos ng ilang minutong pagtaas baba ng ulo nito ay ipinahiga niya si Adrian sa kama. Sinalat niya ang butas nito at ng makapa ay ipinuwesto niya ang ari sa bukana ng butas na iyon. Dahan dahan niyang ipinasok ang ari niya sa loob nito. Alam niyang unang beses pa lang ito ni Adrian, dahil nakita niya ang pagkunot ng noo nito ng ipasok niya ang kanyang galit na galit na alaga.
Namalayan na lang niya ang sarili niya na umiindayog sa ibabaw ni Adrian. Napuno ng ungol ang kuwarto. At ng malapit na siya sa rurok ay umungol siya ng malakas at isinagad ang alaga niya sa loob ng ni Adrian.
"Mahal na mahal kita Moks" pagkasabi niyon ay hinalikan niya ulit ito.
Tumabi siya rito at niyakap niya si Adrian. Yumakap din ito sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na ito na pala ang huli nilang pagkikita.
Itutuloy...
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D