Way Back Into Love
Way Back Into Love (Chapter 11)
2:30 PM
Chapter 11
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
Jake Marcos was undeniably the newest heartrob in the NorthEast State University. Nakabalandra sa bawat sulok ng unibersidad ang mga plasma TV na nagpapakita ng performance nito noong Auditions. Among the four admitted neos, ay ito ang may posibilidad na mag lead ng newest batch ng NASUDI Singers. He was named as the younger version of Maroon 5's "Adam Levine". Sa loob ng ilang araw ay hindi mamatay-matay ang Jake Madness sa loob ng campus. Jake Marcos had 50 fan pages on facebook, and all of them had more than a thousand likes. Hindi rin syempre nagpa-awat ang mga posers, mga taong gustong maging si Jake Marcos. More or less, he had 100 posers on facebook. Napilitan na rin siyang gawing fan page na lamang ang facebook account para mas ma-accomodate ang mga estudyanteng gusto siyang makilala.
Sa bawat bulletin board ng eskwelahan ay matatagpuan ang kanyang mga pictures. And everyone was dying to meet him, magkaroon ng chance na maka-picture siya. He was of course, a popular demand on every programs of school. Sa inauguration ng officers ng bawat club, sa bawat formal or informal programs ng school, siya na rin ang napipisil na pambato sa iba't ibang singing contests na involve ang NorthEast State University.
Pati ang audition piece niya sa NASUDI ay naupload sa Youtube and it did have million hits.
Jake was the campus' hot property.
"So how are you enjoying the fame" speaking is Martha Castillo, NASUDI's current it girl.
"Masaya" maikli niyang sagot. Hindi niya alam kung tamang emosyon ba ang kalakip ng sinabi niyang salita.
"Jake, if you want this life, you need to erase the old you" baling uli sa kanya ni Martha.
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. May ideya ba ito sa nangyayari sa kanya ngayon. "What do you mean?"
"Well, kahapon pa kita napapansing tulala sa rehearsals natin. Nakailang sigaw na sa iyo si Director Lee. And from what I see, hindi ka umaakto ng ganyan dahil sa pressure. Nagiging ganyan ka dahil sa bago mong buhay at sa mga naiwan mo"
Napabuntong hininga siya. Sapul na sapul ni Martha ang nangyayari sa kanya. Totoong hindi pa rin siya ganun kasanay pag pinagkakaguluhan siya sa campus. Pag may mga taong biglang lalapit at hihingi ng pirma niya. Nalalango siya sa bawat sigaw ng tao. Sa bawat "We love you Jake" na naririnig niya. Ngunit higit sa lahat wala na ang taong tumatawag sa kanya ng "hon". Ilang araw na niyang hindi nakikita si Adrian.
"How can you say those things?" wala sa loob na tanong niya dito.
"I was once like you..... Gaya mo rin ako noon but mine was worst." simula ni Martha. Nanatili naman siyang tahimik at handang makinig.
"Noon kasi napakasimple lang, pagpasok ko ng kolehiyo, gusto ko lang din matapos ang kurso ko. Im a graduating student and Im taking BS Nursing. Kung tutuusin, buwis buhay na tong ginagawa ko... Maintaining a white unform habang sinasamba ko ang mikropono. I had a boyfriend then, naging kami na noong high school. Ang dami naming pangarap.. Ang dami naming gustong matupad sa mga pangarap na iyon. Yun nga lang biglang nagiba ang lahat. Biglang nagiba ang Martha na kilala niya. Noong nakita ko yung Audition piece mo sa plasma TV, naalala ko rin yung sa akin noon. Soon enough, sabi nila ako na daw ang it girl. Back then, hindi ko pa alam ang ibig sabihin noon. Saka ko lang nalaman noong, kabi-kabilaan na ang appearances ko sa mga important University events, noong tad-tad ang bulletin boards ng mga picture ko, noong laman na ako ng university paper at noong iniwan na ako ng boyfriend ko" malungkot na pagsasalaysay ni Martha.
"Bakit hindi ka bumalik sa dating ikaw? Bakit mo isinuko ang lahat para dito?" tanong niya kay Martha. Ngunit hindi niya alam kung ang tanong na iyon ay para nga ba talaga kay Martha o para sa kanya.
"Dahil huli na nung nalaman ko ang consequences kapalit ng ambisyon ko"
Para siyang pinanlamigan ng kalamnan ng marinig ang mga salitang iyon galing kay Martha. Hindi siya nakaimik at tulala pa ring nakatingin sa kawalan.
"Kaya Jake, kung gusto mo ang kalagayan mo ngayon. Kailangan mong masanay sa sigawan ng napakaraming tao at mabuhay ng mag isa mo." pagkasabi nito ni Martha ay tuluyan na itong lumabas sa NASUDI bldg. Bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Dinampot niya ito at lumabas ang pangalang nakarehistro sa cellphone:
Hon
Alam na niya kaagad na si Adrian ang tumatawag. Simula noong Auditions ay hindi na niya ito nakausap. May mga pagkakataon rin na tumatawag ito ngunit hindi niya sinasagot. Miss na miss na niya ito. Kung alam lang nito kung gaano kahirap para sa kanya ang tiisin ang lahat. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at sinagot ang cellphone.
"Hello" malamig niyang bati dito. Kailangan niyang magpanggap na hindi siya excited sa pagtawag nito
"Hon!! Buti naman sinagot mo na tong tawag ko.. Hon Miss na Miss na kita!" bungad ni Adrian ng marinig nito ang boses niya. Bakas sa boses nito ang sobrang excitement.
"Anong kailangan mo?" mariin niyang tanong dito
"Na miss lang talaga kita hon. Sorry ah kung inistorbo kita, alam kong hectic ang schedule mo ngayong school year dahil nga diba..." naputol ang sinasabi nito ng sumingit.
"Marami pa kong gagawin, kung wala kang sasabihing importante, ibababa ko na tong...." naputol na rin ang sasabihin niya ng bigla itong magsalita. Waring nahintatakutan ito ng bantaan niyang ibababa niya na ang cellphone.
"Sandali...Sandali! Hon naman... Gusto lang kita i-congratulate..."
"Yun lang ba?" malamig niyang tanong dito.
"Meron pa sana hon"
"Ano?" Iritable niyang tanong
"Happy Anniversary."
Parang kutsilyo na sumaksak sa dibdib niya ang huling sinabi nito. Ang araw nga pala na ngayon ay ang 4th Anniversary nila. Ngunit sa estado niya ngayon, hindi niya alam kung dapat nga bang batiin niya rin ito ng Happy Anniversary. Napagdesisyunan niyang patigasin ang boses kahit halos sumigaw ang puso niya na lambingin si Adrian. Inulit niya ulit ang naunang tanong
"Yun lang ba?" ulit niya
"Ah... Hmm.. Ano kasi Hon..."
"Kailangan mong bilisan kung ano man yan. May practice pa kami"
"Gusto sana kitang imbitahin mamaya Hon.. Dun sa paborito nating restaurant? Kain lang sana tayo kung maluwag schedule mo"
Napaisip siya. Gustong-gusto na niyang makita si Adrian. Ngunit hindi niya yata makakayanan na titigan uli ng diretso sa mata si Adrian gayung alam na alam niya na ang mga susunod na mangyayari dito.
"Titingnan ko pero hindi ko maipapangako na makakasama ako" sagot niya
"Sige Hon... pero.... maghihintay ako"
Nagbabanta na ang mga luha na sa kanyang mga mata.
"Ok" tanging naisagot niya
"I love you Hon" halos pabulong na turan ni Adrian sa kanya.
Pinindot niya ang End button.
"O anong sabi Moks?" agaw atensyon ni Red sa kanya matapos niyang tawagan si Jake.
"Try niya daw pumunta Moks" medyo malungkot niyang tugon
"Try? Moks... 4th Anniversary niyo tapos susubukan niya lang? Ganun na ba siya ka-celebrity masyado at hindi niya man lang magawa ang puntahan ka sa araw na espesyal sa inyong dalawa?" mahabang litanya ni Red sa kanya.
"Moks, intindihin mo naman yung tao... Alam mo namang siya na ngayon ang lead singer sa NASUDI. Tingnan mo sikat na sikat na siya sa campus." pagtatanggol niya kay Jake
"Importante pa ba yun Moks kaysa sa iyo? Kung ako siya.. ikaw ang first priority ko."
"Eh iba naman siya sa iyo Moks eh... Saka naiintindihan ko naman ang bagong set up namin ngayon"
"Wow, talagang may set up pa kayo Moks ah. At congrats! ikaw yung nakaisip ng bagong set up na yan, hindi na kailangang mag-alala ng Jake na iyan sa sitwasyon niyo.. Wow naman, swerte talaga nung sikat mong boyfriend sa iyo"
"Ako moks... ako ang swerte.. Dahil alam kong mahal niya ko"
"Malas ko, ikaw naman ang mahal ko" bulong ni Red sa sarili niya.
"May sinasabi ka Moks?"
"Ah wala Adrian dele Riva!... Sabi ko lang kako sa sarili ko... Apat na mata mo, hindi mo pa makita yung lalaking nagmamahal sa iyo"
"Lagi ko namang nakikita si Jake ah"
"Eh ako? Hindi mo ba ko nakikita?" tanong sa kanya ni Red.
"Ayan oh.... nakikita naman kita Moks... Ang gwapo-gwapo mo Moks.. Ayan oh" natatawa niyang sagot kay Red habang itinuturo ito.
"Ewan ko sa iyo... Labo mo" sagot ni Red sa kanya habang iiling-iling.
"Hay Naku Moks.. Mag-ayos ka na nga lang diyan"
Kasalukuyan silang nasa isang restaurant na malapit ng konti sa eskwelahan nila noong high school. Noong hindi pa sila tumutuntong ng kolehiyo ay ito ang paborito nilang puntahan ni Jake. Maliit lamang ito at abot kaya ang presyo ng mga lutuin. Ngunit sa araw na iyo ay inupahan niya ang buong restaurant at dinesenyuhan ng naayon sa kanilang okasyon. 4th Anniversary nila at nararapat lamang na kahit papano ay espesyal din ang selebrasyon nilang dalawa lalo na at nakapasok sa NASUDI si Jake. Matagal niyang pinagipunan ang gagastusin para dito. Kung tutuusin ay pwede naman talaga siyang humingi sa Mama niya ngunit mas pinili niyang ipunin na lamang mula sa baon ang gagastusin para dito.
Ang buong lugar ay pansamantalang natatakpan ng mga larawan nila. Kuha iyon simula noong highschool pa sila ni Jake hanggang sa kasalukuyan. Makikita iyong mga panahon na nagkukulitan lang sila sa larawan at paborito nilang mag-wacky pose sa harap ng kamera. Nahagip rin ng mga mata niya ang larawan nila nung Mock Wedding. Sa katunayan ay ito ang naging inspirasyon niya sa ginawang paghahanda sa lugar. Kabi-kabilaan ang mga pink balloons, mga pink na bulaklak. at ang mga telang ginamit para takpan isang lamesa sa gitna ay kulay pink din. Buti na lamang at pinahintulutan siya ng may-ari ng restaurant at syempre alam kasi nito na parokyano na sila ng nasabing lugar.
Sa harap ay matatagpuan ang isang projector, naghanda rin siya ng slideshow na naglalaman din ng pinaghalong mga larawan nila at ilang video clips na nakunan nila. Mayroon ding microphone sa unahan at nakalapag sa bangko ang isang gitara, balaki niya kasi itong kantahan ng theme song nila. Medyo nakakapagod rin talagang ibahin ang hitsura ng lugar ayon sa gusto niya ngunit nagpapasalamt siya at nandyan si Red, kundi dahil dito ay hindi siguro matatapos lahat ng naplano niyang gawin sa restaurant.
Nilingon niya ito, kasalukuyan itong nagkakabit ng balloons. Kahit pa asar na asar na ito sa kanya ay tinutulungan pa rin siya nito. Doon niya napapatunayan ang sinasabi nito sa kanya na hindi siya nito matitiis.
Ano kayang pakiramdam ang mahalin ng isang Red Antonio?
Pasimple niyang sinapak ang sarili. Bakit ba kung ano-anong pumapasok sa isip niya? Si Jake ang boyfriend niya at si Jake lang ang mahal niya.
"Oh? Nangyari sa iyo? bakit tulala ka na naman diyan? Ayos ka lang ba Moks?" agaw pansin sa kanya ni Red ng makita siyang nakatulala.
"Ah wala wala..." pagsisinungaling niya at nagiwas siya ng tingin dito.
"Moks.. alam ko importante sa iyo itong araw na to... pero dapat siguro magpahinga ka muna. Pinag-aalala mo ko eh. Parang hindi ka pa yata natulog kagabi dahil lang dito"
"Kinakabahan kasi ako Moks eh, paano kung hindi magustuhan ni Jake tong hinanda ko para sa kanya."
"Sinabi mo ba sa kanya kung anong oras at saan kayo magkikita?"
"Tinext ko na kanina pa" sagot niya
"Magugustuhan niya iyon ano ka ba? Tingnan mo nga ginawa mo dito sa restaurant... mahihirapan na yata ibalik nung may-ari yung dating hitsura ng restaurant niya"
"Sigurado ka ba talga Moks?" tanong niya ulit
"Halika nga dito"
Hudyat na ulit iyon sa kanya para yumakap ulit kay Red. Sa mga ganung sitwasyon, talagang kailangan niya si Red para pagaanin ang loob niya.
Niyakap siya nito ng mahigpit. at ganoon din siya.
"Hay naku Moks ko... bakit pa kasi"
"Anong bakit pa kasi Moks?" malambing niyang tanong.
"Bakit pa kasi ang sarap sarap mong yakapin" biro nito sa kanya
Agad naman niyang siniko ito sa tagiliran.
"Oh bakit na naman? To naman, ikaw na nga tong niyayakap"
"Eh puro ka kasi kalokohan, kala ko naman walang malice iyong yakap na iyo. Hmp!" singhal niya dito
"Haha.. Pwede bang walang malice moks eh sa hindi ko mapigilan eh" si Red habang tumatawa ng nakakaloko.
"Wag kang lalapit.. Hindi na nakakatawa yan inaakto mo Red Antonio"
Humakbang si Red papalapit sa kanya at naka ngisi ng makahulugan.
"Moks... payakap pa ko" nakangiti pa rin Red
"Wag kang lalapit, diyan ka lang"
"Moks"
At natagpuan na lang nila ang sarili nila na naghahabulan sa loob ng restaurant. Nagkikilitian na lamang sila na parang wala ibang tao.
"Moks ano ba... Tama na kasi.. Nakikiliti ako.. Hahaha" awat niya kay Red ng hinabol siya nito at simulang kilitiin sa tagiliran.
"Hmmm... ayan.. yan... siniko mo ko kanina ako naman ngayon.. Haha"
Wala siyang laban dahil masa malakas ito kaysa sa kanya. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tumawa na lang ng tumawa habang kinikiliti siya nito.
Humarap siya para tangkaing pigilan ito. Nakabig siya paharap ni Red. Ang tawanan nila ay napalitan ng katahimikan. Napalitan ito ng paghinga nila ng malim. Nararamdaman niya ang init ng hininga ni Red. Nakatitig ito sa kanya at sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi niya rin maalis ang titig niya rito.
"Adrian! Anak!" tawag ng isang boses lalaki sa kanila.
Awatomatiko naman silang napalingon at nakita niya ang may-ari ng maliit na restaurant na inupahan nila. Nilingon niya si Red at nakita niyang naihilamos nito ang kamay sa sarili nitong mukha. Pinili niyang huwag munang pansinin ito at lumapit siya sa matandang lalaking nagmamay-ari ng boses.
"Nandyan po pala kayo, Tito Felix" bati niya dito ng tuluyan na silang magkaharap.
Nakasanayan na kasi nilang tawaging Tito Felix ang may-ari ng restaurant hindi dahil sa kamag-anak nila ito kundi dahil sa napalapit na rin sila rito at naging bahagi na ng buhay high school nila. Wala itong anak o pamilya at tanging ang nagiisang kapatid nito na babae ang katuwang nito para itaguyod ang restaurant. noong nawili na sila na kumain sa restaurant na iyon ay itinuring na sila nitong anak-anakan nila Jake at Red.
"Oh ito na ba yung boyfriend mo?" tanong sa kanya nito sabay baling kay Red. Alam kasi nito na boyfriend niya si Jake yun nga lang sa tagal siguro na hindi na sila nagagawi roon matapos grumaduate sa high school ay baka hindi na nito masyadong mamukhaan si Red at Jake.
"Ay naku hindi po bestfriend ko lang po siya" depensa niya sa sinabi nito
"Oo nga.. bestfriend niya LANG po ako" sagot din ni Red. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagbibigay diin nito sa salitang "lang".
Nagpasya siyang huwag na muna itong pansinin.
"Ah siya nga ba? Naku hijo patawarin niyo ang Tito Felix niyo at talagang tumatanda na"
"Naku hindi naman halata Tito, eh mas mukhang bata pa yata kayo ngayon kaysa nung dati eh." pagsalungat niya dito
"Haha.. Marunong ka talagang bata ka.. Hayaan mo at magluluto pa ko ng isang putahe dahil sa sinabi mo.. Bonus ko na yun sa iyo anak"
"Haha Thank You tito.. Pero totoo naman talaga na wala pa ring kupas ang pagka-pogi niyo"
"Tong batang tong talaga hala sige.. Maiwan ko muna kayo dito ano? At lulutuin ko yung bonus menu.. Ikaw Red ingatan mo tong si Adrian ah?
"Oo naman Tito.. Ingat na Ingat ko po talaga iyan" sagot naman kaagad ni Red
"Tito naman bakit kailangan pa kong ihabilin kay Red?" tanong niya dito
"Eh diba mag boyfriend kayo?" tanong ulit nito
"Tito Felix naman eh! Kakasabi ko lang na hindi kami"
"Haha... Pasensya na anak at may deperensya na itong mata ko ano.. Hindi ko na kasi mamukhaan si Jake saka tinitingnan ko kayo kanina.. Bagay na bagay naman kayo.. Alam mo Adrian anak, may mga bagay na matagal na nating hinahanap hanap pero nasa tabi tabi lang pala"
"Kayo talaga Tito, hanggang ngayon pinapangaralan pa rin ako" lambing niya dito para naman mabago ang pinaguusapan nila. Hindi na kasi siya komportable sa mga sinasabi nito.
"O siya sige, mga anak at pupunta na ako sa kusina"
Lumingon ulit siya kay Red at nakita niyang nakangiti ito.
"O bakit ka nakangiti diyan"
"Wala lang, masama bang ngumiti"
"Sus... Ewan ko sa iyo"
Mas lalo yata nangasar ang Mokong at sumipol pa ito habang nakangiti. Nang tumingin ulit siya dito ay kininditan siya nito.
"Moks" tawag ulit sa kanya ni Red.
"Bakit Moks?"
"Maya-maya... aalis na ko ah.. Alam mo namang ayaw kong makita ang Jake na yan at baka ano pa ang magawa ko"
"Moks naman eh.. Importanteng araw namin to.... Ngayon ka pa mawawala"
"Iyon na nga Moks, importanteng araw niyo... Dapat solemn at romantic dahil Anniversary niyo, dapat nga hindi mo na inimbitahan si Sabrina na pumunta.."
"Ang alam ko naman kasi eh nandito ka rin mamaya pag dumating si Jake"
"Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niya sa iyo noong Auditions... Diba sabi mo hindi siya nagparamdam sa iyo matapos noon.. Sabi mo pa nga hindi sinasagot ang tawag mo? Ano iyon? Nakalimutan ka na por que sikat na siya? Iyan ba yung pinag mamalaki mong boyfriend" galit na tugon ni Red.
"Moks naman eh..." tanging nasambit niya
Bumuntong hininga muna ito bago sumagot muli. "Moks, nag-aalala lang ako sa iyo"
"Moks mahal ko si Jake at alam kong mahal niya rin ako.. Diba dapat pag nagmamahal ka iniintindi mo lahat lahat ng tungkol sa kanya?"
"Fine.. Hindi na po ako sasagot tungkol diyan.. To make it up, sandali lang ako OK? Then yayayain kong lumabas si Sabrina para makapag solo kayo.. Ok na ba yun?"
"Thank You moks!!.. Payakap naman sa best friend kong walang kupas"
"Sus nambola ka pa... Kung hindi ka lang cute eh"
"Haha sira!... Ang sabihin mo hindi mo lang ako matiis"
"Syempre mahal kita eh"
Napatda siya sa narinig. Tinitigan niya ito habang naka-kawit ang mga braso niya sa leeg nito.
"Joke" ngumisi ito ng nakakaloko
Binatukan niya ito bilang ganti.
"Oh para san na naman iyon?" natatwa nitong tanong habang hinihimas ang ulo.
"Ikaw kasi kung ano-anong pinagsasasabi mo"
"Apektado ka naman"
"Hindi ah"
"Sus... nahiya pa.. gustong gusto naman" pang-aasar nito sa kanya
"Sige lang Red Antonio... ituloy mo lang iyan... Makakatikim ka sa kin"
"Iba ang gusto kong tikman" makahulugang wika ni Red sabay kindat sa kanya.
"Ewan ko sa iyo" pambabalewala nito sa kanya at pumunta siya sa mga balloons para i check ang mga ito
"Pikon!" sigaw nito sa kanya
"Manyak"
"Haha... Sige na nga ako na ang Manyak.. Pano Moks... uwi na muna ako.. palit lang ako ng damit"
"Sige moks.. ako na bahala dito"
"Sigurado ka?"
"Oo Moks.. Sige palit ka na at ang baho mo na... May mga damit akong pamalit jan.. Dito na lang din ako magpapalit"
"Oo mabaho nga ako, pero gwapo naman"
"Umuwi ka na lang kaya.. Bubuhatin pa ang sariling bangko eh"
"Sige Moks ko.. kitakits mamaya and Happy Anniversary" matamis na ngiti ang ipinukol sa kanya ni Red pagkatapos siyang batiin nito.
"Thanks Moks"
"Basta ikaw" pahabol nito at saka unti unting nawala sa paningin niya.
Binabagtas ng kotse ang daan papunta sa Glifonea's, isa itong maliit na restaurant na pagmamayari ng isang matandang binata na nagnganagalang Felix Marivelles. Parang kailan lang na doon sila kumakain ni Adrian tuwing recess sa high school. At ngayon naiimagine niya uli ang sarili niya na kaharap si Adrian at kumakain sila ng sabay.
He shook his head. Kung anumang binabalak niyang masayang pagtatagpo ay kailangan niyang pawiin. Dahil nakaukit na ang mga sasabihin niya kay Adrian mamaya. Naalala niya ang paguusap nila ni Sabrina bago siya umalis.
"You need to attend to that celebration Jake"
"Bakit pa? Hindi ba pwedeng iwasan ko na lang siya?"
"No.. And you will only do what I will tell you.. I want you to go there and break up with that fag!"
"Sabrina pwede bang itaya mo na lang sakin ang relasyon namin ni Adrian?"
"Relasyon? Ang alam ko wala naman talagang relasyon Jake... Diba planado ang lahat? Diba ilang taon ka ring nagtiis sa baklang iyon? This should be a piece of cake."
Tama nga naman ito. Planado lang ang lahat. Kung mayroon mang isang katotohanan sa relasyon nila ni Adrian, ito ay ang katotohanang kasinungalingan lang ang lahat.
"Jake.. Go now"
Pumarada ang kotse sa isang maliit na restaurant. Ito na nga ang Glifonea's. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari noong high school sila. Oorder sila ng spaghetti at laging magrereklamo si Adrian dahil daw ang madumi siyang kumain nito. Lagi kasing nababahiran ng sauce ang gilid na bahagi ng mga labi niya. Pagkatapos ay pupunasan ni Adrian ng tissue ito at siya naman patuloy na humahanga sa pag-aalaga nito sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng restaurant.
Walang ilaw.
"May tao ba dito?"
Walang sumagot.
Tatalikod na sana siya palayo ng biglang may musikang pumailanlang sa buong restaurant. Lumiwanag ang buong paligid dahil biglang nabuksan ang ilaw. At ang musika ay nasundan ng boses na kumakanta.
"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on"
Nakita niya si Adrian nag-gigitara habang may nakatapat na mikropono. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. Doon pa lamang ay gustong gusto na niya itong yakapin at ikulong uli sa mga braso niya.
Nakita niyang lumapit ang may-ari ng restaurant na nagngangalang Felix. Binigyan siya nito ng mikropono.
Nagsimula siyang umawit habang nakatitig kay Adrian. Sinikap niyang walang emosyon ang lumabas sa mukha niya.
"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo hooow"
"I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"
"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions"
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end"
"There are moments when I don't know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need inspiration Not just another negotiation"
"All I wanna do is find a way back into love, I can't make it through without a way back into love, And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the end"
Natapos ang kanta na wala siyang ka-rea-reaksyon. Huli na ang lahat. Hindi na niya maibabalik ang dati. Gumala ang mata niya sa dingding ng restaurant. Sa lahat ng sulok ay makikita ang kanilang mga larawan, mga larawan na nagpapakita kung gaano sila kasaya noon. Mga larawang amgsisilbing paalala kung gaano siya kaswerte kay Adrian. At ito ang buhay na paalala na sa tanan ng buhay niya, naranasan niyang magmahal.
Biglang naalala niya ang sinabi ni Martha. "Dahil huli na nung nalaman ko ang consequences kapalit ng ambisyon ko"
Tama ito. Huli na ang lahat para sa konsensiya. Huli na ang lahat para sa pagmamahal.
"Hon nagustuhan mo ba?"
Hindi niya namalayan na naroon na pala ito sa harapan niya. Nakita niyang lumapit si Adrian sa kanya para halikan siya sa pisngi.
"Happy Anniver..." hindi na naituloy ni Adrian ang sasabihin niya ng pigilan ni Jake ang mga braso niya para yakapin ito.
"This is the worst thing you've done"
"Hon may mali ba? Hindi mo nagustuhan tong hinanda ko para sa iyo. Hon OK lang, kung di mo gusto dito Hon.. Kahit sa ibang lugar na lang tayo magcelebrate"
"Dont bother Adrian"
"Adrian? Hon, hindi ko maiintindihan bakit ka ba nagkakaganyan?" pumiyok na ang boses niya tanda ng nagbabantang mga luha.
"That would be the last time that you will call me that name. Hon? Pathetic"
"Hon sorry na please wag ka ng magalit..."
"You made me sick" pagkasabi ni Jake nito ay tumalikod siya para humakbang papalayo. Tumakbo naman siya sa harapan nito para pigilan ito.
"Sandali.. Hon.. may nagawa ba akong mali.. May hindi ka ba nagustuhan ? Ano? Sabihin mo na.. Parang awa mo na"
"Hindi mo naiintindihan" malamig nitong tugon sa kanya
"Dahil ayaw mong sabihin!!!! Hon, hirap na hirap na ko ... hindi mo sinasagot tawag ko... Miss na miss na kita ... ngayong nagkita na ulit tayo bakit biglang bigla parang ayaw mo na kong makita" umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon.
"Gusto mong maintindihan? Huh?" biglang sigaw ni Jake sa kanya at kwinelyuhan siya.nanlilisik ang mga mata nito sa galit.
Hindi siya nakapagsalita. Sa buong buhay niya ay noon niya lang nakitang galit na galit si Jake.
"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."
"Dahil ano Jake? Dahil ano!!!" sumigaw na rin siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.
Nabigla siya ng itulak niya ito at mapaupo siya sa lapag. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Ngiti ng isang taong nagtagumpay na isakatupara ang pinaplano niya.
"Dahil BAKLA ka lang"
Sapat na ang sinabi nito para pagsakluban siya ng langit at lupa. Narinig niyang humakbang ito palayo at ang sunod na narinig niya ay tunog ng kotseng papaalis.
"Mama pwede niyo po bang bilisan ng konti?"
"Naku hijo sagad na tong takbo ng tricycle ko"
"Mama kailangan ko po kasing sunduin yung Moks ko, importante lang po eh"
"Moks? Yun ba yung pangalan niya?"
"Hindi.. Basta.. Bilisan niyo na lang po"
Gusto ng batukan ni Red ang tricycle driver na sinakyan niya. Biglang bigla kasi ay pinapunta siya kaagad ng kanyang Ina papunta kay Adrian. Kanina pa siya balisang balisa at pinagpapawisan ng malamig. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito.
Sa wakas ay nakababa na siya sa tricycle. Humahangos na pumunta siya sa loob ng restaurant at nakita niya si Adrian.. Nanonood magisa ng slideshow. Humangos siya papalapit dito dahil may kailangan siyang ibalita.
"Moks!" sigaw niya dito
"Jake? Jake... buti nagbalik ka"
"Moks, si Red...to hindi ako si Jake... si Red to"
"Moks kaw pala sorry... Moks please... habulin natin sa Jake Moks... Moks.. magpapaliwanag ako sa kanya Moks... please..Moks" umiiyak ito habang nakayakap sa kanya.
"Moks hindi natin siya hahabulin"
"Moks sige na please... Parang awa mo na... Moks" humagulhol na si Adrian
"Moks.. naririnig mo ba ang sarili mo? Moks.. may isang tao mas kailangan ka ngayon.. Moks nasusunog ang bahay niyo ngayon.. At nandon ang Mama mo!!!"
Itutuloy....
0 Violent Reactions!
Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D