Way Back Into Love (Chapter 27)

Way Back Into  Love Chapter 27 By Rogue Mercado Contact me at:  roguemercad...



Way Back Into Love


Chapter 27






By Rogue Mercado



Contact me at: roguemercado@gmail.com






Pupungas-pungas siya ng magising siya mula sa kanyang pagkakahimbing. Sa unang pagkakataon ay hindi siya nagising na parang ibang tao. Na parang may nagbago. Nakakatawa ring isipin na nawala na ang mga panaginip, yung lalaking nakasalamin, yung lalaking nagngangalang Jake at yung isa pa na nagngangalang Red. Wala na rin ang apoy.


Kinuha niya ang kanyang cellphone. Naka flight mode pa rin ito. Ayaw niyang magcheck ng mga bagong mensahe sapagkat natatakot siya na baka mayroon siyang mabasa na magpapabalik ng mga masasakit na ala-ala. Gusto niya munag ihanda ang sarili sa mga desisyong sunod sunod niyang gagawin para sa ikabubuti ng lahat.


Pumikit siya ng mariin. Hinahagilap niya uli ang boses na nasa loob niya. Ang boses na laging umiiyak. Laging sumisigaw ng “mama”. Laging nagpapaalala sa kanyang huwag ng magmahal.


Ngunit wala na.


Iminulat niya uli ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa bintanang katabi ng kanyang kama. It was a bright sunny day. Parang nagbibigay ng pag-asa na mabuhay... na magsimula muli. Nakakita siya ng mga paru-paro na lumilipad sa mga bulaklak na kanilang nakikita. He saw the black butterfly. Nakita niyang ang itim na paru-paro ay lumapit sa puti. They  both flew na parang walang bukas, Na parang walang makakapigil sa kanila na sumaya.



Butterflies had the shortest life span. Ngunit sa nakikita niya, their happiness are eternal.


Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Tinahak niya agad ang salaming nakapako sa dingding. For the very first time, nakilala niya kung sino siya. Kung sino talaga siya. Hindi niya kailangan ng pangalan sa mga pagkakataon na iyon. In front of him was that person he used to be. May kaunti nga lang pagbabago. But it felt good. Ngumiti siya sa isiping ito.


Now its another change. He thought. Kailan pa siya natutong ngumiti? But again, it felt good. Kailangan talaga siguro ngumiti ng tao kahit nasaktan siya ng sobra kasi laging magkakaron ng rason para sa mga ngiting iyon.


Pinagmasdan niya ang kabuuan. Hindi niya napansing mayroong kaunting pagbabago sa hubog ng kanyang katawan. Medyo tumaba siya. He used to be slim pero ngayon nagkakalaman na ng kaunti ang kanyang katawan. Talk about changes.


Tinungo naman niya ang closet na katabi rin ng salamin. Nang mabuksan ito ay nakahain sa mga mata niya ang iba-ibang kulay ng damit. Napangiti siyang muli. Kinuha niya ang isang pink na T-shirt. It had a batman print. Noon hindi niya gugustuhing magsuot ng damit na may kulay. Ha hate colors. Gusto niya ng itim....ng dugo..ng madilim. Kapag pelikula naman ang pinaguusapan, he wants massacre movies.  Noon kasi ay parang nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Yung tipong namamatay ang mga tao ng walang kalaban laban. They are being killed by  monsters who were trashed by society or those who seek revenge because they were hurt.


Naisuot na niya ang pink na T-shirt. Tinernuhan niya ito ng piting shorts. He also wore white shoes. Buti na lamang at naroon pa rin pala ang mga damit na pinamili sa kanya ni Max at hindi na niya kailangan na mamili pang muli. Soon he will leave this house. Nakapagdesisyon na siya.


Sa huling pagkakataon ay tumingin siyang muli sa salamin. His skin is glowing. Nakaladlad pa rin ang pula niyang buhok. Ngunit nawala na ang mga eyeliners. Dahil siguro sa matindi rin niyang pagiyak kagabi at sa paghilamos niya. His eyes are still swelling though naroon at walang bahid ng kulay ang kanyang mga mata. Tinungo niya muli ang drawer. Nakakita siya ng isang sunglasses. Agad naman niyang ipinantakip ito sa mga mata. It was also a white edgy sunglasses. Bumagay sa get-up niya ngayon.


Lumabas na siya ng pinto. Katahimikan ang sumalubong sa kanya. Sa lawak ba naman ng bahay na iyon ay talagang parang aalog-aalog lang sila ni Max noon. Nakarinig siya ng kaluskos sa terrace na malapit rin sa kuwarto niya. Humakbang siya papalapit dito.


Tama nga at naroon si Max. Kasalukuyan itong nagbabasa ng dyaryo at nagkakape. For a while, ay tiningnan niya itong muli. Ito ang buhay na paalala na may mga taong handang tumulong sa iyo kahit hindi ka nila kilala. May mga tao pang katulad ni Max na tumutulong ng walang kapalit.


Nag-angat ito ng ulo at nginitian siya nito. Napansin niyang bahagyang maitim ang ibabang parte ng mga mata nito. Halatang hindi sapat ang tulog nito. Kaagad siyang humingi ng paumanhin.


“Im sorry hindi na ako nakagising kagabi” panimula niya


Ngumiti pa rin ito. He smiled back.

“Wala yun.. saka ayaw ko ring gambalain tulog mo kagabi.. but I stayed awake here gusto kong bantayan ka” sagot ni Max sa kanya


“You dont have to Max.. Im sorry for the second time kinailangan kong maki-gate crash dito sa bahay niyo”


“You are always welcome here”


“Thank You”


Hindi na ito sumagot at lumagok muli ng kape. Humakbang naman siya ng malapitan at tiningnan ang view mula sa terrace. Makikita mo ang kalsada ng  subdivision.. mga batang naglalakad... mga nagjo-jogging at iba pa. Sana ganoon lang kasimple ang buhay.


“Wala na bang itim na damit doon sa closet mo? Im sorry hindi ako naka bili at...” hindi na naituloy ni Max ang sasabihin niya nang bigla siyang sumingit


“Dont bother Max... OK na ako dito.. this is much comfortable” pag-assure niya dito


Kilalang-kilala nga siya ni Max. Nang tuluyan siyang gumaling ay ito mismo ang nagspoil sa mga gusto niya. Ito ang nagpamili sa kanya ng mga itim na damit. The accessories that goes into it. Pati nga eyeliners ay ito rin ang namili para sa kanya which is a rare thing for a guya nd a psychiatrist to be exact. Parang kuya na ang turing niya dito.


“Jude ikaw ba yan?” namamanghang tanong nito sa kanya


“Yeah ako to.. sino pa nga ba?” biro niya rin dito


“Nakakapanibago lang” tipid nitong sagot sa tanong niya


“I understand... diba sinabi ko sa iyo kagabi na may sasabihin ako sa iyo” pagiiba niya ng paksa


“Yeah.. are you ready to talk ? ano ba ang nangyari? Last night.. bakit ka umiiyak?”


“Hindi yan ang gusto kong pagusapan... I just want you to know na baka bukas makalawa aalis na ako dito.. I will just have to settle some things”


“Jude... you dont have to....”


“Narinig ko ang paguusap niyo kagabi..nung kapatid mo.... alam ko na ang lahat Max”


Pagkasabi niyon ay napalingon siya rito. Kita naman sa mukha nito ang pagkabigla. Ngunit hindi siya nagagalit kay Max. Siya man ang nasa posisyon nito ay hindi rin niya alam ang pipiliin. Sa huli ay alam niyang ginusto lang siya nitong tulungan.


“Im sorry...” malungkot na nasabi nito


“Hindi mo kailangan magsorry Max.. sa paguusap niyo kagabi.. doon ako naliwanagan ng lahat. Kung bakit nga ba biglang sasakit ang ulo pagkatapos... there will be a black out.. pag gising ko parang ibang tao na ko... biglang lalabo ang paningin ko at pagkatapos sasakit na naman ang ulo and then the next thing I knew.. im craving for eyeliners and dark stuff.. parang kwento ng pelikula lang eh.... pero may MPD pala ako.. now I understand”


“Im really sorry I preferred Jude over Adrian”


“Hindi nawalan si Adrian....Max.. bumabalik pa rin siya sa akin.. and now I really dont know kung siya ba ako o ako ba siya ngayon... I just felt that I am complete”


“Imposible ang sinasabi mo Jude...”


“Hindi ko alam kung meron pa nga bang posible at imposible pero ngayon gusto kong itama ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko bilang si Jude” nakangiti pa rin siyang nagpapaliwanag dito


“It will take a lot of hypnotic session para mapagisa ka Jude... sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong muli ni Max sa kanya


Tumango lamang siya bilang sagot. Maybe he wont need another hypnotic session. Sa mga oras na iyon ay sigurado na siya kung sino siya. He wont need another label.


“Ano naman ang balak mong gawin ngayon?” tanong ni Max sa ikatlong pagkakataon


“Well...”natatawa siya na i-enumerate ang mga gagawin niya ngunit Max deserves to know what he is about to do.


“... siguro I’ll start by going to a salon today.. magpapakulay ako ng itim.. then I’ll buy some pair of eyeglasses.. hindi naman malabo mata ko but I feel like wearing one hehe... At pagkatapos siguro I’ll go to Enchanted ball tonight, Im gonna have to sing my last performance... Im dropping out at school afterwards” paliwanag niya dito


“why? bakit ayaw mong ipagpatuloy ang studies mo man lang? You can shift to conservatory of music if you want.. kung ayaw mo na ng nursing” tutol ni Max sa desisyon niya


“Im dropping out of school dahil susuko na ako sa mga pulis Max” tuloy-tuloy na rebelasyon niya dito


“I really dont understand.. bakit kailangan mong sumuko sa mga pulis... HIndi mo kasalanan ang pagpatay Jude... wala ka sa tamang huwisyo ng ginawa mo ang mga iyon... you cant just do that.. you cant plead guilty,, alam mo ba ang haharapin mo? It could be a life imprisonment”


“Lahat ng kasalanan pinagbabayaran... at tama ang kapatid mo kagabi... there should be someone na aako sa mga krimen na iyon.. nakakalumgkot lang na nadamay pa sila sa hinanakit ko sa mundo.. but ill try to fix things somehow”


Pagkasabi niyon ay naghanda na siyang gumayak palabas. Hindi na niya tiningnan si Max dahil alam niyang tutol ito sa gagawin niya. Walang dapat ibang sisihin sa mga nangyari. It should be him.


“Bakit bigla kang nagbago Jude? Ano ang rason ng lahat ng ito? If dahil ito sa mga narinig mo kagabi, just dont mind Arthur hindi niya alam ang piangdadaanan mo”


“Hindi ito dahil kay Arthur Max... ibang tao ang dahilan kung bakit gusto kong maging mas  mabuting tao...and by the way.. Its Ok to call me Adrian”


Iyon labg tuluyan na siyang lumabas at humakbang palayo sa terrace.



Max was dumbfounded. Kagabi lang na nagtatalo ang isip niya kung gagamutin niya muli si Jude. If he would make him and Adrian into one. Kaso mas gusto niyang si Jude ang mabuhay. Dahil si Jude ang minahal niya. He always go for someone na matapang..palaban. And his not scared by the fact that Jude is capable of murder.


“Hayaan mo na siya” pukaw muli ng boses sa kanya.


Napalingon siya sa pagaakalang si Jude ito.


It was his brother... Arthur.


“Alam mo ba ang ginawa mo? Narinig niya ang usapan natin kagabi” galit niyang tugon dito


“Alam ko... I saw him peeking on us kagabi so I purposely initiated the conversation... He has to know Kuya... kung hindi ko pa pala ginawa iyon ay hindi niya alam na abnormal siya”


“Watch your words Art....You made enough damage... Leave Jude alone”

“Kuya bakit di mo kasi matanggap?? Kuya he is not a replacement to Justine... Alam kong ang mga oras na iyon ay mga oras na nangungulila ka sa kanya... But he is dead!... Hindi por que kamukha siya ni Jude eh heto ka at mamahalin din ang isang mamamatay tao!!.. Wake Up Kuya!!”
Dun na nasagad ang pasensya niya at sinugod niya na si Arthur. Binigwasan niya ito sa mukha at nakita niyang gulat na gulat ito sa kanyang ginawa.


“Sinabi kong tumigil ka na...” humihingal na wika niya matapos masuntok ang kapatid.


Idinura naman nito ang dugong nasa bibig bunga ng pagkakasuntok. Medyo hindi makatayo ang kapatid niya sa pagkakasuntok niya.


“I really cant believe it... sana lang talaga at sumuko yang abnormal na yan sa mga pulis... dahil kung hindi? Ako mismo magpapapulis sa kanya” matigas pa rin na tutol nito


Singbilis ng kidlat na inatake niya muli ito at akmang sasakalin. Namimilipit na hinawakan nito ang kamay niyang nakasakal sa leeg nito.


“Hi...hi...hindi...aa...ako....maka...hinga kuya...”


“Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin pag tinuloy mo ang balak... Kaya kong maging masama kapag si Jude ang pinaguusapan” wika niya rito sa mahinahong paraan ngunit nakasakmal pa rin ang mga kamay niya sa leeg nito.


Marahas niya itong binitawan at iniwan ang kapatid niyang hinahabol ang hininga.





“Ok na ba to teh?” natatawang wika sa kanya ng baklang nasa parlor.


“Hehe Ok na po iyan...” pagtango niya rito.


Sandali niyang tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Hindi siya tuluyang nagpakulay ng itim na buhok. He chose an alternative. The color was ash black. Parang kulay talaga ng abo. Hinubad niya ang puting sun glasses at pinalitan ito ng salaming nabili niya kanina. Wala naman itong grado kaya tama lang na maisuot.



Madalian lang siyang nagbayad at lumabas ng salon. Nang makalabas siya ay parang masaya niyang hinarap uli ang mundo. Naroon uli ang mga tao na naglalakad. Mga batang naglalaro. Mga taong may kanya kanyang ginagawa para mabuhay.



Naglalakad-lakad siyang muli. Dinala siya ng kanyang mga paa sa malapit na parke. May mga bata na naulinigan niyang naglalaro.


“Ikaw daw si Juliet ako naman si Romeo”


“Ok... tapos dapat ililigtas mo ko sa mga bad guys”


“Oo naman syempre...”



Napangiti siya sa narinig. Mga bata nga naman talaga. Kahit pala Romeo and Juliet eh alam na nila. Siguro ito yung exception sa lahat ng fairy tale like story. Romeo and Juliet is somehow different. It ended tragically. Parehas silang namatay. Wala yung usual happily ever after.


Bigla niyang naalala ang kantang ipe-perform nila sa Enchanted Ball.


“Taylor Swift’s love story” naibulong niya sa sarili.


Ang kanta ay tungkol sa maalamat na kuwento ni William Shakespeare. Tungkol kay Romeo Montague at Juliet Capulet. It was a right love at the wrong time.


Hindi niya namalayan na kinakanta na pala niya ang Love Story. Ini-imagine niya kung paano nila kakantahin iyon sa mismong Enchanted Ball.


“We were both young when I first saw you...I close my eyes...And the flashback starts..I'm standing there...On a balcony in summer air”



“See the lights...See the party, the ball gowns...See you make your way through the crowd..And say hello, little did I know”


Nagulat naman siya ng may dumugtong sa kinakanta niya mula sa likuran. Pamilyar na boses na noon pa niya narinig.


“Cause I was Romeo, I was a scarlet letter..And your daddy said stay away from Juliet
But you were everything of me....I was begging you please don't go...”


Nang lumingon siya ay nakita niya si Jake na nakangiti sa kanya.


“Nagpa-practice ka rin pala” wika nito sa kanya at tumabi sa kanya.


Hindi naman siya nakasagot. Waring kinailangan pa ng kanyang utak na iproseso lahat ng nangyayari.


“I was also thinking kung anong mangyayari sa Enchanted ball mamayang gabi.. and I was wondering paano nating kakantahing tatlo yung kanta... It really felt awkward” nakangiti pa rin si Jake habang kinakausap siya.


Huminga muna siya ng malalim bago nagisip ng isasagot.


“Napadaan ka rin pala dito”


“Sa totoo lang lagi naman talaga ako nandito.. Whenever Im free binabalikbalikan ko tong lugar na to.. We usually took our photos here remember? Naalala ko pa nga eh... hihilahin natin ang mukha ng isa’t isa saka panakaw na kukunan ang isat isa ng litrato”


Natawa rin siya ng maalala ito “And how we budget our baon para may maibili tayong kwek-kwek na official pagkain natin pag pumupunta tayo dito? Haha”


“Nakakamiss yung mga araw na iyon.. Tanga ko kasi sinaktan pa kita” biglang seryosong tugon nito sa kanya.


“Jake...” marahan niyang saway dito ng bigla na naman itong maging seryoso.


“Alam mo nung tumawag ka kagabi... Yun yung nagbigay sa akin ng panibagong lakas ng loob para huwag buksan yung alak na hawak ko.. Salamat nagawa mo pa rin akong patawarin kahit sobrang laki ng kasalanan ko sa iyo” medyo gumagaralgal na ang boses nito.


Hindi siya nakasagot ng makita niya itong parang pinipigilang umiyak.  Hinayaan niya na lang muna ito ng ganoon. Baka kasi pag sumagot siya ay pati siya ay umiyak na rin.Saglit niyang tiningnan ang mukha nito. Hindi na niya matandaan ang huling pagkakataon na napagmasdan niya ang mukha nito. Jake still had those bad boy aura. Bahagya ng humaba ang buhok nito.












“Ganda ng porma natin ngayon ah.. gwapong gwapo” wika ulit nito sa kanya



Ngumiti lang naman siya sa papuri nito. Hindi niya pa rin mahagilap ang tamang salita sa sitwasyon nila ngayon. Parang ang bilis ng pangyayari. Ngunit nagising na lang siya isang araw na kailangan niyang ayusin ang gulong ginawa niya.


“I miss the days that you were mine”  biglang nasabi nito sa kanya.


Nakita niyang lumuluha na ito. Ilang beses niya man itong nakitang lumuha ng hinihingi nito ang kapatawaran niya ay nakakapanibago pa rin sa pakiramdam ang makita itong umiiyak. Parang may sariling buhay na ipinahid niya ang kanyang mga kamay sa luhang naguunahang bumaba sa pisngi nito.


Nagulat naman siya ng hawakan ni Jake ang dalawa niyang kamay at idiniin pa ito lalo sa pisngi niya. Na para bang dinarama nito ang init na nagmumula sa palad.


“Kung di kita sinaktan... ako pa rin sana ang humahawak sa kamay mo..”  wika pa rin ni Jake.


“Bakit mo nga ba ako sinaktan?” bigla niya na ring naitanong dito.


Siguro nga ay tama lang na tanungin niya na ito ng katanungang iyon. Ang katanungang ito lamang ang makakasagot.


“Kasi akala ko mas importante yung kagustuhan ko kaysa pagmamahal ko sa iyo. Kasi akala ko hindi kita mahal.. na ang mahal ko lang ay ang sarili ko...”


Napaluha na rin siya sa narinig. Baka nga ito lang ang hinihintay niya para makalaya siya sa sakit na nararamdaman na umalipin sa kanya sa mahabang panahon.


And then they Jake kissed him.





“Bakit naglalasing ka? Kauma-umaga alak na ang kaharap mo?” galit na wika sa kanya ng Ate ng pasukin siya nito sa kuwarto.


“Ate bat ganun... ginawa ko na lahat!... lahat ate..lahat!!!.. bakit kulang pa rin... bakit siya pa rin ang pinili niya... ang sakit... putangina!!!” sigaw niya at ibinato ang bote sa dingding.


Kaninang tanghali ay nakita niya si Adrian. Lalapitan niya na sana ito para ibalita na umuwi na si ang Ate Karma niya. Na kailangan niyang malaman ang totoo niyang kundisyon. Na maayos pa ang lahat.


Ngunit nakita niyang lumapit si Jake dito and what’s worst.. nakita niyang naghalikan ang dalawa sa harap niya.


“May enchanted ball pa kayo” yun lang ang narinig niyang sinabi ng ate niya. Masyado na siyang lango sa alak.


“Hindi na ako pupunta..kasi wala na yung nagiisang rason para pumunta ako doon”


“Kung mahal mo ang isang tao... ipaglalaban mo to” matigas na wika sa kanya ng kanyang ate ng maisip siguro nito ang dahilan kung bakit siya naglalasing.


“Paano ko ipaglalaban iyo … tangina.. paano ko ipaglalaban iyong pagmamahal na hindi naman naging akin..” naibulalas niya.


Kahit kailan hindi niya narinig na sinabi ni Adrian na mahal siya nito.


Narinig niyang lumabas ang kanyang ate. Andun na naman siya.. naiwang magisa.


Tatagay na sana siya ng marinig ang cellphone na nagring. Nang makuha ito ay isang unregistered number ang nakalagay.


“Sino to? Istorbo ko sa paginom ko ah”


“Hindi na mahalaga kung sino ako.... You need to attend the ball tonight... may kailangan kang malaman sa pagkamatay ng ina ni Adrian dahil hindi lang siya basta nasunog.... may pumatay sa kanya.”


At namatay ang linya sa kabila.


Para siyang nahimasmasan sa narinig. Agad niyang idinial ang numero ngunit out of reach na ito. Nangtawagan naman niya ang numero ni Adrian ay out of reach pa rin ito. Marahil ay kasama pa rin nito si Jake.


Sa isiping iyon ay naibato niya ang cellphone.




“Nagawa mo na ba?” tanong ni Sabrina sa kaharap

“Yeah... I called him at sinabi ko ang sinabi mo... Buti na lang at may voice modulator ang cellphone ko”


“Thanks Tito lee maaasahan ka talaga” sagot ni Sabrina sa Director.


“Hija I think this is a bad idea... Pwede ko namang tanggalin na lang si Jude o Jake sa NASUDI.. bakit kailangan pa to”


“Shut Up tito!!!... Gagawin mo kung ano ang ipagagawa ko... may utang ka pa sa amin... baka nakakalimutan mo na utang mo sa magulang ko kung ano ka ngayon”


“I know hija but dont you think masyadong brutal ang gusto mong mangyari...”


“Wala akong pakialam... Hindi sila pwedeng maging masaya habang ako nandito at nagmumukmok dahil baog ako... Hindi pwedeng maging masaya ang baklang iyon!!!!”


“Hija please stop this non sense thing... bakit ka ba nagkakaganyan dahil lang sa isang lalaki?”


“Hindi sila pwedeng maging masaya naiintindihan mo??? Hindi!!!”


Pumunta si Sabrina sa sulok ng kanyang kuwarto.. Iniwan naman niyang nakaupo ang kanyang Tito sa loob. Maya-maya pa ay ipinakita niya dito ang susuoting gown sa Enchanted Ball. It was a bloody red coloured gown


“Ang ganda Tito no? This will be my murder uniform Hahahaha...” tawang demonyo niya


“Hija you need to get a rest.. tingnan mo ang nangyayari sa iyo.. you are so wasted.. ang laki pa ng eyebags mo..”


“Nasabuyan na ba ng gasolina?” pambabalewala niya sa sinabi ng kanyang Tito


Tumango lamang ito.


“Gusto nila ng fairytale.. Ibibigay ko iyon sa kanila but not the happy ending. I dont play with poisonous apples... I play with fire.. Makikita na ni Adrian ang Ina niya soon” at pagkatapos ay nababaliw na tumawa siya ng malademonyo.



Itutuloy..





You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images