Way Back Into Love (Chapter 6)

Rogue Mercado's Way Back Into  Love Chapter 6 Katahimikan. Yun ang namayani sa kanila matapos umal...



Rogue Mercado's


Way Back Into Love


Chapter 6






Katahimikan.


Yun ang namayani sa kanila matapos umalis si Sabrina. Walang nagtakang bumasag ng katahimikan na kanina pa namamayani. Sa tanan ng pagkakaibigan nila, ito ang kaunaunahang pagkataon na nagsama sila na parang may mali, may hindi maintindihan, may mga tanong na kailangang sagutin ngunit alam nila parehong natatakot sila sa sandaling malaman nila ang katotohanan.



"So how was the wedding?" bungad ni Red na nakatingin pa rin sa malayo.



"Masaya Sobra" matipid niyang sagot. Hindi man niya aminin ay nasaktan siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya at ito rin ang isa sa mga pagkakataon na hindi "Moks" ang unang salitang lumabas sa kanya.



"Ok." matipid na sagot rin nito




Katahimikan.




Hindi niya alam ang sasabihin kay Red. Gusto niyang magtanong kung bakit ito nagkakaganun. Bakit ba parang sobrang apektado siya ng nangyari kahapon.





"Alam mo ba yung feeling ng mainlove?" biglang basag sa katahimikan ni Red.


"Oo naman. Diba dapat pareho na nating alam yan Moks? Nung nakilala ko si Jake, yun yung panahon na naintindihan ko yung pakiramdam na iyon, at ganun ka rin kay Sabrina diba?" pagkumpirma niya sa matalik na kaibigan



"Akala ko rin Moks eh hanggang sa nagising na lang ako isang araw iba na pala ang mahal ko"



"Alam ba ni Sabrina to?" tanong niya



"Hindi. Wala akong balak ipaalam" malamig na tugon nito



"Ang tanga mo Moks. Alam mong masasaktan si Sabrina kung ipagpapatuloy mo yan" mahina ngunit puno ng galit na wika niya dito. Kung meron mang kasing tao na naging saksi kung gaano kamahal ni Sabrina si Red ay siya yun. Kung ganito man ang problema ni Red ay hindi niya dapat idamay si Sabrina. She doesnt deserve this.



"Siguro nga tanga talaga ako Moks. Kasi yung taong iyon.. Yung tanging taong nagpapatibok ng puso ko, hawak ko na sana siya eh.. ganito lang kalapit oh... kaso naging duwag ako.... pinakawalan ko pa...." natigil ito ng saglit at kinusot ang mata.



"....Kaya eto ako ngayon, nasasaktan... Dahil alam kong hindi ko maibibigay ang sayang naibibigay ng ibang taong mahal niya...."



"...Pero alam mo Moks, yung taong iyon nagagawa ko pa rin siyang mahalin kahit sa malayo.. Yung tipong ... Yung tipong pasikreto ko siyang pagmamasdan at ka....kapag nakangiti siya, ngingiti na rin ako... buo na ang araw ko.. Kahit sa araw-araw na iyon,  ginigising ko ang sarili ko sa katotohanan na hindi ako dahilan ng mga ngiting iyon" nagsimula ng tumulo ang luha ni Red. Nakita niyang inilabas nito ang sombrero at itinakip sa ulo para maitago ang mga mata nito. Kasabay ng pagyuko nito ay nakita niyang tinangka muli nitong pahirin ang luhang gustong kumawala sa mga mata nito



Gusto niya sanang bigyan ng panyo ang matalik na kaibigan ngunit hindi siya makagalaw. Waring idinikit siya sa upuan habang patuloy na nagsasalita si Red.



"Kung sino man tong taong to, ang swerte niya pala Moks. Pero tutol pa rin ako sa ginagawa mo. Bakit hindi mo sabihin ang totoo kay Sabrina. Its unfair on her part. At bakit hindi mo maaamin sa taong to na mahal mo siya. Moks, kaibigan mo ko. Tutulungan kita" pagbibigay simpatiya niya dito



"Wag na Moks. Ang alam ko kasi masayang masaya siya ngayon. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan niya. Saka isa pa baka isipin niya ako ang kontrabida fairytale niya. Alam mo Moks, kaya ko naman sana ang wala siya.... yun nga lang, hindi ganun kasaya" sinundan ng isang matabang na ngiti ang mga sinabi ni Red.




Unti-unti na ring tumulo ang luha niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman niya ang paghihirap ni Red. Nararamdaman niya ang paghihirap ng puso nito. Gayunpaman, hindi niya lubos maisip bakit ganun siya kaapektado sa mga sinasabi nito. Gusto niya sanang maging matatag para sa matalik na kaibigan ngunit heto siya nakikiiyak na rin dahil nakakaramdam rin siya ng sakit.



"Oh bat ka umiiyak? Halika nga dito" wika ni Red at hinila ulit siya sa kamay para mayakap.



Humilig siya sa mga balikat nito ngunit patuloy pa rin siya sa pagiyak. Sa hitsura nila ngayon ay para siya na ang may problema. Siguro nga ay talagang mas malakas si Red sa kanya sa aspetong ganito. Dahil nagagawa pa rin nitong ngitian siya,yakapin kahit may dinadala ito sa dibdib.



" Ssssshhhh... tahan na...alam mong ayaw kong nakikita kang umiiyak eh" marahang pagalo nito sa kanya.



"Kaw kasi Moks eh... ang drama mo.. kaw na nga tutulungan eh" maktol niya dito. Hindi niya alam kung bakit siya pa may ganang magalit gayung hindi naman siya ang may problema.





Natawa lang ito. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na ganun pa ang iaasal niya sa kabila ng pagtatapang-tapangan niya kanina.



"Sino ba kasi siya Moks? Bakit ayaw mo siyang ipakilala" naiiyak pa rin na tanong niya habang nakayakap pa rin siya dito.




"Ikaw."



Bigla siyang kumalas sa yakapan nila.



"Ano? Pakiulit nga ang sinabi mo?" naguguluhang tanong niya




"Gustong kitang tanungin Moks.. Ikaw? Bakit gugustuhin mo siyang makilala?" sagot ni Red sa kanya.



Lihim siyang bumuntong hininga, akala niya ay kung ano na ang pinagsasasabi ni Red. Sinagot niya ang tanong nito



"Dahil gusto nga kitang tulungan Moks... Gusto kong sabihin sa kanya na ang swerte niya may nagmamahal sa kanya na katulad mo"



Natawa na naman ito



"Makikilala mo rin siya. Sa ngayon, sikreto lang muna natin to ah?" seryosong tugon ni Red



"Paano si Sabrina?" balik tanong niya



"Ako na ang bahala, ipapaalam ko na rin sa kanya, kumukuha lang ako ng tiyempo Moks" paninigurado ni Red



"Sige ikaw ang bahala"



Namayani ulit ang katahimikan at ng lumingon ulit siya kay Red ay titig na titig ulit ito sa kanya. 



"Iyan ka na naman Moks ah.. Ano na naman iyang titig mo"



Ngumiti lang ito at pagkatapos kinuha ni Red ang salamin na naka tabing sa mata niya.



"Moks, bakit?" tanong niya dito


"You know what, you look better without these eyeglasses"


"Akin na nga iyan, puro ka talaga kalokohan" depensa niya para maiwasan ang pamumula ng muka niya


Lumingon ulit siya dito ngunit nakangiti na ulit ito ng matamis sa kanya. 


"Iyakin" asar ni Red



"Ikaw kaya nauna" pangaasar niya din.



"So tutuloy kayo sa Auditions mamaya Moks?" biglang tanong nito sa kanya



"Oo, kailangan nandun ako para kay Jake" sagot niya



"Pwede ba minsan, yung laban mo eh para sa sarili mo naman?"


"Moks...." pagkasabi niyon ay tinitigan niya rin ito. Titig na humihingi ng simpatiya



"Ok.. Ok.. Ang laban niya ay laban mo. Fine"


"Iyon naman pala eh" asar niya ulit kay Red.



"Galingan mo mamaya ah, manonood ako"



"Kinakabahan ako Moks, para kasi akong makikipag paligsahan sa mga beterano mamaya. Dinig ko, puro magagaling ang makakalaban namin mamaya, baka hindi ako pumasa."



"Sus.. Kaw pa.. Eh ako nga na sobrang galing eh tinalo mo sa amateur contest natin noon.. Sila pa kaya. Ako yata ang number one fan mo! Lahat sila panis sa Moks ko!" wika ni Red na nagpatibay ng kalooban niya.



"Ano ba kakantahin mo Moks?" tanong ulit ni Red sa kanya


"Stronger, Kelly Clarkson" medyo alangang sagot niya dito



"Stronger? Sigurado ka? Pop yun Moks at saka diba  ballad ang forte mo?" tanong ulit nito sa kanya



"Eh Ok naman daw yun sabi ni Jake eh saka ang alam ko eh Pop lover yung Director ng NASUDI" pagkumpirma niya




"Kaw bahala pero giving a male version of a pop female song eh mahirap. Nag rehearse ka na ba?" tanong ulit nito. Bakit kasi hindi niya kinunsulta si Red tungkol dito. Dati rati kasi ito lagi kinokunsulta niya noong nahilig pa siyang umawit sa mga amateur contests sa baranga nila.



"Hindi pa nga eh. Kaya kinakabahan ako Moks" nagpakawala siya ng buntong hininga 



"Gusto mo kantahan na lang kita? Bonding?" tanong nito sa kanya



"Sige ba!" excited niyang sagot. Matagal na rin kasing hindi sila kumakanta ng sabay dahil nitong mga nakaraaang araw eh hindi na siya nakakapunta sa bahay ng matalik na kaibigan.




"Anong kakantahin natin?" tanong niya kaagad



"Ako Moks. Ako.. Ako lang ang kakanta para sa atin. dapat makinig ka lang baka masyadong mapressure boses mo."



"Daya!!" yun na lang ang nasabi niya at tumahimik na lang at nagaabang kung anong kakantahin ni Red. Kung tutuusin eh namimiss na rin niya ang boses nito na kumakanta. Ganun na rin katagal na hindi niya narinig ang pagawit nito.



Kinuha nito ang gitarang nakasandal sa paanan ng bench at nagsimulang tumugtog habang titig na titig ito sa kanya ay binigkas nito ang liriko ng kanta



"Nais kong malaman niya Nag mamahal ako Yan lang ang nag-iisang pangarap ko Gusto ko mang sabihin
Di ko kayang simulan Pag nagkita kayo Paki sabi na lang" 


"Paki sabi na lang na mahal ko siya ,Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala, Di ako umaasa ,Alam kong ito'y malabo"


"Di ko na mababago Ganun pa man paki sabi na lang...."




"Sana ay malaman niya Masaya na rin ako, Kahit na nasasaktan ang puso ko
Wala na 'kong maisip na mas madali pang paraan
Pag nagkita kayo ....Paki sabi na lang"



"Paki sabi na lang na mahal ko siya    Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala  Di ako umaasa,   Alam kong ito'y malabo"


"Di ko na mababago....Ganun pa man paki sabi na lang...."

Naiiyak na naman siya na natapos ang kanta. Pinagmasdan niyang mabuti si Adrian at dahil dito ay pinigil niyang muling maiyak sa harapan nito. Alam kasi niyang iyakin tong matalik na kaibigan niya. Noon kasi kapag umiiyak siya dahil napalo ng nanay niya, iiyak na rin itong si Adrian at mas malakas pa sa kanya ang iyak. Kaya imbes na ito mang-alo sa kanya ay siya ang nagbibigay ng effort para patahanin ito. 


"Moks.." nagsalita muli siya


"Ang ganda ng kanta mo Moks. Sana nga masabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo.. Im sure hindi rin niya palalagpasin ang pagkakataon na mahalin ng isang taong kagaya mo"



"Sana" matipid niyang sagot dito



"Teka anong oras na ba?" tanong ni Adrian sa kanya



"Ahm, malapit na magalas diyes... bakit?"



"Shit. Malapit na magsimula yung Audtions" kinakabahang wika ni Adrian sa kanya



"O ano pa ang hinihintay mo, pumunta ka na sa Auditorium Moks. Diba dun yung Auditions?"



"Oo nga pala. Moks manonood ka diba?"



"Oo naman pero pupunta muna ako sa first class ko but i'll find a way na makahabol. Pang ilan ka ba sa magpeperform" tanong niya dito



"Ahm 5 lang daw kami at number 5 din yung nabunot ko nung pumunta ako sa office nila isang araw."



"Ok great, makakahabol ako niyan. Basta galingan mo!" 



"Kaya ko kaya Moks?" nagaalinlangang tanong ni Adrian



"Magtiwala ka lang sa galing mo... Saka.." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya



"Sandali si Jake itetext ko. Co-confirm ko kung nanudn na siya" putol ni Adrian sa sinasabi niya.



Kapag si Jake talaga ang pinaguusapan eh aligaga itong si Adrian. Kung pwede lang sanang siya na lang yun pero hindi makita ni Jake kung gaano siya kaswerte kay Adrian.




"Anong sabi?" tanong niya kay Adrian ng matapos na itong magtext.



"Nandun na daw siya Moks. So bale pupunta na lang din ako dun"



"Asan na yung minus one mo?" tanong niya ulit kay Adrian. Minsan kasi eh makakalimutin ito kaya naman laging siyang tagapag pa-alala ng mga bagay bagay na nakakaligtaan nito.



"Si Jake yung nag edit at nag burn nung CD Moks, nasa kanya na yun"



Sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang kinutuban ng masama. Wala na siyang nagawa kundi tingnan si Adrian habang unti-unti itong lumalakad papalayo sa kanya.







Itutuloy...


You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images