Way Back Into Love (Chapter 20)

Way Back Into  Love Chapter 20 By Rogue Mercado Contact me at:   roguemercado@gmail.com ...






Way Back Into Love


Chapter 20








By Rogue Mercado



Contact me at: roguemercado@gmail.com







"1.... 2...3... and 4" sigaw ng instructor nila habang tinuturuan silang sumayaw sa saliw ng musika.


Bilang paghahanda ay nakipagusap ang kanilang Director sa Presidente ng GROOVE, ang dance organization ng NorthEast State University na turuan sila ng isang lyrical dance gamit ang piyesang pinili ng Director. 



Taliwas sa ibang uri ng sayaw, sa lyrical dance ay kailangan nilang paganahin ang kanilang emosyon para maipakita ang kahulugan ng kanta. Mas maraming physical contact involve sa mga sumasayaw nito. Ang mga steps naman nila ay hango sa mismong liriko ng mga kanta. 



Kasalukuyan silang nasa loob ng kuwartong puno ng salamin. Sa harap nito ay sumasayaw sila base sa itinuro ng dance instructor na nasa harapan. Isa lang itong estudyante sa kanilang unibersidad ngunit pambihira rin ang galing nito sa pagsayaw. Hindi nga nagkamali ang GROOVE sa pagpapadala dito para turuan silang sayawin ang musikang napili nila. Pinaghubad ng kanilang dance instructor si Jake at Red. Naka jogging pants na lang ang mga ito ngayon samantalang siya naman ay naka jogging pants din at naka sando na kulay itim.



May mga eksenang kailangan niyang yakapin ang dalawa. Hindi siya naiilang kay Jake, mas tamang sabihing nabibwisit siya pag ito ang yumayakap sa kanya. Nahahalata niya kasing madiin ang paghawak nito sa kanyang katawan. Kung pwede lang sanang gamitin niya ulit ang tuhod niya ay kanina niya pa ginawa para saktan uli ito. 



Pilit naman siyang umiiwas kapag si Red ang kasayaw niya. Nakakapaso kasi ang titig nito na para bang tagos na tagos sa kanyang pagkatao. Hindi niya alam kung nahahalata nito ang pagiwas niyang iyon. Kapwa sila pawisang tatlo sa ginaganap na pageensayo.



"Ok guys.. break muna tayo... but all I can say is wow.. Hindi naman pala ganun kahirap na turuan kayo. Honestly, may mga singers kasi na magaling lang sa pagkanta but you guys can cross the line. Kung hindi ko nga alam  na straight kayong lahat eh iisipin kong isa o dalawa sa inyo in a relationship" papuri nito sa kanilang tatlo sabay tudyo.



Nginitian naman siya ng dalawa samantalang tinalikuran niya lamang ito at piniling huwag magpakita ng reaksyon. Kung alam lang sana nito ang epekto ng mga salitang iyon sa kanilang tatlo at lalong lalo na sa kanya. Tinungo niya ang kinalalagyan ng kanyang bag at kinuha ang maliit na towel para punasan ang kanyang pawis.


Nasa gitna siya ng pagpupunas ng marinig niyang may tumawag ng kanyang pangalan.


"Adrian!"


Hindi siya lumingon at piniling ipagpatuloy ang ginagawa sa katawan. Namalayan niya na lang na may bulto ng katawan na nasa kanyang likuran. Lumingon siya para tingnan kung sino ang lalaking iyon. 



Si Jake.


Nakahubad pa rin ito at nakasampay sa katawan nito ang isa ring maliit na tuwalya na sa hinuha niya ay pamunas rin ng pawis. Sa kanang kamay nito ay may hawak itong Gatorade.


"Adrian alam kong..."


"Its Jude..." mabilis niyang pagtatama sa pangalang itinawag sa kanya nito.


"Sorry.. ahm Jude... may energy drink ako dito. Alam kong uhaw ka na."


Bago pa man siya maka sagot dito ay biglang may sumingit sa usapan nila.


"Moks!!. Tubig?" si Red na hawak ang isang bote ng mineral water sa isang kamay.


Hindi man lang niya namalayan na nandun na rin pala ito sa kanila. Nakita niyang tinitigan ng masama ni Jake si Red. Hindi naman ito nagpatalo at sinalubong rin nito ang titig ni Jake.


"Kunin mo na to Jude... Para madagdagan lakas mo mamaya pag magpractice ulit tayo"


"Moks tubig na lang inumin mo.. masama sa iyo ang energy drink diba?" pamimilit ni Red sa kanya


"Anong masama?"


"Nagka gastratis siya sa sobrang intake ng soda noon. Hindi mo ba alam iyon? Ah sorry pre... Busy ka nga pala sa ibang bagay noong kayo pa diba?" iritableng tanong ni Red kay Jake


Nakita niyang naibato ni Jake ang hawak na energy drink at itinulak si Red.


"Bat ano bang problema mo ha? Bat sa tingin mo pipiliin niya ang tubig mo? Eh best friend ka lang naman niya. Masyado kang pakialamero" singhal ni Jake kay Red.


"Eh gago ka pala eh! Best friend nga lang ako pero hindi ako ang nangiwan sa kanya.. Gago!" tinulak na rin ni Red si Jake.


Para siyang natulala sa sobrang bilis ng pangyayari. Ni hindi man lang siya naksagot para sumingit sa usapan ng dalawa. Binigwasan ni Jake si Red sa mukha samantalang nasuntok naman ni Red sa tiyan si Jake. Namalayan niya ang sarili na hinihila si Jake sa gulo at naki-awat na rin ang  dance instructor nila. Maya-maya pa ay may isang tao na rin na pumasok sa loob at hinihila na rin nito palayo si Red kay Jake.



Si Sabrina.



"I think we need call it a day. Magpahinga muna kayo. Mamayang gabi na ang alumni homecoming." dismayadong wika ng dance instructor nila. Hawak-hawak nito ang braso ni Jake habang siya naman ang sa kabila.


Wala namang sugat na natamo ito ngunit nang tingnan niya si Red ay dumudugo ang labi nito. Nang humupa ang tensyon ay umalis na ang kanilang dance instructor. Lumabas naman ng kuwarto si Red at Sabrina ngunit masama ang tingin nito kay Jake. Hindi niya alam kung kasama siya sa tingin na iyon. Nang silang dalawa na lang ang naiwan ay ito na ang unang nagsalita.



"Sorry" mahinahong wika ni Jake.


Para itong tigre na biglang naging maaamong tupa. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang intensyon nito. Kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. 


"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" tanong niya rito. Hindi niya alam kung galit ba ang tono ng kanyang boses o sadyang nagtatanong lang


"Alam ko bestfriend mo si Red pero..." hindi nito naituloy ang sasabihin


"Pero ano?" tanong niya ulit dito


"Pero nagseselos ako!" 


"Ano?" naguguluhan niyang tanong


"Nagseselos ako dahil alam kong una kang naging akin!.. Nainis ako sa sarili ko bakit kita hinayaang maging ganyan" sigaw nito ulit sa kanya.


Bahagya siyang nabigla sa sinabi nito ngunit mas ikinabigla niya ng suntukin nito ang pader at mismong mga kamay nito ang dumugo. Mabilis naman siyang nakabawi sa pagkabigla. Kinuha niya ang kanyang bag at nagsimulang humakbang palabas ng kuwarto.


"Pasensya ka na kung nagkakaganito ako" agaw atensyon nito sa kanya.


Sa huling pagkakataon ay hinarap niya ito at nagsalita bago siya umalis.


"Pasensya ka na rin kung wala akong oras kadramahan mo"





"Aray" impit na daing ni Red ng tangkaing hawakan ni Sabrina ang labi niyang pumutok


"Sabi ko naman sa iyo huwag kang makikipag-away. Yan tuloy" malambing na wika nito sa kanya


"Eh yung gago kasing Jake na iyon. Tangina.. Nakakalalaki"


"Ano ba kasi pinag-awayan niyo?" tanong ni Sabrina sa kanya



Para siyang sinampal sa tanong na iyon ni Sabrina. Ano ba kasi talaga pinagawayan nila? tanong niya rin sa sarili. Mas pinili niyang huwag sagutin ang tanong sa sarili at ang tanong nito. Nanatili siyang tahimik.


"Paano mo nalaman na nandito ako?" paglilihis niya ng usapan.


"Babe.. Alam kong NASUDI member ka na. Hindi mo man lang sinabi sa akin, sa LAMPARA Daily ko pa nalaman" malambing nitong tugon sa kanya.


Si Sabrina na siguro ang pinaka maunawaing sa mga naging girl friend niya. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita at tama rin itong hindi niya naibalita rito ang kanyang pagkapasok sa NASUDI. Sa pagkakataong ito ay hindi niya alam kung nagiging mabuting boy friend nga ba siya dito. Nakokonsensya siya kapag naiisip niyang kayang-kaya niyang hindi ito makita ng ilang linggo samantalang isang araw lang na hindi niya makita si Adrian eh natuturete na ang utak niya.


"Teka, may surprise ako sa iyo" wika nito ulit sa kanya ng mapansing natahimik siya.


Hindi pa rin siya nakasagot. Sa loob ng tatlong taong relasyon nila ni Sabrina ay kabisado na niya kung kailan ito naglalambing. Kadalasan ay ito talaga ang nanunuyo sa kanilang dalawa. Dahil siya rin ang madalas magalit dito.


"Dyaran!" excited na wika nito.



Inabot nito sa kanya ang isang maliit na box.



"Nagabala ka pa" mahinahon niyang tugon.


"Open it babe" masayang wika nito sa kanya na tila hindi pa rin nawala ang excitement sa mukha.


Sinunod niya naman ito at nakita niyang karton pala ito ng isang cellphone. 


"Mahal to ah?" wika niya rito. Hindi kasi siya sanay na siya ang ginagastusan. 


"Ano ka ba. You deserve it. Regalo ko iyan sa iyo ngayong nakapasok ka na sa NASUDI. "


"Alam mo naman ayoko ng..." hindi naituloy ni Red ang sasabihin ng makita si Adrian na nakatunghay sa kanilang dalawa ni Sabrina. Nakita niyang agad itong umiba ng daan ng makita sila.



Tiningnan niya muna si Sabrina. Nais niyang ipahatid dito na gusto niya sanang habulin si Adrian para kausapin ito. Waring naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin at tumango.




Nakakainis baling niya sa sarili. Lakad-takbo na ang ginawa niya para makalayo lang sa lugar na iyon. Kung bakit pa kasi ay hinanap niya pa si Red para kausapin. Naabutan niya ito sa alanganing sitwasyon. Nandun ang girl friend nito na si Sabrina. Ngunit ang mas ikinaiinis niya ay kung bakit ganun ang naramdaman niya ng makita ang dalawa na naguusap. Normal lamang dapat sana ito dahil base sa pagkaka-alam niya ay magkasintahan ang dalawa. 



Tangina Jude Umayos ka! sigaw niya sa sarili.


Upang makalma siya ng konti ay kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.


"Ayos ka lang ba?" pukaw sa kanya ng isang boses.


Lumingon siya sa pinanggalingan nito at nakita niya si Red.


"Hindi ka ba nasaktan kanina?" tanong uli nito


Hindi niya alam kung matatawa siya sa tanong nito. Gayong wala naman siya ni isang galos at ito ang may dugo sa bandang labi. Hindi niya alam ang tamang mararamdaman sa pagaalalang ipinapakita nito sa kanya gayong ito naman talaga ang napuruhan kanina.


"Bat ka sumunod? Naguusap pa kayo ng girlfriend mo diba?" balik tanong niya dito


Huli na ng para bawiin niya ang sinabi niya. Sa tono ng kanyang pananalita ay para siyang nagseselos sa mismong girlfriend nito. 


"Teka.. nagseselos ka ba?" tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nakukuha pa rin nitong ngumit sa kabila ng pinsalang natamo sa labi



"Hindi ah" singhal niya dito sabay buga ng usok sa bibig.


Kung pwede lang siya mag suicide ay ginawa niya na ngayon. He sounds fucking jealous!! Ano ba ang nangyayari sa kanya? lihim niyang singhal rin sa sarili.


"Akala ko Oo.. bibigyan naman sana kita ng karapatan eh" wika nito sabay ngiti sa kanya. 


"Just get out of my sight pwede?" naiirita niyang tugon dito


Kagaya ng dati ay inagaw nito ang sigarilyo sa bibig niya. Nabigla man ay hindi na siya nakapagreact kaagad at hinatak na siya nito para muling yakapin.



Niyakap lang siya nito ng mariin. Hindi man ito nagsasalita ay alam niya ang gustong iparating nito sa kanya. Ngunit alam niyang hindi niya dapat maramdaman iyon. Matapos ng ilang segundo ay binitiwan siya nito. Walang imik naman na umalis ito sa kinatatayuan habang iniwan siyang nakatulala pa rin sa kawalan.



Kumuha ulit siya ng sigarilyo at muling nagsindi. Sa mga ganoong sitwasyon ay mas kailangan niya di hamak ang sigarilyo niya para pakalmahin siya sa nararamdaman. Maya-maya pa ay umagaw muli sa atensyon niya ang isang boses.



"Ang sweet niyo naman" wika sa kanya ng isang boses babae. Nang makumpirma ang hinala ay agad siyang naghanda ng sasabihin niya.


"Excuse Me?"



Nang makaalis si Red kanina ay saka siya nagpakita sa baklang kinaiiritahan niya. Sa katunayan ay nung makita niya ang baklang iyon sa kuwarto kanina ay kumukulo talaga ang dugo niya at ngali-ngali niya na itong sabunutan. Ngunit habang nasa harap si Red ay kailangan niyang magmukhang mabait kahit na sagad na sagad na siya. Nang magpaalam si Red sa kanya para sundan ang baklang ito ay pumuslit rin siya sa ibang daanan ng NASUDI Bldg para lihim na sundan ito. At nandoon siya, kitang kitang niya kung paano makipaglandian ang bakla sa boyfriend niya. At ang pinakarason kung bakit galit na galit siya ngayon ay ang makitang magkayakap ito at kaunti na alng ay maghalikan sa harapan niya. Buti na lamang at umalis na ang boyfriend niya at ito na ang tamang panahon para takutin at turuan ng leksyon ang baklang ito.



"Ang sabi ko ang sweet niyo naman ng boyfriend KO" pinagdiinan niya talaga ang huling sinabi niya. Red is his possession. Siya lang ang nagmamayari dito walang iba.


"And that is my problem because?"


"Dahil boyfriend ko siya at ikaw yung walang kwentang baklang best friend niya na walang ginawa kundi agawin ang atensyon niya sa akin!!!!" sigaw niya dito. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib tanda na nagsisimula na naman siyang mawalan ng kontrol sa kanyang emosyon


"Its not my problem if your boyfriend finds you sexually boring" tudyo nito sa kanya.


Bahagya siyang nagugulat sa mga sagot nito. Ang Adrian na kilala niya ay hinding hindi sasagot ng ganito sa kanya. Mas inaasahan niyang magso-sorry ito sa kanya o matatakot. Ngunit ang Adrian na nasa harap niya ay palabang sumasagot sa kanya. Mas lalong naginit ang tainga niya sa mga narinig.



"Bawiin mo ang sinabi mo!" pagbabanta niya dito


"And its not my problem if your boyfriend prefer my ass than your stinky nuts" pagbabalewala nito sa sinabi niya.



Naputol na ang sinulid ng kanyang pagtitimpi at sinugod niya na ito upang sabunutan. Bago pa man humantong ang mga kamay niya sa buhok nito ay hindi na siya nakagalaw nang ang isang kamay nito ay humawak sa leeg niya at isinandal siya sa pader gamit lamang ang isang kamay. Kung lakas ang paguusapan ay talo pa rin siya at mas malakas pa rin ito.



"Bi...bi...tawan.... mo kk..kko" kinakapos sa hiningang turan niya dito. Mahigpit ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg niya.


"Subukan mo ulit kantiin kahit isang hibla lang ng buhok ko... Sisiguraduhin kong hindi ka na makakahinga bago mo pa man magawa iyon.." at pagkasabi nito ay binitawan nito ang kanyang leeg.



Ngayon lang niya nakitang ganito si Adrian. Sanay siyang natatakot ang baklang ito o sunud sunuran sa kanya. Umuubo siya matapos nitong bitawan ang kanyang leeg mula sa pagkakasakal. Nakita niyang lumalakad na ito palayo sa kanya.



"De...De...Demonyo kang ... bakla ka!!!" halos kinakapos na sigaw niya


Sa sinabi niyang iyon ay nilingon siya ulit nito at saka ngumiti ng malademonyo.


"Tama Ka... Demonyo nga ako... Kaya wag mong subukan ang kademonyohan ko"


Natulala siya sa narinig. 


Sa sinabing iyon ni Adrian ay para na rin nitong inulit ang nasabi niya kay Jake noon, "Tama Ka... Demonyo nga ako... Kaya wag mong subukan ang kademonyohan ko"  





Malapit ng lumalim ang gabi ngunit hindi niya alam kung pupunta pa rin ba siya sa alumni homecoming para sumayaw. Sariwang-sariwa pa rin ang sagutang naganap kanina sa kanila ni Adrian.


"Alam ko bestfriend mo si Red pero..." hindi niya naituloy ang sasabihin


"Pero ano?" 


"Pero nagseselos ako!" sigaw niya


"Ano?" 


"Nagseselos ako dahil alam kong una kang naging akin!.. Nainis ako sa sarili ko bakit kita hinayaang maging ganyan" sigaw niya ulit kay Adrian



"Pasensya ka na kung nagkakaganito ako" agaw atensyon niya rito ng makita niyang humahakbang palayo ito sa kanya


Sa huling pagkakataon ay hinarap siya nito at nagsalita bago umalis.


"Pasensya ka na rin kung wala akong oras kadramahan mo"





Kinuha niya ang litrato na nakatago sa ilalim ng kanyang unan. Larawan to ni Adrian. Noong naka-eyeglasses pa lamang ito. Noong sobrang inosente ito para masaktan ng sobra-sobra.


"Sorry" bulong niya sa larawan. Hindi niya namalayan na pumatak na ang ilang butil ng luha mula sa mga mata niya.




It was 8:00 PM. 


Ang maluwag na hardin ay nagmistulang di-mahulugang karayom sa sobrang dami ng mga bisita. Gaya ng inaasahan ay ang mga propesyunal at pinagpipitagang miyembro ng Third Sex ang dumating sa okasyon. At dahil rin sa kulay pink ang motif ng organisasyon ng BABAYLAN ay purong pink ang kulay na ginamit sa mga telang sapin ng upuan at mesa. Kasalukuyang pinaparangalan sa entablado ang mga natatanging tao na nagbigay ng katangi-tanging kontribusyon sa lipunan.



Nasa backstage sila ni Jake. At gaya rin ng inaasahan ay hindi sila nagkikibuang dalawa. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang performance nila. Kinakabahan siya dahil ito ang unang pagkakataon na magtatanghal siya at magsasayaw pa kasama ang matalik na kaibigan niya at si Jake. Ngunit mas kinakabahan siya dahil wala pa rin si Adrian. Hindi maaring wala ito dahil sa kanilang tatlo ay ito lang ang kakanta. Kumbaga ay props lang sila ni Jake sa number na iyon. Iyon din ang naging desisyon ni Director Lee.



"Red, Where's Jude?" tanong ni Director Lee sa kanya.


"Po?"


"Asan si Jude? Magsisimula na ang performance niyo? Hindi pwedeng wala siya"


Hindi pa rin siya sanay na tinatawag na Jude si Adrian. Marahil ay kung tinanong siya kung nasaan ang Moks niya ay nakasagot siya kaagad. 


"Hindi ko rin po alam Direk. Pero wag po kayong mag-alala, Im sure padating na iyon" pagpapalubag loob niya sa Director kahit hindi rin siya sigurado na darating ito.






Ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa paroroonan niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit siya papunta roon. May isang boses na nagsasabi sa kanya na kailangan niyang kumanta roon. Ngunit mas lalong hindi niya alam kung bakit siya kakanta. Basta ang alam niya ay kailangan niya. Kaninang nagising siya sa sakit ng ulo ay biglang lumabo ang kanyang mga mata. 







"And now Ladies and Gentlemen... In line with the celebration of BABAYLAN to honor the people who have a given a lot of contribution for a better society,  BABAYLAN joined forces with the supreme music organization of NorthEast State University, so we give you now the NASUDI " wika ng host sa madlang nasa bulwagan



Nagkatinginan sila ni Jake. Hindi man ito magsalita ay alam niyang kagaya niya ay nagtatanong rin ang isip nito kung nasaan na nga ba si Adrian. Kung hindi man ito darating ay sasayaw na lang silang dalawa o kaya ay pwede na silang mamatay sa kahihiyan sa maaring mangyari. Pansamantalang naisara lahat ng ilaw sa entablado at binitbit nila sa harap ang isang bench na gawa sa plastic. Parte iyon ng props na gagamitin nila sa sayaw.



Nang mailagay nila ang bench sa harap ay umupo sila sa magkabilang dulo ng upuan. Nakapatay pa rin ang mga ilaw sa bulwagan ngunit sa sandaling magbukas ito ay magsisimula na rin ang musika at kailangan na nilang sumayaw.


Moks asan ka na? nagaalalang tanong niya sa sarili



Maya-maya pa ay bumukas na ang ilaw. Napuno rin ng malakas na palakpakan ang buong hardin na pinagdadausan ng kanta. At ilang sandali ay nagsimula na ang musika.


Pumikit si Red nagbabakasakaling sa huling segundo ay makarating si Adrian.




At kasabay ng musika ay ang pagkanta ng pamilyar na boses...






"Closed off from love
I didn't need the pain
Once or twice was enough
And it was all in vain
Time starts to pass
Before you know it you're frozen"





Hindi napigilang mapalingon ni Jake sa kanyang likuran ng marinig na may kumakanta. Sabi na nga ba niya at makakahabol si Adrian sa kanilang performance. Ngunit nagulat siya ng makita ang hitsura nito.


Hawak nito ang mic at kinanta ang unang bahagi ng kanta. Ngunit naka-eyeglasses ito sa halip na eyeliner. Nakasuot ito ng simpleng puting T-shirt at puting pantalon. Wala ang mga hikaw. Ang tanging palatandaan lang sa nakasanayan na niyang hitsura nito ay pulang buhok na sa halip na nakalugay lang sa gilid ay nakaayos pataas gamit ang gel. 








Tiningnan ni Adrian ang dalawang lalaki na nasa entablado ngayon. Ang nakaitim na sando ay si Jake at ang nakaputing sando ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Red. Ipinagpatuloy niya ang kanta.


"But something happened
For the very first time with you
My heart melted to the ground
Found something true
And everyone's looking 'round
Thinking I'm going crazy "

Oooh, yahhh

"But I don't care what they say
I'm in love with you
They try to pull me away
But they don't know the truth
My heart's crippled by the vein
That I keep on closing
You cut me open and I "



Lumapit siya kay Jake at nagsayaw kasama nito. Niyakap siya nito mula sa likuran alinsunod sa steps na itinuro sa kanila. Ipinuwesto nito ang kamay sa tapat ng kanyang puso at iginagalaw na parang gustong tanggalin ito sa kanyang dibdib. Kinanta niya ang koro.


"Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
I keep bleeding
I keep, keep bleeding love
Keep bleeding
Keep, keep bleeding love
You cut me open

Oooh, oooh... "



Habang kinakanta niya ang liriko ng kanta ay parang mga kutsilyong sinasaksak siya ng bawat salita ng awitin. Kasabay ng pagkantang iyon ay bumalik sa ala-ala niya ang mga salitang binitiwan nito.


"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."


"Dahil BAKLA ka lang"





Dapat sana ay lalapit na siya kay Red ngunit pinili niyang ihulog ang mikropono at tumakbo palayo sa entabladong iyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi niya rin nakikita kung saan siya tutungo, ang alam niya lang ay gusto niyang lumayo sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang sakit.



Nang mapagod ang mga paa niya ay tumigil siya sa pagtakbo. Ngunit hindi pa rin tumitigil ang kanyang mga mata sa pagagos ng luha. Pansamantala siyang natigilan ng may magsalita mula sa kanyang likod.



"Bakit ka umalis?" tanong sa kanya ni Jake na hinihingal na rin tulad niya. Marahil ay sumunod ito ng siya ay tumakbo.



Humakbang ito palapit sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ginamit niya ang natitirang puwersa na mayroon siya. Gamit ang palad ay sinampal niya ito.


Alam niyang nabigla ito sa ginawa niya. Siya man ay nabigla rin. Humarap muli ito sa kanya at nakita niyang namumula ang pisngi nito sa lakas ng sampal na ginawa niya. Nagtaas-baba pa rin ang kanyang dibdib sa sobrang pagod.... sa sobrang sakit.


Nagsimula siyang magsalita. 



"Akala ko nasa akin na ang lahat Jake... Akala ko... Akala ko nasa akin na ang buong mundo. Mayron akong nanay. Mayroon akong best friend. At higit sa lahat mayroon isang taong akala ko rin mahal na mahal ako.. Pero tang Ina Jake!!! Tang Ina!!  Kung hindi ko... Kung hindi ko pinagaksayahan ang araw na iyon para sa iyo.. Hindi rin mawawala ang nanay ko... Hindi sana siya namatay. Hindi ko sana pinagpalit ang buhay niya para lang mapasaya ka..." sumabog na lahat ng damdamin niya, ang matagal na niyang itinatago.



Nakita niyang walang imik itong nakatayo sa harap niya ngunit nagpatuloy siyang magsalita.



"Jake...Buong mundo ko pinaikot ko sa iyo, ang daya mo..pinapaikot mo lang pala ako." 


Humagulhol na siya kakaiyak. Ang eyeglasses na nakalagay sa mata niya ay lumalabo sa bawat luhang pumapatak.



"Sorry.. Sorry kung ngayon ko lang din narealize na mali ang ginawa ko... na mali ang naging desisyon ko.. sana mapatawad mo pa ako. Dahil nasasaktan rin ako lalo na at alam kong ako na ako ang naging dahilan ng paghihirap mo.. Sorry na Adrian.. Sorry na hon"


Matapos sabihin iyon ay lumuhod ito sa harapan niya at nakita niyang umiiyak na rin ito.


"Huwag mong ikukumpara ang sakit na nararamdaman mo sa sakit na nararamdaman ko. Dahil nanakit ka lang Jake... Hindi ikaw ang nasaktan! Putang Ina mo!"


Pagkasabi niyo ay iniwan niya itong nakaluhod pa rin sa lupa.




Tumakbo uli siya. At kagaya ng nauna ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Nakarating siya sa isang mas liblib na parte ng eskwelahan. Doon ay umupo siya at ipinagpatuloy ang kanyang pagiyak.



Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Iniangat niya ang ulo at nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.


"Anong ginagawa mo dito?" matigas niyang tanong sa lalaki


"Nakita ko ang lahat. Aksidente kong narinig ang usapan niyo ni Jake. Tulad niya ay humabol din ako"


Katabi niya ang Presidente ng BABAYLAN na si Lloyd Dela Cruz.


Maya-maya pa ay inabutan siya nito ng panyo. Alangan man ay kinuha niya ito ipinahid sa luha niya.


"Alam mo ang buhay.. minsan.. hindi tungkol sa mga taong nanakit sa iyo... kundi tungkol sa mga taong nandyan sa tabi mo sa mga panahong nasaktan ka"


Hindi siya nakasagot. Ngunit patuloy itong nagsalita.



"I always admire you when I first saw you here in the campus. Hindi mo alam pero fan mo ko. Lalo na ng naging miyembro ka ng NASUDI. Hindi ko alam kung ano ang buong istorya mo pero kung nasaktan ka man sana huwag kang mawalan ng pagasa na mabuhay at magsimula ulit" 



Nagtama ang kanilang mga mata. Maya-maya pa ay bumaba ang mga labi nito para gawaran siya ng isang halik. Hinawakan siya nito sa magkabilang kamay. Gusto niyang kumawala dahil nagsisimulang sumakit ang kanyang ulo. 



Ngunit naging mapilit ang mga labi nito



Itutuloy....



You Might Also Like

0 Violent Reactions!

Say anything you want! Rogue Mercado doesnt bite! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Flickr Images