The Accidental Crossdresser (Chapter 2)

The Accidental Crossdresser Chapter 2 By: Rogue Mercado Email: roguemercado@gmail.com ***** CON...


The Accidental Crossdresser

Chapter 2




By: Rogue Mercado
Email: roguemercado@gmail.com




*****




CONFIDENTIAL
Black Society File


Profile

Name: Alex Saavedra a.k.a Alexis Saavedra
Born:  May 14 1990
Died:  Jan 1 2010
Cause of Death: Plane Crash

Status before death: Alexis Saavedra was an androgynous print ad model.

Mother: Anita Saavedra
Father: Victor Saavedra

Sibling/s: Lester Saavedra



Nakalabas na ako ng Building at kanina ko pa hawak ang files na ibinigay sa akin ni Black Viper. Yun lang yung nabasa ko sa unahan. Ang iba naman ay naglalaman ng mga clippings sa diyaryo at iba pang larawan ni Alexis Saavedra. Nakakatawa pero magkasing tangkad pa kami. Yun nga lang may pagka balingkinitan ang katawan nito na para talagang pang modelo. Samantalang ako, I have baby fats pa. Pero hindi talaga ako nagka muscle kahit gaano ko hinangad. Nais kong sisihin ang mabilis na metabolism ng katawan ko.


I wonder how many operations she undergone?


Pagkatapos kailangan kong magmukhang kagaya niya!!!! Nakaka.... GrrRrRrRrrrRrr!!! Gusto kong pumatay ngayon!!!


Hindi ko talaga lubos maisip bakit may mga kagaya ni Alexis na kailangan pang baguhin ang sarili para maging babae. I mean. Cmon. Kaya nababastos ang mga kagaya niya eh. Mismong sila wala silang respeto sa sarili nila. Ang sagwa sagwa lang makakita ng baklang nakasuot ng  maiksing shorts sa kalye na naglalakad.


On a second thought? Kabastos bastos nga ba?


Pinasadahan ko uli ng tingin ang larawan niya. This might be edited. Sa panahon ngayon uso na ang kapangyarihan ng photoshop na parang instant plastic surgery. Pero kung hitsura pagbabasehan. Mukha talaga siyang babae.


Ano kaya ang hitsura talaga niya?


Sometimes, I just dont trust pictures.


“My gosh!!! Kaloka.. Sa wakas natapos na rin ang prayer meeting na yun” biglang bulaga sa akin ng isang nakakarinding boses.


Nang lumingon ako ay nakita ko si Black Viper na nakasuot na ng ordinaryong pang babaeng damit.


That’s what Im talking about!!!


Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Well, she is really pretty. I have to admit that. Pero hindi pa rin naitago ng makapal niyang make-up at damit ang masculine features nito. When you saw her up close, you will say that there’s something wrong.


“Oh bat suot mo pa yan?” tanong niya sa akin.


Nakalimutan ko nga pa lang hubarin ang itim kong damit. Our uniforms should not be exposed outside the office. Kapag lumabas ka kasi ng Black Society Bldg ay maari ka ng bumalik sa totoo mong buhay. Ako na uli si Alexander.


Pero totoong buhay? Meron nga ba ako noon?


“Di bale na nga lang,  punta na tayo sa kotse ko”


“Excuse Me?”


“Ay paulit-ulit teh? unli? Kalurkey ah”


Teka ano bang pinagsasasabi ng baklang to. Kanina lang she’s trying hard to appear professional and mannered. Ngayon para siyang nakawala sa hawla niya. And the way she speaks.... Nakakaistir. Ano bang klaseng salita iyon? If this fag was a Black Society agent, hindi to ganitong kumilos.


Kahit naman kasi bumabalik kami sa mga totoo daw naming buhay kuno eh hindi malayong maimpluwensiyahan kami sa aming mga pinagdaanan. We trained like hell in Pagudpud, one of the most hidden places in Ilocos. Simula pagkabata hanggang lumaki ay yun ang naging kanlungan namin.


Hindi nga lang talaga ako familiar kung nakasabay ko nga ba ang baklang to.


“Mehgad teh.... ang shogal ng reaction mo ah? Anes? Magsi-swimming diva ka ba sa kotse ko or matutulala ka lang sa diyosang nasa front row mo? Gosh. Kakastress drilon ka teh ah.. ang aga-aga”


“Hindi kita maintindihan” naguguluhan kong sagot.


“Ay? sorry naman.. bobey ka pala pagdating sa mga ganitey na chika.. Well.. sabi ko lang naman... Gumora ka na dito sa kotse at mag flysung na tayo!”


“Anong Gora? Anong Flysung? Pwede bang magsalita ka na parang normal na tao”


Tangina! Alien ba tong kausap kong to? Nakakabanas!!!


“Gora? Go... Flysung?.. lipad... travel... tayo na at pumunta sa kotse? tayo na at maglakbay? Tayo na sa Sineskwela? Jusko... Slow lang teh?”


“Bakit ko ba kailangan akong sumakay sa kotse mo? Anong meron?”


“Teh ibang level na yang kashungahan mo ah? Eh diba nga po.. We will be living on the same roof and it starts today.. Im gonna have to train you to become Alexis Saavedra..”



Oo nga naman pala. It starts today. Ganun kadali. Buong akala ko eh si Alexander pa rin ako paglabas. Starting today Im now, Alexis Saavedra.



Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya at pumunta sa parking lot ng building. Naghihintay ang isang Honda Civic. Umupo ako sa may driver’s seat nagbabaka sakaling makausap ko siya ng matino. Ngunit sa takbo ng usapan namin kanina? Malabo.


Nagsimula na naming bagtasin ang kahabaan ng Gilbert Bridge. Ang tulay na nagdurugtong sa San Nicolas at Laoag. Ang San Nicolas ay isang first class municipailty at dito rin itinayo ag Robinsons Ilocos sa halip na Laoag.


“Located ang balur ko sa ‘Balai Condominums’”


“Anong balur?”


“Bahay.. Mansion..” naiirita namang sagot sa akin ni Black Viper.


Siguro kailangan ko ng magtake note sa lahat ng sasabihin niya.


Nakakainis!!! Ano ba kasi yung salitang iyon at hindi ko maintindihan!!!!


Tumahimik na lang ako. Baka kasi pag sinakayan ko o magbukas ako ng paksang paguusapan ay mauwi lang sa translation.


“Ano na nga uli ang namesung mo?”


Namesung? Ano na naman yun?


Baka pangalan ang ibig niyang sabihin.. Kasi naroon ang salitang “name”. Kaya nagbakasakali ulit na sumagot ako.


“Alexander..”


“Wala kang apelyido?”


Sa totoo lang ay alangan ako sa apelyidong ginagamit ko. Noong nasa ampunan ay Buenaventura ang apelyidong ginamit ko. Natatandaan ko pa iyon. Nang makuha ako ng Heneral sa bahay ampunan ay Castillo ang ipnalit niya sa apelyido ko.


We were given a brand new identity.


“Castillo” sagot ko sa kanya.


“But you need to trash that name.. Simula ngayon ay Alexis Saavedra na ang tawag ko sa iyo or Alexis..” wika nito sa kanya habang busy sa pagmamaneho.


Hindi na ako sumagot pa dahil baka makakuha na naman ako ng salitang alien sa aking kausap.


“By the way, wag mo na kong tatawaging Black Viper... Sa labas, Bridget ang pangalan ko. Bridget Sta. Maria.”


Pati pangalan pambabae talaga? Why is it that these crossdressers cant just be contented with what they have?


“Noted on that” maikli kong tugon.


“Hay ang boring talaga nitong beki na to?” salita ulit ni Bridget na parang kinakausap ang sarili.


“Anong itinawag mo sa akin?” tanong ko na may himig pagbabanta. Bigla lang talagang nagpantig ang tainga ko.


“Beki.. Bakla..Dont tell me hindi mo pa rin gets yun?”


“Hindi ako bakla” mariin kong tanggi.


“Hahahahahaha”


“What’s even funny with what I said”


“Lahat iyon”


“What?”


“Kung gusto mong paniwalain ang sarili mo na hindi ka bakla eh waley na akes magagawa dun... Hindi naman ako ang mahihilo sa mga sinasabi mo eh.. Ikaw mismo”


“Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi mo”


“Do you know what’s the first step of this training?”


“Ano?”


“Be true to yourself.  Sa nakikita ko.. Pag inamin mo yung kaisa-isang bagay na itinatanggi mo mismo sa sarili mo ay magiging mas madali lang ang lahat ng ito. hindi ko na kailangan magpakahirap para gawin kang isang crossdresser. “


“I really dont get you”


“Alexander... may malaking pinagkaiba ang taong walang alam at ang taong nagmamaang-maangan. Kung sino ka dun? Ikaw lang ang makakasagot.”


Ano bang gustong palabasin nitong Bridget na to? Na magkatulad lang sila? Na isa rin siyang bakla... Isa siyang...


Hindi ko na naituloy ang iniisip ko. Takot din akong makuha ang kasagutan.


“Siya nandito na tayo” wika nito sa kanya.


Kung kanina ay ay parang nagpalit anyo ito at biglang tumunog na nakakarindi ay parang bumalik na naman ito sa pagiging seryoso. Nang bumaba ito sa kotse ay sinundan na lamang niya ito.


Ano ba ang nasabi niya? Sinabi lang naman niya na hindi siya bakla? Masama ba yun?


“Hey... Im sorry”


“Sorry? Saan?” tanong naman nito sa kanya ng mapansin humahabol siya rito sa paglalakad. Nakapasok na sila sa loob ng building.


“I thought I offended you.”


“Well you did.”


“Ano ba ang nasabi ko Bridget? You are so unpredictable”


Hindi ito sumagot at patuloy lang naglakad. Ako naman ay parang asong nakabuntot na naghihintay sa utos ng kanyang amo. Kung hindi ito magsasalita ay wala na siyang magagawa.


After all, ano ba ang kasalanan ko?  Hindi ako bakla. Period.


Nakapasok na kami sa loob ng elevator. Dumistansiya ako ng kaunti. Nagkaroon ng hindi maipaliwanag na espasyo sa aming dalawa. Nagaalangan man ay kinailangan ko siyang kausapin ulit. Dahil sa pagtutulungan naming dalawa ang ikatatagumpay ng misyon. Hindi pwedeng ganito


“Bridget...” hindi ko alam kung paano sisimulan ang dialog ko.


“Ano ba talaga ang tingin mo sa amin?” baling niya sa akin.


“Huh?”


“Narinig mo ko? Ano bang tingin mo sa amin? Sa mga katulad namin ni Alexis Saavedra? bakit parang diring-diri ka?”


Nakakadiri kayo kasi masyado niyong pinangangatawanan pagiging bakla niyo. Lalaki lang ang hanap niyo. Bastusin. Mga walang respeto sa sarili.



“A...a.no … K...kasi..” hindi ko talaga maisaboses ang iniisip ko kanina pa.


Biglang tumunog ang elevator. Hudyat na ito na nasa tama kaming palapag kung saan naroroon ang bahay ni Bridget. Para akong nasa naiipit na sitwasyon ng boxing. Pero save by the bell ika nga.


Tulad kanina ay ito ang naunang lumabas. Sumunod na lang uli ako. Maya-maya pa ay nasa harapan na kami ng kanyang condo unit niya. Kumatok siya ng marahan. Akala ko pa naman ay may susi siya at siya lang ang nakatira sa loob.


Lahat naman sila ay may kanya-kanyang bahay. May kanya-kanyang pamumuhay. Lahat kasi provided ng Black Society. Name it. Kotse, bahay, pera, makabagong kagamitan atbp. Pwede silang magkaroon ng sariling buhay sa labas kung gugustuhin nila. Ngunit ang hindi nila pwedeng talikuran ay ang sinumpaang tungkulin na magsisilbi sila sa Black Society at dito na nila gugugulin ang pinaka huli nilang hininga.



Biglang iniluwa ng pinto ang isang lalaking nakatapis ng tuwalya. May katangkaran ito. Matangos ang ilong... may mapupungay na mata na parang sa anghel. And his body was well defined. Teka... modelo nga ata tong kaharap namin.


“Babe? how’s work?” bating tanong nito kay Bridget.


Nagulat naman ako ng yumakap si Bridget dito kahit basa pa ang buhok nung lalaki na tumawag sa kanya ng ‘babes’. I knew it. Baka ginagawa siyang cash cow ng isang to kaya sila nagsasama sa iisang bubong. Hays. Kawawa naman.


Nagtuloy-tuloy na siya sa papunta sa loob habang magka-akay naman ang dalawa. Malawak ang buong kabahayan para sa kanilang dalawa. Sinundan ko sila sa sala.


“Babes ito pala si Alexis.... Alexis si Edong... Boyfriend ko” proud na proud na pagpapakilala ng bakla sa lalaking katabi. Nakalingkis pa rin ang kamay nito sa braso nung Edong.


“Alexis? Hahaha... Napaka-feminine ata ng pangalan mo? You should try to dress like your name sometimes” natatawang tugon ni Edong sa kanya.


Teka? May bayarang lalaki na nag-e-english?  Saka bakit nga ba Alexis ang pagpapakilala sa kanya eh hindi pa naman talaga pormal na nagsisimula ang misyon? Malapit ko na talagang pilipitin ang leeg nitong Si Bridget!


“Im sorry... Alexis is only a screen name... but my real name is Alexander.. and Im not what you think I am... Siguro kayo lang iyon but Im straight” matigas kong tugon sa kanila. Alam kong nahaluan ng sarkasmo ang pagkakasabi ko sa kanila. Pero kailangan. Ayaw ko lang isipin nila na magkakauri kami.


Dahil hindi!!!


“Hahahahaha” malutong na tawa ni Edong matapos kong magsalita.


So ngayon siya naman ang natawa sa sinabi ko.


“Sige pagbibigyan kita... at tatawagin kitang ‘dude’ this time dahil sinasabi mong straight ka... pero hindi mo kami maloloko”



Tiningnan ko ng masama ang Edong na iyon. Nakangising demonyo ang loko na parang nangaasar. Si Bridget naman ay walang ka-rea-reaksyon sa mga sinabi ko. Pero nakikita ko sa mata niya ang sarkasmo. Tulad ni Edong, gusto niyang ipagpilitan na ‘isa’ ako sa kanila.


“Alexander... hindi mo kailangang magkaila. Please... naaamoy namin ang kapwa namin? Naiintindihan mo? Unang kita ko pa lang sa iyo... My gaydar was activated.” si Bridget.


Again... Paulit-ulit.. Paulit-ulit... Nakakarindi.


“Hindi ako bakla... tapos ang usapan”


“Ah ganun?” hindi pa rin kumbinsido si Bridget. Nakita kong nagkatinginan sila ng boyfriend niya at tinanguan nito si Edong.


Maya-maya pa ay nakita kong lumapit si Edong sa akin. Nakatapis pa rin ito ng twalya ngunit bahagya ng tuyo ang katawan nito. Nabigla ako ng patayuin niya ako bigla. Gamit lamang ang dalawang kamay ay pwersahan niya akong pinatayo. Lumaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla.


Ba...ba..bakit?”


Nag-aalala ako na baka saktan niya ako. So kailangan kong magisip ng defense mechanism para dito. Para saan pa at tinagurian akong si Black Scorpion?


Ngunit mas ikinabigla ko ang pagkabig niya sa akin at nangahas na halikan ang aking mga labi.


Marahas ito na hindi ako makatanggi o makagalaw. Aaminin ko masarap siyang humalik. Pinilit ko pa ring magpumiglas at huwag igalaw ang aking mga labi.


Shit. May bumubukol sa ibaba ko. No. Hindi. Ayoko.



Pero kahit kumontra man ang kahuli-hulihang pagrarason sa isip ko ay parang may sariling buhay ang nakatago sa ilalim ng aking pantalon.


Maya-maya pa ay gumalaw ang kanang kamay ni Edong at kinapa na nga ang bagay na itinatago ng zipper.


Bakit ba ganto to? Hindi ba niya alintana na nasa harap lang namin ang girlfriend niya DAW?


Nang masalat ni Edong ang tinutkoy ko ay bigla niya na akong tinulak. Napaupo na naman ako sa pagkabigla at marahil... sa pagkapahiya.



“Eh gago ka pala eh... bakit ka titigasan sa halik ko kung hindi ka bakla?” baling sa akin ni Edong


Napatingin ako kay Bridget at ang mga mata nito ay waring nanunuri kung ano pa ang sasabihin ko. Kung may dagdag pa kong palusot. Wala man ako sa harap ng salamin ay alam kong namumula ang mukha ko.


“Gusto mo pa ba ng ebidensya para makumbinsi ang sarili mo?” naghahamon na tanong ni Bridget sa akin.


Hindi na naman ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko sa totoo lang. Para akong nasampal sa mga nangyari.


Nakita kong ito naman ang tumayo sa kinauupuan at kinuha ang waring mga papel na nakapatong sa TV. Nang bumalik ito ay bahagya niyang itinapon sa akin ang mga ito. Sakto lang para masalo ko at matingnan ng aking mga mata.


Mga larawan iyon. Pero ang mas nakakabigla ay ako ang nasa larawang iyon. Ang uang larawan ay kuha ko at ng isa pang lalaki sa isang bar. Ang pangalawa naman ay larawan ko at ng isa pang lalaki na kahalikan ko din sa bar.


“Saan mo nakuha to?” maang kong tanong sa kanya


“Hindi ako maaassign sa intellgence unit ng Black Society kung hindi ako magaling sa pagkalap ng impormasyon. It was last month that they gave me an assisgnment. It was to research the dramatic or should I say wild life of Black Scorpion, the top ranking agent of Black Society. And I was also surprised na malaman na isa kang...well... one of us. Binigay nila ang assignment na yan sa akin dahil na rin sa assignment mo ngayon. Dont worry.. hindi ko ipinagbigay alam ang nareseacrh ko sa buhay mo... This is only for personal use.. Kailangan kitang kilalanin so that I could easily change Alexander to Alexis. I hope you get my point”


Para akong pinagbuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig mula kay Bridget. Oo. Totoo. Ito ang buhay ko sa labas. Paminsan-minsan ay pinagbibigyan ko ang tawag ng aking laman. At ito ay ang kapwa ko lalaki.


Sandaling katahimikan. Pagkatapos ay nagsalitang muli itong si Bridget.


“Ano ba kasi ang akala mo sa pagiging lalaki. Refundable? Na pag gusto mong ibalik sa katauhan mo maibabalik mo? Kung pusong babae ka.. asahan mong kahit sa panaginip ay kekembot ka”



Hindi na ako nakaimik. Nakatungo na lang ako. Tama naman lahat ng sinabi niya. Ito ang bagay na matagal kong tinatago-tago sa sarili ko. Oo, nakikipagtalik ako sa kapwa ko lalaki pero kahit kailan ay hindi ko inaamin kahit kanino at kahit sa sarili ko ang totoo kong sekswalidad.


“Mas mabuti pa sigurong magisip-isip ka muna. Nandun ang kwarto mo sa may dulo. May mga gamit ka na rin doon. Tomorrow will be a long day and you must be ready”


Pumasok na ang dalawa sa kanilang kwarto at isinara ang pinto. Alam ko na ang gagawin nila. Mula sa labas ay naririnig ko pa rin ang kanilang hagikhikan.


Tinahak ko naman ang daaan papunta sa sinasabi nitong kwarto. Nang makapasok ay nakita kong nadisenyuhan ng pambabae ang kwarto. Kulay pink ang pinturang ginamit. Lahat ng mga gamit ay pink. Naroon na rin ang mga larawan ni Alexis Saavedra na nakapaskil. Yeah. Isa nga itong print ad model. Siguro nga ay isa ito sa mga hakbang ni Bridget para unti-unti ay masanay na ko sa bagong buhay na haharapin ko.


Tumunog ang cellphone ko.


Lek-lek... andito ako sa Trebeca.. See me here if you want some coffee -09108****


Malapit lang naman yun dito.


Namalayan ko na lang ang sarili ko na lumabas sa pink na kuwarto na parang unti-unting kumakain sa aking kaluluwa. Parang hindi ako makahinga sa kuwartong iyon. At siguro, kailangan ko rin ng kausap.


Hindi naman kami madalas magkita ni Gelo. Well, kadalasan, Trebeca ang lagi naming pinupuntahan. Minsan naman nagrereklamo ito sa akindahil pag nagkikita kami ay puro misyon ang bukambibig ko. It cant be helped. Masyado ng na-attach ang sarili ko sa aking tungkulin.



He was wearing a simple white sando at nakashorts lang ng checkered. Nang makita siya nito ay kumaway ito para ipagbigay alam ang kinauupuan nito. Lumapit naman siya.


“So how’s Alexis? hehe” natatawang bati nito sa kanya.


“Isa ka pa? Huwag mo kong bwisitin Ok? Makakapatay ako ng tao ngayon.”


“Relax. Hahaha. Eh kasi hindi ko mapigilan na isipin.. Ano kaya ang magiging hitsura mo pag nakadamit ka ng....”


“I said stoppppp!!!!!”


Kahit ako nabigla rin sa lakas ng sigaw ko. Ewan ko ba. Parang nanliliit ako sa tuwing ipinagduduldulan nila na magdadamit ako ng pambabae. Sa tuwing tatawagin na nila akong Alexis Saavedra. Nandidiri ako. Natatakot. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.


Lahat ng mata ay nakapukol sa mesa namin. Si Angelo naman, ayun, nagtatanong rin ang mata kung bakit ba ganun na lang ako kung makasigaw. Its been a weird and stressful day.


Hindi ko alam kung anong reflex meron ang katawan ko ng oras na iyon kaya tumakbo na lang ako papuntang rooftop ng Tribeca. Sumalubong sa akin ang hangin. Ang malapit na tanawin ng himpapawid.


Sto Doming Boys Town, Cebu City

“Hoy Bakla”

“Bakla kinakausap ka namin ah”


Sigaw iyon ng dalawang bata sa akin ng papunta ako sa banyo. Hindi ko na sila pinansin.


Nabigla na lamang ako ng lumapit yung isang bata sinuntok ako sa panga. Napaupo ako sa sahig. Sinalat ko ang aking mukha. Dumudugo na pala ang kaliwang bahagi ng labi ko.


Yung isang bata naman ay tinulungan akong  makatayo. Akala ko nga tinulungan niya na talaga ako eh, hinila naman niya ako papasok ng banyo. Itinulak niya ako sa loob ng isang cubicle at dali-dali nitong isinara ang pinto.


“Palabasin niyo ko dito.. uy....” pagmamaka-awa ko sa kanila habang tinutubtob ko ang pinto.


“Diyan ka bagay na bakla... masyado kang pabibo... bagong salta ka lang dito!!!”


Narinig kong isinara nila ang main door ng banyo at sa ka nagtatawanang umalis.


Ilang beses na naulit ang ganung pangyayari. Ilang beses na pinipisikal siya ng mga batang naroon. Pero wala siyang magawa kundi magpaubaya dahil kapag lumaban siya. Siya rin ang talo. Marami sila. At siya... siya lagi yung luhaang bakla sa istorya.


“Lek-lek” tawag ng isang boses sa likod


Hindi ko namalayan na nakasunod na pala si Angelo. Bago pa man niya makita na naguunahan ng pumatak ang luha sa pisngi ko ay pinahid ko na ito.


“Oh diyan ka na pala. Naisip ko lang mas masarap pala magkape dito sa roof top” masaya kong wika sa kanya.


Ewan ko naman kung tumalab nga iyon.


Lumapit naman siya sa akin at pagkatapos ay tumalikod.


“Iiyak mo na yan”


“Ano?”


“Sabi ko iiyak mo na yan”


“Gago ka pala eh. Anong iyak pinagsasasabi mo?”


“Lek-lek.. partners tayo... mula pagkabata alam ko kung malungkot ka o nagpapanggap lang na masaya.. isa pa.. hindi ka si Black Scorpion ngayon... hindi ka rin si Alexis.. ikaw muna si Alexander. Magpakatotoo ka muna sa nararamdaman mo”


May ideya ka ya tong taong to... kung ano nga ba ang totoo.


“Hindi ako umiiyak. Walang umiiyak.”


Hindi nakuntento si Angelo sa sagot ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap iyon sa katawan niya. Wala kong nagawa kundi ihiga ang mukha ko sa likod niya.


First time niyang ginawa to.


“Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat. Hindi mo kailangang sabihing nahihirapan ka. Kung pagod ka na. Tandaan mo lang lagi na narito ang likod ko para sumuporta sa iyo.”


Natagpuan ko na lang ang sarili ko na iyak ng iyak sa likod niya.


*****


“Pre ako ang nakaligtas hindi siya.... Nung nandito pa siya, siya yung paborito.. siya yung bida... ako yung walang kwentang anak... Tangina.. wala na nga siya.. ako na lang nandito.. wala pa rin.. di pa rin nila ako napansin.. Pero alam mo pre.. yung pagka tepok nung baklang iyon.. iyon ang piiiiiiiiiiiiiiiinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.. Lahat ng bakla salot.. dapat lahat sila mamatay.. hehehe”


Alam ko medyo lasing na ako. Nsa Bar 101 kami. Ang ingay sa paligid. Pero wala akong pakialam. Galing ako sa bahay naming bulok. Basta ang gusto ko lang nung oras na iyon, tumagay ng tumagay.


“Lester... pre tama na yan”


“Hindi... anong tama..tama... hindi ako lashenggg huk... hindi”


“Bro...” tawag uli sakin ni Luke, bestfriend ko.


“Sabi ng hinde pa kohh....”


Natigilan ako. Nandun sa harapan namin ngayon ang Mommy ko.


“Hijo tara na,..”


“Uy... Mom? Ang magaling kong nanay.. hindi na kayo busy? Busy sa paghahanap nung namatay niyong anak...”


“Cmon.. Hijo.. lasing ka lang... tara na”


“Mom ako yung nakaligtas.. hindi si Alexis.. hindi niyo pa ba tanggap yun?”


Hindi ito nakasagot . Pero alam kong hindi ko magugustuhan ang isasagot niya. Nagtitinginan na ang mga tao sa loob ng Bar. Maybenasa dyaryo na naman to, another controversy for the Saavedra Family.


“You will come with me... at uuwi na tayo”


She tried to grab my hand pero iniwas ko to at saka ako nagsalita ulit


“Umuwi ka magisa mo.. Im outta here!!!”


*****


Nagpasya akong maglakad-lakad sandali. Kapag ganitong gabi ay magandang kahit papano ay magpahangin sa labas. Ayoko muna sanang umuwi sa condo unit ni Bridget. Kung di nga lang sana pagsuway sa utos ay mas gusto kong umuwi sa bahay.


Kakahiwalay pa lang nila ni Gelo kanina. Kahit papaano ay napagaan nito ang loob ko. Sana lang hindi magbago pagtingin nito sa kanya sakaling malaman nito ang ko o sakaling makita nito ang hitsura ko kapag ako na nga si Alexis Saavedra.


“Aray!” napasigaw ako ng may biglang bumangga sa harap ko.


Napaupo ako sa lupa habang sapo ang ulo ko. Hula ko ay magkasing taas lang kami ng nakabangga ko. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba dahil nakatingin lang din ako sa baba at malalim ang iniisip.


“Tanga mo... Gago!!! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!!!” sigaw sa akin ng lalaking nasa harap ko.


Nang magangat ako ng ulo ay nakita kong parang wasted ang kaharap ko. Malamang sa hindi ay nakainom ito. Hindi ko na lang siguro papatulan.


Tinapunan na lang ako nito ng matalim na tingin bago umalis sa kinatatayuan.


Buti na lang may punto ito na baka siya nga ang may kasalanan pero kung hindi... Gago yun ah!!! Baka siya pa mapagbalingan ko ng init ng ulo ko!!!!.


Nakita kong may nahulog na kung ano mula rito. Pinulot ko iyon sa lupa.


ID pala.


Kaagad kong binasa ang nakasulat.


Kamera Obskura

ID Serial Number: 45869928PILY

Name: Lester Saavedra

Photographer


Itutuloy....


You Might Also Like

2 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images