The Accidental Crossdresser (Chapter 3)

The Accidental Crossdresser Chapter 3 By: Rogue Mercado Email: roguemercado@gmail.com ***** Balai Condomin...


The Accidental Crossdresser

Chapter 3




By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com





*****


Balai Condominums, San Nicolas, Ilocos Norte


Nasa veranda ako ng mga oras na iyon. Nagkakape. Oh yeah. Coffee Addict ako. Kahit nga ito na lang din maging tubig ko habambuhay eh Ok na Ok. Nakatanaw lang ako sa labas.


Ngayon na magsisimula ang impyernong buhay ko. Ngayon na magsisimula ang pagpapalit katauhan ko bilang isang.. Ugh.. Baklang Nagdadamit Pambabae. Si Alexis Saavedra. Saglit kong naalala ang nangyari kagabi.


May nakabangga akong lalaki. Lasing siguro. Nakapulot ako ng ID.


Teka asan na nga ba yung ID na yun?


Naalala kong nailagay ko nga pala to sa short ko. Inilabas ko itong muli at pinag-aralan ang lalaking nasa larawan.

Kamera Obskura




ID Serial Number: 45869928PILY

Name: Lester Saavedra
Photographer







Sigurado akong ang Lester Saavedra na to ay ang nakabangga ko kagabi. Malas ko lang hindi ko namukhaan ang lalaking nakabangga sa akin dahil nga napasama ata yung pagkakabangga namin. Kumbaga nga sa boxing, it was a headbat. Grabe, talagang umikot paningin ko. Wala ring tsansa para makita ko kung ano nga ba talaga hitsura nitong si Lester Saavedra dahil naka-shades naman ito ngayon sa ID.


Ang weird lang kasi naka-shades sa ID?


Napansin ko rin na walang larawan ang Lester Saavedra na iyon sa mga clips ng diyaryo na ibinigay sa akin ni Bridget. And I wonder why? May mga larawan na kasama ni Alexis ang kanyang Ina o ama pero wala man lang larawan na magkasama ito at si Lester Saavedra.


Bigla kong naitago ang ID ng lumabas si Bridget mula sa loob. Nakapambahay lamang ito at di tulad kahapon ay wala itong make up. Gayunpaman, ay babaeng-babae pa rin ito.


“Oh My God!!!! Anong iniinom mo?”


“huh? Eto? Kape.”


“Shunga ka lang talaga teh no? Wiz mo ba ini-study ang mga ginivesung ko sa iyo?”


“Ano?”


“God ang hirap talagang makipagspluk sa paminta. Ok. Bakit ka umiinom niyan? Hindi mo ba pinag-aralan yung binigay ko sa iyo kagabi?”


“Pinag-aralan ko naman and Im into it right now” wika ko sa kanya at isinenyas ang mga folder na nasa mesa.


Hindi ko pa naman nababasa ang limang folder na ibinigay niya. Sobrang dami. Kunsabagay ay kailangan kong pag-aralan ng husto ang buhay ni Alexis Saavedra.


“Akin na nga yan!!” naiinis na sabi sa akin ni Bridget.


Kinuha niya bigla ang tasa na may kape at walang anu-ano na ibinuhos niya lamang sa ibaba. Not worrying na baka may mabuhusan na kung ano.


“What? Bakit mo ginawa iyon?”


Nakakainis na talaga tong baklang to!!! Pati kape ko pinakialaman!! Mess up with anything but not my coffee!!!


“Alexander.... Kung meron mang huling iinumin si Alexis sa mundo, yun ay ang kape. Hindi siya umiinom ng kape. Because Alexis cares so much about her skin. Ang isa sa natural ingredient ng kape ay of course caffeine na nakakawala ng natural oil sa balat. Alexis hate that. Isa siyang print ad model so appearance is a must-care”


So my favorite is compromised? Kakainis.


“So ano ang gusto mong inumin ko?”


“Tea.” maikling sagot ni Bridget


“Tea???? Eh sukang-suka nga ako sa tsaa”


“Wala kang magagawa.. Yana ang paborito ni Alexis so kailangan mong matutunang uminom ng ganyan. Tea has natural anti-oxidants. Mas maganda yun kumpara sa kape. Consider the benefits”


Pero ayaw ko nga ng tsaa!!!!


“May magagawa pa ba ko?” napabuntong hininga na lang ako.


“Syempre wala.. This is a yes-yes situation, syempre wala kang karapatang tumanggi”


Oo nga naman. Simula nga pala ngayon ay hindi lang pangalan niya ang magbabago. Its the whole part of him.


“So kumusta ka Alexis?” biglang tanong sa akin ni Bridget na parang walang nangyaring pagtatalo kanina.


Napakunot ang noo ko. Nasa training na ba kami?


“Ahm Ok.. lang” tipid kong sagot. Hindi ko nga alam kung ang sumagot ba ay si ako o si Alexis na.


Biglang lumipad yung sampal ni Bridget sa pisngi ko. At bago ako makailag ay hawak hawak ko na ang sa hula ko’y pulang-pula kong pisngi.


“Aray!!!... Bakit ba? Pag ako hindi nakatiis sa iyo talagang pipisikalin na kita Bridget!!” galit kong tugon sa sampal niya.


“Baka nakakalimutan mong ako ang dominos mo ngayon? Wala tayo sa opisina Black Scorpion at hindi ito ang oras para ipagmayabang mo ang fighting skills mo.” litanya ni Bridget sa akin.


Dominos ang tawag sa trainer mo sa isang misyon. Karamihan ng mga ito ay galing sa intelligence unit na siyang gagabay sa iyo sa mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa tao o lugar na kailangan mong imbestigahan.


“Im sorry.. pero hindi naman ata tama na sampalin mo ko ng walang dahilan. Parte ba to ng training natin? Randomly, you will slap me?”


“Talagang makakatikim ka sa akin lagi niyan kung hindi mo pagaaralan ang mga ibinigay ko sa iyo. God, im so disappointed. All I thought eh naka-absorb ka man lang kahit konti diyan kung talagang nagbasa ka nga ba”


Ok sige... nahuli na ako. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang mga ibinigay ni  Bridget kagabi. First, I was so fed up by the fact na magsusuot ako at magpapakababae. I admit... mula sa paguusap at pagkabunyag ng totoong orientation ko na Im gay eh naisip kong mapapadali nga talaga ang misyon. Gaya ng nasabi ni Bridget. Second, ewan ko ba... pero parang namagneto ako ng  ID nung Lester Saavedra na iyon. Naiintriga lang ako kung ano nga ba talaga ang hitsura niya without those sunglasses and to think na makikilala ko na siya when I became an exact duplicate of Alexis Saavedra


“So ano ba ang mali ko? Tinatanong mo ko kung OK lang ako then I said OK? May mali ba dun?” taka kong pagtatanong sa kanya.


“Oo.. maling mali. Kapag tinanong kita kung Ok ka.. Your reply should be ‘keri lang’”


“Anong keri lang?”


“Gosh teh.. kailangan ko pa talagang iexplain sa iyo yan.. Alam mo.. common sense in an uncommon situation is what the world calls intelligence.. Black Scorpion.. hindi lang pagdedecode ng password ang kailangan mong matutunan kundi lahat ng nangyayari sa sa paligid na ginagalawan mo. you should extend your skills beyond technicalities. Kailangan mo ring maging socially relevant.”


Hindi nga nagkamali ang Master Black sa pagpili kay Bridget na maging Dominos ko. After all... kahit ganyan siya.. She really have the brains. Marami talaga akong matututunan sa kanya.


“Ok noted on that.. So ano nga... anong ibig sabihin ng ‘keri lang’ ?”


“Keri!!!! Keri!!!... pinalanding version ng ‘carry’ which basically means OK”


“Huh? So ano ang punto bakit kailangan kong sabihing ‘keri lang’ in a complicated way when I can just say Ok lang? it doesnt make sense”


Sinampal niya uli ako.


“Please lang... ang katangahan hindi yan parang facebook na lagi ishi-share.. Halatang hindi ka talaga nagbasa ng mga ibinigay ko”


“Im sorry pero alam mo namang bago sa kin to... Lahat ng to.. Yes Im gay... I admit that pero kaka-out ko pa lang in fact ikaw pa lang ang nakaka-alam at ang boyfriend mo..”


“Wala kang mga kaibigan?”


“Si Gelo lang yung kaibigan ko but aside from him... I tried hard to never be close to anyone that I encounter. Kapag galing ako sa Black Society office... diretso na kong bahay and I spend my time watching TV or movies”


“Gelo? that’s the guy ba na nasa office kahapon? Si Thorn Black?”


Tumango ako.


“In fairness biyaw ah? pero mas venum ang boyfie ko syempre... Anyways.. ok so naiintindihan ko na mababaw ang orientation mo sa mundo namin.. So if you are watching TV naman pala.. hindi ka man lang ba aware sa  lifestyle namin? Nakapanood man lang? Sa pagkaka-alam ko maraming programs na ang nagco-conduct ng documentaries sa buhay ng mga transgenders”


I specifically avoided na manood ng mga ganun programa. Ang sakit sakit lang kasi pag naaalala ko ang pangaalipustang naranasan ko sa ampunan dahil lang sa pagiging effeminate ko. Simula noon I tried harder to act straight para kumawala sa mga panunukso at pambababoy na pinag-gagagawa nila sa akin.


“Mas gusto kong manood ng balita.. current events.. CNN and the like”


“Hindi ka man lang nanonood ng TV Patrol o 24 Oras?”


“Nope”


“More than anything else dapat doon ka nanonood kasi sa Pilipinas tayo and we solve crimes na nasa Pilipinas din.....


…..Kaya naman pala.. talagang ang boring ng buhay mo”


Boring na kung boring but I have my reasons. Mas ginawa kong buhay ang pagiging isang secret agent.


Tumango na lang ako imbes na magreklamo. Baka makakuha na naman ako ng sampal.


“Sige.. I’ll be more patient on you this time.. pero teh hindi ako naniniwala sa Patience is virtue ah? kaylangan mong matuto ng mabilisan. 2 months lang ibinigay sa ating dalawa and after 2 months... kailangan maging xerox ka na ni Alexis. Siguro bonus points na yung magkamukha kayo but that’s not enough. Kailangan alam mo kung ano siya inside and out. The way she moves... the way she speaks. Lifestyle...Fashion sense... lahat.”


“Got that... seryoso rin ako sa misyon na ito and I cant afford to lose my rank.. Kahit na ignorante ako sa mundo niyo.. I have to do this.. Dahil... Im Black Scorpion.. top ranking Black Society Agent”


“Good. Buti na lang may fighting spirit ka pa teh. Maybe i’ll start this session with you by asking... Ano ba ang unang-unang gusto mong matutunan sa pagiging isang Alexis Saavedra?” seryosong tanong niya sa akin.


Hmmm... ano nga ba?


“Yung mga pinagsasasabi mo? Gusto kong matutunan yun?” wika ko sa kanya


“Yun ba.. well siguro dapat nga.. Spanish ang tawag dun.” seryosong sagot nito sa akin


“Spanish? You dont sound like Spanish.”


Diba pag Spanish may amiga o amigo... senyora... senyorito.... Eh lagi niya akong tinatawag na ‘teh’

“Hahaha... Spanish means Filipino Gay Lingo... At kung paano ako magsalita sa iyo... Thats Gay Lingo.. Tinatawag din siyang Sward Speak o Bekimon..” paglilinaw ni Bridget


“Bakit ba kailangan niyong magsalita ng ganyan? Cant you just speak like a normal human being?”


“Siguro dahil na rin sa kinatatakutan mo.” seryosong saad ni Bridget


“Anong kinatatakutan ko?”


“Discrimination? Bullying? People saying that you are a fag? Dahil dito.. feeling ng mga baklang ladlad kagaya namin eh we are being treated as an outcast.. Hindi nabibilang sa lipunan. At kapag nagkasama-sama ang mga taong tulad namin.. What happens next when society doesnt want us? Answer is.. we create our own society. At doon na pumapasok ang Gay Lingo.. Sa pamamagitan ng pagsasalita ng isang lenggwahe na iilan lamang ang nakaka-alam nakakaroon kami ng autonomy... ng sense of being a unique or stand alone community... Nagkakaroon kami ng distinction... Nung amin lang... Kaya tinawag na Tagalog ang mga nasa Katagulagan dahil sa vernacular language nila na Tagalog..may distinction diba? The same goes with Iluko for Ilocanos... Bicol for... Bicolano... Do you get my point? Pero its not necessarily na bakla na pag nag-gi-gay lingo.. these days kahit straight marunong na.. Ewan ko nga ba na ikaw na berde ang dugo wah pagka-knows sa mga ganitong bagay.. Basta ito lang yung probable origin”


“Yes.. got it”


Napatangu-tango ako habang nagpapaliwanag si Bridget. So ganun pala? Ang pagsasalita ng Gay Lingo ay isang pagkakakilanlan.


“So ano ang gusto mong matutunan.. Gosh teh ah... Best in Google Translate ang peg ko ngayon? Pero sige.. Go lang.. Magbigay ka ng words na gusto mong itranslate ko”


Nagisip ako saglit at pilit inalala ang mga usapan namin ni Bridget. Siguro I’ll try to ask with the basic na napapansin ko.


“Bakit lagi mo kong tinatawag na ‘teh’?”


“Terms of Endearment ng mga bakla yan.. Iba-ibang variants naman yan eh.. pwede ring Girl! Atwe!! Sis!! Beks!! pag medyo matanda na yung bakla pwedeng Mama! Mother! Lola!! Mother Nature!!... mga ganun.. o pwede rin naman diretsahang bakla!!!!!”


Natawa ako habang malanding dinedemonstrate ni Bridget ang mga terms of endearment daw. Naaaliw ako sa pagbabago bago ng kanyang tono.


“So ikaw naman.. practice calling me those endearments... gusto kong marinig pano mo sabihin.. So halimbawa nagkita tayo.. and you need to say ‘Hi teh!!!!’ Paano mo sasabihin?”


“Ha....hay.. t..teh.....” malamya kong sagot.


“Teh ano iyon? Autistic lang? May Parkinsons? Lagyan mo ng landi... Alam mo kung gusto mong maging si Alexis.. you need to let it all out... Kailangan ilabas mo yung kembot sa katawan mo... Sige isa pa..”


“hi...teh?”


“Ay? Q & A teh? parang di ka sigurado kung magha-hi ka sakin?”


Paano ba kasi?  Nasaan ba kasi yung kembot sa katawan ko?


Inisip ko na lang na babae ako... Im feminine... Im proud to be gay.. Hindi na ako si Alexander na nagpipilit itago ang pagkabakla.


“O Ano na?”


“Hi Teh!!!!!!!!!!”


“Perfect!!! That’s what Im talking... Bongga!! Dapat ganun lagi yung tone teh.. Rising intonation.. Yung pang diva.. true?”


“True!!”


“Hahaha.. Fast learner ah!!. Bongga.” natatawang wika ni Bridget ng sagutin ko ang tanong niya.


“So pwede mo pa ba akong turuan?”


“Sure.. go lang.. basta magbanggit ka ng salita at hahalukayin ko yan sa beki dictionary ko”


“Ahm.. pangit?” tanong ko


“Ikaw? Chos... hahaha”


“Ano nga?” nairita ako bigla.


“Chaka... yan yung pinaka generic.. pero may iba iba rin siyang contraction.. pwede ring chukie... shonget.. ma-kyonget.. chapter... jupang-pang”


“Hmmm ano pa nga ba? Wala na akong maisip”


“Think of something na close sa sex... Mas maraming translation iyon Hahaha”


Bahagya naman akong natawa pero I give it a shoot. Dapat hindi ako maging ignorante sa mga bagay na ganun.


“Ahm AIDS?” tanong ko


Related naman siguro sa Sex ang AIDS.


“Anita Linda.. sometimes we call it Aida”


“I see.. paano yung malibog?”


“Haha... Determined ka talaga teh ah.. Ok.. Ang malilibog na yan syempre excluding me and my pure virginity... Tinatawag namin silang Cathy Santillian...Kate Gomez.. Cathy Mora... Cathy Dennis...at ngayon Cathy Garcia-Molina hahahaha”


So parang makati kaya Kathy or Cathy? Ow I get it... Tama nga si Bridget sometimes common sense lang.


“O ano pang gusto mong malaman?” tanong niya ulit sa akin.


“Ano ang tawag sa boyfriend ng isang bakla.. Is it ‘jowa’ ?” curiosity strikes me.


“Hmm... may alam ka naman palang Gay Lingo ah”


“Familiar lang siya... in fact naalala ko lang siya ngayon”


“Yes... Tama... Jowa ang tawag sa boyfriend.. pero masyado ng gasgas iyan... Tulad ng human evolution.. Pati Gay Lingo nagbabago through out times.. May nawawala.. may naidadagdag.”


“So you mean.. hindi na jowa ang tawag sa isang boyfriend?”


“Ganun pa rin naman but since marami ng nakaka-alam nun.. May bago ng tawag ang ‘jowa’ sa newest millenium Hahaha”


“Ano?”


“It depends... Pag one time encounter lang ang tawag dun.. STUDIO CONTESTANT... Pag more than once at frequent ang encounter ang tawag dun... MONTHLY FINALIST.. Pag nagkadevelop-an na.. GRAND FINALIST... Pag nagsasama na at ibinabahay.. LUCKY HOME PARTNER... Pero pag call in call-boy lang.. ang tawag dun... LUCKY TEXT PARTNER. hahaha”

“Ah ok.” Yun lang naireply ko sa sobrang pagka-amuse sa mga pinagsasasabi ni Bridget.



“Mayron ka pang isang dapat malaman... “


“Ano yun?”


“Familiar of the word chorva?”


“Parang narinig ko na rin... Ano bang ibig sabihin non?”


“Akala kasi ng ibang tao kabaklaan lang namin yan but NO... Chorva has its etymology from the Greek word ‘cheorvamus’ which means “for the lack of word to say” so that makes ‘chorvah’ a very amazing word.... Kapag wala kang mahanap na sasabihin.. italak mo lang ang chorva... for example... ‘kuya yung chorva ko pakihanap nga’ o kaya ang ‘which is best ba yung chorva na to o chorva na yan’ … kung magche-cheer ka naman... “chorva lang ng chorva!!”... na-getlak mo ba?”


“True!!! hahaha”


Tawanan.


“Ganito na lang.. I’ll give you some of the list ng mga alam kong beki words at pagkatapos... just familiarize yourself Ok ba yun?”


Tumango naman ako. Malamang nga na matagalan kami sa ginagawa namin pag inisa-isa namin ang mga salita sa diksyunaryo.


“So... Let’s go back to Alexis Saavedra.. Ano yung mga nalaman mo tungkol sa kanya.”


“Well... Her mother is Anita Saavedra and her father is Victor Saavedra... She has an older brother named Lester Saavedra. She is a print ad free lance model. She was born on May 14 1990. So today she’s more or less 22. She died in a plane crash last Jan 1 2010”


“Correct... pero masyadong fundamental ang nalalaman mo sa kanya...”


“So ano pa ang dapat kong malaman?”


“Syempre you also have to do some readings.. diyan sa ibinigay ko... pero magbibigay ako ng alam ko.. Alexis was rumored to have a boyfriend.. pero never nakita ng public kung sino nga ba yun.. other than that yun lang ang nalaman ko sa love life niya... I did tried to research harder pero nabigo ako.. Magaling magtago si Alexis Saavedra kung sino man yung boyfriend niya... Medical Issues.. allergic si Alexis sa Sea Foods... Favorite naman niya spaghetti at kahit anong luto ng pasta... Mahilig siya sa Red Stilettos.. Sa tube-style tops...”


Para naman akong nalula sa mga sinabi ni Bridget. So Alexis did have a boyfriend... Pero sandali.. Paano kung ako na si Alexis and mameet ko ang boyfriend na yun? Paano ako magrereact?


OMG Nakakalurkey!!!!


Tangina pati subconscious mind ko nag-gi-gay Lingo na. Parang may sumapi na kung ano sa akin.


At saka paborito ko pa naman din ang fish fillet. Hipon. Sarsyadong tilapia. Pagkatapos allergic niya ang sea foods?  Wala naman problema sa akin yung spaghetti pero pag may cheese? Patay kang beki ka. Naninikip kasi ang dibdib ko pag nakakain ako ng kahit kapiraso lang ng cheese.


“Pwede ba ako magrequest ng Isadang ulam mamaya? Please.”


“No. kailangan mo ng masanay. Kaya ko nga sinabi sa iyo dahil alam kong paborito mo rin ang isda”


“Sige... titiisin ko alang-alang lang sa misyon... pero paano yung sinasabi mong tube style na damit?


“Tube as in tube... bakit?”


“Eh wala akong... yung ano...”


Hindi ko masabi parang ang awkward kasi pag ako na ang nagkaroon ng ganun. Itinuro ko na lang yung boobs niya.


“Ah ito ba?  Keri mo yan teh... gagamit na lang tayo ng push up bra or kung anong alternative... In the meantime... dahil may dalawang buwan tayo para magprepare.. Inumin mo muna to”


Iniabot sa akin ni Bridget ang isang banig ng mga tableta.


“Anong gagawin ko dito?”


“Ay shunga-shungahan lang teh? ipang decorate? bet mo?”

“Dont tell me iinumin ko to?”


“Planggana! Ploks! Truelaloo at walang halong Eklavoo! Ang tawag diyan ay Diane Pills!”


“bakit kailangan kong inumin toh?”


“Para naman pag si Alexis ka na hindi mo na kailangan mainggit dito sa boobs ko”


“Wait... wala sa usapan toh ah... Hindi ako maglalagay ng estrogen sa katawan ko”


“Wala kang karapatang tumanggi... bakit ano sa akala mo ang gagawin mo? Impersonator sa isang pipitsuging comedy bar? Alam mo bang pag may nakahalata sa iyo na hindi ikaw si Alexis Saavedra ay maaring malagay ka sa alanganin at ang misyon? Magisip ka nga”


“Alam mo bang baka malason ang katawan ko nito”


“Hindi. Wag kang OA. At kung malagay ka man sa alanganin dahil diyan.. Black Society has all the medical assistance na kakailanganin mo”


Wala na nga talagang atrasan. Pati katawan ko ay kailangan kong isakripisyo para sa misyon.




*****



Black Society Bldg, Laoag City


Ilang buwan ko ng hindi nakikita si Lek-lek. Nang tangkain kong pumunta sa Condo Unit nila yung Black Viper eh hindi ako pinatuloy. Sinabi na rin sa akin nila Master Black na hindi ko dapat gambalain si Alexander dahil lubhang mapanganib ang misyon.


Pero sino ang hindi mag-aalala? Noon bata pa kami... Pamilya na turingan namin ni Lek-lek.. Ako pa nga nagbansag sa kanya ng Lek-lek kasi nakakatamad tawagin siya sa pangalang Alexander. Quits naman kasi tinawag niya rin akong Gelo sa halip na Angelo.


Nakakalimang misyon na ako samantalang pangatlo pa lang ito ni Lek-lek. Proud na proud ako diyan. Yung una niyang misyon, ako talaga ang nagrequest kay Master Black na samahan ko siya. Yung pangalawa na hindi ako nakasama... parang ganito rin.. Nagaalala ako kasi hindi ako sanay na nawawala siya sa paningin ko. Pero maganda naman ang kinalabasan dahil nung natapos ang misyon, he ranked as the Top Black Society agent. Sobrang proud ako para sa kanya.


“Master.. bakit ba hindi ako pwedeng sumama sa misyon?”


Kasalukuyan akong nasa opisina ni Master Black. Pangalawang araw ko na tong humihingi ng permiso sa kanya na pasamahin ako sa misyon.


“Thorn Black... Black Scorpion can do this. Wala ka bang tiwala sa kabuddy mo?” si Master Black na busy sa mga papeles na nakatambak sa mesa nito. Nakaka-asar kasi parang hindi naman ako nito tapunan man lang ng tingin at makisimpatiya man lang sa akin



“But you said...pwede akong sumama sa kanya incase..”


“yes...in case... incase na hindi niya kayang magisa... pero ni hindi pa nagsisimula ang misyon... besides... I trust black scorpion to handle this.”


Parang napikon na ata sa akin si Master Black. Wala akong nagawa kundi umupo na lang sa harap nito.


Biglang bumukas ang opisina... Sabay naman kaming napalingon ni Master Black sa taong pumasok.


Iniluwa naman ng pinto ang isang babaeng nakasuot ng kulay puti. She was smiling towards us. Pero bakit hindi siya nakasuot ng puti? Black Society agents always wear black.


“Yes Miss? how can we assist you?” tanong ko na lang bigla. Maganda yung babae.


Narinig kong pumalakpak si Master Black sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay nakatayo na ito at abot tainga ang ngiti.


“Wow... what a job well done...”


Naguguluhan akong tumingin muli sa babaeng kaharap ko. Sino ba to?


Teka...


Syet...


Si...



Lumapit sa akin yung babae na kanina and before I knew it ay isinara niya bigla yung bibig kong naka nga-nga na pala.


“Thorn Black...baka pasukan ng langaw yan” natatawang wika nito sa akin.


“le....lek-lek??? Ikaw ba yan” namamangha kong tanong.. Tang ina! hindi ko agad siya nakilala!!


Bahagya namang itong natawa sa pagkamangha ko at saka nagsalita.


“Im... Alexis... Alexis Saavedra”







Itutuloy...








You Might Also Like

5 Violent Reactions!

  1. Grabe yung transformation! Haha. Nice 1 rouge!
    Next chapter na pls. :)

    ReplyDelete
  2. You dont have to thank me. Imma fan, hehe.

    ReplyDelete
  3. yay... I have learned the gay lingo deeper :P

    So it seems that Lek-Lek's journey to the world of the aliens has begun :))

    3 chapters and counting... this series seems to be interesting... I'm so gonna read it!!

    Well done Rogue :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yikes! i miss your comments archerangel..Hopetosee youmore here :D

      Delete

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images