Way Back Into Love (Chapter 10)

Way Back Into  Love Chapter 10 By Rogue Mercado "Moks ko... Sorry na... please"   wika ni Red s...



Way Back Into Love


Chapter 10





By Rogue Mercado








"Moks ko... Sorry na... please"   wika ni Red sa kanya habang nakayakap ito mula sa kanyang likuran.



Mas pinili niyang huwag sumagot at patuloy na tinugtog ang piano. Pumikit siya habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan ay para siyang nakaramdam ng katahimikan sa kanyang puso. Ang alam niya ay hindi na siya galit kay Red kung ano man ang nagawa nito kanina. Hindi na rin siya nanghihinayang dahil hindi siya nakapasok sa NASUDI. Siya pa rin naman si Adrian at gaya ng nasabi ng Mama niya, hindi malaking kabawasan iyon sa pagkatao. Habang tumutogtog ng piano ay sinabayan niya na ito ng pag-awit.



"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on" 


Nanatiling nakayakap sa kanya si Red. Ngunit nabigla siya ng ipinagpatuloy nito ang kanyang kanta habang yakap pa rin siya nito.



"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"



Natapos nitong kantahin ang ikalawang bahagi ng kanta ay nakayakap pa rin ito sa kanya... At alam niyang tulad ng dati, ang susunod na bahagi ay sabay nilang aawitin.



"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo hooow"


Parang nakakapanibago na sabay sila uling kumakanta ni Red. Kailan na ba yung huling pagkanta nila nito? Hindi niya na matandaan. Ngunit alam niya sa sarili niya na masaya siya ngayon. Nilingon niya ito, nagtama ang mga mata nila. Namumula  ang mata nito, halatang pinipigil umiyak sa harap niya. Noong mga bata pa sila, pinagmamalaki talaga nito na hindi siya iyakin at barakong-barako samantalang siya daw ang iyakin at lampa. Ilang beses  pa lang talaga niya nakikita si Red na umiyak sa harapan niya. Madalas nito ay pag nagaaway silang dalawa o may di pagkakaunawaan. Susuyuin siya nito, tutugtugin ang kantang 'Way Back Into Love'. Ito ang isa sa mga katauhan ni Red na hindi nakikita ng ibang tao. Ang umiyak. Binawi na niya ang pagkakatitig dito at ipinagpatuloy niya ang kanta.




"I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"



Naramdaman niyang mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya at ipinagpatuloy ulit nito ang kinakanta niya.



"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions"



At ganun lang ang posisyon nila habang itinutuloy ang kanta. Nakayakap si Red sa kanya habang tinitipa niya ang piano.



"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end"




"There are moments when I don't know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need inspiration Not just another negotiation"




"All I wanna do is find a way back into love, I can't make it through without a way back into love, And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the end"




At natapos din ang kanta.



Ilang segundo pa rin silang ganun. Walang may balak magsalita. Si Red nakayakap sa kanya at siya naman nakapikit na ninanamnam ang yakap nito. 



Ilang sandali pa ay kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya.




"Hay sarap!!"  natatawang wika nito sa kanya. Siguro ay nagkakaintindihan na sila na OK na uli ang lahat. Bestfriend niya si Red at hindi na siguro kailangang gawing kumplikado ang lahat



"Sarap ka diyan" kunwari niyang pagtataray dito.



"Sus, kunwari pa... Nasarapan ka naman Moks eh" pangaasar pa rin nito sa kanya



"Wag mo ng gagawin uli yun Moks ah! Hindi nakakatawa yung halik na iyon!!!" wika niya dito. Mas maganda na sigurong diretsuhin na niya si Red para naman mas magaan na sa loob at maisara na kung anu man ang rason ng pagtatampo niya dito.



Tawa lang ito ng tawa sa sinabi niya.



"Red Antonio, seryoso ako sa sinabi ko" singhal niya dito



"Halika nga dito" yaya ni Red sa kanya at sabay senyas ng kamay na yakapin siya.



Hindi naman siya nagatubili na yakapin ito.



"Moks, ang tinutukoy kong masarap eh yung pagyakap ko sa iyo kanina, hindi iyong halik.. ano ka ba?" sagot nito sa sinabi niya kanina



Medyo nahiya siya sa sinabi nito. Buti na lang at nakayap siya kay Red at kung sakali ay makikita na naman nitong pinamulahan siya ng mukha.



"Kakainis ka talaga" reklamo niya dito ngunit nakayakap pa rin siya.



"Haha. Gustong gusto mo naman kasi na niyayakap kita" asar nito sa kanya. Siniko naman niya ito bigla bilang tugon.



"Aray kop!" wika ni Red habang hawak hawak ang tagiliran.



"Buti nga sa iyo.. Manyakis!"  sagot niya kay Red pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap dito



"Ang sakit nun ah.. Pikon ka talaga Moks kahit kailan"natatawang sagot ni Red



"Eh ikaw iyakin" balik asar niya dito.



"Alam mo namang pagdating sa iyo, mahina ako" biglang seryosong tugon ni Red sa kanya.



Hindi siya nakasagot kaagad. Bigla na naman kasing naging seryoso ang usapan nila.



"Moks, best friend pa rin naman ang turing mo sa kin diba?" tanong niya dito.



Tinitigan siya ni Red ng matagal pagkatapos ay ngumiti. Ngunit nakita niyang may lungkot pa rin ang mga mata nito.



"Oo naman" matipid na sagot ni Red sa kanya.



"Moks... wag mo ng gagawin yun ah. I mean yung kanina. May boyfriend ako tapos si Sabrina. Ang awkward naman diba? Kasi magbest friend tayo eh" diretso niyang wika rito



"Sorry Moks.. Aaminin ko.. Hindi ako nagisip nung ginawa ko yun. Moks, nung nakita kita sa stage na umiiyak, nasasaktan ako Moks. Sobra. Kung pwede lang sana ako na lang yung magdala nung sakit na nararamdaman mo kaso wala eh. Ayokong nakikita kang umiiyak Moks. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Pasensya na sa ginawa ko, pangako.. hindi na ulit mauulit Moks" tuloy tuloy nitong pagamin



"Ok na yun Moks buti nagkaliwanagan tayo" masaya niyang tugon.



"Pero Moks.."



"Ano?"



"Pwede isa pa?" natatawang tugon ni Red.



"Sapak gusto mo?"



"Yakap lang naman eh! Ito naman.. Hindi mo talaga malimutan no?" 



"Ewan ko sa iyo" tinalikuran niya si Red.



Wala pang isang segundo na yumakap ulit si Red sa kanya. Gaya kanina ay nakatalikod siya habang nakayakap ito.



"Moks sorry ulit.." seryosong wika ni Red sa kanya.



"Ok na yun Moks.... Basta ba wag ng uulitin" wika niya kay Red at pagkatapos ay pumihit siya paharap dito.



Nagkatitigan ulit sila ni Red. 




"Parang gusto kong ulitin ulit Moks"  seryoso pa ring wika ni Red sa kanya habang tinititigan siya nito



"Hmp!" itinulak niya ng marahan ang ulo nito sabay tayo.  "Hindi ka na nakakatuwa Red Antonio"



Tawa na naman ito ng tawa. 



"Ang sarap mong asarin"



"Baliw"



At nagkatawanan na naman sila. Nang humupa na ang kantiyawan ay nagsalita na siyang muli.




"Moks...." tawag niya dito at siya naman ang naunang yumakap



"Oh himala ata.. ikaw unang yumayakap sa akin" tanong ni Red



"Hindi ah... ako naman unang yumayakap paminsan minsan"




"Hindi rin... Ang arte mo kaya.. Ako unang yumayakap sa iyo"




"Eh di kung ayaw mo wag mo" sabay ng pagkakasabi niya ay tumalikod siya at bumitiw sa pagkakayakap dito



"Ops... Wala ng bawian!!" si Red at hinatak ang kamay niya para yakapin uli siya.



"Sinong maarte ngayon?" natatawa nitong tugon



"Nakakapanibago lang kasi Moks eh... Siguro hinahanap hanap mo rin yakap ko no?"



"Feeling.." maikli niyang tugon dito.



Tinawanan lang siya nito at pagkatapos ay ito naman ang nagtanong



"Siguro may kailangan ka sa akin noh , kaya niyayakap mo ko?" duda nito sa kanya.



"Haha.. Paano mo nalaman Moks?" natatawa niyang pagkumpirma dito



"Sige ganyan ka... Pag may kailangan ka lang saka mo ko niyayakap. Hmft!" wika ni Red na hindi na siya tinitingan



"Moks wag ka ng magtampo oh... Labo mo naman" wika niya habang pinipihit ang mukha ni Red. "Tingin ka na dito sa akin bilis"



"Ayaw" matigas nitong sabi sa kanya



"Akala ko ba hindi mo ko matitiis?"



"Basta ayaw"



"Eh kung ilibre kita ng meryenda?" panunuhol niya dito



"Ayaw"



"Eh kung ako na gagawa ng assisgnments mo, titingin ka na sa akin?"



"Ayaw"



"Eh kung bilhan kita nung sapatos na gusto mong bilhin?"



"Ayaw, mabibili ko rin yun"



"Eh kung bilhan kita nung latest edition ng FHM?"



"Ayaw"



"Eh kung pahalik ulit ako sa iyo?"



"Game! O ayan nakatitig na ko. Kiss ko?" nakangising demonyo ang mokong



"Hmp!" tinulak niya ito "Sabi na nga ba eh, manyakis ka tlga Moks! Akala ko ba nag promise ka na!" nakasimangot niyang tugon



"Haha.. Akla ko kasi totoo yung offer.. Matitiis ko ba kung ganun na yung offer mo" nakangiti pa rin ito ng makahulugan



"Nakakainis ka naman eh"



"Sige na nga baka magtampo ka na naman sa akin.... Ok, para sa best friend at Moks ko na hindi ko matiis! Anong maipaglilingkod sa iyo ni Red Antonio" panunuyo nito sa kanya.



"Seryoso yan?" paninigurado niya. Hindi niya namalayan na nakayakap na naman itong si Red.



"Oo promise.. Hindi nga kita matiis diba" 



"Kasi si Jake Moks... Naisip ko na kailangan ko siyang i-congratulate dahil nakapasok siya ng NASUDI. Balak ko sanang maghanda ng surprise party para sa kanya"




Sabrina was standing at the corner before the doorway. Kanina pa siya naroon dahil pinatuloy siya ng ina ng baklang Adrian na yan. Sinabi nito na naroon rin si Red. Humakbang na siya palayo bago pa man siya mapansin ng dalawang nasa kuwarto.



"O Sabrina, anak? nakausap mo na ba sila? Aalis ka na ba?"



"Ah opo Tita, bale may binigay lang po ako kay Red."



"O sige, magingat ka pauwi anak" pamama-alam nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.




Nang makalabas si Sabrina sa pamamahay na iyon ay naglabas siya ng Alcohol. She doesnt want to be contaminated by any slumps. Pagkatapos ay naalala niya ang huling sinambit ni Adrian bago siya umalis.



"Sorpresa pala ah? Dont worry, you will also get the surprise of your life" bulong ni Sabrina sa sarili.




Itutuloy...


You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images